UNANG
PAG-IBIG
Sept. 11, 1999
I.
Bakit dati ikaw ay laging masigla
Ang hirap ay ‘di mo inaalintana
Hindi pinapansin mga pangungutya
Sa puso’y may galak kahit lumuluha
II.
Bakit ngayon tila ikaw ay nagbago
Ningning sa ‘yong mata’y biglang naglaho
Nilimot mo na ba ang iyong pangako
Mayr’on na bang ibang mahal ang ‘yong puso
KORO
Bumangon ka at iyong muling balikan
Masasayang araw na sa ‘yo’y nagdaan
Alalahanin kung saan ka nagkulang
Ang unang pag-ibig ‘wag mong iiwanan
III.
Bakit sasayangin mo ang iyong buhay
Pag-asang nasa ‘yo ba’t papabayaan
Bakit pag-ibig mo ay tatalikuran
Ng dahil sa layaw at tawag ng laman
(ULITIN ANG KORO 2X)