Ikaw ang lagi kong hinahanap
Kasama kang lagi sa pangarap
Nais ko'y lagi kang nakikita
Marahil nga ay mahal kita
Liwanag ng buwan sa kalawakan
Hinahatid ka sa aking isipan
Paano ba kita makakausap?
Ikaw sa akin ang lahat.
Sana bawat saglit laging kapiling ka
Pag-ibig ko sana'y madama
Kasa-kasama kita sa pangarap
Nadarama'y wala ngang katulad
Ligayang dulot nito sa aking puso
Sana ay di na magwakas
Sana ay di na magwakas.