Pag-asa (still working on the music - a.b.) Words and Music by Anthony Buenavista
Iyo bang napupuna Ang nahuhugis sa ating panahon May kaunting hiwaga Na nag-iiwan ng mga tanong
Ito ba'y pag-ibig na umiiral nang lubos Pag-uusap ng mga puso Na hindi mapigal at sadyang umaagos Tungo sa sisilayang Ating kalayaan Kung ating susuriin Ang ating damdamin
Noo'y di ko malaman Kung saan patungo ang aking buhay Kung anong napasukan At kung ano ang ikukulay
Sa tungkulin na itinakda sa aking mga palad Ang dakila raw na adhikain Na kung titigna'y tilang kay hirap maipatupad Ngunit mayroong saklolong Dumating at tumulong Ikaw yaong manunubos Sa aking pagtutuos
Dahil kung wala ka ang aking pakikibaka Ay hindi ko na itutuloy Ngunit sa pagkatao mo'y aking nagugunita Ang ganap na pagdurusa'y Sadyang mawawala Sa akin ay iyong ipinakita Na mayroong pag-asa
Nahuhuli mo ba Ang nais kong ipahiwatig Nalalaman mo bang Ito ang tinig ng pag-ibig
Kung ipapahintulot mo ang aking pagmamahal Lubayan mo ako nang ilang sandali Upang makaluhod at sa pamamagitan ng dasal Susundan ang pangarap Lilipad sa alapaap Panalangin kong sana Ay naroroon ka
copyright 1989 Anthony Buenavista
Email Anthony Buenavista Open the ZakSalamander site