Gayuma
Hatinggabi, ikaw ang nasa isipan Ikaw ay hindi ko malimot Ang iyong ngiti'y aking naalala pa Habang ika'y umiikot
Anong gayuma ang iyong ginamit Anong hiwaga ang iyong tinawag Na parang sa iyo'y nakakadena Ang aking pusong iyong nabibihag
At nagbalik ang aking kaibigan Nanggaling sa paglalakbay Matapos niya akong mapag-aralan Siya sa aki'y nanghinayang lang
Anong gayuma ang aking ginamit At ang pangaral ko'y tinularan Sa kasalukuyan niyang pagsisisi Ako'y kanyang pinagbibintangan
Hanggang ngayon ako ay pinapako Paano kaya makawala Sa kahangalan ng aking kapaligiran Sa bisa niyaring gayuma
Anong gayuma ang dapat kong gamitin Upang ako'y muling magkabuhay Sa mga kahapo'y nakakadena Sa mga gayumang ibinigay