Miss Alarcon’s birthday celebration Nov 9, 2002

Susunduin daw ako ni Dennis between 6-7 pm. Ayos!

Alas siyete, wala pa. Akma ko nang i-te-text kung 22loy pa ba kami, tumawag. Maliligo pa lang daw siya. Tawag ako kay Miss Alarcon (Dr. Aurora Alarcon-Lianko). Ma’am, nandito pa ako sa bahay at maliligo pa lang daw ang date ko, pero darating kami diyan. Hihintayin daw kami.

Ang lakas naman talaga ng ulan! Bumili ako ng camera batteries sa neighborhood Kodak e medyo nabasa ang skirt ko.

Umamin si Dennis. Nakatulog daw siya after tennis, 7 pm nagising. Kaya pala.

Pagdating namin sa bahay anak at apo ni Ma’am ang nagpatuloy sa amin. Kiss sa akin si apo. "Hi, Lolo!" ang bati kay Dennis, he, he!

Si Mrs. Fonacier at mga prep 66 (Rey Dan, Jess Lucas, Liz Plana, Tony Cortes, EQ and Clem Pablo) ang dinatnan namin sa salas. Darating si Ling, sabi ng Nanay niya nang batiin namin.

(Pag nandito na si Ling tayo mag-Christmas Party, ha?)

At sino itong nakangiting bumabati? Si Mila Carreon-Laurel, prep ‘68. Si Henson Laurel na kaklase namin sa English ang napangasawa niya. Si Cynthito (Chingkits) naman daw ang close kay Henson nung nasa Medicine sila.

Nagpapahatid na si Mrs. Fonacier (Tiya Pepang to EQ), at sasabay daw ang ‘greet and run’ na si Mila Carreon. Group picture taking muna. Buti abot na abot kami ni Dennis. Anak ni Miss Alarcon ang photographer.

Si Liz na ang pilit nagpakain sa amin. Mas interesado akong makasagap ng tsismis, kaya kumuha lang ng konti (kare-kare, embotido, pancit) at naki-umpok na sa mga nagkukuwentuhan about Rome and the canonization of the latest saint, Josemaria Escriva. Kagagaling lang doon ni Miss Alarcon.Pati rin si EQ at si Clem. EQ, kilala mo ba si Camilo Reyes II na prep 65? Kagagaling din niya sa Rome. Ang dami raw tao, tatlong milyon.

Si Dennis at si Tony Cortes, kopyahan ang pinag-usapan (Si Tony ang nagpakopya kay Dennis ng ano na nga?)

Kami naman ni Clem, travel. Pang-ilang punta mo na ba yan sa Italy? Pang-lima na, nakakasawa na nga raw ang Rome. Di pa ako nakakapunta sa Europe, pero ang pangarap kong marating ay Florence, sabi ko. Ay, parang sinusian si Clem. Most beautiful place in Europe daw ang Florence. Nagkasakit nga lang daw nang 4 days si EQ and she had to entertain yung two couples from DPWH na kasama nila kaya di siya naka-Florence. Nang nag-aaral daw siya sa Europe, she went to Florence every chance she got.

Na-mention ni Miss Alarcon sa umpukan ang Sistine Chapel. Natawa si Clem. Tanong daw sa kanya nung taga-DPWH, "Ma’am, ano ho ang nakikita sa Sixteen Chapel?" Ngi!

Maganda rin daw ang Prague, dagdag ni Clem. Ay, oo. Sa dami ng mga cards and postcards na ipinadadala sa akin ni Ataboy from all the places she had been to, familiar na ako sa mga sights ng Europe kahit di pa ako physically nakakapunta! At kung saan papunta o kung saan nandon si Ataboy, nililibot ko rin ang lugar by browsing on the Net. ( Yung Moscow yata ang di na nabuong kuwento, Ataboy!)

Ang asawa ni Dennis, ambassador ngayon sa Greece, sabi ko kay Clem. Si Ruth Morales? Hindi. Si Lulu Gutierrez-Morales. Kilala pala nina Clem si Ruth Morales, pinsan ni Dennis. Iyon ang nag-tour sa akin sa Toronto, ani EQ. Ruth and her hubby, Angel, love their dog so much they treat it like a child, like we do our dog, potter, dagdag pa ni Clem.

Sa Pilipinas, ano ang puwedeng ipakita sa bisita? At a loss nga raw si Clem. Maganda sana yung mga festivals, kaya lang di mo mabigyan ng magandang puesto para manood ang bisita.

I mentioned yung mga trips ko with the Federation of Philippine Photographers. Ganoon sana, may access pass.

Laguna Bay loop na siguro ang pinakamagandang libot near Metro Manila.To include Makiling National Park, Pagsanjan, Nagcarlan, Paete, Angono. Yung Pahiyas on May 15 in Lucban, okay din, Clem.

Kinukulit ako ng apo ni Ma’am. Kinuha ang hairpin sa buhok ko, at pilit pinapakuha ang suklay ko, at susuklayin daw ang buhok ko. "May kuto ka!" Sabi pa sa akin, at aalisin daw niya. "Wala akong kuto.", sabi ko. Ipinipilit, meron daw. He, he, he! Kuto pala sa kanya yung puting buhok!

Aba e baka ako makalbo kung kukutuhan niya ako!

Nagpapaalam na sina Ray Dan, at sasabay na rin sina EQ, Jess, at Liz. Pero eto, dumarating si Guilly, with a huge pot of roses! "I will remember this for a long time!" exclaimed Miss Alarcon. But of course, picture taking uli kami! Nasaan si Lily? May meeting daw with Pat Sto. Tomas.

EQ, yung UPIS Alumni Homecoming on December 14 ang i-push natin para magka-reunion ang mga prepians, ha? Sige raw.

Natanong si Guilly about his flower business (no flower shop, kasi panay delivery naman) as well as paano i-prolong ang buhay nung roses ni Ma’am. Talagang 3 days lang ang roses. After that, send another arrangement na!

Napagkuwentuhan ang strokes and heart attacks. Ni hindi pala alam ni Guilly na na-heart attack siya nung December. Si Dr. Bravo, husband ni Lulu Carandang-Bravo, prep ‘64, ang doctor niya.

Miss Alarcon then took us on a virtual tour of Europe. Rome, Florence and Loreto in Italy and Lourdes in France ang main destination points. Magaling na tour guide si Ma’am, very organized ang presentation. Sequential dun sa photo album, tapos may cross reference dun sa mga ibang pamphlets. May punta pa sa bedroom to get the souvenirs.

Ma’am, kami binigyan ni Debbie ng rosaries from Loreto, o. I took it out of my bag to show her.

Ang makulit na apo, kinuha ang camera sa bag ko at pinagkukuhanan kami ng pictures. Steady naman ang kamay, tingnan na lang kung in focus ang mga subjects. Ang bilis ngang mag-shoot!

Si Guilly traipsed through Europe daw in his twenties.Kami ni Dennis, pareho pang di nakakapunta sa Europe.

 

Ang makulit na apo, inilagay pa sa bag ko yung Lourdes souvenir ni Ma’am, buti naalala ko nung uuwi na kami. 11 pm nag-signal si Dennis. Ma’am, uuwi na kami at baka maunahan pa ako ng Tatay ko sa bahay.

Naunahan nga ako ng Tatay. Si Dennis, hinahabol naman ang phone call ni Lulu.