4rUSTEHS94
The Journey Navigator
family
nature
elemfriends
4rustehs94
amacatwalk
xcsti
the writer(?!) the webmaster linkUrSite the books


(wat   u   c  s  wat   u   get)



4r.gif (4885 bytes)

1990-1994
University of Santo Tomas - Education High School
Espaņa, Manila

milani myrae maricel mae edlyn adviser jennifer castro cherrylane ken-ken donna ghaye-ghaye charisma noehmie joan rosario raquel quennie salvie carla fitz fatima ana jennifer tiņgin lindsay stella joey carlo carrascal boyong paul domer wilbert charleston jose andres emerson christopher eric allan dennis marvin bola ryan hope julius raffy Ang Larawan

 

FUN TOGETHER...

 

... high school life
oh my high school life
so exciting, kay saya
bakit kung graduation ay
luluha kang talaga...

(HIGH SCHOOL LIFE by Sharon Cuneta)

Edlyn Andres-Navarro Allan Barbosa 

Noehmie Berja

Michael Bola

Carlo Dennis Cacho

Fatima Calingasan

Carlo Carrascal

Paul Casas

Jennifer Castro

Cherrylane Chua

Jose Dela Cruz

Reymundo Dela Peņa

Salvacion Dela Rosa

Carla Rosemarie Del Mar

Josef Vergil Domer

Donna May Dugayo

Eric Encarnacion
Sabi nila high school life is the most exciting part of life... siguro nga. Ewan kung sino yung sila pero sabihin na nating sila ay ang karamihan. Di ko masabing isa ako sa sila na iyon pero sang-ayon ako... exciting ang buhay ng high school.

First year? Ewan ko... nagising na lang ako isang araw na may bitbit na bag at napakahabang payong na parang may tungkod akong hawak at naghahanap ng room ko. Di naman ako nahirapan kasi dalawa lang naman ang section namin noon. Isang Pilot section at isang Regular section. Kabilang ako sa Regular section. 1-R kung tawagin.

Kung saang section ka itinalaga nung first year, sa ayaw at sa gusto mo dun kang section mananatili hanggang sa matapos mo ang high school. Di ako nagsisisi. Nakakatuwa ang section namin. Maganda nga yun eh, mas madali kong natandaan ang pangalan ng classmates ko at hindi ko basta-basta na lang makakalimutan. Kahit nga si Ms. Magumon di namin makalimutan eh! Si Ms. Magumon, isa sya sa mga dapat classmates namin pero ni anino nya di namin nakita. Ewan namin kung bakit.

Girl scout ako nung elementary. Ngunit nung high school ko naranasan ang tunay na training ng isang girl scout. Mula first year hanggang third year kasi girl scout ako. Nag-neophyte nga ako nung first year. Pero nung tinanong ako nung officer ng
"Do you want to quit now?!!!" sumagot din ako nang pagkatapang-tapang... "Maam yes maam!!!!!".. o daba ang tapang??? Mahina yata talaga ang loob ko noon eh.

Nakakatuwa. Di kami nagugutom at nauuhaw sa loob ng classroom namin. Nagbebenta si Ria ng kung anu-anong makakakain. Ganun din si Jennifer Tiņgin at Cherrylane. Si Carlo Carrascal din yata nagbenta eh di ko lang matandaan kung ano... O baka naman palagi kaming gutom noon kaya madalas maubos ang benta nila?

May batuhan pa nga ng... ano ba yun? yung parang green peas na mint na candy? haaay.. di ko na matandaan kung ano man yun pero masakit yun ha! Nang mahuli yung mga guys na nangbabato.. pinatayo pa sila ng teacher sa harapan ng klase... sila naman ang binato namin!

Naaalala ko pa si Ms. Paraiso. Siguro kasi sya yung una naming naging teacher sa Filipino (Pilipino pa nga yata noon eh... wala pang F sa alphabet ng Pinoy). Pinagtalunan pa nga kung ano yung alpombre... pati si Sir Espiritu nadawit. Si Sir Espiritu... sya yung kinatatakutan naming supervisor sa Filipino noon... pero nung malapit na kaming magsipagtapos, natanggap na namin na kaya siya strict eh para na rin sa aming kapakanan... ano nga ba uli ang alpombre?? o alpombra ba yun?

Si Sir Hubilla... ang paborito naming teacher sa drafting at sa gardening. Aba! Napuno yata ang mga ref ng pechay nung anihin namin ang ala-puntod na plot namin!

Si Ms Verdeflor. Ang teacher namin sa Values Education. She's always joking... seriously. Nakakatakot mag-recite sa class nya. Strict sya pero mabait. Walang ligtas ang may birthday sa kanya... palaging may kiss sa pisngi (e araw-araw birthday ni Domer...).

Di ko malilimutan nung minsang sinalo ako nina Joan at Catherine sa kalokohang ginawa ko. May isinulat ako sa gilid ng blackboard. Di ko alam kung bakit nagalit yung isa sa mga naging adviser namin (siya rin yung teacher na ni-boycot namin sa Scouting). Sa sinulat ko o sa duming dinulot nito sa blackboard? Siguro wala nang nakakatanda nun pero di ko malilimutan yun... para akong matutunaw sa kinauupuan ko nun... pero nung matapos... parang gusto kong yakapin sina Joan.

At paano ko din malilimutan nung minsang exam namin eh biglang hinila ni Myrae yung test paper ko???!!! Hayun! HULI!!! Pero oks lang... napatawad naman kami eh.

Napakarami... sobrang dami ng mga nangyari.

May suntukan. May hampasan ng salamin ng bintana pag galit. May tinaguriang sirens. Meron din namang nerdie ang dating. May cutting classes (ngayon pag nakita nyo school namin, parang hawla na... ewan ko lang kung may nakakapag-cut pa ng classes)...

Hindi perpekto ang section namin. Pero may isang perfect sa amin... si Andres Perfecto Santiago... Pero natutunan naming tanggapin at mahalin ang bawat isa.

Naging class president namin si Marvin, isang notorious. At secretary si Rosario (naisip nyo kung bakit?). Hindi sa nilaro namin ang botohan. Nagkaisa lang kami. Alam nyo ba kung nasaan na ang dalawang ito? Kumuha ng dentistry si Marvin, naging deans lister pa yata. Si Rosario? Hayun at isang ganap na teacher na.

Maraming taon na ang nakalipas. Marami sa amin ay nakapagtapos na ng college. Maraming may kanya-kanyang profession na. Meron nang may asawa. Anak. Pamilya. Yung iba nasa abroad na. Meron din namang nagpapatuloy pa ng pag-aaral.

Maraming nadapa at natutong bumangon. Maraming nanghina ngunit natutong lumaban.

Kami ang 4R. Natapos kami ng high school taong 1994. Sana naaalala nyo pa kami...

Walang iyakan sa graduation daba Paul? Pero nakakahawa ka eh!



P.S.

Ms. Magumon nasan ka na? Sana isang araw makilala ka namin. ;)

(the webmaster: April 23, 2001)

Estella Maris Eraham

Charleston Espineda

Maria Cecilia Galecio

Charisma Gavina

Mae Ellinida V. German

Christopher Guevara

Raquel Ignacio-Aquino

Fitzgerald Anne Javate

Joey Laygo

Raphael Macapagal

Marjorie Ann Malapitan-Ybarra

Ruveegail Masangcay-Dela Peņa

Marvin Mendoza

Myrae Morada

Lindsay Ong

  Mylene PabalateRosario PinedaQuennie QuejadaAndres Perfecto SantiagoEmerson SicatRia Rose SoritaJennifer TinginAna Cecilia TriasWilbert Valderia  

 

 

 

 E-mail me!