Prep 67 Coral Reunion Dinner at Manila Polo Club: December 28, 2002

To view fabulous pictures taken by Macky, click on:

 http://208.219.248.111/UPPrep67Coral/index.html

 

Smart casual lang ang required attire, so nag-jeepney to the GMA station, nag-MRT to Ayala, at nag-jeepney to the Manila Polo Club. Naglakad from the gate. Aba, tila kalayo yata. Nasa kalahatian, tumigil sandali at humihingal na. Parang di ganoon kalayo ang tanda ko nung may mga meetings ang prep 65 dun, planning for our 30th reunion in 1995. Hay, matanda na talaga.

Nakarating din. Bababa ng isang flight of stairs to McKinley Room, their venue.

Sa corridor, nakasalubong ko si Leith with another classmate. "Leith!", bati ko. Kumustahan at beso-beso. "Si Ana ako, kapatid ni Edgar." "Kasama mo siya?" "Hindi, ayaw e." Nakibeso-beso ang kasama. Tinitigan ko. "Georgia!" Tawanan. "Bakit di sumama si Edgar?" "Baka di niya alam kung saan sa Dahlia, Lily or Zinnia siya mag-re-register!" "Wala namang ganun!", protested Georgia.

"Teka, may kukunin lang kami. Punta ka na sa room. Nandun na si Arlette."

Nag-suklay muna ako sa restroom.

Dalawa ang doors ng McKinley Room. Walang registration secretariat in both. Saan kaya ako magbabayad?

Sumilip ako sa right door. Ops! Cables, and a table very near the door. Naka-porma na ang Hailstones sa front. Buffet table sa left. Low-ceiling ang room. Aha! Ayos! Intimate. Pasok ako. Tumutugtog na ang Hailstones. Nakatalikod si Arlette sa pinto, so kinalabit ko siya. Ipinakilala ako sa mga ka-table. "Mitos!" Beso-beso. Si Lea of the Olive Oyl figure noon, di ko makilala ngayon! Nakiupo na ako sa table na iyon. Nakipag-kamay kina Alfredo Trias at Jack de la Cruz.

May lumapit sa akin, tinitigan ako, hinawakan ang mga kamay ko, at ang sabi: "Kilala kita. Nakita ko ang picture mo kanina. Nag-review ako. Agnes?"

Isa pa. "Dahlia ka, ano?" "Oo." Titig uli. "Azucena rin ako!" Confused na talaga. Mapapasubo ka, di natin iyan kaklase, warned Lea. E kaso, tinawag ako ni Georgia from the other side. "Ana!" Buko.

It’s my turn na hindi maka-name ng names. Siya daw si Tere. O, dumating ba ang silicon? Ay, wala pa nga pala si Judge. Nandito na. Ayun. She pointed. Nag-e-email-an tayo, sabi ng kasunod. Sus, si Cynthia Trinidad. Looking very chic.

Tumawid ako ng dance floor to get to Judge.

Na-traffic muna ako sa table nina Leith. Pag sinabi naman ang pangalan, recognized ko na agad! Daisy Lavilles, Doris Mendoza. Precy. Priscilla Pelaez Tay (as in Tatay ang pag-pronounce ko, which she corrected. Tay as in stay pala.

Finally got to Judge. And Wackie, who handed us the souvenir keychain. Si Nimfa, tinatanong ang ka-phone pal niyang si Edgar. Elvira Lim. Bernie Bantegui. Cynthia Pascual. Lydia, kapatid ni Jimmy na ka-batch ko. Carol. Si Gary Isleta. I remember the little boy, not this malaking tao! At di ko agad nakilala si Mulong, na lumapit sa amin.Nawalan ako ng time isa-isahin ang mga boys, kasi nag-umpisa na ang program.

Si Precy ang nagsasalita. Singaporean accent na siya. She was mentioning departed classmates and teachers. Jose Perez, di ko iyon alam. Si Cynthia Galvez, oo.

Bumalik na muna ako sa table namin.

Nag-welcome address si Rolly Cabilao.

Nag-speech si Gary Isleta. Nagbigay ng recognition awards sa classmates. Nasa States na si Joscelyn, na-miss ang reunion, pero ni-recognize pa rin ang work niya with the UPIS Foundation. At ang work ni Carol for the Coral reunion. Naks, Carol, Coral reunion. Parang may poetry pa iyon!

Dumating ang mga teachers, Miss Alarcon and Miss Cortes. Ibinigay nina Bernie ang best seats nila.

Nagsalita rin si Mulong. Mas mahaba pa sa speech ni Gary. Pinapa-time out na ni Cynthia, ayaw paawat. He was pushing for involvement in the UPIS Handog that Mark Anthony Javier presented to them in New York.

Buffet dinner ang next number. Kasunod ako ni Miss Alarcon sa pila. Naks, Ma’am, ha, pag younger batch pala, you show more skin! Hinila ko pa konti yung collar ng dress niya. Panay daw kasi formal yung damit niya, iyon ang hindi, tapos medyo uso pa.

Hindi muna ako kumuha ng pagkain, kasi pinapakinggan ko sana ang mga sinasabi ni Elmo tungkol sa bakawan (mangrove). Interesado rin ako sa hula. Nilapitan ko siya after, at sinabi kong nanghuhula rin ako using Tarot cards. Elmo, kelan kita huhulaan? Tuesdays and Fridays lang ako naghuhula.

While having dinner, isa-isang tinawag for a few words ang mga overseas classmates. Siempre hindi few ang words ni Mulong. Inulit lahat yung sinabi sa akin sa New York nung 1999. Number 11 siya, pinakamagaling sa mga bobo. At the feature that never was sa Scroll. Etc.

Si Precy, 27 years na sa Singapore. Ginaya ni Mike ang Singaporean accent."I’ve been in Singapore for the last 24 years."

Siya raw ang 24 years na, sa Japan, sabi ni Leith.

Hindi ko maalala kung nag-name names ang nag-piyansa ng classmate sa USA.

Bakit na nga ba boss ninyo si Carlos Venegas, Steve and Manny?

Doris said she used to sing for the world, now she sings for the Lord. May poetry din iyon.

Interesting ang story niya about studying in MSU and Dr. Isidro buying drums for her. She came back for Medicine in UP. Now she practices in Iloilo.Mulong took her around daw. Naligaw yata sila sa traffic, isang stateside at isang promdi.(May kuwento pa pala siya na kung hindi dahil sa pagsama sana niya sa isang band, baka hindi #11 si Mulong sa class standing.)

Naka-block sa view ko yung malaking poste, kaya di ako fully concentrated sa talks. Mali na yata ang sequence at kulang na ang enumeration ng mga nagsalita.Pakidagdag ang kulang pa.

 

 

At 9 p.m., pinatigil na ang mga little speeches, dahil concert na ng Hailstones!

Naka-ilang tugtog na, wala pang sumasayaw! Inay, may arthritis pala ang mga boys! E di kahit girl to girl! Hindi raw, kasi ganun pa rin sila, naghihintay isayaw ng mga boys. Kahit obviously yugyog na yugyog na! Ngek! Katagal po mag-thaw ng ice!

Mulong, isayaw mo si Miss Alarcon, alam ko sumasayaw iyan.

Nung una, maluwag na maluwag ang sayawan dun sa dance floor, pero later, iniusog na namin ang table nina Miss Alarcon na nakakasikip dun sa dance floor!

Easily the most romantic pair dun sa slow numbers sina Diana at Isauro. Close second sina Georgia at Bernie.

Kung tipong conscious ka, medyo nakakailang sumayaw, kasi sa swarm ng papparazzi.

Jamming daw with the band. Uy, mga pakipot. Sige na, bihira ang minus one na live band, urged Ed Umali. Natawag si Leila. Sumali ang mga iba, prompter ng lyrics ng mga kanta.Nasalang sa drums si Doris. Si Mulong na-promote na sa electric guitar. Ayos!

Tuloy ang sayawan. Kaya rin pala ng Hailstones ang Elvis Presley danceable hits. Sino na nga yung visibly kinilig nang maisayaw ng high school crush niya? Out-boogied ni Miss Alarcon ang mga prep 67. Kapanahunan yata niya si Elvis!

Dumating pala ang crush kong si Joey II (anak ni Joey Mundo), pero antok na, hindi ko na naisayaw!

Nalagot ang kuwerdas ng guitar ni Lee. Inayos.

Aalis nang mas maaga ang teachers. Call for picture-taking muna. Kumakanta pa rin ang lahat habang kumukuha kami ng pictures, kaya ang gaganda ng expressions ng mukha at nangaka-nganga.

Hailstones concert uli. Bilib na bilib ako sa kanta ni Lee ng Mr. Moonlight. Siguro lalong ganado kasi nandoon ang family niya, pati nga apo.

Jamming uli. "Traces", nadinig ko. Aantukin tayo niyan, bulong ko sa katabi ko.

Panay ang shoot ni Carol para ubusin yung films ng mga idiot cameras provided in each table.

May time limit pala ang Manila Polo Club, hanggang ala-una lang.

O, Auld Lang Syne na. Nag-form ng linked semicircle. Pumuesto ako para kumuha ng pictures, pero na-draw na ako ni Mitos sa naging circle na nga. Emotional na ang goodbyes, naka-ilang rounds yung kanta ng Auld Lang Syne, ayaw tumigil, pati ang swaying. Si Leith, maluha-luha na.

Nang mag-break-up yung circle, hugs all around naman, sali rin ako.

Siguradong may kasunod na reunion agad itong prep 67!

----------------------------------

Eto yung interview ko kay Mulong nung 1999:

 

Featured Guest: Romulo Manlapig, Prep '67

I met Mulong at the Philippine Consulate when we had our New York Spring Reunion in May, 1999. Medyo mahaba ang naging usapan naming tatlo nina Ling at Melody, habang kumakain ng Filipino food lunch na blowout ni Melody on May 25 to celebrate her birthday.

Mulong married Ester Yenko, Vic Yenko's (prep'66) sister.
One of his talents is playing the guitar.

I was shocked to learn that Mulong is not enthusiastic about being reunioned with his classmates, unlike us na talagang baliw sa reunion. Iyon pala, may mga tampo daw siya sa klase nila at sa Prep in general:

1. #11 daw siya sa klase, hence, pinaka-matalino sa mga bobo
2. na-interview daw siya as Featured Personality for The Scroll, kaso hindi naman daw lumabas yung issue.
3. si Alvin Cachola ang piniling Math Student of the Year at hindi siya
4. ang hindi pa niya inaasahan ang siyang nangyari: naging Orator of the Year siya.

Romulo Manlapig got into Everlasting because he had very high grades in religion sa San Beda.