Home | Pictures | Articles | Visitors List | About Mariel | Site Links | Site Map | Contact Mariel |
How to determine the appropriate statistical test to use in your research
College life stops being fun when you're doing your thesis. You spend sleepless nights in front of the computer for the analysis of your data alone. While the SPSS may help you in doing it, it is to your advantage that you know how to choose the right statistical analysis to use since the SPSS will run any test even if it is inappropriate. Read on and be guided in choosing the right test. This skill is very useful not only for your thesis but in future research endeavors. Who knows you might even get a 1 for it.
Ø The first thing to consider is your y or the dependent variable. Use a parametric test for a numerical y and a non-parametric test for a non-numerical (nominal, ordinal) y.
Ø The parametric tests are the t-test and the analysis of variance (ANOVA). The non-parametric tests are chi-square test of independence (X2), Kruskal-Wallis H-test (H), Mann-Whitney U test (U), McNemar test (X2M), Wilcoxon signed-ranks test (T) and Friedman test (Fr).
Ø Picking out a test is not done randomly. For the parametric tests, use t-test in comparing 2 groups and ANOVA for more than 2 groups.
Ø In choosing the kind of non-parametric test, determine first if your y is nominal or ordinal. If your y is nominal, use X2 when your samples are independent or mutually exclusive with 2 or more groups for comparison and use X2M when your samples are related with only 2 groups to compare. If your y is ordinal and samples are related, use T in comparing only 2 groups and Fr for 3 or more groups. In dealing with independent samples, however, use H for 3 or more groups and U for only 2 groups.
Now you can choose what type of statistical test you should use in your research. May this be of great help in your quest for a 1!
----------------------------------------------------------------
ORAPRONOBIS
Sabi ng nanay ko, idolo ko daw si Cory Aquino noong siya'y presidente pa. Hindi ko maalala kung bakit pero marahil dahil lagi kong suot ang dilaw ko na damit. Kung sa bagay, mga apat na taon pa lang ako noon-bata pa upang makita ang mga katangian na dapat hangaan. Sa panahong iyon, hindi ko tanto ang takot ng aking yaya para sa kanyang ama. Kasapi kasi ito ng NPA at nagtatago sa mga awtoridad. Madalas kasi noon ang operasyon laban sa kanila sa probinsya namin. Kahit mga alagad ng simbahan ay pinagbintangan na katuwang ng mga rebelde. Hindi ko makalimutan ang nakasulat sa pader ng aming simbahan noon "Sister _______, miyembro sang NPA."
Ang alaalang ito ay muling nanumbalik nang mapanood ko ang Orapronobis ni Lino Brocka. Naging pamilyar sa akin ang mga operasyon ng gobyerno para umano tumigil ang rebelyon. Usap-usapan sa amin noon kung ilan ang nahuli o namatay tuwing may ambush. Hindi sumagi sa isip ko na maaaring mga inosenteng sibilyan ang mga namatay. Ang mga nakaligtaan ko noon ay ipinakita ng pelikula. Napagtanto ko na hindi nga naging paraiso ang buhay noong panahon ng aking dating idolo. Namulat ako na hindi pala dapat simbolo ng demokrasya ang dating pangulo.
Sa kabuuan, maganda ang pelikula. Mahusay ang direksyon at pagganap ng mga pangunahing tauhan na lalo namang pinagtibay ang magandag kuwento at iskrip nito.
Tunay ngang ang mga pelikula ay larawan ng realidad. Kasabay ng magandang kuwento nito ay ang mga tanong at hamon sa sambayanan. Base sa pelikula, ano ang bahagi ng sambayanan sa mga pagbabagong panlipunan? Anong parte ng buhay ang dapat isakripisyo para sa pangkalahatan?
Sa kaso ni Jimmy (Philip Salvador) ang solusyon dito ay ang pagsapi muli sa armadong kilusan. Mas bakas sa kanyang mukha ang galit kaysa lungkot habang karga ang patay na anak sa simbahan. Para kay Jimmy, umabot na hanggang sukdulan ang pang-aabuso ng gobyerno dahilan upang siya ay mamundok. Subalit dapat bang tularan si Jimmy sa ngalan ng panlipunang pagbabago?
Kamakailan lamang, ipinagdiwang ng sambayanan ang unang anibersaryo ng EDSA Dos na siyang naging patunay ng kapangyarihan ng mamamayan na magsagawa ng pagbabago sa lipunan. Maitututuring na isang tagumpay ito subalit kung ang pundamental na pagbabago ang pagbabatayan, halos walang nangyari. Salungat sa konklusyon ng pelikula, sa tingin ko hindi sagot ang armadong pakikibaka sa ganitong klase ng lipunan. Halos walang pinagkaiba ang pamamalakad ng dati kong idolo at ng kasalukuyang pamahalaan. Katulad ng ipinakita sa pelikula, patuloy pa rin ang operasyon ng mga militar sa panghuhuli ng mga rebelde. Ang masama pa nito, sila ay pinapatakbo ng prinsipyong "pagpatuyo ng tubig upang mamatay ang isda." Lumalabas na ang masa (na karaniwan ay binubuo ng mga magsasaka) ang kawawa sapagkat bilang "tubig" sa mata ng mga militar, sa suporta nila hinuhugot ang lakas ng mga rebelde. Isang magandang dahilan para sa awtoridad upang sila'y parusahan. Katulad ng nangyayari ngayon sa Mindoro hindi lamang mga rebelde ang apektado sa operasyong Habol Tamaraw kundi ang mga sibilyan.
Maliwanag na sa ganitong sitwasyon mas higit na kailangan ang mga mamamayang mulat kaysa sa armado. Ang mga mamamayang mulat ay hindi gaya ni Kumander Kontra (Bembol Roco) na alipin ng maling paniniwala at gobyerno. Matatandaan na si Kumander Kontra ang lider ng isang kulto na naatasang magpanatili ng kaayusan sa Sta. Filomena. Ang pamamaraan niya ay ang pananakot sa mga mamamayan at dahil sa marahas niyang pamamaraan siya ay nahandugan ng isang parangal. Sa kanilang kuta, makikita ang larawan nina Marcos, Rambo at bandila ng Estados Unidos-simbolo ng kanilang baluktot na paniniwala.
Ang mamamayang mulat ay yaong nakikialam sa mga isyung panlipunan at ipinaglalaban ang interes ng kapwa. Sila ang ay may kaalaman tungkol sa mga isyu at sumusubaybay sa mga gawain ng gobyerno. Sila ang mga taong di natatapos ang obligasyon sa tagumpay ng EDSA. Nananatiling bigilante. Sila ang tumatakda ng mga hakbang tungo sa pagbabago sa paraang hindi marahas. Ito ang kailangan natin ngayon, higit pa sa tropang may armas.
Ang Pilipinas ay hindi na nangangailangan ng marami pang inosenteng Esper at Camilo upang mamatay. Hindi rin kailangan sumapi sa armadong grupo. Magbibigay lamang ito ng dahilan para sa marami pang Kumander Kontra. Kailangan ang mga taong magpapamulat sa sambayanan upang wala nang bata ang hahanga kay Gloria sa pagpapatalsik niya kay Erap at sa pagpapalaya sa Pilipinas sa korupsyon. Kung ang mga pelikula ay salamin ng realidad, sana wala nang Orapronobis II.
--------------------------------------------------
She has not yet chosen the best articles to convince you to join her forces.