Balita
Banner Exchange (BayanBanex)
LIMAN-DIPANG TAO Lea Salonga (Ryan Cayabyab) Liman-dipang taong nagtutulakan Sa Avenidang aking napagdaanan. Nag-aabang ng masasakyan Patungo kung saan 'di ko malaman. Sa aking d'yipning sinasakyan Mayroong natanaw na mama. Sa dinami-raming nagdaraan Ikaw pa ang nakita. Ikaw pa ang nakita, May kasamang dalaga. Para, mama, dito na lang, Bababa na ako. Para mama, dito na lang, Heto ang bayad ko. Para na sabi, para na sabi, Para mama, para na d'yan sa tabi. Liman-dipang taong nagtutulakan Ang dinaanan ko sa paghabol sa 'yo. Tinatanaw ang pag-akay mo Sa dalagang pinagseselosan ko. Sa pagmamadali'y nadapa ako Sa bangketang kinatatayuan n'yo. Lumapit ka at tinulungan ako At kita'y tinitigan, mga mata'y nagkabanggaan. Ano ba itong naramdaman?(ano ba itong naramdaman) Sorry mama, pasens'ya ka na, Akala ko'y asawa kita. Sorry mama, pasens'ya ka na, Sorry't naabala ka pa Sorry na sabi, sorry na sabi. Sorry mama, sorry't napagkamalan ka. Liman-dipang taong nagtutulakan Sa Avenidang aking kinatatayuan. Nag-aabang ng masasakyan Patungo kung saan 'di ko malaman. Liman-dipang taong nag-uunahan Sa uunting sasakyang nagdaraan. Sayang ang d'yipning kanina'y lulan At ngayo'y nagsisisi sa aking pagbubusisi. Malaking pagkakamali! Para mama, sasakay po, Liman-dipang taong nagtutulakan. Para mama, sasakay po, Liman-dipang taong nag-uunahan. Para na sabi, para na sabi, Para mama, para na d'yan sa tabi. Para na sabi, para na sabi Para mama, para na d'yan Para na d'yan sa tabi Para na d'yan, para na d'yan Oohh-ahh d'yan sa tabi, mama Para na d'yan, mama Para na d'yan, mama Para na d'yan [Top]
ARAW-GABI The Company (Ryan Cayabyab) 'Di biro ang sumulat ng awitin para sa 'yo Para aking isang sira-ulong hilo at lito Sa akin pang minanang piyano tiklado'y pilit nilaro Baka sakaling mayroong tonong bigla na lang uusbong Tungkol sa ano mang kayang awitin para sa 'yo 'Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono sampu man aking diks'yonaryo Kung ang tugma'y 'di wasto, basta't isiping 'di magbabago Damdamin ko sa iyo Araw-gabi nasa isip ka Napapanaginip ka kahit sa'n man magpunta Araw-gabi nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka Araw-gabi tayong dal'wa Biruin mong nasabi ko ang nais kong ipahatid Dapat mo nang mabatid laman nitong dibdib Tila sampung daang awitin Natapos kong likhain Ito ang tunay na damdamin Tanggapin at dinggin Araw-gabi nasa isip ka Napapanaginip ka kahit sa'n man magpunta Araw-gabi nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka Araw-gabi tayong dal'wa Araw-gabi... Tayong dal'wa... (Araw-gabi nasa isip ka Napapanaginip ka kahit sa'n man magpunta) Araw-gabi nalalasing sa tuwa kapag kapiling ka Araw-gabi tayong dal'wa Oooohhh... [Top]
TUNAY NA LIGAYA Ariel Rivera (Ryan Cayabyab) 'Di ko pansin ang kislap ng bituin 'pag kapiling ka sinta Kahit liwanag ng buwan sa gabi, 'di ko na nasisisita Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo Tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko 'Di ko pansin ang bango ng hasmin 'pag kapiling ka sinta Kahit ga-dagat ang dami ng rosas hindi matataranta Iisa lang ang nagtataglay ng halimuyak At ikaw nga, tanging ikaw sinta Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw sinta Hindi magsasawa sa piling mo 'Di ko pansin ang bawat sandali 'pag kapiling ka sinta Bagyo't ulan, kidlat at kulog man, 'di napapansin sinta Iisa lang ang hinihiling kong kasagutan, Ang ngayon at kailanma'y makapiling ka Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw sinta Hindi magsasawa sa piling mo Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw sinta Hindi magsasawa sa piling mo (Ohhhh...ooohhh) Hindi magsasawa sa piling mo Ikaw ang tunay na ligaya, tanging ikaw sinta Umaga, hapon, kahit magdamag, laging ikaw sinta Hindi magsasawa sa piling mo Tanging ikaw... Hindi magsasawa sa piling mo... [Top]
IDUYAN MO Grace Nono (Ryan Cayabyab/Bob Aves) Iduyan mo ang duyan ko Unti-unting itulak mo at babalik sa isip ko Nang dati na sa kandungan mo Iduyan mo ang duyan ko Unti-unting itulak mo at pakikinggan ang awit mo Sa liwanang ng buwan mahihimbing ako Iduyan mo ang duyan ko Unti-unting itulak mo at mananaginip habang mundo'y tahimik Tila agilang pilit maabot ang langit Iduyan mo ang duyan ko Unti-unting itulak mo at kung maaaring pihitin ang mundo pabalik, Sana'y iduyan mo ang duyan ko muli (Instrumental) Iduyan mo ang duyan ko Unti-unting itulak mo at kung maaaring pihitin ang mundo pabalik, Sana'y iduyan mo ang duyan ko muli [Top]
MAGBALIK KA NA MAHAL (From The Musical "Rama Hari") Kuh Ledesma (Ryan Cayabyab/Bien Lumbera) Bawat patak man ng ulang masimsim Ay lagyan ng talim, ako ay sasayi 'Di ko iindahin ang ulos at hiwa ng mumunting patalim Ang iyong kalinga ay kanlungang matibay Lihim nito ay langit na aking tanggulan 'Pag ito'y natiklop, lalantahin ng araw, Lulunurin ng unos ang marupok kong buhay Aking hihintayin ang iyong pasabing nagbalik ka na mahal (Instrumental) Ang iyong kalinga ay kanlungang matibay Lihim nito ay langit na aking tanggulan 'Pag ito'y natiklop, lalantahin ng araw, Lulunurin ng unos ang marupok kong buhay Aking hihintayin ang iyong pasabing nagbalik ka na mahal [Top]
MINSAN ANG MINAHAL AY AKO (From The Musical "Katy") Celeste Legaspi (Ryan Cayabyab/Jose Javier Reyes) Ano na lang 'yung 'sang sandali na makatikim ng pagmamahal Matapos ang luhang ipinagpalit? Ang sandali, 'di naman magtagal, ang yakap mo'y hahanap-hanapin Akala ko ang mundo na ay akin, ngunit hindi pala ganyan Kay bilis makalimutan na minsan ang minahal ay ako Ano na lang 'yung kaunting pasakit kung katumbas ay pagmamahal? Pag-ibig mo ay aking langit, kahit buhay ko ay handang isugal Ang himig mo'y aking aawitin habang ako'y kakailanganin At kung ako'y iyong saktan, ito ma'y gagawing dahilan 'Pagkat minsan ang minahal ay ako Ang lingap mo ay hahanap-hanapin sa entabladong minsan ay sa akin At kung ako ay malimutan, kahit sa awit ko man lamang Iyo sanang matandaan bago tuluyang lumisan na minsan ang minahal ay ako Ang lingap mo ay hahanap-hanapin sa entabladong minsan ay sa akin At kung ako ay malimutan, kahit sa awit ko man lamang Iyo sanang matandaan bago tuluyang lumisan na minsan ang minahal ay ako [Top]
ONCE UPON A LIFE Jay Cayuca (Ryan Cayabyab/Roman Cruz, Jr.) Once upon a life, we said we'd separate for a while And you would live a different life, And I, a different style We broke the bond that made us one And when that foolish thing was done I lost you and you lost me And we asked what we had won Once upon a life, there was no you There was no me for you and I were one as we were really meant to be Once upon a life, we saw tomorrow, that's today And we are one again and that's the way we'll always stay Once upon a life [Top]
MAMANG KUTSERO Apo Hiking Society (Ryan Cayabyab) Mamang kutsero Sasakay po kaming magkasintahan sa kalesa n'yo At lalakbay po saan man gusto, Mula sa Luneta hanggang sa Ermita Mamang kutsero Nadama ko, kamay ng aking nobya sa balikat ko 'Wag pong lilingon, baka mabangga pa tayo O kay sarap mabuhay nang kay lumanay Katulad ng kalesang kay bagal-bagal Wala kang problemang mababangga Kung dahan-dahanin, marami ang ani O, mamang kutsero, naiinggit ako Sa kabayo't techni-color na kalesa n'yo Kung nais n'yo magpalit na tayo, Sa akin ang kalesa, Inyo na ang nobya ko. (Instrumental) Kay sarap mabuhay nang kay lumanay Katulad ng kalesang kay bagal-bagal Wala kang problemang mababangga Kung dahan-dahanin, marami ang ani O, mamang kutsero, naiinggit ako Sa kabayo't techni-color na kalesa n'yo Kung nais n'yo magpalit na tayo, Sa akin ang kalesa, Inyo na ang nobya ko. Kung nais n'yo magpalit na tayo, Sa akin ang kalesa, Inyo na ang nobya ko. [Top]
PARAISO Lea Salonga (Ryan Cayabyab) Return to a land called Paraiso A place where a dying river ends No birds there fly over Paraiso No space allows them to endure The smoke that screens the air The grass that's never there And if I could see a single bird, what a joy I try to write some words and create a single song To be heard by the rest of the world I live in this land called Paraiso In a house made of cardboard floors and walls I learned to be free in Paraiso Free to claim anything I see Matching rags for my clothes Plastic bags for the cold. And if empty cans were all I have, what a joy I never fight to take someone else's coins And live with fear like the rest of the boys Paraiso, help me make a stand Paraiso, take me by the hand Paraiso, make the world understand That if I could see a single bird, what a joy This tired and hungry land could expect Some truth and hope and respect from the rest of the world (Instrumental) And if empty cans were all I have, what a joy I never fight to take someone else's coins And live with fear like the rest of the boys Paraiso, help me make a stand Paraiso, take me by the hand Paraiso, make the world understand That if I could see a single bird, what a joy This tired and hungry land could expect Some truth and hope and respect from the rest Of the world... Paraiso, help me make a stand Paraiso, take me by the hand Paraiso, make the world understand That if I could see a single bird, what a joy This tired and hungry land could expect Some truth and hope and respect from the rest Of the world... [Top]
KAHIT IKA'Y PANAGINIP LANG Agot Isidro (Ryan Cayabyab) Hatinggabi, gising pa't naghihintay 'Di maidlip at nagbibilang ng tala Sa karamihan nito'y mayro'ng isang natatangi At sa tuwing tatanawi'y mukha mo'ng nasa sa isip Ewan ko ba bakit ka nagpakita pa Sa panaginip, sana'y mamasdan ka sa t'wina Kahit na 'di na gumising pa, h'wag lang malayo sa piling mo Iniibig kahit ika'y panaginip lang (Instrumental) (Sa karamihan nito'y mayro'ng isang natatangi At sa tuwing tatanawi'y mukha mo'ng nasa sa isip) Ewan ko ba bakit ka nagpakita pa Sa panaginip, sana'y mamasdan ka sa t'wina Kahit na 'di na gumising pa, h'wag lang malayo sa piling mo Iniibig kahit ika'y panaginip lang... Iniibig kahit ika'y panaginip lang [Top]
TUWING UMUULAN AT KAPILING KA Eraserheads (Ryan Cayabyab) Pagmasdan ang ulan, Unti-unting pumapatak sa mga halama't mga bulaklak Pagmasdan ang dilim, Unti-unting bumabalot sa buong paligid t'wing umuulan Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda, Kasabay rin ng hanging kumakanta Maari bang huwag ka na Sa piling ko'y lumisan pa hanggang ang hangi't ula'y tumila na Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo, 'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw, Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Pagmasdan ang ulan, Unti-unting tumitila Ikaw ri'y magpapaalam na Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw, Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka (Oooohhh) (Instrumental) Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo, 'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw, Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw, Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka [Top]
NAIS KO FrancisM (Ryan Cayabyab) Nais kong maihip ng hanging walang patutung'han Parang ibong wala ring hangarin kundi ang lumipad nang lumipad Nais kong lumipad Nais ko ring maagos ng alon saan man mapadpad Kahit na isdang mumuntiin, hangari'y lumangoy nang lumangoy Nais kong lumangoy Nais kong malibot ang mundo sa kanyang kasuluk-sulukan Nais kong makita ang paligid kong puno ng kagandahan Nais kong makadama ng kakaibang damdamin kahit minsan man lang Habang ako ay may buhay, wala nang hangarin pang tunay Nais ko...nais ko...nais ko... Nais kong maulit muli ang buhay Kung may pagkakataon upang mamalas Ang mga bagay-bagay na 'di ko natanto sa aking buhay Nais kong lumipad(5X) [Top]
SOMETIME, SOMEWHERE Cocoy Laurel (Ryan Cayabyab) We speak but the words we say mean nothing We smile but the smiles we give are wanting We look upon each other's eyes, No spark, no glow, no real signs, but we both know This is all for show Until that sometime, somewhere, We could show the world we have each other Sometime, somewhere, we need not hide our feelings We just keep on believing That we both have the time together Sometime and somewhere, our lips would be free at last To say the words we've hungered to say And we won't have to worry, we smile, we won't say sorry One look and we have cast our fears aside Sometime, that sometime we'll turn to forever for all time Somewhere, our somewhere would not be just one place but everywhere Until that sometime, somewhere, We just have to be content with stealing glances Somehow, content with saying nothing, smiles that are always wanting Though deep inside it hurts because we know that our love, Like love is what it is, it's what we got Our love, like love will have to wait until that sometime, somewhere [Top]
KAILAN Friends Of Ryan: Sweet, Melanie & Tisay (Ryan Cayabyab) Bakit kaya nangangamba sa tuwing ika'y nakikita? Sana nama'y magpakilala Ilang ulit nang nagkabangga, Aklat kong dala'y pinulot mo pa Di ka pa rin nagpakilala Bawat araw sinusundan Di ka naman tumitingin Ano'ng aking dapat gawin? Bakit kaya umiiwas, binti ko ba'y mayro'ng gasgas? Nais ko nang magpakilala Dito may'ron sa puso ko Munting puwang laan sa iyo Maari na bang magpakilala? Bawat araw sinusundan Di ka naman tumitingin Ano'ng aking dapat gawin? Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit ano'ng aking gawin, 'Di mo pinapansin Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin (Instrumental) Dito may'ron sa puso ko Munting puwang laan sa iyo Maari na bang magpakilala? Bawat araw sinusundan Di ka naman tumitingin Ano'ng aking dapat gawin? Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit ano'ng aking gawin, 'Di mo pinapansin Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin [Top] ------------------------------------------ Source: agent_nowel@yahoo.com Back to O.P.M. Page