PHR All Time Favorite Collections 1-10
» Dugtungan Mo Ang Isang Magandang Alaala
TEASER:

Maligaya si Julie sa piling ng kasintahang si Greg. Subalit sa tuwina ay wala itong bukambibig kundi ang nakatatandang kapatid na si Ariel. Nang makilala niya ang misteryoso at aroganteng si Ariel, ni sa hinagap ay hindi niya inakalang mapapakasal siya rito.

Parang panaginip lamang ang lahat, na paggising niya'y totoo palang dalawang beses siyang naging Mrs. Valdez.

Published by: Precious Pages Corporation, 1997
*Cover submitted by Che.

 

» Akin Ka Noon, Ngayon at Magpakailanman
TEASER:

Hindi makapaniwala si Jessica na itinali ng Papa niya ang kanyang mamanahin sa taong minsan ay nanloko sa kaniya."Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang tiwala ng Papa, Nick!," buong pait niyang sinabi. "I cannot imagine that he trusted you that much!," nanunuyang dugtong niya.

".at hindi lang ang asyenda ang ipinakatiwala niya sa akin!," sa nanunuyang tinig din sumagot ang lalaki. "Maging ang kaisa-isa niyang anak!" Natigilan si Jessica sa narinig. Bakit ngayong nalaman niyang hindi ito pabor sa ginawa ng Papa niya ay hindi siya nakaimik? Ano ba ang inaasahan niyang isasagot ni Nick?

Published by: Precious Pages Corporation
*Cover submitted by Ruth Ann; teaser by Mark.
» Nang Gabing Maging Akin Ka

TEASER:

Dalawang pag-ibig na ang nawala kay Monica dahil hindi niya nais na magkaroon ng pre-marial affairs. At ang huli, si Michael, iniwan siya sa isang resort sa Laguna nang tumanggi siyang makipagtalik dito bago sila ikasal.

Sa sama ng loob, habag sa sarili, at iglap na rebelyon na tinulungan pa ng dalawang shots ng tequila, ipinagkalooob ni Monica ang sarili sa isang total stranger.

Published by: Precious Pages Corporation
*Cover submitted by Ruth-Ann.
» Roses are Red, Violets are Blue
TEASER:

Natagpuan ni Viola ang sarili na bihag ng pag-ibig na kinakulungan ni Gio at ng kanyang ina. Tiniis niya ang hapdi na dulot ng katotohanang nakikita siya ni Gio bilang si Violeta.

Ngunit kaya ba niyang makipagkompetensiya sa kanyang ina? Paano niya makukumbinsi si Gio na siya at hindi si Violeta?

Published by: Precious Pages Corporation
*Cover submitted by Ruth-Ann.
» Aagawin Kita sa Kanya
TEASER:

Si Allana, businesswoman sa gulang na 24. May boyfriend, si Mark. Guwapo, mayaman at executive. Simple at tahimik ang relasyon nila at niyayaya na siya nitong pakasal. Bigla ay nauga ang tahimik niyang mundo nang minsang masira ang kotse niya at mapilitan siyang mag-jeep. Ang driver ng jeep, si Rafael, na sa imahinasyon ng dalaga ay look-alike ni Lorenzo Llamas.
Si Rafael na kung tumitig ay matutunaw kahit batong-buhay!

Ipagpapalit ba niya si Mark kay Rafael na sa halip na modelong kotse ay jeep ang minamaneho, at sa halip na attache case ay tool box ang dala-dala?

Published by: Precious Pages Corporation
*Cover submitted by Che.
» With This Ring...
TEASER:

Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya sa mga ahente ng white slavery na tangkang dalhin siya sa Maynila.

Sa pagtakas, sa isang cargo ship siya napatakbo. Napapasok sa isang bakanteng cabin at nagtago sa closet. Hindi nagtagal ay dumating ang umuokupa ng cabin. At mula sa closet ay kitang kita niya nang maghubo't hubad si Gino! Sa tingin niya ay tila ito isang 'greek god'!
Paano siya lalabas? Saan siya pupunta? Naglalayag na ang cargo ship!

Published by: Precious Pages Corporation, 1997
*Cover submitted by Che.
» Only You
TEASER:

"Maari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Love me, please..." isang araw ay sinabi ni Erika sa lalaki. Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gusto si Nico; ang anak ng stepfather niya. Sampung taon ang ang lumipas ngunit walang nagbago sa damdamin niya. At ang dislike ay nauwi sa hatred nang ilayo siya ni Nico kay Cholo nang araw na handa na niyang ipagkaloob ang sarili sa kasintahan.

Ano ang nangyari at tila nagmamakaawa siya ngayong hingin ang pag-ibig ni Nico?

Published by: Precious Pages Corporation, 1997
*This cover is from Ruth-Ann.
» Be My Love, katherine
TEASER:

Makalipas ang sampung taong paninirahan sa Amerika ay nagbalik si Katherine sa bayan nila. Hindi upang manatili kundi upang sapilitang magbigay-galang sa tinakasang ama. Doo'y muling nakita ng dalaga si Emilio, na isang munting bahagi lamang ng kabataan ni Katherine. Aakalain ba niyang ang payat at maangkad sa Emilio noon ay isang guwapong 'hunk' na ngayon?

Ngunit paano palalayain ni Emilio si Katherine sa isang masakit at di-malimot na kahapon?

Published by: Precious Pages Corporation, 1997
*Cover is from Che.
» For The Love of Alyssa
TEASER:

Nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Jim at Alyssa. Pero dahil sa isang pangyayari ay hindi natuloy ang kasal. At makalipas lamang ang ilang linggo ay nagpakasal si Alyssa sa ama ng binata, kay Jaime Villaroman, Sr.

Bakit ginawa iyon ni Alyssa gayong taglay niya sa sinapupunan ang bunga ng pag-iibigan nila ni Jim?

Published by: Precious Pages Corporation, 1997
*Cover submitted by Ruth-Ann.
» Kung kaya Mo nang Sabihing mahal mo ako
TEASER:

Kasinatahan ni Megan si Gil. Samantalang ang kinaiinisang si Miguel ay lantaran ang panunukso at pagsasabing mahal siya. Parehong may mataas na posisyon ang dalawang lalaki sa kumpanyang pinapasukan nilang tatlo. At siya ay unti-unting natatangay sa tukso. Hanggang sa biglang mag-resign si Gil.

At nalaman niya, ipina-terminate ito ni Miguel sa malinis na paraan. Ano ang paiiralin ni Megan? Ang pagiging makatarungan o ang pagmamahal?

Published by: Precious Pages Corporation
*Cover submitted by Che.
Titles are arranged according to their phr number.