Ang Sulat ni Pablo kay Filemon |
|
|
Ang Bagong Ang Biblia (ABAB) |
1 |
Si Pablo, bilanggo ni Cristo Jesus, at si kapatid na Timoteo, Kay Filemon na aking minamahal na kaibigan at kamanggagawa, |
2 |
at kay Apia na ating kapatid na babae, at kay Arquipo na kapwa namin kawal, at sa iglesya na nasa iyong bahay: |
3 |
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. |
4 |
Lagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos kapag naaalala kita sa aking mga panalangin, |
5 |
sapagkat nabalitaan ko ang iyong pag-ibig para sa lahat ng mga banal at ang pananampalataya mo sa Panginoong Jesus. |
6 |
Idinadalangin ko na ang pamamahagi ng iyong pananampalataya ay maging mabisa kapag nalaman mo ang bawat mabuting bagay na maaari nating gawin para kay Cristo. |
7 |
Sapagkat ako'y totoong nagalak at naaliw sa iyong pag-ibig, sapagkat ang mga puso ng mga banal ay naginhawahan sa pamamagitan mo, kapatid ko. |
8 |
Dahil dito, bagama't kay Cristo ay mayroon akong sapat na lakas ng loob upang utusan kitang gawin ang kinakailangan, |
9 |
gayunma'y alang-alang sa pag-ibig ay nanaisin ko pang makiusap sa iyo -- akong si Pablo ay matanda na, at ngayon ay isa ring bilanggo ni Cristo Jesus. |
10 |
Ako'y nakikiusap sa iyo para sa aking anak na si Onesimo na ako'y naging kanyang ama nang ako'y nasa bilangguan. |
11 |
Noon ay wala kang pakinabang sa kanya, ngunit ngayon ay kapaki-pakinabang siya sa iyo at sa akin. |
12 |
Siya'y aking pinabalik sa iyo, na kasama ang aking sariling puso. |
13 |
Nais kong manatili siyang kasama ko upang siya'y makatulong sa akin bilang kapalit mo sa panahon ng aking pagiging bilanggo para sa ebanghelyo. |
14 |
Ngunit ayaw kong gumawa ng anuman na wala kang pahintulot upang ang iyong kabutihang-loob ay hindi maging sapilitan kundi ayon sa sarili mong kalooban. |
15 |
Marahil ito ang dahilan kung bakit nahiwalay siya sa iyo nang ilang panahon, upang siya'y mapasaiyo magpakailanman; |
16 |
hindi na bilang alipin, kundi higit sa alipin, isang kapatid na minamahal, lalung-lalo na sa akin, at gaano pa kaya sa iyo, maging sa laman at gayundin sa Panginoon. |
17 |
Kaya't kung ako ay itinuturing mong kasama, tanggapin mo siya na parang ako. |
18 |
Ngunit kung siya'y nagkasala sa iyo ng anuman, o may anumang utang sa iyo, ay ibilang mong utang ko na rin. |
19 |
Akong si Pablo ay sumusulat nito sa pamamagitan ng aking sariling kamay: Ako ang magbabayad niyon. Hindi ko na ibig banggitin pa na utang mo sa akin pati ang iyong sarili. |
20 |
Oo, kapatid, hayaan mo ng magkaroon ako ng kapakinabangan na ito mula sa iyo sa Panginoon! Sariwain mo ang aking puso kay Cristo. |
21 |
Sinulatan kita na may pagtitiwala sa iyong pagsunod, yamang nalalaman ko na ang gagawin mo ang higit pa kaysa aking sinasabi. |
22 |
Isa pa, ipaghanda mo na rin ako ng matutuluyan, sapagkat umaasa ako na sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ay maibabalik ako sa inyo. |
23 |
Binabati ka ni Epafras na aking kasamang bilanggo kay Cristo Jesus; |
24 |
gayundin nina Marcos, Aristarco, Demas, at ni Lucas na aking mga kamanggagawa. |
25 |
Ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo nawang espiritu. |