Juanes Flores

      1521. 
      Dumating si Magellan sa Pilipinas.
      Natagpuan niya ang isang bansang matagal nang natagpuan.
      Kasama ng mga kawal ng Espanya, sinubukang lusubin ang
      Pilipinas, sinubukang magapi ang mga katutubo.
      Hindi siya nagtagumpay.
      Nagapi sila ng mga katutubo sa pamumuno ni Lapu-Lapu.


Isa siya sa mga kawal na sumunod kay Magellan. Nang magapi
Ang hukbo nila, naiwan siya dito. Nabihag ng mga Cebuano.
Nabili ng mga waray, tinanggap bilang Pilipino. Siya'y biniyayaan
Ng pamilya at namuhay nang
Matiwasay nang 41 taon.
Si Juanes Flores.


     41 taon.
     Hanggang sa bumalik ang mga
     Espanyol sa lugar na napagiwanan Niya. Hinanap siya
     Ng mga dati niyang kasamahan. Binalikan siya ng
     Nakaraan.


41 taon.
Sa loob ng panahong ito, lubusan na siyang naging
Pilipino. Asal Pilipino, kilos Pilipino. Nalimutan na niya
Ang kanyang ugat sa Espanya. Salitang Espanyol, kilos
Espanyol. Lubhang nalimutan na. Ngayo'y binalikan siya ng
Nakaraan. Dito nagsimula ang
Pagtutunggali


        Si Juanes Flores.
        Siya ba ay dulot ng kaniyang
        Kapanganakan o ng kanyang
        Karanasan?


                                                                      

homeclicked.jpg (6905 bytes)          backtotop_clicked.jpg (7253 bytes)
Tala Mula Sa Direktor | Ang Mga Nagsipagganap| Mga Piling Larawan

         Mga Piling Dula