Noong unang simulan ko ang pag-habi sa istoryang ito, aaminin kong
na-"astigan" lang ako sa ideyang makapagsulat ng kontemporaryong kwento na
naka-dugtong pa rin sa "sinaunang mga alamat" sa Bibliya. Naaliw at
na-"kyutan" lamang ako na magamit bilang romantikong metopora ang Katapusan ng
Mundo sa pagpapakita sa Tag-lagas na nagaganap sa loob ng tao.
Marami ngang magagawa sa tao ang paglipas ng panahon - kahit sa akin siguro ay marami
na ang nagbago, sapagkat ang limitadong pananaw na iyon ay kusa na ring lumisan sa akin.
Buti na lamang at ngayon ko lang bubuhayin ang dulang ito; hindi ko siguro makakayanan ang
lahat ng ito kung pinilit kong gawin ito dati.
Maraming salita ang masasayang, maraming eksena ang magkukulang, maraming pananaw ang
hindi maiintindihan. Buti na lamang at ngayon, ay alam ko na ang tunay na kahulugan ng
Tag-lagas.
Kaya't ngayon, sa pagpapalabas ng obrang ito, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga
kaibigan at pamilya na nakatulong sa pagbibigay direksyon sa akin sa pagbibigay direksyon
at buhay sa dulang ito. Nawa'y makita ninyo ako, at ang sarili ninyo sa munting kathang
ito.
Mervin Ignacio |