MY JOURNAL
March 23, 2003




Matagal tagal na rin na wala akong entry dito, kahit busy ako di ko talaga maiwasan na
ilabas ko ang nasasaloob ko. OO, tungkol to sa war against IRAQ.
Nakakalungkot talaga, kanina nanonood ako ng CNN tapos pinakita dun yung isang pack
ng mga iraqi(?) tapos takot silang lahat.. may mga sundalong lumapit sa kanila
tas nakita nila na may mga patay sa grupo na yun. Yung iba naman natamaan ng
bomba at bala.

Ilan pa ba ang magiging biktima ng digmaan na to? Meron naman ako nakitang mga iraqi na
parang nagdidiwang tapos sinasabi na katapusan na ni Saddam.

Kahit saang anggulo mo titignan ang digmaan na ito.. o kahit ano pang digmaan, wala talagang
magandang idudulot ito. Oo nga aminin na natin na tarantado talaga si Saddam pero ito ba
talaga ang pinakamagandang paraan para sya ay matanggalan ng kapangyarihan? kapalit ng
buhay ng maraming tao, masaktan ang mga inosente at masira ang buong iraq?

Sinasabi ng US na may tinatagong makapangyarihang mga destructive weapons ang iraq pero
sila mismo, sila ang may pinakamalalakas na weapons sa buong mundo. Ano gusto nila? sila
lang ang may power? tapos para silang bully na kung ano gusto nila dapat sundin? ito
namang si GMA kagaya ng lahat ng presidente ng pilipinas ay sobrang sipsip.
Hindi ko alam ang rason nya para maging boto sa digmaan na to except sa pagiging sipsip at
siguro sa paghangad na magantimpalaan ang pilipinas ng mga gamit pang-digma, pera at maging kakampi
sa kahit anong laban sa hinaharap.

Marami sa atin dito sa Pilipinas ang di naman natin masasabing walang paki pero kahit sympathy
eh wala akong nakikita. tuloy pa rin ang natural na buhay.. akala mo eh walang digmaan na
nangyayari. Ako, oo nga at di ako sumasali sa mga rally rally na yan.. pano wala naman
talagang mangyayari dyan, kagaya ng ibang mga rally except sa EDSA at EDSA Dos (na sinalihan ko).

Sa totoo lang, pakiramdam ko rin wala akong matutulong kundi dasal at siguro itong pagpapahayag
ko ng pagtutol ko.

Subukan nyong manood sa TV ngayon.. yung iba siguro inaabangan yung paglusob at tinitignan
kung ano mangyayari sa iraq... pero sana naman kahit papano nalulungkot kayo.. isipin nyo
kung kayo yung nasa lugar ng mga iraqi.. nakakalungkot talaga.

Kung sinasabi nila na dapat mag-disarm ang IRAQ, dapat mag-disarm din ang US.
Set an example!
kagaguhan talaga to eh, tapos lahat pa ng tao sa mundo apektado dahil syempre tataas na naman
ang mga bilihin pati ang presyo ng crudo. putek talagang buhay to.

Kung makakaharap ko lang tong si bush eh sinapak ko na eh... pero si Saddam, pagnakaharap ko,
sasaksakin ko na talaga. Pareho silang sira ulo.

Napakapikon kasi ng US, dahil natamaan sila noong Sept 11 akala mo eh kung sinong gusto
gumanti sa lahat ng kalaban nya. Pataasan ng ihi. Syempre sino bang di
malulungkot sa 911?
pero isipin naman natin, ang isang pagkakamali, di na maitatama ng isa pang
pagkakamali!
Sige dito muna, parang sasabog na dibdib ko dito eh...



back to home