A blot on the bright side.
HOME PHOTOS ARTICLES LINKS SITEMAP CONTACT ME

Naiibang Sentenaryo cont'd


Ni Katherine Lopez

“Sumulat na kami sa BOR. Ibibigay naman yan (bonus) sa June 2008, kung kailan talaga ang anibersaryo ng UP,” ani Taguiwalo. Ngunit kung magkano ang magiging bonus, wala pang napagdedesisyunan, aniya.

Ayon kay Taguiwalo, wala namang mali sa paraan ng pagdiriwang Sentenaryo ng UP. “Pero sa konteksto talaga ng direksyon ng UP sa ilalim ni President Roman, ang UP ay lumalayo na sa pagiging Unibersidad ng Sambayanan.”

Dagdag pa rito, aniya, ang usapin ng tuition ang other fee increases, pagtaas ng requirement sa faculty upang sila’y ma-tenure, pagsasara ng mga service units katulad ng UP Press at University Food Service (UFS) ng UP Los Baños at ang nakaambang pagsasara ng UFS sa UP Diliman, laganap na kontraktwalisasyon, nakaambang demolisyon ng Pook Ricarte, Palaris at Dagohoy at demolisyon ng mga manininda sa Philcoa.

“Hindi dapat empty celebration lamang. Dapat may katuturan [na] reflected sa mga policies na makatao, makamamamayan, makabayan,” sabi ni Taguiwalo.

Dagdag ni Taguiwalo, “Ang radikal na sentenaryo ay hindi lang usapin ng nostalgia, kundi ang kabuluhan nito sa patuloy na pakikibahagi ng progresibong komunidad ng UP sa malawakang panlipunang isyu na mahalaga para sumulong talaga ang bayan natin.”

Upang ipagdiwang ang “radikal na sentenaryo,” mayroong lecture series ang All-UP Academic Employees Union.

“May mga faculty, mga alumni, mga kawani, mga estudyante na naghahanda ng mga papel na nagpapakita ng ibang mukha ng UP,” sabi ni Taguiwalo.

Walang bayad ang mga lumahok sa lecture series. “Labor of love ito, at saka batay sa commitment,” ani Taguiwalo. Ang kanilang pondo ay bunga ng sarili nilang pag-aambag, pagbebenta ng mga pins, at pagbibigay ng ilang mga faculty, dagdag niya.

Upang mapaghandaan ito, sinabi ni Taguiwalo na nag-usap-usap ang iba’t ibang organisasyon tulad ng All-UP Workers Union, Congress of Teachers for Nationalism and Democracy, mga organisasyong pang-mag-aaral tulad ng Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP, Alay Sining, Gabriela Youth, at kasama din ang Office of the Student Regent.

Ayon kay Taguiwalo, may kanya-kanyang activities ang mga organisasyon at nagkakaroon lamang ng impormal na koordinasyon.

Back tofirst page
Back to Articles.