Nakakainis talaga ang buhay, ang hirap tantyahin ang mga tao! ...ang mga magulang to be exact.
Meron ba talagang rule na bawal humingi ng paumanhin ang mga magulang sa kanilang mga anak?
Yung kahit na alam nilang mali sila, gagawa at gagawa sila ng rason para di lumabas na sila
ang may kasalanan. Kung masama loob mo, papakita nila na mas masama loob nila. Kung wala
na talagang lusot, tatahimik sila at bahala ka na sa buhay mo, basta sila hindi sila maaaring
magkamali. Tila baga sa mata ng mga anak dapat ang magulang di nagkakamali kaya parang di
nila ipapakita ang ganito.
Nakakasawa na. Di naman yata tama yun. Kung talagang isa kang huwaran at mapagmahal na magulang
dapat ipadama mo na minsan nagkakamali rin ang magulang at di naman masama kung umamin sa
pagkakamali. Sa mga anak naman hindi bumababa ang tingin kapag ganun, sa halip matuturo pa
ang tamang kaugalian ng paghingi ng tawad.
Basta ako, sa mga magiging anak ko, magiging isang mapagmahal akong ama at di ikakahiya ang
paghingi ng tawad kung talagang ako ang may kasalanan. itaga nyo yan sa bato.