Home
ANAKBAYAN ORIENTATION
Ano ang ANAKBAYAN?
Ang ANAKBAYAN ay isang Pambansa Demokratikong Kumprehensibong Organisasyong
Masa ng kabataang Pilipino na nagbubuklod sa kabataang manggagawa, magsasaka,
mala-manggagawa, mangingisda, estudyante, propesyunal, kabataang di nakakapag-aral,
migrante, kabataang simbahan, Moro at iba pang pambansang minorya, at kababaihan
para kamtin ang tunay na Pambansang Demokrasya na may Sosyalistang Perspektiba.
Binubuo ito pagkilala sa makasaysayang papel ng kabataan bilang isang pwersang
tumatangkilik at nagsusulong ng pagbabagong panlipunan laban sa luma at mapanupil
na sistemang malakolonyal at malapyudal na pumupigil sa pag-unlad. Mayaman
ang karanasan ng pakikibaka ng mga kabataan mula pa sa panahon na itinatag
ang Katipunan, sa panahon ng sigwa ng dekada ’70 hanggang sa kasalukuyan..
Sa pagbubuo ng ANAKBAYAN, kinikilala rin ang signipikanteng bilang ng kabataan
sa populasyon ng Pilipinas, isang makapangyarihang pwersang dapat bigkisin
at pakilusin para sa pagbabago. Kalkahan ng kabataan ay nagmumula sa hanay
ng mga maralita sa komunidad, manggagawa at magbubukid. Sila ang bumubuo ng
mayorya ng kasapian ng ANAKBAYAN.
Anu-ano ang mga kalakasan at kahinaan ng kabataan?
Ang kabataan ay nasa kasiglahan ng kanyang buhay, nagtataglay
ng lakas ng pangangatawan, hindi pa gaanong tali sa produksyon at malalaking
responsibilidad sa buhay. Ang ilan sa kanila ay may malaking panahon sa pag-aaral
ng teorya mula sa mga aklat lalo na ang mga kabataang nakakapag-aral. Bilang
kabataan taglay nito ang positibong katangian tulad ng talas ng isip at pagiging
kritikal, pagkamalikhain at puno ng rebolusyunaryong sigla dulot ng kagustuhang
baguhin ang lipunang sila ang magmamana.
Mga kahinaan ng kabataan?
Subalit sa gitna ng mga kalakasang ito ay may mga kahinaan
din ang mga kabataan n adapt pagbantayan at bakahin. Dahil nga ang kabataan
ay nasa kasiglahan ng kanyang buhay, nasa gitna din siya ng sangandaan ng
kanyang buhay. Ito ang panahon ng pagpapasya kung yayakapin n’ya ang buhay
ng paglilingkod sa sambayanan o buhay tungo sa landas ng pansariling interes.
Gayundin mahalagang kilalanin at pangingibabawan ang mga natatanging negatibong
katangian ng kabataan. Dapat bakahain ang indibidwalismo, pagkamapusok, mabuway
na paninindigan at pagiging mainipin upang lubusang matahak ang landas ng
paglilingkod sa sambayanan. Kung hindi babakahin, mag-aambag lamang ito sa
pagpapatuloy ng mapang-api at mapagsamantalang kaayusan. Kayat ang kabataan
ay mahalagang mag-aral ng kasaysayna, kalagayan at pakikibaka ng sambayanan.
Kailangang tumungo sa batayang masa para makipamuhay, makipag-aralan at makibaka
sa hanay nila. Sa ganitong kaparaanan lamang mababaka ang mga kahinaan upang
makapagpanibagong hubog ang kabtaan at makapagpunyagi pa sa Pambansang Demokratikong
pakikibaka.
Ano ang ipinaglalaban ng ANAKBAYAN?
Kinikilala at ipinaglalaban ng ANAKBAYAN ang Trabaho, Lupa, Edukasyon, Karapatang
Sibil at Politikal, at Serbisyong Panlipunan (TLEKS) bilang mga kagyat at
pangmatagalang suliranin ng kabataang Pilipino. Kinikilala ng ANAKBAYAN na
ang mga suliraning ito ay hindi maihihiwalay sa pangkalahatang suliranin ngng
mamamayang Pilipino at sa pangkabuuang mithiin para sa tunay na kalayaan,
demokrasya at katarungang panlipunan.
Sa ngayon, ang kabataang manggagawa ay labis na pinahihirapan sa sistema
ng mababang pasahod, kontraktwalisasyon at malawakang tanggalan. Ang uring
manggagawa na lumilikha ng yaman ng bansa ang s’yang lugmok sa kahirapan.
Malaki ang bilang ng mga mamamayan na walang trabaho at pinakamataas ang bilang
ng mga walang trabaho ay matatagpuan sa hanay ng mga kabataan. Sa malawak
na hanay ng mga magsasaka sa kanayunan ang siyang pangunahing sinasalanta
sa kasalukuyan ng “Globalisasyon” patuloy ang malawakang pangangamkam ng lupa
at land use conversion, upang tumugon sa pangangailangan ng pandaigdigang
pamilihan. Habang patuloy naming bumabagsak ang produksyong agricultural na
pumapatay sa maliliit na magsasaka kasabay nito ay ang walang humpay
na militarisasyon na nagduduot ng malawakang dislokasyon at paglabag
sa karapatang panatao, upang isakatuparan ang mga proyekto ng dayuhan at pamahalaan
na lalong nagpapalala sa lugmok na ngang kalagayan ng mga magsasaka sa kanayunan.
Walng mkabuluhang pagbabago sa kalagayan ng uring magsasaka. Lalong lumalala
ang kakulangan o kawalan ng lupang sinasaka. Kaya tulad ng kanilang mga magulang
ang kabataang magbubukid ay dumadanas din ng ganitong mga suliranin.Hindi
rin ligtas sa atake sa kanayunan ang mamamayang Moro at iba pang pambansang
minorya sa pamamagitan ng sapilitang pag-aagaw sa kanilang lupang ninuno
at pgawasak sa kulturang kanilang kinagisan.ang kabataang estudante ay pinahihirapan
ng taunang pagtaas ng matrikula at iba pang gastusin, ng walnag habas na
panunupil sa kampus at maka-dayuhang oryentasyon ng sisitema ng edukasyon.
Ang kabataang Pilipino ay pinagkakaitan ng makabuluhang serbisyong panlipunan
hindi lamang ng edukasyon kundi pati serbisyong pangkalusugan, pabahay, atbp.
Ang demokratikong karapatan ng kabtaang Pilipino ay siil sa ilalim ng kasalukuyang
sistema. Ang mga kabataan ay dumadanas din ng paghihirap tulad ng kanilang
mga magulang na manggagawa at magsasaka, sa ilalim ng mapang-aliping sistemang
malakolonyal at malapyudal. Walang magandang kinabukasan ang kabataan – manggagawa,
magbubukid, estudyante, maralita sa komunidad – sa ilalim ng kasalukuyang
sistema. Nais ng kabtaang baguhin ang ganitong kalagayan. Interes nila ang
magbuklod kasama ang buong sambayanan para ipaglaban ang kanilang mga kahilingan
at ipagpatuloy ang pakikibaka ng kanilang mga magulang,
Paano itinataguyod ng ANAKBAYAN ang kanyang ipinaglalaban?
Naniniwala ang ANAKBAYAN sa istorikal na pangangailangan
para magbuklod at lumaban ang kabataang Pilipino at isanib niya ang kanyang
lakas sa lakas ng kilusan ng batayng masa. Upang ipaglaban ang mga kagyat
na kahilingan kinakailangan ang sama-sama, organisado at militanteng pagkilos
ng kabataan sa paaralan man o sa komunidad ng maralitang lunsod, pagawaan
o hacienda. Upang maging puspusan at mapagpasyang maipagwagi ang mithiin nito,
naniniwala ang ANAKBAYAN na kailangang imulat, organisahin at pakilusin ang
malawak na bilang ng kabataan at isanib niya ang kanyang kilusan sa kilusan
ng masang manggagawa at magsasaka para maipagtagumapy ang pambansa demokratikong
pakikibaka. Kaya kinakailangang ang mga kabataan ay tumungo, makipamuhay,
matuto sa kilusan ng batayang masa at makibaka sa hanay nila.
Sino ang maaring sumapi sa ANAKBAYAN?
Ang sinumang may edad labing tatlo (13) hanggang tatlumpo’t
lima (35) na naniniwala at itinataguyod ang mga nabanggit na prinsipyo at
programa ng ANAKBAYAN ay maaring maging miyembro ng ANAKBAYAN. Sa mga hindi
pa umaabot ng edad 13, sila ay itinuturing na mga probisyunal na kasapi. Para
sa lagpas na edad 35, maari silang ituring na honorary member. Dahil nga
komprehensibong organisasyong masa ang ANAKBAYAN, nagpapasapi ito mula sa
mga manggagawa, magsasaka, mala-manggagawa, mangingisda, estudyante, propesyunal,
kabataang di nakapag-aral, migrante, kabataang simbahan, Moro at iba pang
pambansang minorya, at kababaihan. Maari ring maging kasapi ng ANAKBAYAN ang
mga kabataang Pilipino sa ibayong dagat.
Ang mga organisasyon ng kabataan na naniniwala at handing
itaguyod ang mga prinsipyo’t programa ng ANAKBAYAN ay maaring ituring na “affiliate
organization.” Ibig sabihin, ang kanilang organisasyon, pati ang mga indibidwal
na kasapi nito, ay ituring na kasapi ng ANAKBAYAN.
Ano ang Chapter ng ANAKBAYAN? Anu-ano ang mga tungkulin nito?
Ang Chapter ng ANAKBAYAN ay ang batayang yunit ng organisasyon. Ito ay binubuo
ng labing isang (11) kasapian na pormal na itinitipon bilang Chapter. Ang
Chapter ay nagpapalaganap ng mga prinsipyo, layunin at patakaran ng organisasyon.
Tungkulin nito na itaguyod ang interes at kahilingan ng kabatan at mamamayan.
Ang Chapter ay nangangalap ng kaspai, nangongolekta ng buataw at nangangalaga
sa record ng kaspaian. Napakahalagang tungkulin ng Chapter na patuloy na pataasin
ang kamulatan at kakayahan ng kaspaian nito sa pamamagitan ng patuloy na
pag-aaral, integrasyon sa batayang masa at paglahok sa mga kampanya at pakikibakang
masa. Ang mga balangay ay naglulunsad ng iba’t-ibang aktibidad na magbibigay
ng pagkakataon sa bawat kaspai na makalahok sa mga Gawain batay sa antas
ng kamulatan. Ang chapter, mga istrukturaat aktibidad nito ang magsisilbing
daluyan ng demokratikong partispasyon ng kaspaian.
Ang chapter ay naglulunsad ng mga pangkalahatang asembilya at pulong masa.
Naghahalal din ito ng pamunuan na pangungunahan ng Tagapangulo, Pangkalahatang
Kalihim at Opisyal sa Edukasyon. Kailangang buuin ng Chapter para sa mas mahusay
na magampanan ang mga gawain ng ANAKBAYAN Ant Komite rin ang nagsisilbing
daluyan ng demokratikong partisipasyon ng kasapian. Maaring buuin ang iba’t
ibang komite na naayon sa mga linya ng Gawain tulad ng edukasyon, propaganda,
pinansya, Gawain sa pabrika/komunidad at iba pa. maari ding magbuo ng mga
komite para sa aktibidad na titipon sa malawak na bilang ng kasapian. Ang
isang kasapi ay maaring mapabilang sa ilang Komite, batay sa kakayahan. Nagbabago
ang komposisyon ng komite depended sa diin ng Gawain sa particular na panahon.
Nababago ang nilalaman ng komite batay sa kapasyahan ng General Assembly o
Mass Meet.
Tungkulin ng Chapter
1. palaganapin ang linya, programa at patakaran ng ANAKBAYAN.
2. buuin ang istruktura para sa demokratikong partisipasyon
ng kasapian.
3. magrekluta ng bagong kasapi, mangolekta ng butaw, magbuo
ng mga bagong balangay.
4. maglunsad ng mga pag-aaral sa hanay ng kasapian.
5. regular na maglunsad ng mga integrasyon sa batyang
masa – piketlayn, sakahan at komunidad.
6. pag-aralan at siyasatin ang pangangailangan, kalagayan
at interes ng kabataan.
7. magsagawa ng mga aktibidad na titipon at magpapakilos
sa kasapian.
8. mamahagi ng mga publikasyon, babasahin ng ANAKBAYAN.
9. magsumite ng napapanahong ulat.
Paano sumapi sa ANAKBAYAN?
Maaring sumapi at magiging miyembro ng ANAKBAYAN ang
lahat ng kabataan na naniniwala at nagtataguyod ng prinsipyo at programa
ng ANAKBAYAN pagkatapos matupad ang sumusunod na pangangailangan:
Oryentasyon ng ANAKBAYAN
Pagpasa ng Membership form sa mga opisyal ng ANAKBAYAN
Pakikipagpulong kasama ang ibang miyembro ng ANAKBAYAN