Petron Stockholders Meeting: July 29, 2002, Midtown Ramada Hotel


Tinawagan ko si Ruth the night before. Di daw sila pupunta ni Ella. Ako, depende sa weather.

Ku, kaganda naman po ng panahon kinabukasan. Nag-taxi na ako para di pagod. Medyo rin na-traffic sa Sta. Mesa, pero okay lang, nadaanan ang former office (Census), ang Nagtahan, ang NFA Metro Manila Office, Philamlife In UN Ave., marami agad pleasant memories. Nakarating sa Midtown at 8 am.

Maraming usherettes ang Petron to guide the guests to the 2nd floor ballroom. Wow, para palang fiesta sa dami ng tao! From all walks of life.

Register muna. Claim ng souvenir mug, ganda! Tingin sa exhibits. Maraming mabibili, T-shirts, payong, backpacks, desk accesories. Mahaba ang mga pila. Nag-order nung cute na coin bank na Petron Gasul mini-tank, a Tulong-Aral project of the Petron Foundation. Award winning yang foundation ninyo, nababasa ko sa newspaper, sabi ko sa taga-Petron.

Hanap kay Wilma sa Secretariat. Wala pa. Iwan ng note.

Nagtatawag na to go to the ballroom. Teka lang, kain muna ng refreshments. Kahit ilang kuha, puwede, hangga’t di pa ubos, sabi ng waiter.

Pasok na sa ballroom. Took front row seat, puwede raw. Maya-maya, pinalipat ako sa second row. Para dun sa mga taga-Petron lang daw pala yung front row, apologized the usherette.

Nagdatingan na ang mga bigwigs ng Petron, nagsiupo sa stage. Ni-match ko ang names with the info on the Annual Report. Yulo, Gothong, Campos are big names on the Board.

The meeting started promptly at 9. Entrance ng colors, UP Rayadillo.

Approval of the minutes of last year’s meeting pa lang, may makulit nang stockholder na nag-object. Nalimutan ko na kung ano ba yung objection niya at kung ano ang pangalan niya.

Nag-report ang President. (Si Wilma siguro ang sumulat nung report na iyon.) May emphasis on the win-win situation about the Pandacan depot.

Yung open forum after all else was done ang pinaka-interesting!

Marami yung questions about availment of the credit card.

And about the non-receipt of the dividend check, na kasabay daw ini-mail with the Notice of Meeting. Ako rin, di ko nakuha, I told the friendly Petron executive in front of me.

May comments about the conduct of business of Petron gas stations in locations such as Batangas, Bicol and Quezon. About gasoline pricing, cleanliness of restrooms, change oil charges, etc. And how come new players can sell at lower cost? Iba daw ang quality, lusot nung Marketing. Same performance, sabi ng stockholder. In the long term, hindi, insisted Marketing.

Yung isang ale, ni-question ang pagka-fulltime ng chairman sa Petron. How can you be fulltime in Petron when you work in 24 other companies?

Ang matinding question, ipina-e-explain bakit under Miscellaneous lang yung amount na 319 million, kung interest charges ba iyon?

Magaling magsi-sagot ang mga nakasalang sa stage.

Lumabas ako sandali. Wow, puno pala ang ballroom, may mga nakatayo pa sa likod. Marami pa ring tao sa labas. Di pa ako nagtatagal nakabalik, eto na ang note ni Wilma: "Nakita na kita. Hintayin mo ako diyan pagkatapos ng meeting."

Natapos ang meeting. Tinanong ko ang pangalan nung nasa unahan ko. Binigyan ako ng calling card. Eto na si Wilma, naka-Ultron black T-shirt. Sama daw ako sa kanila.Kung ipakilala ako ay yung kaklase niyang tsismosa, alam na agad nila kung sino!

Ang pagkain para sa Petron employess, ibinigay na raw for the stockholders. Pero ipinakuha ni Wilma ang share ko dun sa isang usherette, para di ako pumila. Ipinabalot sa isang waiter dun sa room na dapat sana kakainan namin.

And then we all walked to Fridays. Blow-out nung dati nilang boss, si Ruben. Katakut-takot na reminiscing during their early days. Akala ko nagtatrabaho kaya late umuuwi, iyon pala, nagliligawan na raw sina Eddie at Wilma! Naku, ha, pakisulat nga ang details ng love story na iyan! Hindi ko yata iyan alam, ha?

Ang Ruben daw, slave-driver. At yung anak nitong si Eric ay tangay lagi sa overtime dun sa office. Istorya: one time daw, pagdating ni Ruben sa bahay, tanong ng wife niya: "Nadaanan mo ba si Eric?" Sagot: "Sino’ng Eric?" O e di binalikan niya ang anak niya sa school! Hosme.

Yung isang teammate ni Wilma, prep 71 pala, si Francis Onate. "Si Andy Bernal ang ka-email ko sa batch ninyo. Kapatid ni Dante Torralba si Efren, at ni Dolly Fonacier si Ling." Pati yung mga nasa Hawaii, si Boogle at si Manny Valbuena, napag-usapan namin.

Mag-absent ka na lang, sabi ni Wilma. Oo na nga, kahit naka-office uniform pa ako.

Parang reunion till one person brought them back to reality and discussed Marketing.

Di nagtagal, nag-disperse na. May dagdag akong bitbit, yung pasta na in-order at di na nakain kasi ang laki nung serving ng lunch na pinaghatian na nga namin ni Wilma.

Dun na kami naghiwalay sa Robinson’s. Sabi ko, better ako via Quiapo, di pala, kasi ang traffic dun sa Quiapo bridge, may pagkahahabang poste na nasa isang lane.

Dumaan na rin ako sa office. Alas-tres na. Correct Decision. Kasi nagka-sunog pala sa Annex ng building namin nung Saturday. Ang daming refugees. Isang office ang naka-evacuate dun sa training room namin. I listened to the first person account of our computer operator who was sleeping in the stafffhouse at the annex building when the fire broke out. Salamat sa Diyos at ligtas lahat sila, although one person had a broken bone, kasi lumundag from the second floor.

Ang aking mga bitbit, na-donate sa refugees.