at nang hindi nagtataya sa katotohanan. Sinisikap ko, tulad
ng lahat ng nasa Entablado ng humubog ng isang lipunang mulat...
Sino ba si Juanes Flores?
Isang araw, sa klase namin ni Mon at Lloyd sa kasaysayan, nabanggit ni Bb. Rodriguez
ang pangalan ni Juanes Flores. Sinabayan pa ang aming pagkalito ng kung ano-anong
pagmumuni ni Gus. Patay! Doon nagsimula ang aming dakilang experimento.
Ang balangkas ay simple. Magpakita ng dula na pawang isang malaking tanong, sagutin ang
tanong, at sana magtagumpay sa pagsibol ng mas maraming tanong. Kung hindi man sa mga
manonood, sa mga nagsisipanggap, sa production crew o dili kaya sa sarali ko. Hindi sa
nanloloko ako o si Daisy, nambubulabog lang. Sa pananaw ko kasi, mahirap tulungan ang iba
kung hindi mo hawak ang sarili mo at nang hindi nagtataya sa katotohanan. Sinisikap ko,
tulad ng lahat ng nasa
Entablado ng humubog ng isang lipunang mulat...
Pagkatapos sana ng dula nasagot mo na ang tanong na "sino si Juanes Flores?" at
sana masimulan mong tanungin ang "sino ba ako?" dahil yun talaga ang pakay
namin. Salamat.
Nagmamahal,
Serge Apostol
P.S. May isa pa akong natutunan sa pagsasadula ng "Juanes Flores":
Masamang pinaghahalo ang kape at Coke na may Chaser na ice tea.
|