INSTITUSYONG PILIPINO 100 Book
Rebyu
ng:
Istilo
Ko:
Rizal
Romantik
(Mga
Tala
ng
Pag-asam
at
Pag-ibig)
“Sino
ka
ba
Jose
Rizal
Sino
ka
ba?…”
Ito
ay
isa
lamang
sa
mga
linya
ng
awit
ni
Gary
Granada
na
paulit-ulit
na
pinaparinig
sa
amin
ng
aming
propesor
sa
aming
klase.
Marahil
ay
matatawa
ang
ilang
tatanungin
ng
mga
katagang
ito
dahil
simula
pa
ng
tayo
ay
magkaisip
sio
Rizal
ay
kilalang-kilala
natin.
Si
Gat
Jose
Rizal
ay
itinuturo
na
sa
atin
mula
elementarya
hanggang
hayskul
lalo
na
sa
bandang
ikatatlo
at
ikaapat
na
taon.
Ito
ay
bukod
pa
sa
kung
anu-anong
bagay
na
makakapag-alala
sa
atin
kay
Rizal:
nariyan
ang
mukha
niya
sa
piso,
maririnig
mo
sa
awit,
sa
kalye
at
kung
anu-ano
pa.
Kung
ating
iisipin,
kilala
na
natin
si
Rizal,
ano
ba
namang
klaseng
katanungan
yan?
Yan
ang
aking
naisip
noong
magsisimula
pa
lang
ang
klase,
subalit,
pagkatapos
kong
basahin
ang
mga
aklat
na
sinabi
ng
aming
propesor,
ako
pa
lang
ang
katawa-tawa
dahil
hindi
ko
pala
talaga
kilala
si
Rizal
ng
lubusan.
Ang
aking
mga
nalalaman
sa
loob
ng
halos
dalawampung-taon
na
paninirahan
sa
mundo
ay
tuldok
lamang
ng
kung
sino
talaga
ang
ating
tinaguriang
pambansang
bayani
ng
Pilipinas.
Ang
aklat
na
Istilo
Ko:
Romantik
ni
Ginoong
Nilo
Ocampo
ay
masasabi
kong
may
kaibahan
sa
mga
aklat
na
nabasa
ko
tungkol
kay
Rizal
sapagkat
ang
mga
aklat
na
iyon
ay
nasa
perspektibo
na
ng
mga
awtor.
Ang
Romantik
ay
koleksyon
ng
mga
sulat
na
ibinigay
kay
Rizal
ng
kanyang
mga
mahal
sa
buhay;
mga
sulat
ni
Rizal
para
rin
sa
kanila;
mga
tala
ni
Rizal
tungkol
sa
kanyang
bayan,
babae;
at
mga
eksperiyensya
sa
labas
ng
Pilipinas
na
masusing
ginawan
ng
pagsasalin
ng
awtor
na
si
Ginoong
Nilo
Ocampo.
Mayroon
ding
mga
ilustrasyon
ng
mga
iskets
nig
bayani
sa
aklat.
Upang
maunawaang
mabuti
ang
akda
ay
bingiyang
diin
ang
salitang
Romantik.
Sa
panimulang
parte
ng
aklat
ay
sinabi
ang
deskripsyon
ng
pagiging
Romantik:
Ang
“elementong
romantiko
tulad
ng
matinding
pagnanais
na
ialay
ang
buhay
sa
bayan,
ang
damdaming
makabayang
tila
isang
simbuyo,
ang
paksa
ng
kamatayan
sa
iba’t-iabang
kaanyuan,
ang
hiwaga
at
tunay
na
romantikong
pag-ibig
at
marami
pang
iba…”
Dito
ko
sisimulan
ang
aking
pagsusuri.
Paano
ba
naipakita
ang
deskripsyon
na
ito
patungkol
sa
kanya
samantalang
tinagurian
siyang
isang
napakataas
na
nilalang
na
akala
mo
ay
hindi
naging
tao
kahit
minsan? Sa
lahat
ng
mga
aklat
na
aking
nabasa
patungkol
kay
Rizal,
ang
Istilo
ko
pa
lamang
ang
naglapit
sa
aking
pagkatao
kung
sino
ba
talaga
siya.
Dahil
ang
mga
nakatala
sa
aklat
ay
mula
sa
sulat
kamay
ng
mga
taong
nabuhay
sa
panahong
iyon—sa
panahong
nabubuhay
pa
ang
ating
pambansang
bayani.
Mas
nabigyang
diin
kasi
ang
perspektibo
ni
Rizal
tungkol
sa
mga
bagay-bagay,
tulad
na
lamang
ng
kanyang
mga
tala
ng
pag-alis
sa
bansa.
Sinabi
niya
roon
ang
kanyang
mga
naramdaman
habang
siya
ay
papaalis
at
kung
ano-ano
ang
nakita
ng
kanyang
mga
mata
na
naghatid
sa
atin
tungo
sa
panahong
iyon
at
sa
mga
bansang
kanyang
pinuntahan.
Sa
aking
pagrerebyu
ng
aklat,
nais
kong
isa-isahin
ang
mga
kategoryang
nilalaman
nito
at
kung
paano
ba
naipakita
ditto
ang
pagiging
Romantik
ni
Rizal. Ang
mga
sulat
na
kanyang
ginawa
para
sa
kanyang
pamilya
at
ganun
din
ng
mga
ito
sa
kanya
ay
nagpapakita
lamang
ng
kanyang
pag-alala
sa
kanila
at
kung
paanong
ang
lungkot
ng
pagkakawalay
sa
kanila
ay
lumukob
sa
kanyang
pagkatao.
Naipakita
rin
ditto
na
kahit
marami
silang
magkakapatid
at
milya
ang
layo
sa
isa’t-isa
ay
hindi
iyon
nagging
hadlang
upang
mabawasan
ang
bigkis
ng
dugong
pinagyaman
ng
kanilang
pamilya.
Lahat
ng
kanyang
mga
kapatid
ay
sumulat
sa
kanya
at
ganun
din
naman
siya
sa
kanila. Samantalang
ang
mga
sulat
naman
ni
Rizal
para
sa
kanyang
kamag-anak
at
kaibigan
ganun
din
naman
ito
sa
kanya
ay
nagbigay
impresyon
sa
akin
na
maalalahanin
si
Rizal
at
naipakitang
humingi
siya
ng
tulong
mula
sa
mga
ito.
Sa
kabilang
dako
ay
binigay
din
naman
sa
abot
ng
kanilang
makakaya
ang
tulong
na
hinihingi
ni
Pepe. Naisulat
din
ditto
ang
ilang
mga
akda
ni
Rizal—ang
Noli
at
Fili
at
ang
ilang
mga
kathang
isip
na
ginawa
niya.
Ang
mga
parteng
naisama
sa
Noli
at
Fili
ay
yaong
may
mga
esensya
ng
pagiging
“Romantiko”
ni
Rizal
tulad
ni
Elia
at
Salome
at
ang
piknik
nina
Maria
Clara
at
Crisostomo.
Ang
pagsama
ng
kanyang
mga
akda
ay
naging
malaking
tulong
upang
lubos
kong
maunawaan
ang
pagiging
romantik
ng
ating
pambansang
bayani. May
mga
larawang
mga
iniukit
ni
Rizal
at
kanyang
mga
iskets
ng
iba’t-ibang
taong
kanyang
nakapiling
at
mga
bagay
na
kanyang
nakita
na
may
espesyal
na
ukit
sa
kanyang
puso
lalo
na
ang
mga
may
kinalaman
sa
kanyang
tinubuang
lupa.
Ang
mga
ilustrasyong
ito
ay
nagpatibay
lalo
ng
visualidad
na
gustong
iparating
ng
awtor
sa
kanyang
mga
mambabasa.
Naramdaman
ko
habang
binabasa
ang
bawat
ang
pahina
nito
tila
kaharap
ko
talaga
ang
mga
taong
naisulat
ditto
lalo
na
ang
mga
babaeng
kanyang
minahal.
Tulad
ni
Leonor
Rivera
at
Josephine
Bracken. Ang
pinakahuling
masasabi
ko
ng
nagpatibay
sa
pagiging
Romantik
ni
Rizal
ay
ang
kanyang
mga
liham
para
sa
kanyang
mga
babae
at
ang
mga
liham
ng
mga
ito
sa
kanya.
Ang
ating
pambansang
bayani
ay
nabibiyayaan
ng
brilyanteng
pag-iisip
at
ubod
tamis
na
dila
na
lahat
halos
ng
mga
kababaihan
ay
kanyang
napaibig.
Marahil
ang
kapansin-pansin
na
kahinaan
ng
mga
babaeng
ito
ay
ang
mabubulaklak
na
pananalita
ni
Rizal
at
ayon
nga
sa
pagkakasabi
ng
ilang
liham,
siya
ay
biniyayaan
din
ng
magandang
mukha.
Oo,
aaminin
ko
kung
pananalita
ang
pag-uusapan,
habang
binabasa
ko
ang
mga
liham
ni
Rizal,
napaibig
niya
na
rin
ako.
Kaya
hindi
natin
masisisi
ang
mga
babaeng
nahumalig
sa
ating
si
Pepe. Siyempre, hindi mawawala ang pagiging Romantik ni Rizal sa kanyang sariling bansa. Ang ating tinubuang lupa ang bansang Pilipinas na animo siya ay isang mangingibig na ikamamatay ang pagkalayo sa kanyang minamahal na bansa. Dalawang layunin ang naisakatuparan sa aklat na ito: una ay ang ipakilala si Rizal sa lahat ng anggulo at ikalawa ay ang ipakita na si Rizal at ay isang natural na Romantik. Pano naisakatuparan ang unang layunin? Sa librong ito ay nakilala ko si Rizal bilang isang Pepe, Jose, G. Jose Rizal, G. Jose Rizal y Mercado, Monsieur Rizal, Rizal, Dr, Jose Rizal at Laong Laan. Napakaraming mukha at napakaraming anggulo. Ngunit iisa lamang ang ugat ng lahat ng mukhang ito: ang pagiging Romantik. Nakilala kong si Rizal ay tao rin. Marunong magmahal at masaktan. Nalaman kong siya pala ay abot-kamay lamang at lahat tayo ay maaring maging tulad niya. Noon, inakala kong ang ating bayani ay hindi nagkamali kahit minsan at marahilk ay hindi nakaramdam ng kahit anong lungkot. Subalit dahil sa aklat na ito, nakilala ko ang pagiging tao ni Rizal, Isang aspetong hindi na mababasa sa ibang aklat. Sa aking palagay ang Istilo Ko ay masasabing isang napakagandang koleksyon para sa ating mga Pilipino. Hayaan nawa ako ng awtor na purihin ang kanyang ginawang akda dahil ako ay natuwa at naipapaimbabawan ng mga kaisipang papuri para lamang sa kanya. Napakaganda ng aklat. | ||||||
Home | Photos | Sitemap | SiteLink | Webmaster | Contact me |