MY JOURNAL
January 4, 2003
Pagkatapos ng mahabang panahon ng paghahanap ng magandang site ng journal..
dito rin ang bagsak ko... bakit ganun walang nag-ooffer ng ganung service?
Sabagay ok lang naman ito, yun nga lang mas matagal nga lang dahil iba pa
yung pag-compose iba pa yung pag-post.
Alam nyo ba kung anong araw ngayon??? It's January 4, 2003... or 1-4-3... haaay.
Its time to tell those people you love what they really mean to you... kaya sa inyong
mga kaibigan ko at sa ispesyal sa buhay ko... I LOVE YOU!
Astig ano? di na darating ulit yan.. next millenium na ulit... buhay pa kaya ako non?
siguro itong site ko buhay pa... hehe sa archives..
Ay... gusto ko pala i-share sa inyo itong sobrang galing na natuklasan ko.. sabi nga
nung friend ko na sinabihan ko nito... "coolness". Basta since online din naman kayo
try nyo puntahan tong site na to...
http://stardust.jpl.nasa.gov/overview/microchip/names2z3.html
tapos search nyo (by control f) -- "wilmer zuniga".... galing diba? actually, kaming
magkapatid andun... si wilson katabi ko yung name.. iniisip ko lang na napadala pangalan
ko... wooooohh astig!
Ayan, ito pinaka-una kong entry.. sort of a diary/message ko sa mga visitors ng site ko
o labasan ng sama ng loob.. hahaha! kaya wag kayo magulat kung may entry ako na puro mura
hehehe. gusto ko nga rin magpost ng pag-criticize sa mga punyemas na pulitiko.. at sa
mundo nating ginagalawan.. sarap siguro maging columnist sa dyaryo ano? yun nga lang
laging may banta sa buhay mo... mon tulfo idol! hahaha.
Di ko alam kung kaya ko araw araw gumawa ng entry pero habang may panahon at kung may
nasasaloob ako ipo-post ko na lang!
Kung may reaksyon kayo e-mail nyo ko o kaya post nyo sa guestbook.. sobrang matutuwa ako
nun.=) salamat sa pagbabasa!
back to home