Lagi na lang

Lagi na lang tayong nag-aaway
Inaabot ng umagang galit
Ikaw ay aking sinusuway
Kahit ang problema ay kay liit
Tayo ay mayroong kasunduan
Na kahit tayo ay mayroong away
Huwag pa rin nating 'kalilimutan
Ang pagmamahalang habang buhay

Lagi na lang tayong natsitsismis
Ng mga taong walang magawa
Mga magulang mo'y naiinis
Ikaw din minsan ay nagdududa
Huwag maniwala sa sabi-sabi
Ng mga gago mong kapitbahay
Ang pahiwatig niyaring damdami'y
Iibigin kita habangbuhay

Ikaw ay laging nagmamagaling
Sa mga kahapong hinuhukay
Ang iyong ugali'y dapat baguhin
Kung ang hangad nati'y magtagumpay
Kay raming angal kang hinihirit
Habang kay raming sumusubaybay
Kahit ang ulo mo'y nag-iinit
Iibigin kita habangbuhay