The Divas Took Manhattan
heloo ka batch,
kumusta na kayong lahat...well eto, masay pa rin kasi nagkita kita na
na ang original divas ng torres high...si victoria...si manolo ( aka )
melanie..at cristeta syempre ako...si josephine broken sirect from
LA. naku day...talagang hagalpakan kami sa sa katatawa. medyo na tense
nga ako kasi akal ko maiindyan ko ang mga bading..kasi galing ako ng jersey
at syempre as usual, tatanga tanga na nman ako at hindi ko lam kung
paano ako pupunta sa new york. anyway nachica ko ang pamangkin ko
na i drive ako at unang bumulaga sa akin ay si manolo tuazon...former
binibining pilipinas antique at si cristeta kahitkanino, former mutya ng
lamanlupa. e di tilian agad. wala kaming pakialam kesehodang nasa
port authority blg kami sa new york sa 42nd st. chikahanng walang
tigil at huling dumating ang ulirang guro na si victor edrosalan.
at de-payong ang bakla, takot maulanan ang bunbunan. picture taking
agad..flash dito fladh doon. itsurang may pictorial ang mga supermodel...pose
dine pose duon,feeling nmain ke gaganda namin,ang tao sa paligid...naloloka
pero wala akming pakialam.basta ang alam namin...kumpleto at narito na
ulit ang charlies angel, ang tatlong bakla..ayaw paawat..galit sa pera.
inimbita akong kumain sa marriot hotel...aba mataray! mahal duon ano!
sige lakad ang mga bakla pauntang marriot pero syempre on the way... picturan
uli.. mismiong center ng 42nd street. at yung...street na ewan ko ba kung
ano yu...basta duon iibinababa ang malaking bola ng kristal ni madame auring
twing new years eve. heniway...lakad mga bakla.daig pa namin si Samuel
bilibet,,,hanggang makarating kami sa marriot.Naku day...ang haba ng pila
daig pa pila sa LRT.e patay gutom na kami kaya pwede ba tigilan ang
pasosyalan...kahit ano kakainin ko sa mga oras na yun. latino amerikano...negro...kahit
ano, magkaroon lang ng laman ang tiyan ko, nauwi kami sa isang mexican
restauran na ang mga tindero ay muka yatang pakistani . kain kwento,,kain,,kwento....recalll
ng mga kung anik anik na anecdotes na talaga namang tawa kami ng
tawa, tapos coffee naman..sa isang patio sa tabi ng sidewalk...yung
reataurant na may nilagay na bakod sa disewalk tapos may mga mesa
silya...parang nasa france ka! e masikip..para magkasya kami..iniuring
namin ang bakos na halos sakupin na ang sidewalk. hitsura. ikinuwento
ni victor ang kahindik hindik na wtc experience.grabe!!!! to the max..nakakatakot
talaga. at least ako titanic effect lang medyo romantic pa nga kasi nagkahiwalay
kami ng syota ko habang nageevacuate..pero hindi naman ganoon ka
grabe. mas gusto ko yung eksena na tatalon sa barko kesa tatalon sa blg
ng wtc. hindi ko rin pinangarap magmakeup ng espasol.
anyway magpapadal ang mga bading ng picture sa inyo baka gusto nyong
ilagay sa web...bahal na kayo kung sa spider web nyo gustong ilagay.pero
isang lang masasabi ko ika ni RITA GOMEZ...MASARAP! DARLING KUMAKAIN KA
BA NG NILAGANG BAKA! ( punch line of the night nmaing mga bading yan eh
that night) pero talaga...nagenjoy ako as in super enjoy ako sa tatlong
bading with different characters. salamat for making my new york trip
enjoyable...puno ng tawanan kahit na more than three hours lang tayo huh.
hanggang bahay tawa ako ng tawa sa inyong tatlong bading.
ps.rey bisda hindi na ko nakatawag sa yo dahil yung punyeta kong cell
twing madadaan ako sa mga puno eh nawawala ang line.
anyway paki sabihan na lang ako kung kelan ang ang reunion.. kedehodang
october...kesehodang august..
ingat kayong lahat,
j,broken
Watch out for the pictures in
the update.
|