The Growing uP BaNaHaw eB !!
April 25 - 26 1998


-aLoN-

Pare, ganito kase yan....


We (Bugoy and aLoN) were in fLava's house fixin her compu
thing... ala lang nagkakwentuhan lang tungkol sa Mt. BaNahaw,
so ayun we joked on havin it as an eB place. So we posted it
in the Growing_up topic "BaNaHaw treK eB ...Apr 25-26..hehehe "


Madami naman ang nag-response but unfortunately sa
dami...trese (13) lang ang uma-pir LOL !. We met at GiL PuYaT
LRT station 7:00 - 7:30 am Apr. 25 sa baba (kase strike ang
LRT eh...) kitakits kami dun..hehehe feeling mountaineers
kami..ok sa gadget ah LOL... una yata si dadde bugoy, then si
mimin and NgiT, then si ako (aLoN), then mumbaki at vaLeska,
tapos si scuLLy and BLueNoTe, followed by FLuBBeR then si
jasMINE, tapos NaD at DeTroNe, plus the last...si CLouD !!


Mga Peeps !! ..Bus ! San Pablo ! (takbuhan agad pasakay
..daliii !!)... ayos na sitting arrangement nang me mapansin
kaming kakaiba...SIRA ANG AIRCON !!... (whew, malas naman).
Kunduktor : babalik na lang kami sa terminal, lipat na lang kayo!.
Awww, grrrr, Sino ba me balat sa pwet ?? LOL !..


Pagbalik sa GiL PuyaT.. nakasakay naman agad kami ng Bus (JAM)
na me maayos na aircon... hehehe salamat naman (kala ko sa bus
na tayo mag-e-eB eh ..picture taking sa iba-ibang bus LOL !)
Hui..tulugan agad..hehe.. Pare..magaling palang kunduktor si
jasMINE ah LOL !.. treasurer ng G.U.


Pagdating sa San Pablo.. lakad kami (naliligaw na !) "boss,
saan ba sasakyan papunta sa Dolores ?" "doon..(sabay turo)"..
"diretso..kaliwa kanan..diretso uli..tapos liko.. pag me
nakita kayong mga tricycle tanong mo dun.." (hmm..ang linaw ata nun ah).


Nakita din namin !! "Peeps.. dito yata ang sakayan !" "teka..
tanghali na kain na lang muna tayo dito ng lunch" "CHOWKING !!"
hehehe kainan muna kami then umarkila kami ng jeep for 200
pesos... si jasMINE uli ang kunduktor LOL !


Papuntang Dolores... dumaan kami sa Abortion Road.. lahat kami
headbangers LOL !... "jasMINE yung dinadala mo sa tyan
mo..baka malaglag hehehe !!" "pre, libre pulbos LOL" "wow Layo"


Pagdating sa Bantay Banahaw HQ.. "hmm.. AMENG !! MOMOY !!
MARLON !! aba.. yari..alang tao waaaaaaaaaaaah !. nakup teka
pips pahinga muna kayo dito punta kami ni dadde bugoy ke Lola Rizalista"
...Knock knock ! "tao pu ..pu tao !.. Lola.. andyan ba po si Ameng ?.."
"Naku iho nasa Meynila sila ..sa eleksyon pa ang balik" nakup
yari tayo ala tayong guide huwaaaa !. Pagbalik sa H.Q. ...si
Peter !! PETER !! Peter asan sila ?.. "Nandun sa bangkong
kahoy sa gitna ng bundok". NgaK !...samahan mo naman kami o...
hehehe sige na.. "hmm.. o sige mamaya mga 2:00" ..o chige....


Maya-maya dumating na si Marlon ..YEHEY !!..me kasama na kami LOL !..
ayun then tumuloy kami sa bahay ni Lola Rizalista... ngak..an
tagal naman "teka nag-sesermon pa si Lola ..LOL".. ok peeps
shorts and slippers.. baba na tayo river !!! YEHEY !


Trek kami sa mga niyugan ..hanggang makarating sa...(ilan ba
yun?..ahh 280 irregular steps accdg. to ate mimin)
hagdan..huuu !! ingat po sa pagbaba !!.. ngi...hay..
nginig... ngatog.. tuhod namin LOL !.


Pagkababa.. tirik kami ng kandila.. konting dasal then we
went up stream.. wow.. ligo kami Weeeeee !.. brrr lamig ng
tubig ! Lakas ng agos ! ..."peeps si mumbaki tinangay ..LOL".
Si BLueNoTe naka kuha ng stockings..hehehe. Si FLubbeR, sarap
na sarap sa agos ng tubig ..(kaya naman pala eh..nasa taas
nya si Detrone, NaD, at Bugoy LOL !!). Si jasMINE at cLouD
nakakita naman ng ahas, waaaaaaaaaaa ahas eeeeeeeeeee.... si
cLouD nasa ibabaw na ng baTo eeeeeeeeee pa din LOL ! (nakita
din daw ni mumbaki). Si ate minin at vaLeska naman nasarapan
sa paglubog sa tubig.. si ate Ngit !! ayaw Lumubog LOL !!..
si scuLLy .hehehe Lublob din.. lahat gusto.."ay gusto ko yun LOL !".
Tapos nun.. konting briefing courtesy of Marlon, (kung ano
ang makita at maramdaman wag muna pag-uspan at wag
mag-react...wag matakot..deadma lang LOL).


ALong the way na flat-an pa si DetRone ng tsinelas !.. ala pa
naman kaming dalang jack !... tapos maya-maya ako (aLoN)
naman ang sumunod putol din.. asus.. yapak tuloy kami sa
ilog.. pero ok lang iwas sa dulas !! hehehe !.


Then we proceed to the Buhok ng birhen !.. dito daw maaalis
yung mga physical pain mo..or sakit sa katawan, Mineral water
sya.. na super lamig, brrr ginaw subra !! parang me yelo !
isa-isa kami ..pagtapat sa bukal.. habang umaagos yung tubig
ta-tap yung likod namin...at alam nyo ba ..na pinagpala si
DeTrone !!!.. lahat kase kami ang tunog ay PAK, PAK, PAK, PAK...
pag dating ke DeTrone....PLOK, PLOK, PLOK., PLOK !! LOL !
tapos nun.. konting kwentuhan tungkol sa pagtutulugan namin
sa gabi... PaTRiarka o KaLbaRyo ?? hehehe.. wow si BLueNoTe
PaTriarKa daw !! adventure LOL ! (me momo daw kasi..saka
virgin forest sya..hehehe). Tapos nun.. umakyat na kami sa
hagdan !! (280 ba kamo? LOL !) waaaaaa this time pataas
*hah* *hah* *hingal* *nginig* *ngatog* waaaa,
bibigay na tuhod namin LOL !.. "ano scuLLy kaya pa? LOL !
(si scuLLy di na makapagsalita LOL !).


Huuu !! naka-akyat din !!..(pahinga muna !!) nye 4:30 na waaa
gagabihin tayo sa daan.. bilisan nyo magpahinga LOL !. Stop
over muna kami sa Panuluyan then conference kung saan namin
gusto matulog...PARTRIARKA or KALBARYO ? botohan LOL !. Mga
pro PaTriaRka (bugoy, BLueNoTe, mumbaki, CLoud, jasMINE, vaLeska).
Mga pro KaLbarYo (NgiT, mimin, FLubbeR, aLoN, DeTRoNe, NaD)
si scuLLy (aBstaiNed). scuLLy !!!, 6 : 6, scuLLy u need to
VOTE !! LOL ! hehehehe...sssssssssh ... everybody is waiting
for scuLLy's word...................
pat...hmmm... KaLBarYo !!!!
hwe hwe hwe KaLBarYo peePs wins LOL !
sakalin daw si scuLLy (according too PaTriaRka peeps hehehe!)


Punta kami next sa tatlong mukha ni Santong Jacob... "Oo nga
pre ..me mukha nga pero bat parang apat yata.. LOL ! sali ako
dyan pang-lima hehehe !!.
Then next is Prisintahan Cave...
dito kami nag pa-register LOL !, sinulat namin sa sides ng
cave yung real name, nick, address, e-mail, Homepage, mask na
din..LOL..baka pwede kaming OPs dito eh LOL !... hehehe... uy
nauntog si vaLeska !! "balik !!" dasal ka uli dun LOL !.


Me mga caves pa kaming pinuntahan pero.. nakalimutan ko
pangalang eh.. pero usually nagtitirik lang naman kami ng kandila..


Pare, gabi na.. waaaaaaaaaaaaaaaaaaa. GRABE mga pre.. ang
dilim ..alang buwan pero madaming stars.. ilaw lang namin
kandila.. ni-hugs na nga namin yung mga bato eh.. saka yung
trail ..huuuu !! (di kasi expected na gagabihin kami eh..
iniwan namin sa base yung mga gamit namin..buti na lang
madami kaming nabiling kandila).


Next is the Kuweba ng Ina ng Awa.. Peeps seryoso na to..
mabagsik daw ang mga ispirito dito *takot* *ngatog* *ngii*
ala muna tawanan.. hingi muna tayo nga awa... dasal at
malinis na puso (malinis daw oh..ngeK !). Si cLoud
pinagparamdaman yata... (kase naman eh.. humiling ba naman ng
presence LOL !) ..ayun.. biglang natumba yung dalawang
kandila... LOL ! *takot*. (deadma muna si cLouD.. sa bus na
na-kwento). Hey..ilaw namin yan sa dilim !! grabe kase
luminous in da dark eh ! LOL !..the bravest also saka
magaling umakyat ..ewan lang sa pababa LOL !


NexT is ...huh! HUSGADO...!! waaaa...hehehe. sunod sunod kami
sa loob ..tulong-tulong huuu hirap !!. nasa unahan si DeTrone
saka si jasMINE (malusog daw kase eh LOL) tapos sweeper kami
sa likod (aLoN, mimin, bugoy)... huu kakatakot, *kaba* me
bangin kase sa unang pasok tapos halos di ka makadaan sa
makipot na daan ... me mainit pang bato LOL ! (di kaya
pumutok? baka me lumabas na Lava? hehehe !)..dito napabalita
na nagsa Uod daw si ate Ngit LOL ! ang galing daw eh..hehehe
O.K. pre... di namin akalain na kaya namin... bawat lumabas
ng kuweba..me salubong na palakpak at YeHEY !!..LOL ! sarap
ng feeling !. Peeps me tsismis ! nagyakapan si DeTrone at
jasMINE paglabas...hehehe (sobrang tuwa kaya?) LOL ! hehehehe.


The Last but not the Least is the Kuweba ni Santong Jacob or
Jacob's WeLL, briefing muna, papasok kami lahat then bababa
sa hagdan na bakal tapos lulubog ng tatlong beses..sa bawat
lubog iinom ka ng isang lagok habang nasa ilalim.. kung ano
ang makita wag daw matatakot... ngi ! LOL !.. brrr.. ang
lamig ng tubig... amoy sulfur... di namin mapigilan ang
kakatawa sa mga itsura ng mga nauna LOL ! hwe hwe hwe !...
me synchonization pa eh.. (dalawa-dalawa kase)
as in...1...2...3... lubog ..ay teka teka ! hehehehe.. balita
na si DeTRone daw ang me pinaka-malakas na usok ah LOL !
pre.. hehehe nung lumubog naman si jasMINE.. umapaw ang tubig !!
(binti pa lang yan ah !! LOL ! ate jas !! dyok only !! hyok hyok hyok !!..
si FLubber naman ilang beses na nauntog !! ang ingay pa din LOL !.. hehe
si VaLeska naman ang sarap kasabay !! ..lagi ako pinauuna !!
LOL ! (ladies first kase hehehe).. si scuLLy grabety sa ginaw..
(me sound epeks pang kabayo LOL ! scuLLy), si dadde bugoy
napaihi daw sa lamig !! hehehe..(dadde talaga o, basta
ma-babad sa tubig.. umiihi !! LOL.. me balak pang umutot sa
kuweba ng HUSGADO, LOL !.. buti na lang nasa huli sya hehehe
baka mamatay kami sa antot..LOL !) si FLuBBeR ang huling
lumublob.. ang sarap nga daw ng tubig na pinag-banlawan namin
eh LOL !... hehehe !.


Nakup.. eto na ang mahirap.. pauwi sa H.Q. ng walang
Flashlight, kandila lang..hehehe Hugs kami sa mga bato.. LOL !..
gapang kami sa lupa... huuu hirap ! pero nakauwi din naman ng maayos.
Nangatok pa kami ng tindahan para bumili ng bigas LOL !.. ala
kaming maisaing eh.. Nagluto si jasMINE at FLuBBer ng Corned
beef..tuna, atbp then yung mga dalang pagkain ni
mumbaki...(hotdogs, chicken na prito, atbp) hehehe sarap,
Natapon pa yung Corned beef ..sabay scoop ni jasMINE pabalik !! LOL !
hehehe ala pang 5 minutes LOL ! ala naman nakakita eh hehehe !..
pero ang sarap ng luto ..GREAT !..Mommy jasMINE ! and FLuBBer !..
buti me paper plates sina scuLLy and BLueNoTe.. and spoons
and forks naman ang dala ni ate mimin ! me desert pa !
(pineapple tidbits). then kantahan na walang puknat !!
bumanat si bugoy and DeTrone ! LOL !.. long playing ..hehehe.
then si VaLenska.. gusto talaga pumunta sa KaLbarYo... nag
suggest na umakyat na kami... "so guys kaya nyo pa ?!.."
"kaya pa !..." so..nangyari..PACK-UP !! akyat tayo ng
KaLbaryo !! (1:30 a.m...tama ba naman yun? LOL !). pack-up
kami ..then si Peter ang nag lead sa shortcut na daan papunta sa KaLbarYo.


This time fully armed with flashlights..hehehe...kaya lang..
mga 20 minutes pa lang kami sa trek, me naglalaro ata sa
amin.. me bumabato sa min sa harap... (Peter. aLoN, scuLLy,
BLuenote,). Sa gitna nawalan ng ilaw.. including scuLLy, then
sumunod sa likod..(Flubber and Marlon) .. so nagpalit sila ng
batt... then after a few secs.. patay uli.. naku naloko na !..
so we have too stop and ilawan yung iba... medyo mabangin
yung trail.. kaya lahat kami giseng ! di pwede inaantok LOL !
(si CLouD pa naman..naglalakad ng natutulog ! hehehe). Nag
stop over kami malapit sa husgado, then ..ayaw na nila
tumuloy.. hehehe di na daw kaya !! buti na lang nagpaubaya
yung isang bahay dun na doon kami matulog sa kanila...(kahit
anong pwesto.. tutal mahaba yung lamesa eh LOL) kanya kanyang
pwesto... kanya kanyang hilik (NgoorK) hahaha ! di pwede
sosyal ! pagdating nga pala dun... Tatlo ang nabuntis !!...
una si jasMINE..then si FLuBBeR then si NaD.. (me kasama pang
LBM yung ke NaD at FLuBBeR) pero oks lang tolerable pa
naman... so dun na kami nagpaumaga..


The next Day Sunday ! were planning to go sa gitna lang ng
KaLbarYo.. but the others are reluctant to go na... so yung
mga me nararamdaman (NaD and jasMINE) ay nag paiwan, iniwan
din namin yung mga gamit. The rest of us (bugoy, NgiT,
mimin, scuLLy, BLueNoTe, mumbaki, vaLeska, FLuBBeR, CLouD,
detrone, aLoN and MarLon plus Peter).. trek the rocky
mountain. Dito naman napa-balita na nagsa-ala gagamba si ate
NgiT, LOL !. Then we stopped over sa kalagitnaan. scuLLy
proposed na sana ituloy na namin kase sayang nga naman nandun
na kami "gusto ko sa taas eh". The others cannot go on na daw
so we dropped down to ten (10).. (scuLLy, aLoN, bugoy, vaLeska,
mumbaki, mimin, NgiT, cLouD, MarLoN and Peter). We finally
reached the top ! WOW !! ganda ! parang nawala lahat ng pagod mo.
YEhEY ! picture taking LOL !... we stayed there for a while
(langhapin ang sarap ng hangin at kapaligiran LOL !)
Then bumaba na kami...yung sweeper (si dadde bugoy) nauna na LOL ! hehehe.


Pagdating sa Husgado, we packed up then go down. We passed by
Mc Donalds (ate Joy's karinderya) then doon na nagluto ng
Lunch si mommy jasMINE.. then order na lang kami ng rice 5
pesos every order plus 5 pesos uli for the gas (kase nagluto
nga kami ng sariling ulam eh hehehe !) sarap ng kain namin ..
me haLo-HaLo pa LOL ! mommy jasMINE !! Nice cooking talaga !!
hwe hwe hwe !. Ooops me napapansin ka ba sa kabilang table...
si CLouD saka si MarLoN..macKing !! LOL ! yiiiiiiiiiiiiiii
hehehehe... nagkakasundo na yata LOL ! kaya pala panay ang
suklay ni CLouD eh LOL !.
Lakad uli kami pabalik n sa H.Q. then pahinga na... nakup..
kulang sa tubig !!. Sino gusto maligo sa San Bernardo Falls !?...
taas agad si CLouD uuuuuyy !! hehehe (sumama din sina bugoy,
FLubbeR, NaD, Mumbaki, MarLon at CLouD yiiiiii) so naiwan na
yung iba ssa H.Q... natulog po kami LOL !. Balita sa amin
Buhay na buhay daw si NaD doon hehehe... nawala daw ang sakit !!
hehehe sarap na sarap daw sila ng swimming habang
nag-tu-toothbrush naman si NaD at mumbaki sa unahan nila LOL !!
pati si FLubbeR ..habang naglalaba at nagbabanlaw naman si
Dadde bugoy ! LOL ! (pustahan tayo umihi nanaman yan LOL !).


Well, kami naman sa H.Q. (aLoN, NgiT, mimin, scuLLy,
BLuenoTe, vaLeska, jasMINE, DeTrone) eh.. nagkantahan. Then
pag balik nila pack-up agad kase andyan na yung inarkila
namin na jeep uli for 200 pesos hehehe..! uwian na !!


-end-


Pahabol !!!!!! sa San Pablo.. nauna na poo sumakay si scuLLy
at BLueNoTe..kase me pupuntahan pa sila. then kami naman..
sabay sabay na..kasama si MarLon (Bus goin to Alabang 46 pesos !).


este.. nang hula po si ate mimin sa Bus LOL !
TuLugan uli sa Bus !! (NgoooorK !!)
then bumaba kami sa ALabang ! at Kumain sa METROPOLIS !!
(Pare !! escalator !!!!! LOL!)
then uwian na po talaga !! hehehe.

Gusto nyong malaman ang senti ni mimin and yung mga sumama gusto nyo ring mag post ng senti...bah oke yan...clik lang ng klik! Extreme Memories


Back Home
geocities