VISIONARY

See
Hands off! NOVEMBER 28, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: The Yes Yes Show - Parokya Ni Edgar
Emotional Status: Star-struck

Star Struck: The Lagsh Test

Isinabak po ng GMA ang Star Struck finalists sa aking domain, at dito, ookrayin ko sila isa-isa. (Suwerte ang mga batang ito, pati sa website ko na-feature sila. Black and white means "voted out" or "alis! wala kang star quality.")

AlvinAlvin. Unang kita palang sa batang ito ay obvious na na wala siyang Star Quality. Oo, ibigay na natin, noble ang intentions niya sa pagaartista, which is to unite his fragmented family pag rich na siya. Pero, sori na lang. Star Struck ito, artista search, hindi Wish Ko Lang. Si Alvin ang tipo ng bata na sa palagay ko ay kung kaklase ko ay walang aatupagin kundi Counter Strike.

CristineCristine. Maganda si Cristine, lalo na sa picture na ito. Kaya lang, pag walang talent, tsupi! Sa totoo lang wala akong ma-comment masyado sa babaeng ito kasi hindi siya nag-a-outstand kapag sa mga shows. Kaya iyon, iyak siya ng iyak ng na-vote out siya. Siya rin ang kaaway ni Yasmien. Napaplastikan daw siya kay Yasmien. Naku! Ineng, showbiz yan. Masanay ka na.

AntonAnton. Na-vote out si Anton dahil sa kawalan ng effort. Siya ang pumalit sa place ni Rico, ang talagang dapat kasama sa mga Survivors kaso ay pinrioritize ang pag-aaral (Atenista kasi). May ukit na scroll sa buhok ang batang ito na astig, pero hindi passport iyon sa stardom. Walang talent sa pagsayaw. Lelemyak-lemyak.

JennylynJennylyn. Hindi ko masyadong napapansin si Jennylyn until sa Singing Week ng Star Struck. Siya lang ang may Recording-Artist-Quality (Si Yasmien ay pang-choir/opera). The vibration! Dammit, may future sa singing. Parang Christina Aguilera na tinabasan ng 3 octaves. Sa acting? Hindi ko pa alam. Sana huwag lang niyang daanin sa ganda dahil may puhunan na siya.

RainierRainier. F4 look-alike? Malamang. Talent-wise? Puhleez! Si Rainier ang madalas pag-awayan namin ng Mommy ko dahil lagi niyang pinipilit na may Star Quality ang batang ito, pero para sa akin? Hanggang pa-cute lang siya. Smile ng smile. Parang timang. Kung ang showbiz ay nadadaan lang sa smile, di sana artista na si DOH Secretary? At ang boses sa pagkanta, punyemas...

JadeJade. PPPHHHHTT... Bwahahahaha! Natatawa na lang ako sa kuwento ng dilag na ito. Sabi niya hindi daw siya sinusuportahan ng mga relatives niya nung gusto niyang mag-artista. Hindi na nga daw siya nakakapag-aral dahil sa kaka-VTR. Bwahaha! Tama naman kasi mga relatives mo: hindi mo kaya! Wala kang Star Quality! Tamo, 2 beses ka ng muntik ma-vote out, bwahahaha!

DionDion. Taklesang bata na may braces! Siya ang nagpaiyak kay Katrina, ika niya di daw marunong sumayaw si Katrina. Hehe, parang siya marunong. Tapos, poor lang daw siya (look at the braces, he's very poor), kaya naman tsismis sa web na may finafafa ito sa kanila. Rumor din na love triangle sila ni Anton at Rainier. Kahit ano pa iyan, magsama-sama ang mga walang Star Quality.

SheenaSheena. Okey, okey, medyo may konting bias ako sa babaeng ito dahil siya ay aking Cabalen. Schoolmate pa siya ng pinsan ko. Hindi siya ganun ka-ganda as others pero maganda na rin. Tipong girl-classmate. Sa pagkanta, neutral. Hindi magaling, tolerable naman. Marunong gumiling at sumayaw! Minsan ko pa lang siya nakitang mag-acting. Star Quality? Erm... puwede, puwedeng hindi.

ChristianChristian. Isa sa mga bets ko. Isa siyang pure Filipino na laking Amerika. Singing? Walang talent. Dancing? No comment. Acting? Puwede! Puwedeng-puwede. Napaka-natural ng acting niya at kaya niyang itago ang weaknesses niya through wacky showmanship. Iyon nga lang, baka hindi siya maka-reach sa masa dahil Englsih-speaking. Tang-*nang masa kasi.

YasmienYasmien. Best word to describe this girl: bitchy. Opo, bitchy siya, though obvious na obvious na may Star Quality. Magaling kumanta. Nakakasayaw. Maganda at bibo. Kayang umakting (akalain mong humahagulgol siya nung matanggal ang kaaway niyang si Cristine? O di ba magaling sa acting?). Pang-Magpakailanman ang buhay niya. O di ba? Lahat ng kailangan as star, hawak niya.

TyronTyron. Ang barok na Kapampangan na tiga-Tarlac na nagmomodel na dati pa. Mahangin masyado, kahit di pansin onscreen (mostly sa mga Survivors siya ang gustong alisin dahil sa pagkahambog). Puwede siyang kumanta as vocalist ng isang alternative band, iyong nga lang barok, tulad na lang ng 'share' na pinronounce niya as 'shiyeyr.' Tsk tsk. Muscles only get you to boldstardom.

NadineNadine. Isa sa mga bets ko na baka manalo. Can carry a tune. Can dance. Can act. Para sa akin siya ang pinaka-cute sa mga babae. Sweet personality pa. Siya ang crush ni Tyron. Mawawalan ako ng gana sa kanya kapag sinagot niya ang personipikasyon ng hangin na si Tyron na parang nanliligaw sa kanya (ma-showbiz talaga ang mga batang 'to).

MarkMark. Ma-angas! Idol ko yung tabas niya sa kilay (na sa tingin ko ay dulot ng isang hikaw na kanyang tinanggal na) at ang kidlat na ukit sa kanyang semikalbong buhok. Ang tunay na forte niya ay sa dancing. Sa pagkanta, ewan ko, pero nakaka-falsetto siya a la South Border. Malakas din ang hatak niya sa mga tao. Puwedeng siya ang manalo kung magaling siya sa acting.

KatrinaKatrina. Favorite ko sa mga babae! Astiging babae. Marunong manigarilyo (pero ni-quit na niya dahil either ayaw na niya or for the sake of Star Struck). Puwede siyang vocalist ng isang banda. May isang ekspresiyon sa mukha niya na hindi ko ma-describe na sobrang nakyu-kyutan ako. Parang devilishly innocent. Basta. At dahil pinaiyak siya ni Dion, bakla ka, Dion! May gf ka pa man din.

JasonJason. Hindi ako Star Struck finalist/survivor at wala akong pang-showbiz Star Quality. (Ano nga ba ang Star Quality? Katisoyan at big, big muscles?)

Isa lang akong manunulat na marunong din sumayaw at as of the moment pinipilit gayahin ang boses ni Jay-R. Isa po siyang mag-aaral sa UP Pampanga na balak mag-transfer sa Diliman.

Balak po niyang malagay ang pangalan sa isang Encyclopedia one day na gagawan ng research ng iba't-ibang bata. That's what I call real stardom.

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! NOVEMBER 24, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: My Immortal (music video version) - Evanescence
Emotional Status: Sleep-needing

Back To Normal!

Ops ops ops! Okey. Nagbabalik sa dating katauhan si Lagsh. Tayo'y magko-converse na muli tungkol sa mga walang-kuwentang bagay. Current events? Huwag na muna. Hindi na ako masyadong nakakapanood ng balita. Puro Star Struck na lang at MTV ang napapanood ng apat kong mata due to some unconscious reason.

Balita ko nag self-dedo daw anak ni Miriam Santiago. No comment. At ang korni naman ng campaigning ad ni Ping! Ping ping ping ping ping ping ping ping...

So ano bang magandang topic na pag-usapan sa araw na ire? Ah oo, sa December 6, Peyups Christmas Party. Pupunta ako at mag-isa lang akong 1) tiga-Angeles na pupunta doon; 2) tiga-UP Pampanga na pupunta doon. Magkakawindang-windang niyan ako dahil wala akong alam sa mapa ng Ortigas or QC or Manila or whatever.

Promdi eh.

Chinese Dye and Hairstyle ek-ek

Balak kong mag-change ng hairstyle. Bakit kamo? Paki mo.

Hindi, kasi sawa na ako sa buhok ko. Gusto kong pa-semikalbo. Nagdadalawang-isip pa ako kasi hindi ko alam kung bagay ko. Sana bagay ko. Pero sayang ang buhok ko. Ah basta. By next year, iba na ang format ng ulo ko.

Aprub ang mumurahing Chinese dye na binili ni ermatz sa bangketa once. P10.00 lang yun at tinest niya sa buhok ko noong unang weeks ng June. At taniyo! Magde-December na. Hindi pa rin kumukupas.

Lintek na Intsek.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong papalit-palit ng buhok. Siguro rebellion nung kabataan ko. From pre-school to 4th year high school, man, akalain mong iisa lang ang aking hairstyle! How sick can that get? Ok, ok, nagpalit ako ng once. Iyong picture ko sa fropile ko, isang week ko lang ginamit iyon noong 4th year. Kaso kakatamad mag-gel. Atsaka nakakasira ng buhok. Kaya balik sa mala-Jose Rizal type na buhok.

Bago mag-freshie sa college, pinahaba ko ang buhok ko. Wala pa akong picture na ganito ang buhok. Nawa'y magkapicture ako ng ganito bago ako magpabago ng buhok.

Usapang Mandy Moore at Tang-*nang MTB

Aaaah! NAKAKAHIYA KAYO! OO, KAYO! WILLIE, RANDY, and JOHN! And for that, pati na rin MTB!

Kung napanood niyo lang ang Saturday episode ng MTB lung saan nandun si Mandy Moore, ikahihiya niyo temporarily ang pagiging Pilipino dahil sa tatlong hindot na binanggit ko. Pansin sa mukha ni Mandy na nakokornihan at naa-annoy siya sa tatlong iyon. Atsaka kina Carlos Agassi at iyong babaeng hindi ko kilala.

Iyan tuloy, nasabihan pa ng 'Quit being silly' ang tatlo dahil sa korning line nila na, "I know who your boyfried is: Roger Moore!"

Isa pa sina Carlos Agassi. Tell us about your new CD. Di pinromote ni Mandy ang CD niya?

After nung kahiya-hiyang Willie-Randy-John tandem, pinapromote pa uli ang CD ni Mandy. E di inulit niya.

Tapos nung huling part, sabi pa ng bubwit na Carlos, "For the last time, promote your new album." Pansin na pansin sa mukha ni Amanda na naiirita na siya. Inulit na lang niya ng mabilis.

Hindi kaya pinakita si Mahal at Mura kay Mandy Moore? Dapat pinakita nila. O kaya, dapat sila na lang nag-interview.

Buti pa sa SOP. Classy ang pagtanggap sa kanya.

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! NOVEMBER 23, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: My Immortal - Evanescence
Emotional Status: Pressured due to shitty school reports

320/320 Vision: Same Old Drama

There I was at the back seat of the car, watching the pollution of Metro Manila, listening to the music the radio was belting out, and hearing Mom’s and Dad’s terrible debate. How foolish of them to be screaming at each other while they were only about two feet apart.

Great. Just great. Dad’s voice was already like that of a disturbed bear from the world of some alien. Then Mom backfired with a voice like that of a demon-possessed ostrich that came from Dimension K. I wished I had some popcorn and soda with me so that I could have enjoyed watching those kids fight over a very socially relevant, mind puzzling, educationally significant topic: who started to sound angry first? Was it our girl on the red corner, Mom? Or was it our big bulk of muscles and corpora adiposa, Dad? Stay tuned.

The devils in their ears must have been enjoying the manipulation. I myself was into the show.

I guess the climax was over. Their shouting was starting to fade away, until Mom said the magic word that brought back the thrill in the car: ”Mas mabuti pa yata kung maghiwalay na tayo.”

My eyebrows raised and I smiled, “This is gonna be one exciting hell of a trip!”

Ain’t it romantic that Mom and Dad were only arguing about who started to shout first, then look at them! Mom wanted some legal separation and Dad didn’t want to. I thought, “I guess having a broken family would be an interesting idea. It would be one heck of an adventure.”

Suddenly, TV figures started to pop in my mind. I remembered those successful actors, actresses, recording artists, etc. who came from either two situations when they were young that made them triumphant in life: either poverty or a broken family.

Go ahead, Mom! And Dad, quit being crappy. Break our family! Break it. Then maybe we will just one day see me and big brother on TV or on the newspaper or anything that shines with the word ‘success.’ I will be then featured in Magpakailanman or Maalaala Mo Kaya for my very dramatic life tale. Don’t worry. I’ll be decent enough to give both of you equal amount of money when I become successful.

Mom was mumbling about things that I thought would only come from a 13 year-old brat. She said she would find a foreigner that is both rich and nice after she separates with Dad. Ugh. Mom should have thought of that before she decided to have me as her child. Being a Fil-Am boy is good. Maybe I’m already a celebrity if she opted for that about 16 years ago.

I guess the drama I was witnessing wasn’t very well-prepared. While shouting at each other, the radio was playing different love songs. Perfect background music.

Then Dad decided to get some more excitement by trying to be a comedian. ”Tama na! Kapag hindi ka pa nanahimik ibabangga ko ang kotseng ito at pare-pareho tayong maaaksidente.” Of course, Mom wanted the show to sell. She agreed with no tinge of sarcasm.

Haha! I was laughing my ass out with the way the act was unfolding. I knew the programme was going to be greater than I expected. One correction though, Dad. Don’t use the word ‘aksidente’ because it wouldn’t be an accident if you willed it. But if Dad wanted to really end some life, good-just count me out. They could drop me at McDonald’s and give me all their money first before they finally decide to make the car explode with them inside. But I suggest that they just give the car to me and they can make dead people out of themselves by crossing the highway with blindfolds and cuffed feet.

I’m 16 and young. The world still needs me more than I need it. I have dreams. They don’t. I wonder what was wrong with them. After all my good grades from pre-school to college and good reputation as a clean person, that was my prize: death. Just f*cking great.

Too bad. It was just going to be the same old drama. After time, they would again kiss and makeup. Remind me to buy some extra popcorn so that next time, satisfaction would really be guaranteed.

As you can see, nag-ispokening dollar muna ako atsaka medyo nag-serious mode.

1st Celebrity Friend

Salamat at kinonfirm ni Sarah Geronimo and Friend Request ko sa Friendster. :)

Sixteen

Sa mga nagtatanong kung 16 ba talaga ako, opo, 16 pa lang ako. Pang nth na po kayong nagtanong niyan.

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! NOVEMBER 19, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: The Yes Yes Show - Parokya Ni Edgar
Emotional Status: Depressed and sick

Bad Blood

Masakit... Masakit ang katawan ko ngayon, sobra. Nasobrahan yata ng kaka-practice ng 2 intermission numbers (na pagkabilis-bilis na modern dance) para sa 20th Mr. and Ms. UP 2003 na ginanap dalawang araw paatras mula bukas. In short, kahapon!

Iyong pinakamaganda sa mga female candidates, akala ko siya iyong mananalo. Kasi super-ganda! Kaso nung Q&A may pagkabarok.

Sa mga male candidates naman, ok, no comment.

Napanood ko sa wide screen ang sayaw namin. May napansin ako: Di ako magaling sumayaw! Kaso praise ng praise ang mga kaklase ko sa akin. Siguro gumagana na naman ang pagkaperfectionist ko. Sori, ganun talaga ako. Kahit gaano pa ako pine-praise minsan sa aking abilidad, kung hindi perfect, pangit para sa akin.

Siya nga pala, noong bagong salta kami sa UP, first sem, e di sumali ako sa org namin ngayon. Iyong isang freshman naman sa rival org namin. Kaya pagkatapos naming mag-integ, aba'y pinaparinggan ako/kami nung freshman na iyon! Mina-mock niya ang cheer ng aming org. Kaklase ko pa naman siya sa Comm 1.

So simula noon, mainit ang dugo ko sa kanya.

Kaya lang kagabi as pageant (male candidate siya), ayaw siyang papasukin sa employees' entrance ng Casino Filipino. So inutusan ang inyong lingkod ng Chairperson na bumaba sa ground floor at sabihin sa security guards sa candidate siya.

So si-nave ko siya. Dapat ihatid ko pa siya sa 3rd floor kung saan magaganap ang pageant. Sumakay kami ng elevator. Kami lang dalawa. Medyo nakokornihan nako kasi may init ang dugo ko sa kanya.

Hindi ko siya kinakausap. Tapos siya kinausap niya ako.

"Ang galing mo palang sumayaw. Idol ko yung moves mo." (sounds sincere naman)

Tumawa na lang ako. Dinivert ko na lang ang usapan sa ibang topic by saying, "Suwerte mo. Late ka na talaga, pero buti na lang wala pang judges."

Pero simula kagabi, nabawasan na iyong init ng dugo ko sa kanya. Simpleng istorya, di ba? For the sake lang na may makuwento ako sa inyo kasi masakit ang katawan ko at depressed pa rin ako.

I will see kung makaka-upload ako ng pictures mula sa event.

Manalo sana ang PnE sa MTV Asia Awards

Astig talaga ang Parokya NI Edgar. Sa kakapakinig ng The Yes Yes Show sa MYX at MTV, na-mememorize ko na ng unti-unti.

My name is Vinci and I am neat
I love pretty girls and I love to ear
I made this rap from my mind
And I am very, very kind
I like to drive fast and fancy cars
And chicks dig me like chocolate bars
They say I'm bad, but I am good
So shut up now and eat some food.

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! NOVEMBER 16, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: Hey Ya - Outkast
Emotional Status: Depressed

Depressed

Depressed.

Depressed.

Sorry, hindi ako masyadong ganadong magsalita ngayon kaya naman walang updates. Depressed ako lately. Sad. Lonely. Cold.

Kaya ito na lang ang mahahandog ko sa ngayon: Lagsh's Mating Project AKA Part of Being Depressed:

Species 1 + Species 2 = New Species

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! NOVEMBER 11, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: Limang Dipang Tao - Barbie's Cradle
Emotional Status: Asking, "What's happening to me!?"

Complete Version po ng Childhood Sweetheart III

...Ay narito sa page na ito. Walong setup po ang nandiyan. Sa wakas! Tapos na rin ang sequal-sequelan. Wala sa isip at sa mga balak ko ang gumawa ng pagkahaba-habang love story na trilogy kung umasta.

Hindi ko po linya ang mga love stories. Ewan ko ba kung pa'no ako napadpad sa ganitong klaseng pagsusulat!

'Nyeta. Sana huwag itong makita ni Carla/Karla.

Masakit Mangarap

Talagang matatayog ang mga pangarap ng mga bata. Maraming batang gustong mag-artista, maging sikat, mag-outstand from the rest of the normal kids.

Kuya & I: 'sigh...'Pero pareho kami ng kuya ko. Hanggang pangarap. Kung matayog kang mangarap, aba'y mahapdi rin kapag na-shatter ito. Parang sa pagmamahal. The more you love, the more mas mahapdi kapag nawasak.

Kaya ngayon ay nakikisimpatya ako kay Alvin na hindi na nag-survive pa sa Star Struck.

Madalas ko siyang asarin dahil nakakairita ang personality niya. Pero iyon naman pala eh-pang-Magpakailanman naman pala ang buhay ng mokong. May pangarap na pagbuklurin muli ang nagkawatak-watak na pamilya. Noble intentions ika nga.

Ngunit noong matanggal siya sa Final 14, kawawa naman. Ako, isa ring mangangarap. Masakit yata iyon.

Oh well, mahirap talaga ang buhay. :p Try mo iyong sa ABS-CBN. Baka doon maka-second chance ka.

[In case di kayo maka-ride sa pinagsasasabi ko tungkol sa Star Struck na 'to at gusto niyong maki-ride, pwede niyo pong puntahan ang website kung saan naka-feature sila doon: www.startruck.tv.]

Last Month's Entries

Iyong pong mga old entries ko nasa page na naka-link sa navigator sa right side ng page. Under REMEMBER ME, sa baba po ng tagboard section.

Bakit enjoy na enjoy ang mga parents na hiyain ang kanilang mga anak?

Batman!    Robin!

Tawa! Sige, tawa! Buti na lang at medyo beybi pa lang ako nang ipagsuot ako ng Robin ng ermatz ko. Kamalas-malasan ng kuya ko at ang laki na niya ay pinagsuot pa siya ng isang karumaldumal na Batman outfit. Mukha tuloy siyang Sailormoon. At tignan niyo daw ang pause ko na mukhang nagtetelepathic powers!

Pero ang malaking question mark ay nakatatak sa: MASAYA BA ANG MGA PARENTS NA GINAGANITO NILA ANG KANILANG MGA SUPLING?

Buti na lang at hanggang Robin lang ang pinasuot sa akin. Sa pangangalkal ko ng photo album nakita ko pa ang kuya ko na naka-Superman naman na may flying pause pa! Mataray.

Tsk tsk. Hindi ko gaganituhin ang anak ko. Pero kung gusto niya, papagsuot ko siya, iyong matino naman. Hindi iyong mga comic characters na nakalabas ang brief.

Bakit kaya halos ganun ang porma ng mga American superheroes?

Tignan niyo si Superman. Ang red niyang brief ay naka-expose. Hindi rin makakatakas si Robin at si Batman. At sa X-Men, may iilan din katulad ni Cyclops, Cable, at Wolverine. Gumaya pa si Britney sa music video niyang I'm A Slave 4 U.

Odd.

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! NOVEMBER 7, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: Cold Summer Nights - Arnee
Emotional Status: Corny

Para sa mga mambabasa ko sa 320/320 Vision

Noong November 6 ko pa tapos ang hindi na masyadong pinakahihintay na Childhood Sweetheart III. Diyahe nga, kasi nag-eenjoy ako sa paggawa, kaya lang na-force akong paikliin dahil more than three pages na kung pagbibigyan ko ang kati ng kamay ko.

Iyan tuloy, 4 na what-ifs lang ang aking nasumite. Eh ang original kong balak ay 8. Di niyo gets? Basta, magegets din kapag na-post na.

Heto, isang preview na magulo na puno ng cut.

The “I Don’t Remember” Setup

Nakangiti siya. “Hindi ba lagi kitang kasama noon? Kapag recess. Atsaka noong Graduation practice.”

Tang-*na. Heto na ang nakakakabang part. Bahala na. Here it goes.

“Oo nga eh. Binigyan kita dati ng puting bulaklak, naaalala mo pa ba? Haha, kinilig nga sina Ma’am noon. Ewan ko nga ba. Ke-bata-bata natin noon pero para na tayong teen-agers kung mag-ano.”

Tumingin siya sa bubong. Balik tingin sa akin.

“Sure ka? Wala akong maalala eh. Hihi, sorry. Marami na kasing nangyari sa buhay ko noong high school. Medyo mas doon ang naaalala ko. Kasi noong First Year ako...”

The Jologs Setup

“Galing kasi kaming US noon. Sa California tapos sa Virginia. Mga 3 months din kaming nandoon. Noong bumalik kami dito, I think Third Quarter na ng mga schools. No school would accept us except Holy Child. Kaya, iyon.”

May pagkamangha sa kanyang mukha. Dahil siguro doon sa US.

“Aaaaay!” tili niya sabay takip sa kanyang naka-smile na bibig.
“O, bakit? Kailangan lang naming pumunta ng US kasi iyong uncle ko.”
“Ulitin mo nga iyong sinabi mo tungkol sa mga school.”
“Um, no school would accept us except iyong Holy Child, kung saan tayo nag-Kinder at Prep.”
“Wow! English. Galing-galing mo naman mag-English,” sambit niya, sabay palakpak.

The Boyfriend Setup

May parating na lalaki. Tisoy. Naka-shades. Maporma din. Guwapo. Mukhang nagdyi-gym. Fil-Am yata. Pumunta siya sa tabi ni Carla to my surprise. May halik pa sa pisngi.

“Sorry I was late. Ang dham-ey khashing nakha-park na khot-chey eh,” sabi niya na may katawa-tawang Fil-American accent na tila Nancy Castiliogne na naging lalaki. Dapat sumali na lang siyang Star Struck para doon siya pagtawanan ng mga tao. Aaaah! Tang-*na. Nako-conscious na yata ako.

Could it be!? Could it be na... boyfriend niya ito? Oo, boyfriend niya nga ito.

“Ah, Jason. This is Gabby.”

My Dream Setup

Nagpalitan kami ng cell number. Hinalungkat pa niya ang mga quotes ko. Ringtones. Picture messages.

“O, huwag kang masyadong mabana. Walang ganyan sa bundok.”
“Gago! Hehe. Mas mukha ka pang taga-bundok sa akin.”
“Oo na, sabi mo eh. Tara, nangangawit na ang puwit ko sa kakaupo sa coffee shop na ito.”
“Mall tayo?”

Natapos ang araw. Hinatid ko siya sa kanila.

“Bye, Jason! I had a great time. Sige, keep in touch na lang. Ikumusta mo na lang ako sa mga kamag-anak mo sa Pinatubo, hehe.”

Bigla siyang lumabas ulit ng gate.

“Uy, Jason, siya nga pala, ano na nga ba ang website mo? Para ma-visit ko one time.”
“Huwag na.”
“Bakit naman?”
“Ah, eh, baka mabasa mo iyong sinulat ko tungkol... I mean, basta. May virus eh. Parang ikaw.”
"Nye, korni. Haha."

Hindi na ako makatiis. It’s now or never. Dapat masabi ko na sa kanya ang dapat kong sabihin.

“Carla... I have to tell you this...”

Eeech... I can't imagine myself doing these stuff. :)

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! NOVEMBER 5, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: Maybe - King
Emotional Status: Thinking, "I seriously have to be ____."

Hanggang Pangarap na Lang Ba?

Madalas kong sisihin ang ermatz ko kapag tungkol sa pagiging artista/singer/kahit-ano-related-to-music/show-business. Kasi naman, dapat 3 years old pa lang ako, pinapagkanta na niya dapat ako! O kaya pinapag-arte sa harap ng salamin.

Taniyo ngayon, 16 years old na ako! Patanda na ng patanda! Malala na 'to. Kung magsisimula ka na lang ng mga 21 years old, aba'y may kahirapan na yun.

Parang dun sa Search For A Star. Yung contestant na guy na 26 years old yata, pero talagang singer/star material, hindi na tinanggap. Mas kinuha yung, I think, 17 or 18 years old na babaeng kumanta ng, "I have nothing... nothing... nothing!"

Ang pangarap ko talaga, aaminin ko na, ay makapasok sa entertainment business. Kahit ano'ng form. Basta. Walang kokontra. Babarilin ko kayo ng armalite.

Meron akong application form ng Himig Handog na nakasave sa My Documents ko. Balak ko nung sumali. Meron din akong application form ng Metropop. Nakasave din sa My Documents. Meron din akong requirements and information sa Star Cinema Script Writing contest. Sinave ko rin yung page ng MTV The Pitch screenplay contest.

Pero di matuloy-tuloy. Ewan ko ba. Feeling ko kasi late na. Nagse-self-teaching akong kumanta sa kuwarto ko. Sinimulan ko ang habit na ito noong 14 years old ako. Di ba late na? Dapat 3. Pero may pag-asa pa. As long as andiyan si Paolo Santos na nagsimula lang nung high school, may light of hope pa tayo.

Palagay ko ganun din ang kuya ko. May katayugan din ang pangarap. Sumubok yata siya ng VJ Hunt dati ng patago.

Pero alam ko na kung bakit ino-okray kami ng kapalaran. Kasi wala kaming dedication sa mga pangarap na aforementioned. Siyempre UP kami at obliged kaming mag-aral ng mabuti. Haaay.

A Message To My Children

"Mga anak, ang suwerte-suwerte niyo na. Nung kabataan namin, hanggang TV lang kami. Kayo, de-computer na may webcam at iba pang gadget! Nung kami naka-rubber shoes lang pag pupunta ng eskuwela. Nagdyi-dyip lang kami o kaya hinahatid kami ng lolo niyo sa kotse naming Nissan."

Hindi ba't nakaakumay sa tainga kapag laging binabanggit ng mga parents ito? Parang, hello! That was your time! Now's our time!

Pero siguro maiintindihan ko rin kapag matanda na ako. Pero, what the hell, bata pa ako kaya may privilege pa akong gawin ito.

Tulad ng sinasabi nila, hindi mo daw maiintindihan ang sakit sa loob ng mga parents kapag sumasagot ka pabalik. Paglaki mo daw, doon mo maa-understand. Oh well, kanya-kanyang panahon lang iyan. Bata pa ako kaya may privilege pa ako.

Uy, bad influence to. Wag niyong tutularan kung ayaw niyong masunog ang kaluluwa sa Averno. Pero oks naman ang relationship ko with my parents.

Kuya and I

Similarities namin ng kuya ko ay ang hilig sa Modern Dance at sa pagsulat (BA Journ siya, 3rd Year sa UP Diliman). Pero separate kaming natuto. Then it turned out pareho ang hilig namin at ang level of kakayahan.

Tulad na lng sa Modern Dance.

Noong high school ako part akong ng Performing Arts. Walang maka-gets ng steps na tinuturo ko kaya nafo-force akong i-simplify ang mga steps. Yung mga tige-8 counts or 16 counts. Dapat hindi ganun. Dapat mala Justin Timberlake o Britney Spears na in one count sandamakmak na movements ang makikita mo.

Alalahanin ang Like I Love You ni Justin at ang bago ni Britnang na Me Against The Music. Wala pa akong mahanap na dancers na kaya iyon except my brother (at least, in my environment).

Happy birthday kay Siege!

Punta kayo dito at i-greet niyo siya. =)

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! NOVEMBER 2, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: Nasaan - Nyoy Volante
Emotional Status: Blank

Sour Grapes

Yes! Wala na akong papakainin na pusa! Hindi na ako mamomroblema kung may nagugutom na Persian cat sa labas. Wala na ring iihi sa mga kahon! Wala na ring kikitil ng buhay ng mga ibon sa labas! Wala na rin akong pusang pinapalabas ng bahay kapag nakakapasok! Hindi ko na rin kailangang takpan ang ulam sa mesa kasi wala ng pusang mangangahas ng pagkain! YES!

Tutal hindi naman sa akin iyong pusang iyon eh. One day, nang naglalakad kami sa may basketball court sa subdivisiong aming tinitirhan, sumunod na lang basta sa amin ang Persian cat na ito. Since then, naka-bonding ko na siya at naging close friends kami.

One night, three days before Undas, sa sobrang curiosity, sumakay ang Persian cat ko sa isang oner na nakapark sa labas ng bahay. Yung oner, wala na kinabukasan. Ibig sabihin, nadala ang pussy cat ko!

Pero yes! Wala ng maglalambing sa akin every morning paglabas ko ng bahay! Wala ng sasalubong sa akin pagdating ko ng bahay. Wala na akong magiging kalaro sa labas. Yes! Wala ng mag-iingay na, "Meeeowww..." sa labas kapag nagugutom siya.

Ye.... huhuhuhu. Namimiss ko ang pusa ko...

8-8

Tayo'y mag-otso-otso...Dapat lagi tayong in. Kung ano ang ginagawa ng tao, dapat alam mo ring gawin. Pero hindi ko naman sinasabing lagi kang maki-conform, kasi masaya ding maging unique.

Pero di ko lang talaga mapigilan. Dapat matuto akong mag-otso-otso. Para naman hindi tayo mapag-iwanan ng panahon.

Atsaka paglaki nun natin, meron tayong maipa-part sa ating mga anak. "O mga anak, nung panahon namin maraming nago-otso-otso.Gawin niyo, heto tuturuan ko kayo."

Kung paano tayo turuan ng mga matatanda kung paano magchacha o magtinikling, ganun din ang gagawin natin sa next next generation. Pero mahirap kasi kapag matanda laging may back deficiency.

Nyahaha. Kawawang mga bata. May balak mag-G-Girls ang mga ito. Uy, Sexbomb na lang. Mas may kinabukasan ang grupong iyon.

Dream... Believe... Survive...

Bias ako, kaya susuportahan ko yung Kapampangan na sumali. Kung hindi siya manalo, di wag! Nandiyan pa naman iyong iba.

Yung sa mga male finalists naman, kundi lang mahaba ang buhok ni Rainier hindi naman siya Star Material (i.e., with the talent and personality). Pero gustung-gusto siya ng ermatz ko. Ay oo nga pala. F4 fan pala ang mamadear ko.

In fairness, ang bagal ng pace ng show na ito!

Name URL or Email
[Brief] Comment

See
Hands off! NOVEMBER 2, 2003                                                              

Moment's Soundtrack: The Yes Yes Show - Parokya Ni Edgar
Emotional Status: Asking, "Is there more to life than this!?"

Tsismoso Sa Tabing-Dagat

Galing kaming Olongapo, at pumunta kami sa Subic sa gabi ng October 31. Pinuntahan namin iyong lugar na tinatawag nilang Board Walk. Sa tabi siya ng dagat. Andaming tumatambay doon. May magbabarkada, may family, may mga lalaking may nirentang prosti, at may mga lovers.

Ang tsismoso ko. Lahat ng dinadaanan kong mag-diyowa na nakatalikod, binabagalan ko ang pace ng lakad ko, tsaka ako nakikinig ng pahapyaw sa kanilang pinag-uusapan.

Waaaah.

Ano'ng nagyayari sa akin? Hindi naman ako tsismoso. Nung gabi lang na iyon. Heto lang sa mga lalaking nagbabasa ng blog ko: Kung may gf kayo at gusto niyong magpaka-romantic ng isang gabi, isa-suggest ko ang lugar na ito. No joke.

Meron din kaming na-encounter ng kuya ko na group of teenage boys, na naging root ng aming debate ng kuya ko. Sino nga ba ang mas maporma? Mga tiga-Angeles o mga tiga-Olongapo?

Para sa akin, mga tiga-Angeles. Lahat ng klase ng damit makikita mo na sinusuot ng mga tao, lalo na sa mga malls. May mga rapper-look-alike, may mga super-porma, may mga semi-formal, may mga sporty, etc. Parang Maynila. Kaya lang kasi aaminin ko na super-marami ang mga jologs sa Angeles. Meron din iyong mga may malalking anime na nakadrowing sa kanilang pagkalaki-laking polo.

Balik tayo sa Board Walk. Meron ding stage sa seaside na iyon na sabi ng ermatz ko ay pinagtanghalan dati ng Magandang Tanghali Bayan. Anyway, tumayo ako sa gitna ng stage. Nangarap muli ang lolo niyong malabo ang mata: Someday, magco-concert ako dito.

Kinabukasan, nag-ilaw na kami sa mga patay. Nakita namin pauwi ang University of the Philippines Extension Program in Olongapo. Pero defunct na ngayon iyon kasi nasa Pampanga na ang Extension Program na iyon.

Sana hindi na lang nilipat para sa Olongapo na ako tumutuloy sa College.

Random Notes

Hindi ko napanood ang Extra Challenge! Sino ang nanalo? Si Michelle ba o si Charisse?

Gusto kong bumili, I mean, magpabili ng Play Station 2. Magkano kaya ang Second Hand?

Uy, mag-Friendster kayo, please lang. Sige na!

Siyet, wala na akong sasabihin

Name URL or Email
[Brief] Comment


NOVEMBER 2003

Back to Home

VIOLENT REACTIONS
Powered by TagBoard Message Board
And you are?

URL / Email

Messages (smilies)

MY FROPILE
Lagsh
LAGSH

16 years old
b. Sep 21, 1987
Virgo

1/2 Kapampangan
1/2 Olongapoan
Angeles City
Philippines

College Freshie
UP Pampanga
BA Psychology
AES Member

VIRGIN (UNUSED) AREA



VISIONARY v3.0 - Everything Copyright © Lagsh
View: 800x600 Resolution / 16 or 32 bit color
All Rights Reserved
no animal was hurt in the making of this website