KAILANMAN
Magmula nang tayo ay nagkalayo
Ang puso'y umiibig pa rin
Nalulumbay sa twing naaalala ang lumipas natin
Ang mga mata ko'y laging may luha
Hindi kaya mayron ka nang iba
Sabihin mong ako
Ako pa rin ang iniibig mo
Kailanman ikaw lamang ang aking mahal
Kailanman ang tangi kong pinagdarasal
Minsan pa sana'y mayakap ka
Patutunayan na mahal kita
Kahit na saan ka man naroon
Nais ko na iyong malaman
Hinding hindi kita
Magagawa na aking kalimutan
Ang lahat sa aking naging nagdaan
Ay turing kong tanging kayamanan
Wala nang hihigit pa
Sa ating ginintuang pag-ibig
Kailanman ikaw lamang ang aking mahal
Kailanman ang tangi kong pinagdarasal
Minsan pa sana'y mayakap ka
Patutunayan na mahal kita
Kailanman ikaw lamang ang aking mahal
Kailanman ang tangi kong pinagdarasal
Minsan pa sana'y mayakap ka
Patutunayan na mahal kita
Kailanman ikaw lamang ang aking mahal
Kailanman ang tangi kong pinagdarasal
Minsan pa sana'y mayakap ka
Patutunayan na mahal kita
Mahal kita
Magpakailanman
This page is hosted by: 
Get your own Free Home Page.