Manila Review - Poem
Spring
2005 - Apr May June
Email:
manilareview@yahoo.com
Previous Page     Next Page
Vim Nadera
Poet from Philippines

LAJILAHI

by
Vim Nadera

Ako, kung sakali, ang aking tinubuang lupa, 
Paano akong hindi nagpasakop sa Kastila?

Karapat-dapat ba akong tawaging Pilipino
Kung kay Haring Felipe di naman ako saludo?       

Halimbawang namatay nga siya sa kalibugan
Ayaw kong isunod sa kanya ang aking pangalan.   

Walang iniwan ito sa tawag na "Maharlika"
Na ang kahulugan daw ay "higanteng titi" pala.     
 
Akin pang mas iibigin kaysa malaking ari,
Lalaki man o hindi, ang malaking pag-aari.   

Ito nga ang ibig sabihin ng isang lupaing
Minahan ng ginto ni Haring Solomon - ang Ofir.    
O ang Maniolae - na kapuwa antigong bansag 
Ng mga pari at pantas sa lumang Pilipinas.    
Subalit bakit mas malapit sa taguring May-i
(O lugar na maahas) ang sa akin nangyayari?    
Matay kong isiping nasa pugad ako ng traydor 
Pero ano itong nakapalibot na ulupong? 
Mas masahol pa sila sa talangkang nambibigo 
Kahit pa sa kadugong ang narating ay malayo.    
Tayo ba ang salamin ng puta-putakeng pulong  Nagtutuklawan kung kaya hindi mabuo-buo?    
Hindi ba ito ang tumulong sa kolonisador 
Para lupigin tayo nang walang kagatol-gatol?   
"Wala kang paki," sabi ng isa, "sa di mo pami." 
Sabi naman ng iba: "Kayo-kayo. Kami-kami."    
May lakas-loob pa ba tayong mangarap umunlad  Samantalang, pagkamulat, tayo ay watak-watak?  

Hindi kaya nasarapan tayong maging alipin 
Kaya wala na tayong mas mataas na mithiin?   
Ano at mamamakyaw pa raw kung makakatingi? 
Bakit pa raw bibili kung mas madaling humingi?   
Ganito ba ang uri ng mundo na mamamana 
Sa akin ng aking anak na magkakaanak pa?   
Disin sana napipili rin ang ating magulang. 
Maging ang kung saan tayo isisilang na bayan.    
Bagamat maaari pang mandarayuhan ako 
Iiwan at iiwan ko rin ang puso ko rito.   
Dito sa tierra adoradang gagawin kong bansang 
Kailangan ako kaya ako rito nagmula.
----------------------------------




-------------------------------------------------
(Copyright(c) 2003 by Vim Nadera)

Do you like the poems of Vim Nadera ?

Do you want to buy Vim's poetry book?

a. Contact the editor of Manila Review at manilareview@yahoo.com

b. Visit the Bookstore of Manila Review.
Manila Review Bookstore.
----------------------------
Photo to be posted soon.
My Favorite Links:
Manila Review
Home
Menu
Bookstore
Advertise
Manila Review
Spring 2005 Issue
Table of Contents
Editor's Page
Poetry
Poem Reviews
Book Reviews
Interviews
Book Ads
About Vim Nadera

Vim Nadera is born in the Philippines.
He is an award-winning poet, fictionist, playwright and essayist.

He pioneered "Poem Therapy" in the Philippines as he is a holder of a masters degree in Clinical Psychology. 

  He organizes writing workshops, poetry performances and poetry contests.

Buy this book: Click here.
Copyright (c) 2005 by Manila Review.
All rights reserved.