Reunion at Ella's Home to welcome Christine and Debbie: August 2, 2002


Debbie with her BMW

 

Attendance: Zeny K., Girlie, Christine, Loida, Ruth, Debbie, Ana B., Felix, Benjamin, Dennis, Luis, Dexter, Tessie, Vivian, Pat, Franklin, Joemelo, Wilma, Ericson plus the family of Zeny K and the family of Ella's daughter.

Ang ku-cute ng mga apo ni Ella, at ang youngest, si Cedric na 8 months old ay ini-match na ni Girlie sa kanyang magandang apo na si Bianca Ysabel. Kung wala mang maging mag-balaeng prep 65, magkakaroon naman ng mag-lola-balaeng prep 65!

Maraming bote ang pinag-tagayan namin kina Ella last Friday. Kaya yata ang gulo, kasi na-high lahat.

Pagdating ko pa lang doon (I rode with Ernie Dimalanta from Makati), napakain na agad ng siopito (miniature siopao) na gawa ni Zeny K. Naka-dalawa agad ako. Tapos may inihain na bagong luto na crispy fried baby pusits dipped in spicy vinegar. Kahit ano'ng paalala kay Christine na ma-cholesterol iyon, banat pa rin kami, ang sarap. Naku, di dapat mabusog agad. Nanood ako ng paghiwa ni Ella ng morcon. Naks! Electric knife ang gamit.

What we ate at Ella's:

Appetizer: sushi with avocado, mango, cucumber,crabsticks and tuna with homemade wasabe (na akala ni Debbie e avocado nga, nakinig ba naman sa mga sira ang ulo!)

Soup: sukiyaki (ang sarap!)

Na-mention ko na yung morcon. In addition,

prawns with mixed stir-fried vegetables

chicken in teriyaki sauce

2 steamed huge lapu-lapu in lemon butter olive oil sprinkled with walnuts and wansoy

(na tinik na lang ang naiwan, kasi pati mga ulo ay napugot!)

Ang desserts ay puto,pichi-pichi, buco-fruit salad, food for the gods, mocca chocolate chip squares, and fresh fruits (to die for ang tamis ng mga mangga!) and Felix brought dragon fruit for us to taste.

Ang mga pinagtagayan ay various red, white and sparkling wines, pati na yung 'cough syrup' na dala ni Ericson. Tikim lang ako nang tikim, tutal doon kami matutulog at puwede akong malasing!

Si Ella lang ang nag-apron ,kasi siya lang daw ang nagluto. Pero teka, si Zeny K ang nagdala nung siopito, sushi at pichi-pichi yata.

Masarap din ang kape doon, may itinulak pang chocolate chip cookies yata, kaya lalong YES na doon na ang future gatherings.

Ang saya-saya, ang gulu-gulo, ang ingay-ingay ng reunion kina Ella. Sa patio ginawa, sisksikan kami doon, isang rectangular table lang, may second row pa. Kaya intimate talaga at husto ang alaskahan. Tapos wala pang nagmamadaling umuwi, kasi malalapit na lang ang mga bahay nila. The food was good and more than enough, and the drinks flowing, too. Panay nga ang toast, e.

 


Tinawagan ako ni Ella Friday morning. Puede raw akong sumabay kay Ernie who leaves Makati at 5 pm. Ayos! Left the office at 3:40 pm, took jeepney to Kamuning, bus to Ayala, walked to Ernie’s office and was there promptly at 5 pm. We left Siemen’s at 5:15 pm. Maraming kuwentuhan sa daan, di ko napansin ang traffic. We talked about his job, his NAIA Terminal 3 security contract, their travels, his children and grandchildren, and his best friend who died last Monday. Sa BF Homes kami na-traffic. Took us 30 minutes from the gate to their house. Gaano kaya katagal kung nag-tricycle ako from McDo, as originally instructed by Ella?

Tapos na ang dancing, pinakakain na ang DI, maliligo na ang mga dancers, nang pumasok ako sa bahay. Beso-beso with Christine. Tuloy sa kusina, kasi gutom na. Busy sa pagluluto si Ella. Ayaw magpatulong sa neophytes. You may watch, but cannot touch. Type ko pa naman sana subukan yung electric knife na ipinanghihiwa ng morcon.

Inalok ako ni Zeny K ng siopitong gawa niya. Sarap. Naka-dalawa ako. Iwanan mo sa ref yung isang latag, para meron pa kami bukas, bilin ko.

Ops, di sana dapat mabusog, pero eto na ang isang bowl of crispy fried baby pusits. Dinala na namin sa patio, pati ang spicy vinegar na sawsawan. Ma-cholesterol, saway ni Girlie kay Christine. No matter, may gamot naman, di ba?

Sumimple akong umakyat at mag-rest sandali habang hindi halatang nawawala. Si Debbie ang nasa room, nag-aayos.

Ang mga manonood daw ng sinusubaybayang ‘Pangako’, napako na sa tsismisan.

Pinanggigilan namin nang husto ang cute na mga apo ni Ella. Ini-match na ni Girlie si Cedric (8 month old apo ni Ella) for her magandang apo, si Bianca Ysabel. Cute din si Cyril pero di tumatawa to show his dimples, mali daw ang gising. Ala-Myriam Quiambao ang poise nung 9- year-old ate ni Cedric.

Nakipag-banter ako with Midge, Zeny K’s eldest.

Kainan na. Inihain ang sushi. Napaniwala si Debbie ng mga ulol na avocado yung home made wasabe sauce. We tried one of each kind, mango, avocado, cucumber. Di dapat mabusog, marami pang putahe.

Tayo na at lusob sa buffet table. Konting soup muna. Sarap ng sukiyaki ni Ella. Balik for the main dishes. Tig-konti of each lang. Mahaba pa ang gabi.

Pagkakain, tumayo na ako para subukang sundan ang mga kaganapan. Ang gulo.

Aba si Luis, maaga. Iba talaga pag si Debbie ang andito. O, si Christine, di mo yata nakilala.

Kilala ko iyan! Di ba, Christine Foz? Deborah Ledesma? Ana Urbina? Tawanan!

Lalong riotous pagdating nina Dexter at Tessie. Gutom na kami, they declared. Naligaw daw sila. Nasabihan pa ako na dapat ON lagi ang celfone. Tahimik sila habang kumakain.Later, kinuwento ni Tessie, nang hingan daw sila ng ID ng BF Gate guard, ini-frame ni Dex ang mukha with her hands and exclaimed: "Galing pa kami sa Quezon City, papasukin na ninyo kami!" He waved them on. Ready din sila ng sagot pag nasita about not wearing seatbelts: "Napipipi daw kasi ang boobs nila!" Talaga naman!

Sino na nga ba si Vivian Foz? Artista siguro, pero si Dex ay nakantiyawan nang husto dahil ang bati pala niya kay Christine ay, "Hi, Vivian!" Pinsan ko iyon pero hindi ako iyon, dagdag pa ng Christine. Na-reminisce pa nung sabay silang umuuwi pa-Kamuning.

Ang ganda ng kutis mo, Dex, bati ni Luis. Ano ang sikreto mo? May boyfriend ka ba? Hindi, nagpapa-facial daw siya kay Ellen’s. X deal. Naka-advertise ang Ellen’s sa daily show niya, hindi siya sinisingil ng P1000+ for the facial. Ano’ng daily show? Sa Channel 7, "Sana ay Ikaw na nga", katapat daw ng "Pangako" ng Channel 2. Ano’ng role? Siempre mayamang Nanay na nang-aapi ng bida. Hindi bagay sa iyo ang role na Nanay, hirit pa ni Luis. Observant talaga si Luis. Pati yang suot mo, uso iyan noon, balik na ngayon. Sagot ni Dex, "Oo nga, ang hirap pagkuha ng pagkain, sumasawsaw." (May bias ruffles sa cuffs.)

Nang dumating sina Franklin, si Pat naman ang binabati ni Luis ang magandang kutis. Kaya na nga raw ba naku-kuryente eh.

Gusto nang umuwi ni Christine, kasi solo driving siya from Valle Verde where she will drop off Ruth and Girlie. Kaso nagpapahintay si Ericson.

Ay, performance pa nga pala ng Apron Quartet. Si Ella lang daw ang nagluto, kaya siya lang ang susuot ng apron, pero buo pa rin ang chorus line nila. Si Joemelo ang tumugtog ng "New York, New York" na accompaniment sa piano. Anim ang bago sa audience, exciting! Yung mga may Italian connection, unimpressed! Unbeatable pa rin ang entertainment by the Apron Quartet!

Pagdating ni Ericson, siempre may joke. Sample: yung isang matanda, Lola na pero derecho pa raw ang boobs. Ano’ng secret? Ini-muestra kung paano lumakad si Lola. Nakayuko pala.

Nagbalot ng mga bitbit ang mga unang aalis. Ikuha mo ako ng pichi-pichi, bago balutin, requested Pat. Hindi babalutin, ililipat lang ng lalagyan, ani Ella.

Sila lang ang aalis. Lahat tayo maiiwan pa, ha? Pinipilit pa nga si Christine na huwag muna umalis at susundan na lang ng car nina Franklin all the way home. Ayaw.

May dalang bote si Ericson. Tinagay. "Cough syrup", ani Dex. Isang buong istorya na yung pagpunas sa mouth ng bote before or after a lagok of "cough syrup". Maraming tawanan rin iyon.

Umaga na pala. Uwian na, pero, concert daw muna. Si Debbie at Joemelo, pinatutugtog. Lipat sa living room ang lahat. Kinuha ko ang pictures ni Debbie with her red BMW sa bedroom. Sus, ang ingay, parang 50 people ang nasa salas. (Tama nga siguro yung sabi nina Tesssie na parang 100 people ang ingay as they approached the house.) Passed the pictures around while Debbie was at the piano. Siempre, wow sila! Natugtog ang Michel Legrand’s "Summer of ‘42".

At saka "The Way you Look Tonight". Nagkantahan pa sa ibang selections ng "My Fair Lady".

Kailangan daw ng tuning nung piano, pero di pinatulan ni Ella yung P6000 fee kasi pinaglalaruan lang iyon ng kanyang mga apo.

Nagsakayan na sila sa cars, ginanahan pa si Debbie tumugtog ng "I’m getting married in the morning" at ipinahabol pa ni Joemelo ang "Ascot Op’ning Day".

Iniwanan ko pa si Ella at Debbie sa salas. Mag-aalas-dos na iyon. I checked messages on my phone, oo nga pala, meron from Dex asking for directions.

Nagkuwentuhan pa kami ni Debbie till 2:30 am.

 



 

Uunahin ko na ito, kasi hindi alam ng lahat:

Debbie and I slept in Ella's guestroom at 2:30 am. And so, 9:30 am kami nagising.

We had breakfast at 10 am. Papaya, mangga, puto, suman, siopito, ensaymada, coffee and juice. Busog talaga.

Nagtingin ng photo albums of the recent trip to North America. Nag-picture-taking sa bahay ni Ella. Pati sa garden.

Inilibot nila kami sa Alabang Town Center, ang ganda pala doon. Marami kaming posing, mga turista kasi. Naka-shopping si Debbie ng bathrobes.

Drive na to Makati. Billie Holiday ang background music. May na-mention si Ella na singer (Rowena?) sa Calesa Bar who took time to learn "The Way You Look Tonight" so that when they went there again, without them requesting, she sang and dedicated it to them. Added Ernie, puwede raw pumunta doon sa Calesa Bar si Debbie, pero dapat mag-check-in. Saan, sa Hyatt? Hindi, sa Kalaw Hotel.

They dropped us off sa Greenbelt. They will proceed to the funeral of Ernie's best friend.

Pareho pa kaming busog ni Debbie, so National Book Store muna. She got a book.

Then we had lunch at Via Mare. Pancit luglug and halo-halo. Sarap!

Kuwentuhan. ang pinag-gagagawa ni Debbie, nanonood ng English movies on video. Kasi sa kanila, panay dubbed in Italian ang available. Kung minsan nga raw, isang tao lang ang nagsasalita for several characters of the movie.

She intends to stay in the Philippines 3 months out of every year, later, but will continue to stay most of the time in Europe for the culture activities. She cannot stand the too hot weather of our summer din naman.

From Via Mare, naglakad-lakad kami sa Greenbelt Park, kaso umulan. I managed to take one picture of her with the lagoon as background. Then we went to Rustans' Filipiniana, and SM Filipiniana, then up the third floor of SM to the MRT Ayala Station. At the platform, waiting for the train, may agwat kami habang nag-uusap, may mamang tumayo between us. Sinabihan ni Debbie, in her malambing na salita: "Diyan ako, e." Natawa ang mama. Lumayo konti.

Naupo si Debbie, pero nakatayo muna ako, sa MRT. Ako ang tour guide. Hindi pala familiar si Debbie sa EDSA. Highway 54 pa ang alam niya.

We got off at Quezon Blvd Station. Sa taxi, habang traffic, we reconstructed the site in her mind. Pati driver, nag-contribute. JD at DM buses daw ang sinasakyan noon pa-UP. Paano na nga ba pumupunta sa Cubao from UP?

I got off at National Book Store in Quezon Ave.

 


 

Kalaw Hotel:

What caught my attention dun sa bahay nina Ella:

the refrigerator magnets, a record of all their travels.

the keychains hanging on a wall keyholder, another record of travels. Sa landing ng stairs ito.

a composition of lovebirds perched on a pine tree branch with cones near the entrance (ipinasadya raw ni Ella)

Ang ganda ng bahay nina Ella. It lets the sunshine in.May miniature garden all around. Dun kami sa intimate patio nag-dinner at nag-saya.


Tinawagan ako ni Ella Friday morning , puwede raw akong sumabay kay Ernie who leaves Makati at 5 pm. Ayos! I was at his office in Siemens promptly at 5 and we left 10 minutes later. Very interesting pala ang work ni Ernie. He heads the Security Division of Siemens. Kontrata daw nila (P70M) yung security system of people in the soon to be opened Terminal 3 of the Manila International Airport. Iba pa pala ang security system for cargo. While we were on our way, he received a call from his Indonesian boss who is based in Jakarta. Required daw sila to keep their Siemens celfones ON 24 hours a day.

Debbie mentioned to me that the best friend of Ernie died and so they have to be at the funeral Saturday afternoon. So I asked him about that too. Tatlo lang silang best friends, magkakaklase since 1965. One is in Seattle (binisita nila ni Ella recently), and the one who died who is from Mandaluyong. 2nd stroke daw iyon na ikinamatay at age 55. 7 daughters daw ang naulila. Nung birthday niya, July 31, nasa wake silang dalawa ni Ella. Last May daw sila huling nagkita nung namatay na friend.

Masarap kausap si Ernie, hindi ko napansin ang traffic. He also talked about his two batches of grandchildren sa daughter nilang si Patricia. And also about their travels where he long drives, pero si Ella ang nag-de-decide kung saan sila pupunta.

Pagdating namin sa bahay, tulong agad siya kay Ella pag-ayos nung patio, assembling the tables, arranging the chairs, ganoon. Ang bait ni Ernie!