PAALAM NA AKING MAHAL

Nais ko lang malaman mo
Ang laman ng aking puso
Na aking mabigyan ng ibang pagkakataon
Na masabi ko ito sa iyo
Diko ito ginusto
Na tayo'y magkalayo
Ni hindi magkasundo
Ang damdaming laging di magtagpo

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin
Na kahit na nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Marahil di lang laan sa isa't isa

Sana'y huwag mong isipin na
Pag-ibig mo'y di ko nais
Dahil sa iyo lang nadamang isang
Pag-ibig na walang kapantay
Ngunit masasaktan lang
Kung puso ang pagbibigyan

Kahit pagmamahalan
Ang siyang bulong ng isipan

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin
Na kahit na nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Marahil di lang laan sa isa't isa

Darating sa buhay mo
Pag-ibig na laan sa iyo
At mamahalin ka niya
Ng higit sa maibigay ko

Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin
Na kahit na nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Marahil di lang laan sa isa't isa


This page is hosted by: Geocities
Get your own Free Home Page.