>
stefano have a movie w/ Piolo pascual and joyce jimenez no movie for camille this year...... Stefano Mori leaving in showbiz? congratulation! carlo aquino for winning the award of bagong buwan heart evangelista for trip angelene aguilar for cool dudes Camille, ilulunsad sa stardom ITO ANG L8ST NGAYON! ni Eric John Salut Publish Date: [Wednesday, September 04, 2002] Kung iniisip ng marami na pinababayaan na si Camille Prats ng ABS-CBN, think again. Ang totoo, inihahanda na si Camille sa paglulunsad sa kanya sa stardom. Ang balita, si Camille ay nakatakdang i-launch kung paanong ni-launch si Claudine Barretto sa Mula Sa Puso na ngayon ay isa na sa young superstars ng Philippine showbiz. Sa ngayon, isa si Camille sa bida sa Arriba, Arriba along with Heart Evangelista at Aiai delas Alas. Isa ito sa mga shows na may pinakamataas na ratings sa ABS-CBN. Every Wednesday ay napapanood siya bilang isa sa mga co-hosts ng Magandang Tanghali Bayan. Balitang naghahanap ngayon ang ABS-CBN Talent Center ng isang permanenteng ka-loveteam ni Camille. Isa rin si Camille sa pinakabatang endorsers ngayon. Ilan sa mga iniindorso niya ay ang Banco Filipino, Secosana Teens at Crimson Shirts for Teen. Graduating sa high school si Camille sa Distance Learning Center ng ABS-CBN. July next year, she will be turning 18 at isang bonggang debut party ang inihahanda ng kanyang magulang na sina Daniel at Alma Prats. Kung si Camille lang ang masusunod, gusto niyang mag-celebrate ng 18th birthday sa isang charity institution. Pero nangako ang kanyang magulang na bibigyan pa rin siya ng isang engrandeng debut party ![]() here the new article of camille prats: Ka-cheapan yung mga lumalabas na balitang boyfriend na ni Camille Prats itong si Jordan Herrera ng Power Boys. Sumumpa sa amin ang mabait na teen actress na walang katotohanan ang nasusulat. Aminado siya na loveless siya ngayon pero wala raw siyang plano na pumasok sa isang relationship. Hindi alam ni Camille kung saan nagmula ang tsismis sa kanila ni Jordan at wala siyang maisip na rason para siya i-link sa newcomer. "Swear, Tito Eric, hindi totoo yun!" sabi sa amin ni Camille. "Ayoko munang magpaligaw ngayon. Basta ayokong mag-entertain ng guys. Siguro nice lang ako pero hindi talaga totoo na nanliligaw siya sa akin. I have not even worked with him kahit sa TV." Dapat lang sigurong tapusin na ang isyung Camille at Jordan dahil malinaw na kuryente ito. At siguro naman, sa nalaman ni Camille na sitwasyon sa buhay ni Jordan, malabo talagang magpaligaw or maging boyfriend niya ito. Imposibleng mag-entertain ng manliligaw ngayon si Camille. Marami siyang pinagkakaabalahan ngayon. Bukod sa Arriba! Arriba, may mga activities siya in line with her being spokesperson ng Banco Filipino Happy Savers Club. She recently signed up with Secosana Ten Bags as the new celebrity endorser. thanks eric john salut for the new info about camille prats! guesting asap ariba ariba gmik mtb tv programs gmik ariba-ariba |
![]() ![]() ![]() |