![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
![]() |
Radikal na SentenaryoNi Katherine LopezRadikal na Sentenaryo. Ito ang mga katagang naglalarawan sa alternatibong tema para sa Sentenaryo ng UP na pinangunahan ng All-UP Academic Employees Union. “Alternatibo siyang pagtingin sa isang-daang taon ng unibersidad,” wika ni Dr. Judy Taguiwalo, tagapangulo ng All-UP Academic Employees Union. Dalawa ang layunin ng Radikal na Sentenaryo, dagdag ni Taguiwalo. Una, “maihakbang [na] ang pangunahing katangian ng UP sa isang-daang taon nito ay bilang ideological na aparato ng kasalukuyang sistema. Iyon ang prinsipal na katangian niya dahil produkto siya ng kolonyal na paghahari. “Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, naging neo-kolonyal siya na aparato, at sa kasalukuyan, aparato siya ng neoliberal na globalisasyon na ang pangunahing diin ay maiangkol ang edukasyon ng UP sa pamilihan sa halip na maging serbisyong sosyal siya.” “Nais ding ihapag ang kontrapunto na katangian ng komunidad sa loob ng UP na nagcha-challenge ng ganoong direksyon ng UP,” ani Taguiwalo. Ayon kay Taguiwalo, sa neoliberal na tahakin ng UP, nababago ang orientasyon ng mga mag-aaral sa pagpasok nila dito. “Sa halip na ang direksyon mo bilang isang iskolar ng bayan ay ibalik sa lipunan ang iyong natutunan sa UP, ang magiging immediate motivation mo para pumasok sa UP ay para makakuha ng trabaho sa malalaking korporasyon.” Sa panig naman ng mga guro, ayon kay Taguiwalo, ang epekto naman ng neoliberal na tahakin ng UP ay ang paglimita sa mga ituturo batay sa market forces dahil “ang mga disiplina na hindi mabili sa pamilihan” ay iaayon sa paraang magagawa nitong makipagkumpetensiya sa pamilihan. Sa ganito ring kaayusan, hindi na magiging prayoridad ang mga ordinaryong mamamayan, ayon kay Taguiwalo. “Ang priority mo na [ay] science and tech na mga laboratories, incubation laboratories. At syempre, yung usapin ng katangian talaga ng estudyante, dahil sa taas na ng tuition, kahit na mahirap ka na pumasok dito, ang magiging thinking mo na ay profit-oriented,” wika ni Taguiwalo. Ayon kay Taguiwalo, ngayong sentenaryo ng UP, hinahabol nila ang centennial bonus ng mga kawani at mga faculty. “May kalakaran na tuwing magce-celebrate ng anibersaryo ang mga institusyon, ang mga unibersidad, mayroon kang anniversary bonus,” sabi ni Taguiwalo. Dagdad ni Taguiwalo, dalawampung libong piso ang hinihingi nilang centennial bonus. |
|