Buod Ng "Mga Indios Bravos"

Mga Indios Bravos


scene_1.jpg (21706 bytes)
Sa pagnanais nilang Makita ang mga ugat ng paghihirap ng bayan, apat na walang kamuwang-muwang na Atenista ang nagulantang nang bigyan sila ng pagkakataong makapaglakbay sa panahon. Isang susi ang sa kanila'y ipinagkaloob ng isang tila mahiwagang tao, at sa bawat pintong kanilang buksan gamit ang susing iyon, ibang kapanahunan ang kanilang nagigisnan. 


Kasama ng susi ang bansag sa kanila ay ang Mga Indios Bravos, silang binigyang pagkakataong mabago ang kalagayan ng bayan.
Subalit imbes na makita ang mga kamaliang kanilang hinahanap, dinala sila ng alon ng kuryoso't pangamba, kung kaya't nagsimula silang mangalikot sa mga pangyayari.
scene_2.jpg (20851 bytes)


Sa kanilang mga unang paglalakbay makakasalubong nila sina Cory, Ninoy, at Marcos, mga mahahalagang tao sa kasaysayan na sa buong pag-aakala nila'y makatutulong sa kanilang paghahanap.



Unti-unti nilang nalalaman ang tunay na kapangyarihan na iginawad sa kanila kapag lumalantad ang mga bunga ng kanilang pakikiaalam sa kasaysayan.

Napagpasyahan ng grupo na baka ang puno't-dulo ng lahat ng kahirapan sa lipunan ay nagsimula dahil sa mga pananakop sa bansa. Mula sa panahon ng Hapon hanggang sa pagdating ng mga Espanol, sinubukan na nilang baguhin ang mga pangyayari sa pagiisip na makabubuti ito para sa lahat. Subalit sa dulo ay mahuhuli nila ang isa't-isa na gulung-gulo pa rin at walang nararating.


Sa paglilinaw ng isa pang Indio Bravo, si Rizal, matatagpuan nila nag tunay na dahilan kung bakit sila pinatawan ng kapangyarihan: upang matagpuan nila ang halaga ng kanilang mga pagpapasya sa kasalukuyang kanilang pinanggalingan.
Sa kahuli-hulihan, tulad ng sa buhay minsan, susulpot ang mga tanong: Saan nga ba natin makikita ang hinahanap na kasagutan? Sa nakaraan, sa kasalukuyan, o sa hinaharap?



                                       

                                                                        homeclicked.jpg (6905 bytes)

   homeclicked.jpg (6905 bytes)
Tala Mula Sa Direktor | Ang Mga Nagsipagganap | Mga Piling Larawan

                                                                         Mga Piling Dula