WHOSE SIDE ARE YOU ON?   
bolt
 
 
WELCOME BIO LAYOUTS PHOTOS CONTACT SITEMAP

 
March 26, 2006
e-mail me
Ang BC 100-A

Ang BC 100-A ang code natin sa naudlot na tribute natin sa mga graduating na UJPeeps noong 2004. At dahil malabo akong makapunta sa induction dahil 300 ang babayaran, the most expensive if I'm not wrong sa lahat ng induction, dito ko na lang kayo paparangalan. Maraming salamat dahil kayo ang mga naging unang kakulitan, kakwentuhan at kaibigan ko Peyups. Congratulations! Mag-uusher ako sa inyong maligayang araw ng pagtatapos.

tetel
[TETEL]

First encounter: Isang mumunting nene sa Math 11 class kung saan lagi kong tinatanong kung nakita niya ba si Hansel.

Pagpasok mo pa lang sa tambayan, natatawa na ko, hehe. Salamat sa mga words of wisdom regarding friendships at pag-alala mo sa money problem ko. Pasensya ka nung app ka, winisikan ka lang tubig, baka kasi madumihan yung pool, joke! Kamusta mo na lang ako kay Hansel, hehe. Basta kung may time, labas ulit tayo sa SM North tapos libre mo ko taxi.

kuya frank
[FRANK]

First encounter: Mala-Sadakong nilalang na nakita ko sa unang pagpunta sa Tambayan.

Maraming beses tayong nag-argue, pero I have to say I respect whenever you take a stand. Thanks sa mga panahong binak-up-an nyo ko nila Kirk at Adan. Thanks din sa football tips, sa paglend ng National Geographic, at mga payo sa mga journalism class. Ako na lang ata madalas sa Bulalayaw na tinatawag kong kuya. Because you've been one to me *shit*.

twinkle
[TWINKLE]

First encounter: Haggard na gumagawa na nagsusulat ng mga owner ng dyaryo sa isang manila paper sa tambayan

What i like about Twinkle is her innocence sa mga bagay-bagay. I appreciate the effort of inviting me to your CCC service, where we met Martha and made her join UJP, hehe. Thanks sa pag-alala at kahit busy ka na sa CCC, I think you've been a very good Educ comm head. Sa susunod Philippine Constitution naman kabisaduhin mo,;P.

toni
[TONI]

First encounter: Akala ko kumakain sya ng baraha,hehe. Babaeng baraha pala. Late ko na syang nakita at sa FC pa ata ko 'to nakilala.

Ang taga-Collegiang si Toni, napakaapproachable na tao at maraming suitors, haha! Sana nakatulong yung 10 pesos ko nung nawala ang iyong coin purse. Hindi ka natuloy mag-Econ so mag-PPCIJ ka ? Haha. G'dlak!

aileen
[STOX]

First encounter: Minsan hinahanap ko si Aileen kay Stox. "Sino ba si Aileen," tanong ko kay Stox. Di rin raw niya alam.

Pag kausap mo si stoxx, may sense. Kumbaga yung mga usapan ninyo life-changing. Sabi ko nga magmadre sya, joke! What I'm thankful kay Stox eh dahil sa pagiging appreciative niya sa mga nagagawa kong may saysay pala. Salamat din sa madalas na pagbisita ng blog ko at chua tips. Wag ka nang uupo sa Sunken Garden at baka may lumapit na naman sa'yong alam mo na. :)

lawrence
[LAWRENCE]

First encounter: Pagdating ko sa tambayan, nag-kokontest ng mga wirdong sayaw sila Frank, Adan at Kirk. Naglaro kami ng basketbol sa tambayan. Yun maliit na bola at maliit na sinsabit na basket.

Ang sport cum showbiz expert ng org. Malalim magmahal tong si pareng Lawrence at maswerte ang babaeng makakatuluyan niya. Salamat tol sa mga panggagago niyo sa 'kin ni Marlon sa football. Magprapraktis na ko sa grip ko. Salamat din sa mga sex stories mo! Haha! Congrats, tol!

xymon
[XYMON]

First encounter: Tahimik at di nagsasalita. Si Camille laging kasama. Tapos si Lizzie. Tapos. Tapos.

Ang ka-webmaster ko sa ujp site, si Paul, he might seem as hard as stone pero pag nakita ka niyang kelangan mo ng tulong, he would help you. Malakas lang tong mang-bara, haha! Lalo na napapasok ang kanyang physique. Matalinong tao at matulungin, malayo mararating ng taong 'to.

tinai
[TINAI]

First encounter: App siya, Memcomm ako. Palangiting bata na masa matanda sa'kin, hehe.

Pano ba 'yan, di nakita nakikita. Ang pinagkasasalamatan ko kay tinai eh di sya nagalit sa akin nang nagalit na halos lahat ng barkada nya sa akin ukol sa isang bagay na wag na nating pag-usapan. Superbait at ka-student of destiny ni Lizzie. Just continue trusting Him. :)

hallel
[HALLEL]

First encounter: Ang kaklase ko sa Math 11 na tinuruan ako kung ano ang pupunitin sa class card.

Si Hallel o si Adan, di siguro alam ng iba, ang tumayong "spiritual adviser" ko circa 1st -2nd year. Maraming natulong yung mga simpleng text niya, pati na rin yung mga prangkang remark niya pag nagiging tactless ako. Hindi ko makakalimutan ang taong 'to, dahil katulad ni JP, tinulungan niya rin akong ayusing ang buhay.Naks ang lalim. Congrats tol sa inyong dalawa ni Rona, I wish you the best (Naks, parang wedding greeting, hehe).

lizzie
[LIZZIE]

First encounter: Ang nagdala sa akin sa UJP pero nag-defer. Katabi at kakulitan ko sa Math 11. First U.P. crush. ;)

Si Lizi, tulad ni Darlene, Twinkle at Adan, ay isang taong nagpapalapit sa 'kin sa Diyos sa tuwing sinasadya kong lumayo sa Kanya. Madalas namaing kakulitan 'to ni JP at hobby na ang pag-jogging sa Acad oval. Isa siya sa mga malalapit na kaibigan ko sa org. Salamat sa lahat ng tulong, Lizzie!

darlene
[DARLENE]

First encounter: Sa tambayan, usap-usap tungkol kay God at sa kanyang Victory Campus Ministry

Isang malalim na tao si Darlene. He could prove God's existence to you kahit hindi i-base sa Bible ang arguments.

empress
[RYAN]

First encounter: Unang pagdating ko, sinabihan kaagad ako ng "ang gwapo." Nailang ako sa pag-aakbay sa'kin.

Si Empress ang ilang beses na nagpalabas sa akin nung solo interview ko. Natatawa kasi ako sa kanya. Talentadong tao, she was our journalism representative at memeber pa ng Samaskom. Creative na student ni Ms. Agulto. Ang nakakamiss lang di na siya nakakatambay sa tambayan. Hehe, congrats Ryan!

xylo
[XYLO]

First encounter: Nang ako lang tao sa tambayan, bigla nyang tinanaong kung saan nakalgay ang mga sigsheet. Hahabol kasi siya nun sa application.

Syempre di pwedeng wala akong isusulat kay bestbro Xylo! Kaso nasabi ko na sa kanya lahat. Basta alam mo na yun, pare.

amor
[SHAYNE]

First encounter: Nagtatampo sa isang sulok dahil drinowing ni Kirk siya na may megaphone sa bibig. Hehe. Those were the days.

Mamimiss ko yung katuwaan namin pag nagprapraktis ng cotillon para sa debut ni Camille, saka yung paglilibre nya nung halo-halo nung summer classes. Mataas ang pagtingin ko kay Shayne, kung alam niyo lang. May paninidigan sa bawat salitang isasambit--hehe, ang lalim.

maya
[MAYA]

First encounter: Laging nakashades at kasama 'yung kaibigan niya sa Econ.

Ginawan ako ng tula niyan! Hehe. Ang gusto ko kay Maya, ok lang sa kanya na yakapin ko siya, sobra sa lambing na tao. Syempre nagkakatampuhan, pero ayus pa rin kami. Pareho kaming naging memcom at mahilig sa photography. Hehe.

irish
[RISHI]

First encounter: Tahimik at palangiting bathchead. Laging nakalugay at naka-shirt.

Ilang beses na kong natulungan ni Rishi whether pang-chua o money hehe. salamat sa pagsama sa'king 20th birtday pagakatapos ng aming CJ. Salamat rin pag-inivite kita pumunta sa kung saan saan, pumapayag ka, hehe. Basta pag tumawag ulit yung manliligaw mo from Siargao, wag mo na sa'kin pasagot! :) Hehe!

camz
[CAMZ]

First encounter: Napagkamalan ko na si ate Mau.

Si Camz, ang pink sa rainbow, ay ang ka-love team ko sa Sona. Hehe. Matalino na , maganda pa. Syempre pina-utang niya ko kaya ko pinagsasabi 'to, haha! Basta Camz, wag makakalimot magdasal for all blessings you've received.

emman
[EMMAN]

First encounter: Kalbong nag-RROTC. Basta kalbo siya nun.

Naku si ka-PDI na si Emman? Wala na ko masasabi diyan. Isa siyang born leader. Siya ang papalit kay Letty jimenez -Magsanoc pati na rin kay Sheila coronel. sana nakatulong 'yun invite sa PCIJ blogging summit. Congrats!

kirk
[KIRKY]

First encounter:Sumasayaw na pangkolboy sa labas ng tambayan. Tinanong ko kung taga-Star Trek siya.

Aminin na natin, bago kami naging malapit ni JP, si Kirk ang naging kuya ko. Nandyan sya pag inaaway ako sa likod at nandyan din siya para pagalitan ako pagnakagawa ako ng mali.Pareho rin kaming nag-eenjoy ng anime , comics at iba pa. Oo na nga, pareho na kaming malibog. Eventhough we had this misunderstanding, I know we still looked up to each other. *Waha, ang mushy mushy* I'm glad ok na tayo. You're still my kuya Kirk. Tapusin na natin komiks natin :).


Bulalayaw

Sabay-sabay tayong pumasok, nagkakilala, nagkatuwaan, nagkasakitan, nagtulungan, nag-iyakan. At sa pag-alis ng ibang kulay ng bahaghari, gusto kong magpasalamat sa lahat ng alaala (insert dramatic music here)











O, iyak na! Hehe...

 

 
March 25, 2006
e-mail me

batch bulalayaw

BULALAYAW


Congrats, peeps!

Summer na!

Tag-nit na naman, kaya ramdam ko na ang pagtatapos ng aking ikatlong taon sa UP. Napakahalaga ng taong ito para sa akin. Dito mas nakilala ko ang mga tunay kong kaibigan, pati na rin lahat ng problemang di ko alam na makakaya ko nang lampasan.

At dahil malapit na ang April, magatatapos na rin si Xylo , si Rishi, si Camz, si Maya at ang mag ka-batch ko sa Bulalayaw. Syempre mamimiss nila ako, joke! Parang kelan lang kaya , tapos eto na aalis na sila.

Syempre si bestbro Xylo, ang pasyensoso kong kuya ay aalis na rin. Mag-rhirhinoceros costume daw siya sa graduation, ako naman ladybug.

Samantala, kapagod ang 2nd sem. Malas lang siguro ako sa mga grupo pero buti naman nakasurvive pa rin ang research namin dahil mas marami ang masipag. Hinihintay ko na rin kung ma-iinduct ako sa Optics. Ang cool dahil dati ako ang MemComm ng isang org tapos aplikante ulit ako.Ibe feeling ng tinataryan at alam na kung ba't ganun ginagawa

Nag-resign na rin ako sa UP Singing Ambassadors, ang haggard kasi. Nalaman ko na si Marlon pala ay nag-UPSA din.

Medyo di na rin ako nakakasama kanila Mark, Camille, Apple dahil sobrang busy ko. Sa BNR na lang ata kami nagkikita. Si Kuya Josh naman may work ulit, kaya busy rin.



isawan   isawan

Si Prospect

Warning: Mushy mode

Nakipag-date na rin ako. Syempre di nyo siya kilala. Actually, naging masayang experience yun. It feels like I’m starting with a clean slate. Halos araw-araw naiisip ko siya. Kaso lang, natatakot pa rin ako. Hindi pa kasi ako ganun ka-confident manligaw kung may sira ang sapatos ko at may utang pa ko kay Xylo at Camz. Haha. ‘Di nga.

Sabi ni bestbro, edi makipag-usap na lang kami about our interests at tuksutuksuhin ko siya. Sa mga ganun, di ko na kailangan gumastos. Kaso malabo pa rin makakuha ng tyempo dahil sa sked, though minsan si Prospect ang biglang sumama sa pagkain ko sa Casaa, kaso gago’t insensitive ako nun di ko sya na-accommodate. Plus gutom pa ko, hehe.

Malaking Panghihinayang

Madalas may mga makikita tayong mga taong aakalain nating magiging kaibigan natin habambuhay. Isa na dito ang nakilala ko. Naawa kasi ako sa kanya dahil wala raw siyang makasama nun dahil wala siyang org sa Maskom . Kaya eto naman ako sinasamahan siya at sinusunod ang anumang gustuhin niya.

At nag-aaway na rin kami, pero madalas ako ang unang nakikipag-ayos kasi raw ma-pride raw siya talagang tao. Pero pag naabuso ang tao, tanga na lang siya kung siya pa rin ang makikipag-ayos.

Kung saan-saan ako nakitulog, naubusan ng load, ginawa ang trabaho na dapat sa kanya, at pinakiusapang hindi siya ibagsak ng aming propesor, tapos sasabihan pa kong “wag ka ngang mag-drama diyan.”

Nanghihinayang ako sa mga panahon na ginugol ko sa taong nandyan lang para may makasama siya, makaunawa ng angst niya, mapanood ang * niya at kung ano pa. Tigilan mo na ang paghingi ng tulong sa kaibigan ko, minsan mo na rin siyang inabuso at ang kapal ng mukha mo na bigla mo siyang kakausapin habang kausap ko siya.

Ipagpapasa-Diyos na lang kita at sana wala ka nang &*^%$$#!() sa kama. Peace out.

1.514174

‘Yan ang running average ko. Kinompute ko kasi dahil nangamba ako sa mga tres kong paper sa isang kursong wala naman akong natututunan. Wala namang masama kung alamin ang scholastic standing mo at wala ring karapatan na bansagan ang tao na grade-conscious kapag iniisip ang markang makukuha. (Bitter lang sila). Dahil sa mga panahong ito, malabo na ang kinabukasan kahit gaanong sipag ka pa. Kaya nilulubos ko na ang makakaya ko para di masayang ang labing-apat na mga taong pinag-aral ako ng aking mga magulang.

Dapat madiskarte ka. Sabihin na natin may mga taong walang pakialam sa grade, pero wag naman sana nilang bigyan ng mababang tingin ang mga masisipag mag-aral. Bawat isa sa atin may gustong pangarap na marating. Kaya ‘pag nakuha ko na ang medalya ko sa Cum laude (sana…) sa susunod na taon, iaalay ko ‘to sa pamilya ko.

Randy David

Sa walkout sa UP, nakausap ko si Randy David, ang UP propesor na hinuli sa EDSA dahil sa paglabag ng Proclamation 1017. Bigla niya kong nilapitan at sinabing kung pwede ba kaming magpapiktyur. Kaya eto ang resulta. Joke!

with Randy David

 

 
February 6, 2006
e-mail me

Bolt

HOST AT THE UJP PHOTOJOURN ACLE


Click image for an eyesore

ACLE Pix!

View photos here!
(Bwiset na geocities na to, nagloloko sa pag-upload ng update ko!)

----------

Xerox Girl Elena

Sa dulo ng kwebang madilim na patungo sa Tambayan Extension ng Maskom, naroroon ang Xerox Girl na si Ate Elena. Maraming powers ang xerox girl. Kaya nyang tapalan ang maling nakasulat sa isang appointment letter para masulatan ulit. Nagpapahiram rin siya ng bolpen, gunting, lapis, papel, spongha, ubod, kalabasa atsaka meron pa, labanos mustasa.

Wala siyang bf ngayon...pero baka pwede si Xerox Boy ng CMC Libe..haha!

 

 
January 25, 2006
e-mail me

Bolt

SILVERBOLT


Just getting back into the writing stuff

New Status Quo

Hello there, welcome to the nth incarnation of my seldom visited site!

As you could see I've put a lot of effort on rebuilding this forgotten nook in the cyberspace (much work for someone who just rents pc, hehe). For the first time, I've created my own gif animation (wahoo!) which happens to be not so narcissistic (hope I made the spelling, right). Kidding aside, the orange thing is a sort of homage to my departing friend (hehe, like he's going to die now) who'd wear his sablay this April and say bye-bye to this handsome dependent friend of his(huhuhu).

So what's with the long hiatus, you (don't) ask? Well, it was a saga I could tell but basically I just resigned from my "managerial post" (aka tagabantay) in my aunt's pc shop to focus on my Chua requirements, which led to other cataclysmic events I would tell perhaps 'til no one is watching me write the hurting truths. (Hey, dumbass! Do you know what press freedom means?)

Anyway (Luis Teodoro style), what I'm doing now in my life is trying new things. I'm currently an applicant of the UP Photogarphy Society (UP OPTICS) and recently passed the auditions in the UP Singing Ambassadors (wahoo!). I just hosted and brainstormed the alternative classroom learning experience (acle) of my first org UJP-UP (Guess what? It's about photojournalism ethics!) I'm also dropping two subjects that could lose my private scholarship in UP. (But hey,they only paid 6K of my school fees!)

Anyway, I'm enjoying my comicbook writing class under Emil Flores, borrowing comics from Mikhail (pronounced Misha..I'll introduce this wacky guy to you next time), and singing our hearts out with Camille, Mark Merueñas, TJ, Apple, and Tom at Gateway (more on these next time or in the music section of this J122 requirement).

----------

Commercial Muna:

Listen to some songs recorded by my friend Mark thru his flash drive. Pardon the poor acoustics of SM North Food Court arcade and my hoarse voice:

----------

Bud!

Eto nga pala ang buddy ko sa Optics. He is worth P150. Hehe. Aside from the photography society (btw, may exhibit ang Optics sa AS this week ), he also invited me to join the UP Singing Ambassadors, wherein he is also an applicant. Ilang beses na kaming natatanong kung magkapatid kami, pero tinatakwil ko sya dahil panget sya. JOKE! Talo nya ko kasi photogenic siya. Pangalan nya pala Lemuel. Alam namin ang kaibahan ng validity at reliability. O ayan, paalam na mga repapips!

bud lem

 
ALIAS

secret identity: UY,JERALD TUAÑO
origin: 0.5 Kapangpangan + 0.5 Mindoreño
natal day:10.20.
occupation:journalism student
aliases:Jerry,J,Meteorcrasher, Silverbolt, Whirlpool, Jerix
interests: photography, writing, singing, drawing, dancing, web design, comics   (READ MORE)
SUPERTEAMS


Union of Journalists of the Philippines-UP Diliman

UP GM logo
UP Green Minds
Irregular DJ : DZUP 1602
Resigned Trainee: UP Singing Ambassadors
Applicant: UP Photography Society
BULLETIN

Silverbolt Bulletin Board


Bolt's collective poem published here.

Bolt picked as Inquirer scholar
Read INQ7.net article here.


Bolt's article published in Peyups.com
Read it here.


Bolt's article published in Tinig.com
Read it here.

Stop Killing Journalists!

BOLTERS

UNION
Almi
Ceasar
Dana
Darlene
Emman
Emman 2
Erika S.
Francine
Gladdys
Glenn
Glenn 2
Gretel
Irish
Jaypee
Jam
Jeff
Jerick
Joanne
Karol
Kate
Katt
Kirk
Lawrence
Liezl
Maureen
Maureen 2
MJ
Maya
Paul
Sam
Stox
Shayne
Tinai

GREEN MINDS
Bam-Bam
Bien
Brew
Choe-D
Jamie
Jobert I
Jobert II
Joy
Nix

MAKATI SCIENCE HIGH SCHOOL
Cee-Jay
Erika C.
Hay
Ivy
Kae
Marifel
Maricel
Niña
Thea

MENTORS
Danilo Arao
Rachel Khan
Raffy Khan
Luis Teodoro

COLLEGE PEEPS
Amy
Bikoy
Cyril
Cleng
Joanne
Josh
Klara
Lagsh
Pat
Mayee
Ten
Yani

CYBER DUDES
Abel
Allan
C-Ann
Ederic
Haillie
Jaykie
Kaizen
Katerin
Takore

free 
hit counter free web counter direct tv

First Appearance:July 28, 2004

Codes, Words, Graphics by Jerald Uy
All Rights Reserved©January 2006
Plagiarists will be deleted on this reality.