Sa pagpasok ng tahanan
Sala ang inyong masisilayan,
Makikita'y iba't-ibang uri ng kasangkapan
Nangunguna na ang dapat nating upuan.
Sa aming sala, kami'y abala
Lalo na kung may mga bisita.
Minsan kung kami'y tatlo na lamang
Masayang nagbibiruan, lungkot sa 'mi'y walang puwang.
Inyong lingkod, sa webtv
ay "hooked" na
Maaga pa lang sa Manila
Bulletin kaagad ang punta.
Pagdating naman ng aking mahal na asawa mula opisina
Unang-unang pinupuntahan Pba homepage ng ngetska.
Aming anak na si Armi, sa silid pirming makikita
Hayaan muna natin siya, pagkat tayo pa lang ay nasa sa sala
Pilipinas na mimiss ko ng talaga
salamat sa internet, homesick ay humupa na.