A Century's Worth

UP through years of education, struggle and making history

UP and its American heritage
---Parallelisms in UP's history
Activism
In Brod's hands: Fraternity-deaths in UP
The Implication of the UP-North Science and Technology Park
---Campus development
Centennial kick-off preparations
Radikal na Sentenaryo
Centennial Songs
Educational System Analysis
TOFI history
Sa ngalan ng urbanidad
Bastion of Activism

"We are sick and tired of this tuition fee increase, no more budget cut to our education. we know and we understand, education is a right of man. you can fool some people sometimes but you can't fool all the people all the time."

March 6, 2008

PERA: saan nga ba napupunta?

--------------------------------------------------------------------------

May pera sa korupsyon, wala sa edukasyon.

Jun Lozada at the college of lawSa gitna ng krisis na kinakaharap ng lipunang Pilipino, nakikita na natin kung saan ba talaga napupunta ang pera ng taong bayan. Ang maanumalyang NBN-ZTE deal ay isa lamang sa maraming mga proyekto ng gobyerno na umano’y malalaki ang kickback ng mga taong nakipagtransaksiyon para dito. Ang halaga ng NBN-ZTE deal, ayon kay Jun Lozada, ay $329 milyon at ang komisyon na umano’y hinihingi ni Benjamin Abalos ay $130 milyon.Inamin din naman ni Secretary Romulo Neri na tinangka siyang bigyan ng 200 milyong piso para mapadali ang transaksiyon ng NBN-ZTE deal.

Napakalaking pera ang nakikita nating napunta lamang sa bulsa ng iilang mga tao sa proyektong ito. Ngunit nakapagtataka kung bakit ang laging sagot ng pamahalaan kapag humihingi ng budget ang UP ay wala tayong sapat na pera.

Sa ika-isang daan taon ng unibersidad ng Pilipinas, hindi ito parin ito hiwalay sa mga isyu ng mas malaking lipunan. Ang hinihingi ng UP para mapatakbo ng maayos ang kanyang 11 isang units ay mahigit-kumulang sampung bilyong piso. Ang ibinigay lamang ng pamahalaan ay anim na bilyong piso, dahil nga wala raw pera ang gobyerno.

Sa lantarang pagnanakaw sa kaban ng bayan, na pinatunayan ng mga testimonya ni Jun Lozada, hindi na kapanipaniwalang wala tayong pera. Ayon nga kay former Student Regent Terry Ridon, ang bawat pisong binubulsa ng mga magnanakaw sa gobyerno ay pisong nawawala mula sa edukasyon at iba pang social services.

Kung ating mapapansin, marami nang nagaganap sa unibersidad upang masapatan umano ang kulang na budyet na binibigay sa atin ng pamahalaan.

TOFI

Noong Disyembre 15, 2006 ay ipinasa ng Board of Regents, ang pinakamataas na policy-making body ng unibersidad, ang 300% tuition and other fee increases. Ang base tuition na 300 pesos per unit ay itinaas sa 1000 pesos sa UP Diliman, Los Banos at Baguio. Ang base tuition naman sa UP Visayas at UP Mindanao ay naging 600 pesos per unit mula sa 300 pesos.

Ang TOFI ay sumakop lamang sa mga papasok pa lamang na mga estudyante sa UP. Ginawa itong stratehikong plano ng administrasyon ng UP upang hatiin ang mga estudyante; sinasabi nilang huwag nang makialam ang mga upperclass dahil freshies lang naman ang maapektuhan.

Mariing tinutulan ito ng mga mag-aaral, kasama ng ibang staff at mga guro. Naglunsad ng mga walk-out sa klase, mga teach-ins, mga rally at piket. Sa kabila ng pagtutol ng mga estudyante at sa mga pagkilos, sinabi ng administrasyon na kaunti lang naman daw ang tumututol.

Nagkaroon ng mga huwad na student consultations kung saan hindi naman talaga kinonsulta ang mga estudyante kundi ginamit lang iyon na pagkakataon ng admin upang ipamukha sa estudyante na ipapasa nila ang pagtaas ng matrikula may tumutol man o wala.

Noong Disyember 15, 2006 ay nagbarikada ang mga mag-aaral ng UPD, UPM at UPLB sa Quezon Hall upang ipakita ang mariing pagtutol sa isa na namang represibong polisiya ng UP admin. Ngunit, biglang nilipat ang board meeting sa Malcolm Hall ng hindi man lamang pinapaalam sa Rehente ng mga mag-aaral at rehente ng mga guro.

Ayala techno-park

May itinatayong Science and Technology park ngayon sa Arboretum, lupang pag-aari ng UP. Sinasabing ito daw ay magiging lugar na tutulong sa pang-akademikong kaunlaran. Paano nga ba makakatulong sa pang-akademikong kaunlaran ng mga mag-aaral ang call centers?

Bakit nga ba pinagkakakitaan na ng UP ang kanyang mga lupain, kaysa sa gamitin ito upang pagtayuan ng mga gusali na pwedeng tumulong sa pang-akademikong kaunlaran ng kanyang mga mag-aaral?

Ang laging sagot ng UP admin, wala raw kasing pera ang UP kaya kailangang gawin ang lahat ng paraan upang makakalap ng pondo. Babalik na naman tayo sa usapin ng pera. Wala nga bang pera ang gobyerno? Ang maririnig mong malakas na sagot ng mga estudyanteng piniling dalhin sa lansangan ang laban ”May pera sa korupsyon, wala sa edukasyon!”

Demolisyon

MAhigit 1,500 pamilya sa mga komunidad ng Ricarte, Palaris at Dagohoy (RIPADA) ang nanganganib mapaalis dahil sa proyektong pagpapalawak ng Circumferential Road 5 (C5) ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Marso ng taong ito unang pumasok sa RIPADA ang MMDA ng walang pahintulot ng administrasyon ng UP, ayon kay Sandy Verano, isang kasapi ng Save RIPADA at lider ng Anakbayan. Magsasagawa sana ng sarbey ang grupo ng MMDA sa RIPADA ngunit nahinto rin nung panahon ng eleksyon.

Ang proyektong C5 ay naglalayon na magpaggawa ng 22-kilometrong kalsada mula sa kanto ng Katipunan Avenue at C.P. Garcia Avenue sa Brgy. UP Campus ng QC hanggang sa Letre Road ng Malabon. Nais nitong pagdugtungin ang North Luzon Expressway at South Luzon Expressway at pag-ugnayin ang mga industriyal na distrito ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela at industriyal na sona ng Novaliches-Balintawak ng Quezon City.

Suportado ng mga estudyante ang pakikipaglaban ng Save RIPADA kontra sa demolisyon. Sa inilabas na statement ng University Student Council ng UP Diliman, nakasaad na tinututulan ng USC ang proyektong C5 dahil ito ay nangangahulagan na pagtapak sa mga karapatan ng mga residente. Naniniwala rin ang USC na “ang pagtanggal sa karapatan sa tahanan ay halos pagtanggal na rin sa karapatan nating mabuhay.”

Hindi lamang ang RIPADA ang humaharap sa mga banta ng demolisyon. Kahapon ng umaga, ang Philcoa Wet and Dry Market ay dinemolish ng MMDA. Ang dating maayos na palengke ay isang mistulang abandonadong gusali na lamang. Pilit itong isinasayos ng mga manininda sa ngayon, sa tulong ng ilang mga militanteng organisasyon sa UP. Pilit na sinagawa ng demolisyon dahil gagamitin rin ang lupang kinatitirikan ng palengke para sa proyekto umano ng Ayala. Wala pang masyadong impormasyon tungkol dito dahil sa ngayon ay naghuhugas-kamay ang administrasyon ng UP.

Napapatunayan lamang natin sa mga panahong ito, na ang UP ay isa sa mga unang naapektuhan sa korupsyon, represyon at sa kabulukan ng sistema ng pamahalaan.

Kung may pera sa korupsyon, nasaan ang para sa edukasyon?

Sinong

nagsabi

na wala

tayong

magagawa?

Sinong

nagsabi

sa paglaban

walang

mapapala?

Sumunod

ka lang

sa agos,

yan ang

kanilang

utos.

Hindi

ka ba

nalulunod?

KUNG

ANG

KABATAAN

ANG

PAG-ASA

NG

BAYAN,

BA'T

DI

MO

TO

PANINDIGAN?



**************** QUOTING PERSONALITIES:

"Since when did Gloria became the speaker of the whole world?" - Former Senator Franklin Drilon

(when asked about GMA's statement that the whole world will be ashamed of us if we have another EDSA revolt)

Addressing the youth
"Get involved... staying only on the sides of the streets watching people rally is a prescription for a future you do not want to see." - Former Sen. Drilon

ACLE: Facing reality

by: Hannah Faith Dormido (J117 requirement)
------------------------------------------

Unpopular realities captured in reels.

Three films by theSouthern Tagalog Exposure(STex),an independent multimedia collective of young artists and workers based in Southern Tagalog (Region IV),were shown as an Alternative Classroom Learning Experience (ACLE) last January 24 in the University of the Philippines Diliman.

"Pushing the Parameters" is a documentary about people's lawyers and their experiences because of "lawyering for the people." The film shows lawyers who were killed while handling cases such as land disputes and human rights violations. Killing the people's lawyers, as the film showed, became the easiest way to stop them from bringing the law to the level the masses understood. Pushing the Parameters conveyed that "legal struggle is only an aspect of struggle" so meta-legal actions should be explored.

from kontra-agos.blogspot.comEdge Genciagan of STex said people's lawyers are "not ordinary" lawyers. "They (people's lawyers) are experiencing persecution perpetrated by the government," he said.

The second film, "Red Saga" is an experimental film said Genciagan. There was no narration or dialogues, only background music through out the film.It showed the roots of armed struggle in the countryside; how an innocent boy who once played freely in the rice fields ended up holding firearms and fighting the military, one of the repressive state apparatuses. "Red Saga" is part of the Kontra-Agos Film Festival and was directed by Gabriela Krista Dalena.

"Unconventional warfare" is a film about the informal occupation of the United States towards the Philippines through "developmental aid." It shows the escalating military operations in the south, packaged as development projects and medical missions. The film also shows the historical perspective of the emergence of the Abu Sayyaf and the Moro separatist movement in Mindanao. The film was directed by Anna Isabelle Matutina and Herbert Docena. "Unconventional warfare" is part of the Kontra-Agos Film Festival.from kontra-agos.blogspot.com

Hazel Rodelas, member of Sigma Delta Pi Sorority and chairperson of Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral (KASAMA) sa UP, said "Pushing the Parameters and the two other films are interesting and important ACLE topics because they are vital to our times. The fascist regime excludes no one; if it does everything to silence the voices of the masses that are fighting for their democratic rights, it can also silence the professionals who are one with the fight of the oppressed masses."

Rodelas said, "Students like us must sometimes leave our comfort zones and be exposed to realities outside the four stone walls of our classrooms, even simply through films."

from kontra-agos.blogspot.com

The films Red Saga and Unconventional warfare are part of Kontra Agos: A Resistance Films Festival which "celebrates films that go against the current, whether it be of popular cinema, politics or conventional ideas of love, sex and gender,"as described in stexposure.org.

The ACLE was sponsored by Sigma Delta Pi Sorority (EDIT) with the support of Southern Tagalog Exposure.

Buwan ng pebrero, buwan ng pagbabago

anong klaseng pagbabago

ano sa palagay mo

bumaha ng pangako,

lason ay isinubo

tuloy sa pagkakapako,

may utang pati apo.



Kasinungalingan, isang kahangalan

walang libreng kalayaan,

ito'y pinagbabayaran

palabas na moro-moro

ito kaya ay totoo?

EDSA ng pagbabaga

saan, kailan, kanino?

Sayaw, sayaw, sayaw sa bubog

ang naglalakad ng tulog ay tiyag na mauuntog.

Tuloy ang ligaya sa iba't ibang hacienda

manggagawa't magsasaka, kumakalam ang sikmura

sari-saring kaguluhan, nakawan, karahasan

kailan niyo titigilan ang mga mamamayan?



-Sayaw sa Bubog, The Jerks


Magmulat.


Maglingkod.


Makibaka.




Para Sa Iyo, Macy Palparan

Tula ni Jun Abesamis
------------------------------------------------

Isa o dalawang beses lang siguro tayong nagtagpo,
maigsing mga usap pa nga iyon.
Dumaan ang mga taong ikaw at ang tatay mo'y
magkatulad lamang sa paningin ko.

Pagkagulat ang unang wari ko,
sapagakat napakapayak ng ganda mo,
Pagkagalit sa huli, lalo nang purihin ang berdugo
sa kanyang pagreretiro.

Nagtagpo tayong muli, sa isang maaliwalas na pansitan
Narito ako't nagbabasa ng aklat habang lumalasap ng tsokolate
Sabay bigla kang dumating at biningwit ang
Kuwarenta pesos na pansit, tinapay at iced tea

Bahagya tayong nagkatinginan noon,
may pag-iwas ka pa nga, sigurado ako.
Marahil may matinding pagka-ilang ang tagpong iyon -
Akong nakangiting mukha ng aktibismo,
Kaharap ang maamong hija ng kaaway na diyablo.

Pero alam mo, matalas na talaban ang bumalot sa akin
Ang anak ng berdugo ay hindi ang berdugo
Ikaw kasi mismo'y masang-masa pa rin,
Hangad ang murang pansit, tinapay at inumin.

Sa kasalakuyan, mahirap ka mang pakilusin,
Pero tiyak kong sa pagtindi ng krisis,
Baka sakaling tayo'y magtagpo pa rin.

nakuha ko mula sa isang kaibigan... napag-usapan din namin ng isang kaibigan ang nilalaman ng tula... at napaisip ako, sana kayo din. himay-himayin ang bawat salita, bawat linya. basahin ang mga hindi nasabi ng mga salita.pag may panahon, gagawan ko to ng review.

I have seen so much faces as i walked to my age
but there's someone i could never compare
you have the eyes of compassion
and the voice of the truth
while you were born out in the midst of the struggle
something makes me feel this strange
somehow i long for you


As i've been watching you from the day til night
you were singing the songs of the people and the echo resounded to my thoughts, to my soul
to my music it ever continued
something makes me look at you so differently
somehow i wanted to be beside you
-I could have said


Home|About |Articles |Photos|Articles |Links |Feedback
copyright © 2008 KONTRADIKSYON by Hannah Faith Dormido