home

who we are

activities

site map

guestbook



MCM

YCF

ICF

SCF

NCF

KalCF

Kamia Christian Fellowship

Buhay pa rin hanggang ngayon ang logbook ng KCF. Ito ang sinusulatan ng iba't ibang taong naging bahagi ng Kamia Christian Fellowship. Merong masasaya, madadrama, may inspiring, may nakakatuwa. Year 2000 ang pinakaunang entry dito. Si Ate Jean pa ang tumatayong mediator. Ngayon ang lahat ng mga naging ate sa fellowship na ito, graduate na. Dumating sa punto na unti-unti nang humihina ang fellowship dahil nagsipag-alisan na ang mga tumatayong lider. Ipinalangin ng buong DCF. At ngayon nga, buo pa rin. Alive and still kicking kumbaga.

Isang malaking pribelihiyo ang mapabilang sa fellowship na ito. Nariyan ang mga ateng handang tumulong sa'yo, aakay sa'yo sa paglalakad mo sa tamang landasin, mangungulit sa'yp kapag nakikita kang nagba-backslide, magpapatawa sa'yo kapag nakita kang malungkot, ipagdarasal ka.

Isang araw, nagising na lang akong ako na ang tumatayong ate sa fellowship. Apat na lang kaming regular na nagkikita-kita noon. Masakit isipin na unti-unti nang nalalagasan ang KCF. Iniyakan namin 'to. Naisip ko, nabigo ko yata ang mga nauna sa akin. Hindi ko naipagpatuloy ang pagpapanatili ng sigla sa Panginoon sa puso ng bawat isa kaya ganito. Unti-unti kaming nawawala. Bago pa lang ako sa paniniwala kung tutuusin. Naisip ko, marahil ay hindi pa ako handa sa ganitong gawain. Baka ito ang naging sanhi ng taglagas. Pero pwedeng mali rin ako. Marahil, sinusubok lamang ng Panginoon ang pananampalataya namin. Dahil alam kong pagdating ng tamang panahon, yayabong muli ang KCF. Kailangan lamang ay ang paniniwala sa Kanyang kapangyarihan, pagdidilig ng Kanyang salita, init na nagmumula sa Kanyang mga nilikha, at pag-aalaga ng mga itinakda Niyang tagapag-alaga.

Di naglaon, sinagot ng Panginoon ang aming mga panalangin. Sa muling pagbubukas ng semestre, limang bagong mukha ang nakihalubilo sa aming unang fellowship! At nadagdagan pa ito ng apat nang sumunod naming pagkikita-kita. Ang galing talaga ng Panginoon! Sa maikling panahong iyon ay sinagot Nya ang mga tawag namin. Ngayon unti-unti nang bumabalik ang dating sigla ng KCF. Unti-unti na itong nagkakadahon. Hnidi maglalaon, mamumulaklak naman ito at mamumunga.

Kami ay nagkikita tuwing Huwebes, 7 ng gabi sa DLRC steps. Dalaw kayo minsan. I-contact niyo lamang po ako (Salve) sa 09172413815.