top_left.jpg (6172 bytes) top_middle.jpg (5155 bytes) top_filler.jpg (5077 bytes) top_right.jpg (6435 bytes)
left_top.jpg (1471 bytes)
left_middle.jpg (5206 bytes)
left_middle.jpg (5206 bytes)
left_middle.jpg (5206 bytes)
left_middle.jpg (5206 bytes)
left_middle.jpg (5206 bytes)
left_middle.jpg (5206 bytes)
left_middle.jpg (5206 bytes)
left_middle.jpg (5206 bytes)
left_middle.jpg (5206 bytes)
left_middle.jpg (5206 bytes)
left_down.jpg (6197 bytes)

Lamat Ng Salamin

(Tala Mula Sa Mga Direktor)

 

Pangungumpisal

 

Ang tao ay maaring dumaan sa buhay na hindi kinikilala ang sarili.

Maari niyang isawalangbahala ang kahalagahan ng pag-iisip.
Nalilimutan na niya na ang bawat kilos na kanyang ginagawa ay bunga ng kanyang mga paninindigan at mga pundasyon. Mga pundasyon na maaring mahina o matatag.

Kapag sinimulan mo nang tanggalin ang lahat na palamuti at kolorete sa mukha, lahat ng pag-aari maging pisikal o emosyonal, ano ang iyong nakikita? Kuntento ka ba sa nahaharap sa iyo?

 

Sa dulo ng lahat dito sa mundo maiiwan na lamang tayo kasama ang ating mga sarili. Sariling walang palamuti - sariling kailangang tanggapin. Kaya mo bang tanggapin ang natitira sa kabuuan mo?

Maraming mga katanungan, iisa lamang ang makakasagot. Tanging ang sarili lamang. Lahat ay tanging bumablik sa sarili.
Sa kagipitan at kaguluhan, saka nga ba lang tayo lumalapit sa Diyos? Sino nga ba siya para sa atin?

Ephigenie F. Banaynal

 

Kulong

 

Bakit "Kulong?" Sino'ng nakakulong?

Unang-una, ang "Kulong" ay isang teoretikal na paglalakbay kung saan ang mga kasangkapan sa lakbay na ito ay ang kalidad, pagmamasid, at mga teorya ukol sa lipunan. Marami ang punto, subalit ang pinakamensahe ng tula ay ito: kapag ang lipunan ay ganap na nangangabuso't nangangawawa sa kanyang mga miyembro, dumarating sa punto kung saan ang mga ito'y magkakaroon ng pagwawalang bahala sa lipunan at sa mga tungkulin at tuntunin na dinidikta ng lipunang ito. Tinatawag itong "anomie," ang pagkawalang pakialam sa dikta  o "norm" ng lipunan.

Pagmasdan ang mga detalye ng dula…ang kulungang pang hayop, ang ilaw na nanggagaling sa bumbilya, ang mga pangalan ng mga tauhan at ang kanilang ipinapahiwatig, ang mga hinaing ng mga kidnaper, ang pambubugbog.

Ngayon, bakit kulong? Sino nga ba ang nakakulong?

Pahabol:
Salamat sa lahat ng nagpalinaw at nagpagulo ng aking pagiisip…sa pamilya ko…at sa mga sociologo tulad nina Weber, Marx, Durkheim, Comte.

 

Da Bus

 

Naghahanap tayo ng katuturan sa lahat ng aspeto ng ating buhay, para namang mabigyang dahilan ang kung anu-anong dinaranas natin.

Ngunit minsan, makikita na lamang natin ang ating mga sariling nakakapit sa wala, mistulang walang patutunguhan, walang rason para sa kung anuman.
Maaaring sabihing wala ngang patutunguhan ang Bus na ito. Walang katuturan, kundi ang magpumilit na magpatawa.

Subalit kailangan pa nga bang maghintay ng rason? Maghintay na biyayaan ng dahilan? Baka naman hindi ka lang nagmamasid ng maigi. Baka kailangang manggaling sa sarili ang rason. Baka tayo ang dapat gumawa ng dahilan. Hindi lamang para sa dulang ito, ngunit iyung nasa totoo.

Hindi namin kailanman sinubukang masabi na isang tunay na napakagandang dula ang isang ito. Hindi naman kami bihasa sa larangang ito (mga mag-aaral lamang naman, ngunit naroroon pa rin ang paniniwala sa ipinaglalaban.) Bakit pa nga ba namin kailangang subukan?

Kasi MAY dahilan.

Emerson de la Cruz


Shalom,

May mga pagkakataong nakakalimutan natin na gumagalaw tayo sa isang lipunan. Madalas kanya-kanya tayo, hinihiwalay ang sarili sa katotohanan para maging masaya, para tumawa. Pero ito ang tunay na katawatawa, ang pagpilit na tumiwalag sa tunay na nangyayari. Ito ang nais naming ipalabas sa dula namin. 'Yun bang ironic, kabalintunaan ba.
Pagmasdan mo ang sarili mo sa loob ng lipunan nating nabubulok dahil nga watak-watak tayo. OK ba……….da best no? 'Yun ang inisip namin habang nagpapatawa kami - na kailangan mo munang mag-isip at tingnan ang sarili bago ka makahalakhak ng maluwag sa iyong kunsensiya. O 'di ba……….

Kaya sit bak relak, ay tumawa (kahit patago) dahil sa unang pagkakataon nagsama ang dalawang sira-ulo para makabuo ng isang nakakabaliw na dula. Salamat sa kap nudels, libreng biper, Tyson Holipild, at sa nakalolokong trapik nandito kami.

Sergio Apostol Jr.

                                                                  homeclicked.jpg (6905 bytes)

buod | ang mga nagsiganap | mga piling larawan

right_top.jpg (5788 bytes)
right_middle.jpg (5727 bytes)
right_middle.jpg (5727 bytes)
right_middle.jpg (5727 bytes)
right_middle.jpg (5727 bytes)
right_middle.jpg (5727 bytes)
right_middle.jpg (5727 bytes)
right_middle.jpg (5727 bytes)
right_middle.jpg (5727 bytes)
right_middle.jpg (5727 bytes)
right_middle.jpg (5727 bytes)
right_down.jpg (6314 bytes)
bottom_left.jpg (6298 bytes) bottom_lmiddle.jpg (5565 bytes) bottom_filler.jpg (5509 bytes) bottom_right.jpg (5877 bytes)