Gagamba

Habang buhay ay naghihintay
Sa sapot ng aking tahanan
Hanggang sa ikaw ay magisnan
At ang ikaw ay muli kong mahagkan
Sa lublob ng kalungkutan
Ikaw ay inaasam
Ang iyong laman at puso
Ay inaabangan
Sa sapot kong tahanan
Nasaan ka binibini
Tayo ay magsama

Ikaw ay aking nadarama
Kay lapit mo sa aking lungga
Ang iyong dugo'y naaamoy
Ang kaloob-looban ko'y nag-aapoy
Sa lublob ng kalungkutan
Ikaw ay inaasam
Ang iyong laman at puso
Ikaw ba'y nagsisisi
At ikaw ay nabihag
Sa sapot kong tahanan
Sa yungib ng gagamba