MAGKAHALONG DAMDAMIN
(ALAALA KAY DANTE)

Dennis Edgardo C. Mojares, Sr., MD

Nalulungkot ako't ikaw ay pumanaw
Iniwan mo kaming iyong minamahal
Ang sandali mong tigil sa mundong ibabaw
nagbunga ng galak at kaligayahan!
Nalulungkot ako't wala ng matawag
ng mga problema sa gabi at araw
Ang mga payo mo ay walang katulad
ang karanasan mo ay walang katumbas!

Natutuwa ako't ikaw ay pumanaw
tapos na ang hirap ng iyong katawan
Sakit na tiniis halos araw-araw
dinamdam mong labis para lang mabuhay.
Natutuwa ako't ikaw ay pumanaw
kapiling mo ang Diyos na Buong Maykapal
Ang kabaitan mo at ugaling banal
hindi malilimot magpakailanman.


BACK

J SPOT

NEXT