|  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  | Sabi nila
      high school life is the most exciting part of life... siguro nga. Ewan
      kung sino yung sila
      pero sabihin na nating sila  ay ang karamihan. Di ko masabing isa
      ako sa sila
      na iyon pero sang-ayon ako... exciting ang buhay ng high school. 
 First year? Ewan ko... nagising na lang ako isang araw na may bitbit na
      bag at napakahabang payong na parang may tungkod akong hawak at naghahanap
      ng room ko. Di naman ako nahirapan kasi dalawa lang naman ang section
      namin noon. Isang Pilot section at isang Regular section. Kabilang ako sa
      Regular section. 1-R kung tawagin.
 
 Kung saang section ka itinalaga nung first year, sa ayaw at sa gusto mo
      dun kang section mananatili hanggang sa matapos mo ang high school. Di ako
      nagsisisi. Nakakatuwa ang section namin. Maganda nga yun eh, mas madali
      kong natandaan ang pangalan ng classmates ko at hindi ko basta-basta na
      lang makakalimutan. Kahit nga si Ms. Magumon di namin makalimutan eh! Si
      Ms. Magumon, isa sya sa mga dapat classmates namin pero ni anino nya di
      namin nakita. Ewan namin kung bakit.
 
 Girl scout ako nung elementary. Ngunit nung high school ko naranasan ang
      tunay na training ng isang girl scout. Mula first year hanggang third year
      kasi girl scout ako. Nag-neophyte nga ako nung first year. Pero nung
      tinanong ako nung officer ng "Do you want to quit
      now?!!!"  sumagot din ako nang pagkatapang-tapang... "Maam
      yes maam!!!!!".. o daba ang tapang??? Mahina yata talaga ang
      loob ko noon eh.
 
 Nakakatuwa. Di kami nagugutom at nauuhaw sa loob ng classroom namin.
      Nagbebenta si Ria ng kung anu-anong makakakain. Ganun din si Jennifer
      Tiņgin at Cherrylane. Si Carlo Carrascal din yata nagbenta eh di ko lang
      matandaan kung ano... O baka naman palagi kaming gutom noon kaya madalas
      maubos ang benta nila?
 
 May batuhan pa nga ng... ano ba yun? yung parang green peas na mint na
      candy? haaay.. di ko na matandaan kung ano man yun pero masakit yun ha!
      Nang mahuli yung mga guys na nangbabato.. pinatayo pa sila ng teacher sa
      harapan ng klase... sila naman ang binato namin!
 
 Naaalala ko pa si Ms. Paraiso. Siguro kasi sya yung una naming naging
      teacher sa Filipino (Pilipino pa nga yata noon eh... wala pang F sa
      alphabet ng Pinoy). Pinagtalunan pa nga kung ano yung alpombre... pati si
      Sir Espiritu nadawit. Si Sir Espiritu... sya yung kinatatakutan naming
      supervisor sa Filipino noon... pero nung malapit na kaming magsipagtapos,
      natanggap na namin na kaya siya strict eh para na rin sa aming kapakanan...
      ano nga ba uli ang alpombre?? o alpombra ba yun?
 
 Si Sir Hubilla... ang paborito naming teacher sa drafting at sa gardening.
      Aba! Napuno yata ang mga ref ng pechay nung anihin namin ang ala-puntod na
      plot namin!
 
 Si Ms Verdeflor. Ang teacher namin sa Values Education. She's always
      joking... seriously. Nakakatakot mag-recite sa class nya. Strict sya pero
      mabait. Walang ligtas ang may birthday sa kanya... palaging may kiss sa
      pisngi (e araw-araw birthday ni Domer...).
 
 Di ko malilimutan nung minsang sinalo ako nina Joan at Catherine sa
      kalokohang ginawa ko. May isinulat ako sa gilid ng blackboard. Di ko alam
      kung bakit nagalit yung isa sa mga naging adviser namin (siya rin yung
      teacher na ni-boycot namin sa Scouting). Sa sinulat ko o sa duming dinulot
      nito sa blackboard? Siguro wala nang nakakatanda nun pero di ko
      malilimutan yun... para akong matutunaw sa kinauupuan ko nun... pero nung
      matapos... parang gusto kong yakapin sina Joan.
 
 At paano ko din malilimutan nung minsang exam namin eh biglang hinila ni
      Myrae yung test paper ko???!!! Hayun! HULI!!! Pero oks lang... napatawad
      naman kami eh.
 
 Napakarami... sobrang dami ng mga nangyari.
 
 May suntukan. May hampasan ng salamin ng bintana pag galit. May
      tinaguriang sirens. Meron din namang nerdie ang dating. May cutting
      classes (ngayon pag nakita nyo school namin, parang hawla na... ewan ko
      lang kung may nakakapag-cut pa ng classes)...
 
 Hindi perpekto ang section namin.
 Pero may isang perfect sa amin... si Andres
    Perfecto Santiago...Pero natutunan naming tanggapin at mahalin
      ang bawat isa.
 Naging class president namin si Marvin, isang notorious. At secretary si
      Rosario (naisip nyo kung bakit?). Hindi sa nilaro namin ang botohan.
      Nagkaisa lang kami. Alam nyo ba kung nasaan na ang dalawang ito? Kumuha ng
      dentistry si Marvin, naging deans lister pa yata. Si Rosario? Hayun at
      isang ganap na teacher na.
 
 Maraming taon na ang nakalipas. Marami sa amin ay nakapagtapos na ng
      college. Maraming may kanya-kanyang profession na. Meron nang may asawa.
      Anak. Pamilya. Yung iba nasa abroad na. Meron din namang nagpapatuloy pa
      ng pag-aaral.
 
 Maraming nadapa at natutong bumangon. Maraming nanghina ngunit natutong
      lumaban.
 
 Kami ang
      4R. Natapos kami ng high school taong 1994. Sana naaalala nyo pa kami...
 Walang iyakan sa graduation daba Paul? Pero nakakahawa ka eh!
 
 
 
 P.S.
 
 Ms. Magumon nasan ka na? Sana isang araw makilala ka namin. ;)
 
 (the webmaster: April 23, 2001)
 |  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  
 
  |