MANDIRIGMA NG LANGIT ============================= Si SailorUranus ang aking paboritong Sailor Senshi sa kadahilanang kakaiba ang kanyang pag-uugali at pananaw. Isang mapaglarong kaibigan kung siya'y si Haruka Ten'ou, ngunit kapag siya'y si SailorUranus, handa siyang ibuwis ang kanyang buhay para sa katuparan ng kanyang misyon. Si Haruka ay agresibo, ngunit huwag magkakamaling sabihin na hindi siya nag-iisip bago kumilos. Sa katunayan, isa siyang tao na ang gawain ang ang madalas na pagmuni-muni. Bilang pinuno ng Outer Senshi, kailangan niyang planuhin at pag-usapan ang kanyang pagkilos--kasama niya sa gawaing ito ang kanyang nobyang si SailorNeptune. Isa sa mga halimbawa ng maiging pagpaplano ay noong pinasok nila ng Mugen Gakuen ng Death Busters bilang mga estudyante nito. Hindi nila puwedeng basta na lamang pasukin o atakihin ang Death Busters, kailangan ng maiging pag-iisip bago nila maisakatuparan ang kanilang misyon. Ang akin lamang naaalalang mga pangyayari kung saan basta na lamang kumilos si Uranus ng hindi man lamang nag-iisip ay ang pagliligtas niya kay SailorMoon (dahil na rin sa katangahan ni SailorMoon). Ito ang mga pangyayaring nakapagpagulat kay SailorNeptune at siya na ring naging mga dahilan kung bakit nasasaway ni Neptune si Uranus. Para kay Neptune (pati na rin kay Uranus), walang katuturan sa kanilang misyon ang pagsagip niya kya SailorMoon. Si SailorUranus ay matuturing na isang lesbian (lesbiana sa salitang "bakla") --isang butch sa anime at isang femme sa manga. Bilang Ten'ou Haruka, mahilig siyang makipag-biruan at makipag-landian sa mga babae, na siya namang ipinagseselos ni Kaiou Michiru (SailorNeptune). Subalit minsan, kapag si Michiru naman ang nakikikapag-landian sa mga lalaking tulad ni Seiya (SailorStarFighter), si Haruka naman itong naninibugho. Si Haruka ay isang pianista, propesyonal na race car driver at motorcycle racer, isa rin siyang sikat na track star. Magaling siya sa lahat ng laro, ngunit ang pinaka-paborito niyang gawain ay ang racing. Madalas niyang iniisip na sana ay naging bahagi siya ng hangin--kung tumakbo nga naman siya ay sing-bilis din ng hangin! Si SailorUranus ang tinatawag na Mandirigma ng Langit, ang kanyang kapangyarihan ay ang pangingibabaw sa hangin at langit. Ang kanyang world shaking na kapangyarihan ay parang isang napakalaking bola ng wind/air pressure na maaaring makasira ng kahit anumang humarang sa daanan nito. Mayroon din siyang sandata na tinatawag na space sword na nagmula sa kristal ng kanyang puso. Ang space sword ay isa sa mga talisman na noon ay hinahanap ng grupong Outer Senshi. Una siyang nagpakita sa anime bilang SailorUranus sa Bishoujo Senshi SailorMoon S kabanata 90, at bilang Ten'ou Haruka sa Bishoujo Senshi SailorMoon S kabanata 92. ======================== This text was supposed to be part of the Tagalog Mirror of Sky Senshi @ the Racetrack, but the author scrapped the project because of the difficulty in translating all English text to Tagalog.