ALAALA KAY INAY

Edgardo C. Mojares MD

	I
Ikaw ang guro kong kauna-unahang
Nagturo sa akin paano mabuhay.
Ikaw ay isang tala sa landas kong tinahak
Upang ang pangarap ko'y tuloy maging ganap.
Bakit mo inulila akong iyong mahal?
Bigla kang pumanaw at di ako hinintay!

	II
Inay, pakinggan mo ang aking dalangin
Pinagbulaybulay ko ang iyong hinaing;
Kapag may problema ay aking susundin
Mga aral mo't mga simulain.

	III
Inay, ako'y nagkasala tulad din ng iba
Pagkat ako'y tao lamang na anak sa sala;
Hindi maiwasan kaya patawarin,
Iyan ang samo ko't huling hiling.

	IV
Inay, pinapag-aral mo pitong mga anak,
Kami'y itinaguyod sa simula mag pagpahanggang wakas;
Hind mo pinansin libu-libong hirap,
Sabi mo'y ang bawat gabi'y may laang maligayang bukas.

	V
Ang paniwala mo'y, titulo'y hindi kailangan,
Sa pakikitalad sa daluyong ng buhay;
Ikaw na ang saksi, di gasinong nag-aral
Pagkat ang narating ay 'elementary' lamang.

	VI
Ang lahat ng hirap sa mundo'y iyong nagampanan
Kaya ang kapalit nito'y buhay na walang hanggan;
Inay, sa kabila ng iyong paglisan,
Sa sinapupunan ng Dakilang Lumikha,
Kayong dalawa ng Tatay, maligayang bigla!


BACK

J SPOT

NEXT