Paalam na

Irog ko, ako'y iyong bitiwan
Kailangan kong makauwi
Maaga pa ang lalakarin ko bukas
Hindi ako pwedeng mahuli
Paalam na, o irog ko, paalam na

Huwag ka nang magtampo
Huwag ka nang magdabog
Huwag ka nang manggulo
Paalam na

Huwag ka nang umiyak
Huwag ka nang manapak
Huwag ka nang manadyak
Paalam na, o irog ko, paalam na

Delikado ang lalakarin ko bukas
Hindi ako pwededng pumalya
Bahagi lang ito ng paghahanap-buhay
Malapit na nga akong masipa
Paalam na, o irog ko, paalam na

Huwag ka nang magtampo
Huwag ka nang magdabog
Huwag ka nang manggulo
Paalam na

Huwag ka nang umiyak
Huwag ka nang manapak
Huwag ka nang manadyak
Paalam na, o irog ko, paalam na