VISIONARY

MARCH 2004

Back to Home

VIOLENT REACTIONS
Powered by TagBoard Message Board
And you are?

URL / Email

Messages (smilies)

ANG MASTERMIND
Lagsh
LAGSH

16 years old
b. Sep 21, 1987
Virgo

1/2 Kapampangan
1/2 Olongapoan
Angeles City
Philippines

College Freshie
UP Pampanga
BA Psychology
AES Member

VIRGIN (UNUSED) AREA

See
Hands off! MARCH 24, 2004                                                              

Moment's Soundtrack: As - 17:28
Emotional Status: Sabog
Brain Content: One term paper to go!!!

Whiner Time!

May tanong ako. Bakit parang astig sa pandinig kapag tinawag mo ang isang babaeng kaibigan ng pare, subalit parang ang sagwa kung tatawagin ka ng kaibigan mong babae ng mare?

Ito ang isang isyu na rine-resolba ko sa isipan ko.

Nabanggit din natin ang salitang astig. Hindi na tayo bata kaya alam natin na ito ay galing sa salitang tigas. Minsan out of hand na ang paggamit ng astig. Hindi malimit na marinig ang "Astig yung design."

Ano'ng matigas sa design? Kapag may anak na ako at papagalitan ko siya, permissible bang sabihan ko siya ng "Pumasok ka nga sa kuwarto mo! Ang astig-astig ng ulo mo!"

Kapag sinabi mong naaastigan ka, saan ka nga ba talaga natitigasan? At ano ang tumitigas sayo?

Isa pa ang word na makulit. Out-of-hand na minsan ang paggamit nito. Parang nagiging expression na lang siya gaya ng astig. Noong minsan sa UP Pampanga may nagpaturo sa akin nung Coke Beat. Komento niya, "Haha! Kulet."

Tapos, napag-usapan din namin dati yung tungkol sa exam namin sa Comm II, yung Position Paper writing. After ng exam, inilahad ko sa kaklase kong iyon ang sinulat ko. Eh parang sadyang namangha siya sa sinulat ko. Sabi niya, "Haha! Ang kulit."

Dapat pinag-iisipan ang sinasabi lagi. Kagaya dati, yung kasambahay nmin, pinapaliguan niya iyong anak niyang babae sa may backyard. Eh medyo nag-iinarte yung bata, sabi ng ina niya sa kanya, "Huwag kang magulo, nababasa ako! Anak ka ng puta!"

Kung ang anak niya ay anak ng puta, sino ang puta?

Tungkol naman sa wikang Inggles.

Bakit hinuhusga natin ang mga taong barok mag-English (tulad ng mga ibang Starstruckers at Star Circle Questors)? Bakit kapag may nagpronounce ng word na special as ispeyshal nangingilabot tayo? Bakit kapag pinronounce ang picture as pee-chur ng isang Pinoy, hindi tayo mapakali?

Ngunit bakit ang F4? Tulad na lang ni Ken at Vic. Doon sa Love Storm interview nila, sinabi nila ang "Kapuso! Watch Love Storm on GMA 7" ng ganitong way: "Kha-fuso! Hwatch Love Stohm hon Dyui Em Ey Siben."

Si Thalia, kapag nag-i-Inggles, hindi ba barok? Si Shakira? Nanood na ba kayo ng 'The Last Samurai'? Barok din naman yung mga Japanese dun ah. Lalo na yung emperor. "Ay hab dreem af hey unifayd Siyapan" (I have dreamed of a unified Japan).

At bakit masyado tayong concerned sa English grammar kapag nagbabasa tayo ng isang, for example, English essay? Kapag sinabi ko sa blog ko, "I did not made a cup of coffee," nakaka-T.O., hindi ba?

Ngunit kahit nagkakanda-mali-mali ang grammar ko sa Filipino, walang pumupuna. "Hinablot niya ang bag ng maliksi." Hindi ba dapat nang? Pero hindi natin pupunain hindi ba? Bukas rin o bukas din? Hindi ko na maalala ang wasto, subalit wala tayong care.

Napag-isip-isip ko rin, bakit maraming tao na hindi ugaling masa ang nagmamaliit sa lyrics ng Bulaklak, Ispageti Song, at iba pang novelty songs? Ngunit trip na trip nila ang tulad ng Right Thurr ni Chingy at ang Milkshake ni Kelis na kung tutuusin, walang kuwenta rin ang lyrics? Tanging sexual angle lang ang present.

At bakit tila ligal na ang pagbanggit ng salitang sex sa mga bata? Sexbomb, sexbomb...

Ang tanong: ba't pumasok na naman ang mga ito sa kukote ko??? Siguro naparami ang kain ko ng lumpia. Tapos sinawsaw ko pa sa toyo. :D

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN MATHEMATICS ::::::...
Hindi ko naisip na puwede palang mag-intersect (mag-meet at one point) ang dalawang parallel lines! Sa mga hindi nakakaalam, tanungin niyo ako kung paano.

See
Hands off! MARCH 22, 2004                                                              

Moment's Soundtrack: Yeah - Usher feat. Ludacris
Emotional Status: Dumped with papers
Brain Content: I ate too much sweets last Saturday!!! Must... exercise...

Ang pagkaudlot ni Amboy-should-have-been-in-the-making

Dapat Amboy na ako kung itinuloy ng mga magulang ko ang planong tumira na lamang sa Isteyts mga five years ago. Pa-yeahyeah, wazzup-wazzup, listen up y'all na lang sana ako ngayon. Ngunit nga hindi na itinuloy dahil may mga business (hindi po malaking pabrika ng kotse o pagawaan ng DVD players; school supplies and general merchandise lang) kami dito sa Angeles na parang may magandang future.

Ngunit less than 10 years na at hindi pa rin nagbabago ang antas ng buhay namin. May mga oras na nagigipit pa rin kami, na kailangan pang mang-utang ng Mommy ko sa iba-ibang banko at sa iba-ibang mga kaibigan para lang makabayad ng iba pang utang. Ang erpatz ko naman, P2000/month lang ang suweldo, kasi noong nagsimula pa lang siya sa trabaho, nang-utang kami ng P100,000 para maitayo ang business namin sa San Fernando.

Kaka-resign lang kasi ni ermatz noon sa Fuji Xerox, kaya kailangan ng source of income.

Pero sadyang mahirap mabuhay sa Pilipinas. Hindi ko sasabihing poor kami. Kami yung tipong nakakaraos with some luxuries, ngunit kailangan ng maraming effort. Less effort, less money.

Next week or next, next week, lilipad na muli si erpatz patungong US of A at magtatrabaho. Malaki ang probability na mataas ang suweldo niya, na kapag ikinonvert sa Pinoy Peso, ay hindi puwedeng isnabin.

Kaya naman pinayagan na ako ni ermatz na mag-Broadcast Communiaction kahit tsismis na mamahalain daw ang mga kakailanganin doon. Kung nasubaybyan ninyo dito sa website ko, in-announce ko nadapat March or April pupunta kaming Isteyts para mag-asikaso ng ilang maselang mga bagay; hindi na iyon matutuloy. Erpatz ko na lang muna ang mag-aasikaso at sa Disyembre kami lilipad patungo dun to stay NOT for good.

So ano'ng gusto kong patunayan???

Wala lang, nagkukuwento lang.

I lied, hahaha

Teka, teka, bakit ako nagba-blog? Sangkatutak pa ang mga dapat kong gawin! Atsaka sabi ko sa previous post ko na logout muna ako sa pagba-blog. WELL, ganito kasi iyan.

Ngayong araw na ito, supposed to be may exam ako sa Comm II from 1 pm to 3 pm. Tapos bigla kong nabalitaan, may jeepney strike daw. Atsaka ni-move daw ang sked ng test, sa Huwebes na lang, same time. Kaya, msking bloggers tayo ulit.

Additional, nabigyan din ako ng ample time na:

1) Gawin ang research paper ko sa Psych 101
2) Isulat ang sort-of-sequel ng 'Male CR Cubicle #2'
3) Mag-review para sa finals sa Psych 101 bukas
4) Matulog!!!!!!!

320/320 Vision: Lobby Locker #32-A

[Required reading: Male Cr Cubicle #2]

Lahat ng mga tao may kanya-kanyang drama sa buhay. May mga nasasalanta ng iba’t-ibang katastropiya, may mga nasusunugan ng tirahan, may mga nabibiktima ng kawalang-hustisya, may mga nananakawan ng cellphone, may bumabagsak sa exams, may nauubusan ng load, at meron ding mga nabibigo sa auditions sa Star Circle Quest. Ngunit may isang estudyante sa UP Pampanga na medyo iba ang drama.

01-A5566: “Ganyan na lang ba talaga ang sinumpa kong love life? Bakit ba lagi na lang ako ang best friend ng mga babae? Bakit never pa akong naging the one!?”

Tatlong magkaka-brod ang nakahimlay sa kanilang tambayang nipa hut. Pinapalipas nila ang tatlong oras, sapagkat may general assembly pa ang kanilang kapatiran maya-maya.

01-F4F4F: “Eh sino ba kasing type mo? Dami kayang chicks dito. Kahit isang view lang ang liit ng UP Pampanga madami namang puwede. Ba’t hindi mo pormahan?”
01-A5566: “Hindi puwede, brod. Ewan ko ba. Lahat ng natitipuhan ko laging taken. Wala naman sa plano ko ang maging mang-aagaw.”
01-A1BSB: “Wooshoo. Exception dun si Sheps. Alam ko type mo yun at hindi pa siya taken noon. Naunahan ka lang ni Boboyds dagul-titi. Hindi mo kasi agad niligawan si Sheps. May nalalaman ka pa kasing friends muna effect eh.”

Sakto ding oras na iyon, nagwawala si Eddie Gil dahil na-disqualify siya sa Presidential Elections. “Hindi ako makakapayag! Komunista ito! Komunista ito!” sigaw ng matandang may second-hand na chopper. Nang oras ding iyon, may magarang kotseng nagpark sa harap ng canteen sa UP Pampanga. Bumaba ang may-ari na may dala-dalang maraming supot. Tumingin siya sa paligid at binitiwan sandali ang mga hawak-hawak. Ngunit walang kinalaman ang taong ito sa kuwento. Extra lang, kumbaga.

01-F4F4F: “Brods, may joke ako...”
01-A5566: “Tol, ganun talaga ako eh. Bullshit para sa akin ang basta-bastang panliligaw. High school style lang yun. Ba’t sila nanliligaw? Type nila ang laki ng boobs ng babae?”
01-F4F4F: “Uy, may joke ako...”
01-A1BSB: “Edi ibig mong sabihin bullshit si Boyds?”
01-A5566: “No comment. Wala akong gustong patamaan. Basta ganito ang patakaran ko. Hindi ako puwedeng manligaw nang hindi kinakaibigan ang tao. Iyan ang pinapayo ko sa mga girls na nagiging kaibigan ko tungkol sa mga nanliligaw sa kanila.”
01-F4F4F: “Brods, may joke ako...”
01-A1BSB: “Iyan, payo-payo. Diyan ka magaling. Hindi ba ikaw ang naging bridge ni Patsy at ni Moy? Ikaw din, sa pagkakaalam ko, ang dahilan kung bakit mag-on ngayon sina Dung at si Pinpin. At siyempre, ang mahal mong si Sheps at si Boboyds. Ayus ka, tol. Marami ka siguro natututunan sa Psych. Puwede kang marriage counselor.”
01-A5566: “Ba’t ka nga pala late kanina?”
01-F4F4F: “Ako? Akala ko kasi tuloy yung strike. Uy, joke time... One big plus one big?”
01-A1BSB: “Pakyu, manahimik ka nga.”
01-F4F4F: “Pahingi na lang nung ringtone nung jingle ni Roco sa TV. Yung Isa lang ang pag-asa... ng Bagong...

Ang dalagang nangngangalang Sheps ay naging matalik na kaibigan ng nagdadramang estudyante. Minsan, sabay silang kumain sa McDo, nagtatawanan, nag-usap-usap tungkol sa kahit ano’ng bagay na maisip nila, at nagturuan pa ng Coke Ko Toh. Ang loob ng bida natin ay nahuhulog na kay Sheps, nang bigla siyang tanungin ng dalagita sa harap niya.

Sheps: “Uy, hihingi ako ng advice sayo. Alam ko magaling ka dito.”
01-A5566: “Advice? O bakit?”
Sheps: “Nanliligaw kasi sa akin si Christopher. Si Boyds, yung Econ? Matagal-tagal na rin siyang nanliligaw at mukha naman siyang tapat. Sasagutin ko na ba?”

Durog pa sa binti ni Kumander Robot ang kinalabasan ng puso nung madramang fratboy. Nagdurugo. Nagdilim ang kanyang paningin dahil sa kanyang nabalitaan at dahil may Balugang namamalimos ang sumipot sa labas ng bintana nila.

01-A5566: “S-Si Boyds? Nanliligaw sayo?”
Sheps: “Hindi ko nga alam kung sasagutin ko na siya eh.”
01-A5566: “Masakit, este, ibig kong sabihin, ikaw ang bahala. Kung sa tingin mo, kasagut-sagot na yung tao, edi go. Pero sana nagsimula muna kayo bilang magkaibigan. Start with freindship.”
Sheps: “Elementary pa lang kaklase ko na si Boyds. Hindi nga lang kami ganun kalapit. Pero maganda naman ang impression ko sa kanya. Actually nga, na-link ako sa kanya noong Grade 6, hehe.”
01-A5566: “Ah ganun ba? Edi sige, s... ss... sss... ssa...”
Sheps: “O ano?”
01-A5566: “Ss-s-sagutin mo na...”

Iyon ang kuwento ng fratboy na may estudyanteng bilang na 01-A5566 kay Sheps. Sing-saklap ng tambalang FPJ at Loren.

01-A1BSB: “Maiba tayo. Bakit hindi mo na lang bigyang-pansin ang mga babaeng may gusto sayo? Kaysa inaasam-asam mo ang mga babaeng hindi mo naman maabot-abot?”
01-A5566: “Gaya ni?”
01-A1BSB: “Si Temtem! Yung ka-block mo.”
01-F4F4F: “Talaga? May gusto dito sa Thelma?”
01-A5566: “Magkaibigan lang kami ni Tem.”
01-A1BSB: “Ikaw na rin ang nagsabi: magsimula sa friendship.”
01-A5566: “Tama, pero hindi lahat ng friendship napupunta sa ligawan. May mga hanggang friends lang talaga ang kaya, at ganun ang nararamdaman ko kay Temtem.”
01-F4F4F: “Uy, ano kasi yung kantang hit? Yung chorus niya may And i’ll be... Ano na kasi kasunod?”
01-A1BSB: “Oo nga. Yun yung gusto kong pag-isipan ng kukote mo. Bakit hindi mo na lang bigyang pansin ang mga hindi taken mong kaibigan? Tutal, kaibigan mo naman.”
01-F4F4F: “I’ll be... Ano na kasi yung katuloy? Nakalimutan ko na, pero hinde, alam ko yun.”
01-A5566: “Teka, teka, sino ba ang nagsabi na may gusto sa akin si Temtem? Madalas lang akong bolahin noon atsaka pabiro lang naman lagi yun eh.”
01-A1BSB: “Tingin ko, hindi. Isipin mo lahat ng mga ginagawa niya para sayo noon. Parang... over the border na ng pagkakaibigan.”
01-A5566: “Hmm... Oo nga, noh? P-Pero hinde, parang malabo.”
01-A1BSB: “Tawag diyan, stage of denial.”
01-F4F4F: “I’ll be... Ano kasi? I’ll be... Um, I’ll be...

Kinabukasan, may estudyanteng nasagasaan sa daan. Tumatawid naman ito gamit ang pedestrian lane ngunit sadyang nakapuwesto yata ang mata ng drayber sa pisngi ng puwit niya. Nang imbestigahan ang bangkay, natagpuan ang walet nito na may lamang picture ng isang babae. Sadyang malagim ang pangyayaring naganap na ito, ngunit kailangan na nating iwan ang balitang ito at bumalik sa talagang kuwento sa UP Pampanga.

Nasobrahan ng inom ng tubig sa haybol ang bida natin kaya nang matungtong niya ang UP nitong mahal, mabilis itong tumakbo patungo sa mabahong CR. Ina-unzip niya ang kanyang pantalon, ngunit parang medyo na-stuck. “Naknampusa,” komento niya, “ba’t ayaw???” Salamat sa Maykapal at sa PCSO, nabukas din, kaya lang, nagkanda-kalat-kalat muna ang ihi niya sa sahig bago niya nai-aim ng tama ang pagbuhos ng ihi niyang walang kulay.

Habang binabalik ang kanyang junior sa tamang lugar, napuna niya ang pader ng cubicle na kanyang pinasukan. Nakita niya ang isang salaysay na nakasulat malapit sa may saput-sapot na tinitirhan ng isang gagamba.

“Tol... mahirap na... Siguradong-sigurado ako na hindi kami puwedeng magkatuluyan... Iyon ang dahilan kung bakit 100% akong torpe... Kung tatanungin ako ni Kris Aquino kung sigurado na akong hindi maaaring maging kami, ang isasagot ko, SURE NA! Gulong-gulo ako, pre... Di na nga me maka-sleep sa gabi dahil di me know ang must gawin...”

“Aba,” ika ng fratboy sa isip, “hindi pa pala tapos ang problema nito.” Dinukot nito ang kanyang panulat na may pulang tinta. Gumuhit siya ng arrow mula sa nabasa nitong salaysay, at nagsulat ng tugon.

“Kung talagang sure na sure ka na na hindi puwedeng maging kayo, heto ang maipapayo ko. Para mailabas mo ang nararamdaman mo, mag-isip ka ng paraan na maipapahayag mo ang nilalaman ng puso mo sa kanya. Huwag ka ng magpakilala. Ang main objective mo lang naman ay ma-express ang feelings mo. Pagkatapos nun, tignan mo man, luluwag ang mga ugat mo sa dibdib. -Anonimus.”

Paglabas ng binata sa cubicle, gumapang ang gagamba papunta sa isang langgam na na-stuck sa malagkit nitong tirahan. Nagpa-panic na ang langgam, ngunit talagang ganyan ang buhay. Sabi nga, lahat ng tao may kanya-kanyang drama. Masuwerte siya at hindi siya tao kaya hindi siya puwedeng mag-inarte.

Nakasalubong ng fratboy ang kanyang brod, na nagduda kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanyang ka-frat sa loob ng pangalawang cubicle sa panlalaking CR.

01-A1BSB: “Vandal-vandal ka na naman diyan eh.”
01-A5566: “A-Ako? Hinde. Binabasa ko lang...”
01-A1BSB: “Hehe, makasulat nga din.”

Medyo fast-pace na ang mga teleserye ngayon, kaya sumapit na ang dismissal. Naglalakad ang magkakaibigan papunta sa kanilang mga lockers sa lobby para magligpit ng libro.

01-F4F4F: “Brods, tuloy niyo naman. Hindi ako makapag-concentrate kanina sa History kakaisip nung I’ll be...”
01-A5566: “Ah. Sus, yung kay Edwin McCaine? I’ll be your crying shoulder...
01-F4F4F: “Um, no. Hindi yun.”
01-A1BSB: “Pakyu, brod. Nababaliw ka na talaga. Yun iyon.”

Binuksan ng fratboy ang kanyang locker na may bilang na 32 sa row na A. May nahulog na something. Isang papel. Kulay yellow.

01-A5566: “Ano ‘to?”
01-A1BSB: “Tingin nga.”
01-F4F4F: “Alam ko na!!! Hindi yung Edwin yung kumanta nun. Babae eh.”

Binasa ni A1-A5566 ang liham.

Mickey...

Hindi mo ako kilala at wala akong planong magpakilala, ngunit gusto kong malaman mo... may isang tao na nag-aadmire sayo... at ako iyon... kaya keep it up! Stay nice... Stay great, chocolate...

Nagtinginan ang magkaka-brod.

01-A1BSB: “WAHAHAHA! Corny. Uyyy... Kitams, Mickey boy. May nagkakagusto naman sayo eh. Kanino kaya galing? Walang pangalan eh.”
01-A5566: “...”
01-F4F4F: “Si Sarah Geronimo and kumanta! I’ll be... waiting for you... Here inside my heart...
01-A1BSB: “Pakyu, manahimik ka.”

Inisip ng fratboy, “Si Temtem nga ito. Kailangan siyang kausapin, baka mag-expect ng mag-expect ang tao. Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay.”


###############
Fictiontal characters, fictional story, fictional student numbers (obvious ba?), real setting.

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN EVERYDAY LIFE ::::::...
Totoo pa lang nakakakinis at nakaka-prevent ng acne ang paglamon ng papaya. Kaya bumili na ng Kissa papaya at kainin ito.

See
Hands off! MARCH 19, 2004                                                              

Moment's Soundtrack: I Miss You - Blink 182
Emotional Status: Disturbed when I read about Personality Disorders
Brain Content: I paid P90 to get the worst haircut of my teenage life!

Iba-ibang bagay na napag-isipan ng wakwak kong utak

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. Wala akong mai-blog. Hindi naman sa tinatamad ako. Atat na atat nga ako eh. Kaso, parang wala akong masulat.

Dahilan: siguro medyo drained lang ako masyado sa acads for the meantime. O kaya, I think too hard on what to write. Kaya this time, spontaneous lang akong magba-blog.

Natsugi na nga pala si Master Eddie Gil sa Eleksiyon. Komunista daw iyon. Sayang naman. Siya pa man din ang unang nuisance candidate na malayo na ang narating. Medyo nakakaawa din siya kasi in the first place, dapat hindi na siya tinanggap ng COMELEC. Pero kasalanan din ng hinayupak kasi may pabayad-bayad-utang-Pilipinas effect pa siya.

Alam niyo ba? Tingin ko, si Eddie Gil ay may isa sa mga grabeng Personality Disorders: Schizotypal Personality Disorder. Ito yung mga wirdong taong hindi mo maintindihan.

Marami akong nalaman about Personality Disorders. Pati pala ang mga taong "Sabi ko na nga ba ganun iyong mangyayari eh!" ay may posibilidad na may personality disorder. Anyway, tinatamad akong i-discuss iyon dito.

Maraming katanungan sa mundo. Tulad ng:

Bakit laging ginagamit ang salitang "Bali" tuwing nagka-class report ang mga estudyante? "Bali yung report ko..."

Bakit ang aso lang namin na si Zorro ang obvious na natutuwa kapag nakikita ako?

Bakit umiyak si Rainier ng biglaan sa presscon ng Starstruck Stage 1? Sinapian kaya siya ng Japayuking espiritu?

Bakit mas maraming fans si Sheryn Mae Regis kesa kay Erik Santos?

Bakit mas magaling si Rachel Anne Go kaysa kay Sarah Geronimo?

Bakit laging namamatayan ng ina ang mga nag-o-audition sa Star Circle Quest?

Bakit ang drama ng bagong campaign ad ni Roco?

Bakit biglang nagkapalit ang position ng blog entry section at navigation section ng blog ko?

Bakit? Hay naku, wala akong masulat. Tigang na tigang ako sa acads. Pero buti na lang exempted ang inyong lingkod sa finals sa Math 1. Ang LOWEST possible grade ko daw ay 2.25. Pwede na yun sa akin. Isasama pa naman ang quizzes eh, so siguro aangat tayo hanggang dos o kaya 1.75.

Maxipale

Dumarami ang kumikinis ang balat dahil sa Maxipale.

"Paggising ko, chumechenes!"
"[Gasp] Nawawala ang mga dimples ko!"
"[Gasp] Growing! Nagiging white ang skin ko!"

Dumarami na ang mga chumechenes ang balat dahil sa Maxipale.

"Kutis durugista!"
"Kutis Kristine!"

"Kinaumagahan, pale na pale kaagad."

Maxipale

See posters and print ads for details.

Tungkol pa rin sa Sexual Angles

Natalakay natin dati sa website ko ang tungkol sa Sexual Angles ng mga slogans. Kung matatandaan, pinatanggal ng mga greenminded na moralista ang billboard na may nakasulat na "Nakatikim ka na ba ng kinse anyos?"

Alam niyo, NATAGPUAN KO NA ANG DAPAT TANGGALIN TALAGA. Yaman din lamang ang criteria ng mga moralista sa pagkakaroon ng sexual angle ng mga bagay-bagay, nais kong magsumite ng petisyon para mapaalis ang public ad na nakita ko na malaswang-walaswa ang nais ipahiwatig.

WOW Dick for Senator!

Log Out muna ako sa pagba-blog

Sa Lunes may exam ako sa Comm II on Documentation and Concept Paper Writing. Sa Martes may exam ako sa Psych 101 at magsa-submit kami ng Term Paper na ginagawa ko na nagyon pa lamang. Sa Biyernes ang deadline ng take home exam namin sa [sonofagoddamnbitch] History 2. Then, sa next next Tuesday, magsa-submit ako ng term paper sa Comm II pa rin. At ang araw na iyon ay March 30. Kaya naman sa araw na iyon, magsa-submit din ako ng initial requirements sa College of Mass Communication para makalipat.

Pero siguro bukas o kaya Lunes, ipo-post ko na dito ang katuloy ng artikulo kong 'Male CR Cubicle #2' na pinamagatang 'Lobby Locker #32-A.'

Tutal mataas na ang ratings ng website ko this month. Na-surpass na niya ang Starstruck month (January), kaya bawi na lang ako sa April, na sigurado akong marami akong kuwento!

Ciao!

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN PSYCHOLOGY ::::::...
One should compare himself/herself with others before he/she may conclude that he/she is unique. Hindi mo pwedeng sabihing unique ka na hindi mo kinukumpara ang sarili mo sa lipunan.

See
Hands off! MARCH 17, 2004                                                              

Moment's Soundtrack: Paba - 6Cycle Mind
Emotional Status: Irritable

The Tambayers

Tuwing after lunch, ang punta namin ng mga kaibigan ko sa UP Pampanga ay ang Tambayan Area. Siyempre, dun sa tambayan ng org namin. Pero kung occupied, the hell, edi dun kami sa tambayan ng ibang org. Oks lang naman sa kanila yun, kahit trespassing ng tambayan. Peaceful naman sa UP Pampanga. Walang riot.

Dun sa tambayan naming nipa hut kami nagpapalipas ng oras habang hinihintay ang first afternoon class namin. Galing kami from two different courses pero sabay ang lunchbreak namin eh. Ang madalas naming libangan: CARDS! Baraha.

Pinapatulan lahat namin ng games. Tong-its, Dugtungan, Pusoy Dos, Unggoy-ungguyan, Killer, at Heart Attack. Ang dalawa sa amin, minsan may sarili silang laro. Out yung iba sa larong iyon dahil may pustahan. Eh siyempre, kakrisisan kami. Kahit piso mahalaga.

Lima/Anim kami: ako, Dagsu, Noel, Karl, Dey, Arirs, Terence, at paminsan, kasama si Bibba. Si Dagsu at si Karl ay mga barbarians (mga walang orgs), kaya kami ang susi nila sa pagtatambay.

Lagsh Dagsu Noel Karl Dey Bibba

L-R: Lagsh (ang pinakabata sa amin at ang University Scholar), Dagsu (combination ng 'Dagul' at 'Suso'), Noel (ang Tsinoy na mahilig sa Aegis at iba pang kajologan; nag-introduce ng Heart Attack), Karl (AKA Engot or Pag-ibig; Manila Boy; hearththrob sa UP at maraming nagmumura sa kanya sa vandalisms sa male CR), Dey (ang aming bokalista), at Bibba (mabili sa mga frat boys sa UP Pampanga at madalas ma-recruit sa mga soro, pero ayaw niya). Walang picture sina Terence (ang tanging fratboy at Stude Council sa amin at ang kalaro ko ng Coke Ko To) at si Arirs (ang praning na babae). Si Arirs kasi di nagfi-Friendster at si Terence naman, wala siyang real-life photo sa Friendster.

Noong Friday, na-late kami ni Terence (ka-block ko kasi sa Psych) sa Math 1 class namin dahil naadik kami sa paglalaro nung Killer. Sadly mga two weeks na lang bago matapos ang semestreng ito. Kakaboring kaya ang summer vacation.

Sexual Angles

Nakatikim ka na ba ng kinse anyos?

Ito yung slogan nung patalastas na alak na naka-billboard sa Maynila. Pinatanggal siya ng mga nakakarami, especially the moralists, dahil daw sa anggulo nitong seksuwal. Which brings us to our discusson today. Ehem.

Ano nga ba ang criteria para ma-consider na may sexual angle ang isang bagay, e.g. slogan? Hindi naman kaya masyadong greenminded lang ang mga tao? Mga praning? Siyempre, yung nandun sa billboard, picture ng alak na kuno "kinse anyos na." Hindi naman tao, hindi ba? Ang sasama niyo kasi mag-isip!

It's unfair, kasi lahat ng slogans may sexual angles! Take for example itong mga kinompile:

Sabay tayo, kapamilya!

Isang bala ka lang!

Kay Susan Tayo!

Are you in or are you out?

Dream, believe, survive!

Kinaumagahan, peel na peel kaagad.

24 Oras: dahil hindi natutulog ang balita.

Get get aww!

Lahat ng hati, na-try na ni Heart... pati hating nangangati.

Kanin pa lang, ulam na.

Hindi ka na bata; kaya mo na, tol!

Heto ang beat sabay-sabay heto ang beat bawal sablay.

Pabilis ng pabilis, huwag magmi-miss, huwag magmi-miss

They don't know that I come running home when I fall down.

I drop my sword and cry for just a while.

Coz deep inside this armor, the warrior is a child.

I taw I taw a pussy cat!

Hindi namin kayo tatantanan!

...Marami pa iyan. Bakit iyang mga iyan, may sexual angles din naman! Pero hindi nila ni-ban. Tsk tsk. Marami talagang greenminded sa Pilipinas. Para "nakatikim ka na ba ng kinse anyos" lang pinatanggal pa.

Ang blog entry na ito

Ay minadali, kaya pagpasensiyahan na. Ma-exam kasi tayo this week eh. Anyway, I'll get back after the 2nd sem's works are officially over! See ya!

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN PSYCHOLOGY ::::::...
Contrary sa paniniwala ng marami, ang mga taong Antisocial ay hindi yung mga tahi-tahimik na mga tao na hindi trip makihalubilo sa mga tao. Instead, sila yung mga kriminal, basagulero, o mga patapon na walang pakialam sa rights ng ibang tao atsaka sa batas ng gobyerno. Yung mga tahi-tahimik na nahihirapan makipag-socialize, tawag sa kanila, Avoidant.

See
Hands off! MARCH 12, 2004                                                              

Moment's Soundtrack: Curbside Prophet - Jason Mraz
Emotional Status: Temporarily not stressed

March 9, 2004: La Fashionista

Ang busy-busy ko lately! Multi-tasking, parang artista. Kakapagod. Noong Martes, on the spot akong sinali ng org namin sa La Fashionista (as suggested by the name of the tilt, isa siyang fashion show contest). Hindi ako rumampa ah. Ako lang yung kinuhang Designer para dun sa male contestant namin.

From 8:30-5:30 may klase ako. Nag-absent na lang ako sa last class ko (4:00-5:30 Psych 101) para maka-attend nung contest na ginanap sa Hilltop Restaurant dito sa Mimosa, Clark. Makalaglag-eyebags ang venue, pre!

So pumunta na ako sa backstage. Ang main na gagawin kasi ng Designers, bibigyan sila ng kagamitan, at on-the-spot, gagawa ng damit, na irarampa ng mga models ng bawat orgs. Doon pa lang sabi ko sa sarili ko, "Kawawa naman ang male model ng org namin at ako ang designer niya... wahahaha!"

Bago magpatuloy, bakit ako ang kinuha bilang Designer sa lalaki? Hindi dahil maalam ako sa damit. Wala akong eksperiensiya sa pagdi-design. Ang tanging dahilan lang ay may kagalingan akong magdrowing!!! Bwahahaha. Yun lang. At ang madalas kong i-drowing ay mga anime or mythological characters, kaya naawa ako sa male model namin. Bwehehehe!

Sa backstage, ni-reveal na kung ano ang gamit namin:

1 rolyo ng puting sinulid
1 karayom
1 gunting
(na dinekwat ko after ng show kasi ayus mamutol)
1 puting T-shirt
1 yarda ng brown na manipis na garment

"Amfuts!" sabi ko sa isip ko. Isang puting T-shirt at isang yarda ng brown na garment. Ano kaya ang magagawa ko dito?

Dahil resto ang venue, pinatahi kami sa dishwashing area kung saan may mga nakatambak na tablecloths, mugs, plates, glasses, etc. Mandedekwat sana ako kaso natakot akong baka ma-tabloid na naman ako.

Siyempre dapat parang professional fashion designer. Nag-conceptualize muna ako sa papel. Mantakin niyo, nagdo-drowing ako ng anime, wahahaha! Ayun, nakaisip na ako. Para siyang telang nakapulupot sa balikat, tapos may necktie like thing na naka-suspend sa may chest.

Ang kaso, concept pa lang yun. Mananahi pa ako at gugupit-gupit. Dito ang suliranin: last akong nanahi noong Grade 4 sa Home Economics. Kailangan ko pang i-consult sa female Designer namin kung paano yung sinulid sa karayom, paano magbuhol, paano ang back stitch at running stitch (in fairness naaalala ko pa ang ibang terms!), etc.

Ayun, na-regress naman ang sewing experiences ko noong kabataan. Ginawa ko na siya. Um, malapit na sa concept ang ginawa ko. Kaso noong pinasuot ko sa male model namin, hindi ko mapigilang humalakhak! MUKHA SIYANG JESUS CHRIST!!! Ahahaha! Kulang na lang sa kanya tungkod atsaka oracion! WAHAHAHAHA!

Okey lang yun. Siya naman ang mahihiya sa balat niya, hindi naman ako. Ngunit biglang sinabi sa amin, "Kasamang rarampa ng model ang designer." Punyeta, kinabahan ako. Buti na lang maglalakad sa ramp ang mga designer na kasama ang kanilang mga models na hindi pa suot ang mga custom-made clothes. Kasi kung ganun, pupunta ako sa CR at magpapanggap na umeebak para lang di makarampa. Kasi ba naman, baka pagtawanan ako sa design na ginawa ko!!!

Bumalik kami dun sa dishwashing area. WOW! Andami kong nakitang half-breast exposures (yung sides lang, cleavage, etc.; no nippies), mga singit, mga naka-panty (kulay white ang sa winner na babae), atbp! Pero good boy ako, tumalikod ako nung nakita ko ang mga iyon. Pero wala, nakita ko na. Pareho din.

Nung irarampa na ang mga damit na ginawa namin, nakalma naman ako kasi mas mukhang inspired by garbage recycling ang ibang mga damit! Mwehehehe. Kung ira-rank ko ang ginawa ko among sa 5 designs for male, #2 na ang akin. Ang #1 ay yung isa na yung kabilang side ay long-sleeve, tapos yung isang kabila naman sleeveless.

Sa huli, 1st runner-up pa ang model ko. Siguro dahil nag-ocho-ocho siya nung huling catwalk.

11 pm natapos ang event at nakauwi ako ng bahay ng lampas 12 mn.

March 10, 2004: Quest For Application Forms For Shifting (UP Diliman)

Sabi ko naman sa inyo busy ako eh. The day before March 10 ay March 9, yun yung La Fashionista. 12 mn na ako nakauwi, at nakatulog ng 1 am. Kailangan kong lumuwas ng Maynila kinabukasan (by bus) para kumuha ng application forms sa UP Diliman. Lilipat na kasi tayo next year eh.

Heto ang napansin namin sa QC: hindi abundant ang jeepney. Hindi tulad dito sa Angeles na kung di mo trip ang dyip, pwede mong balewalain at maghintay na lang ng iba. Ikaw ang naghabaol sa dyip sa QC; dito sa Angeles, ang dyip ang naghahabol ng pasahero at reding-ready silang makipag-drag racing para lang masundo ang mga tambay sa sidewalk.

Sa UP Diliman, pinuntahan namin lahat ng Colleges (by foot lang) except College of Mass Communication (malayo atsaka meron na akong form nun; pinakuha ko sa kuya kong nag-aaral dun) at College of Science (di namin alam kung saan).

Kumuha lang ako ng form from College of Social Science and Philosophy (para sa BA Psychology) atsaka sa College of Arts and Letters (para sa Creative Writing).

Alam niyo bang may nang-iistalk sa amin doon? Nung nadaanan namin siya, hindi na kami tinigilang sundan. Pag binilisan namin ang lakad namin, binibilisan din niya ang kanya. Para maalis siya sa buntot namin, pumasok kami sa Palma Hall Annex para mahiya na siyang sumunod.

Okey na sana't nakaka-flatter eh. Babae naman ang stalker namin. Ang kaso, taong-grasa.

Novelty Movie

Ang taong manonood ng Otso-Otso (Pamela-mela Wan) by Star Cinema, starring Bayani Agbayani and Vhong Navarro, ay isang certified jologs.

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN PSYCHOLOGY ::::::...
Mga examples ng Sexual Dysfunctions (psychological disorders related to sex). Bestiality - wanting to have sex with animals. Biastophilia - arousal from the idea of being raped. Exhibitionism - sexual gratification from exposing one's genitals to strangers. Fetishism - sexual attraction to non-living things. Narratophilia - being aroused by telling dirty stories. Pictophilia - being aroused by watching X-rated films. Telephonicophilia - arousal from phone sex. Transvestite Fetishism - arousal from wearing the opposite sex's clothing. Voyeurism - arousal from viewing unsuspecting person naked.

See
Hands off! MARCH 9, 2004                                                              

Moment's Soundtrack: Milkshake - Kelis
Emotional Status: Amused with some incompetent debator

A reply to an incompetent debator called Joebert Perez

WARNING: My harsh side on the loose.

Ayaw na ayaw ko sa mga taong ang lakas ng loob makipag-debate tungkol sa isang bagay ngunit bali naman ang nilalaman ng argumento.

Nasulat ko dati sa blog ko na ang Star Circle Quest ay isang American Idol ripoff (pretty obvious, really), na pati format, gayang-gaya! Pati character ni Simon in-internalize na rin ni Boy Abunda. Noong Sunday, may paslit na nag-react against sa sinabi ko. Joebert Perez ang pangalan.

Heto ang in-email sa akin ng malas na bata (malas, kasi ako ang binangga niya):

KILALA MO BA ANG MGA SINGERS NA SINA

WILL YOUNG, DARIUS, GARETH GATES,

HAHAHAHAHAHA SILA ANG WINNERS NG SHOW SA BBC IN UK CALLED "POP IDOL"

AMERICAN IDOL
Beginning as the television phenomenon Pop Idol over in the UK, American Idol came to these shores in the summer of 2002 and became an overnight success, much like the eventual winner, Kelly Clarkson. With two shows each week, American Idol's audience grew every time out, culminating when over 30 million viewers tuned in for the finale.

The second season of American Idol was even more successful! After 50,000 auditioners and months of singing, Ruben Studdard was crowned the next American Idol! FROM IDOLONFOX.COM

KAYA WAG NIYONG SABIHIN NA GINAYA NG ABS-CBN ANG FORMAT NG "AMERICAN IDOL" KASI MISMO ANG AMERICAN IDOL ALSO A COPYCAT NA SHOW NA BRITISH "POP IDOL"... LIKE THAT DABAHHHH HAHAHAHA HAHAHAHAHA...

SA US NGA KATAPAT NG "AMERICAN IDOL" NG FOX ANG "STAR SEARCH" NG CBS HAHAHAHAHA WALA KANG ALAM HAHAHAHHAHAHA

KUNG NANGGAGAYAHAN MGA PHILIPPINE TV NETWORK SA US TELEVISION MAS MARAMING COPYCUT NA SHOW SA US TV NA GINAYA SA UK HAHAHAHAHAHA NAKAKATAWA ANG MGA NAG BABANGAYAN DITO MGA WALANG ALAM....

HOPE U REPLY HAHAHAHAHAHAHA
colgate_2smile.com

Magsimula tayo sa una mong tanong. Kilala ko ba ang tatlong mokong na sinabi mo? Oo. Si Will Young yung champion, si Gareth ang second dun sa Pop Idol sa UK. Nataon, mas sumikat si Gareth internationally kesa kay Will Young. Nanalo pa nga ng 2004 MTV Asia Awards Favourite Male si Gareth, hindi ba? But anyway, I know these three guys. They all do pathetic music. From 'Anyone Of Us' to 'Evergreen.'

By the way, hindi mo kinailangang mag-HAHAHAHAHAHA nang sabihin mo na sila ang winners ng Pop Idol, dahil baliw lang ang tatawa sa hindi nakakatawang iyon. Moving on.

So ngayon ko lang nalaman na "gaya" ang American Idol sa Pop Idol. Eh ano 'tong sinasabi mong huwag kong sabihin na ginaya ng ABS ang American Idol dahil ang American Idol mismo ay gaya? Tsk tsk. Mali yata ito, pre. Illustrate natin sa ganitong paraan.

Si Batang C, may sinulat na tula. Ginaya ni Batang B. Tapos, si Batang A, ginaya yung kay Batang B. So hindi natin pwedeng sabihin na ginaya ni Batang A si Batang B dahil si Batang B gaya-gaya lang din kay Batang C? Paki-tsek ang ang logic mo, tol.

Ang tawag sa ganitong mga setup ay TRANSITIVE. If x = y, and y = z, then x = z.

Kung hindi mo maintindihan ang ibig kong sabihin (dahil para sa akin jologs ka kung mag-isip), edi ito na lang ang sabihin ko regarding Star Circle Quest: POP IDOL RIPOFF! RIPOFF! RIPOFF! Di ba? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! I admit, maganda yung show, pero hindi natin maiaalis na isa siyang RIPOFF.

At por que ba talamak ang panggagaya sa US (according to you) e gagaya tayong mga Pinoy? Alam mo, kahit hindi namin alam na naggagayahan din sa US, hindi naman iyon importante. Wala nga kaming alam tungkol dun, ngunit kahit alam namin, wala naman magbabago: STAR CIRCLE QUEST IS STILL A RIPOFF. Face it, Mr. Smartie.

And for sake of Aubrey Miles, it's COPYCAT, not COPYCUT. HAHAHAHAHAHAHA!

PS: Don't call us 'walang alam' like you know all. Judging from the way you argued, you actually know NOTHING but information. Too bad, what you lacked of was LOGIC. Hope I shut you up like all those pathetic Rainier fans.

Look, I'm not anti-ABS-CBN or what. Do understand that I have the right of preference.

To my beloved readers, sorry for publicizing this. I just simply hate the person for his ignorance.

Arguments with Joebert Perez Book 2

Hindi pa rin ako tinantanan! Mas lalo ka na lang niyang napapahiya. Heto ang follow-up ni Joebert sa kanyang in-email regarding Star Circle Quest.

cge have a question on you r u loyal in GMA7 bakit kapa nanood sa ABS?

what toothpaste r u using?

sa ka weirdohan na question bakit hindi nagaadvertise ang COLGATE-PALMOLIVE sa GMA7 even gma network cannot answer my question..

even mybestfriend whos loyal on gma7 donot use colgate palmolive coz he told that products that dont advertise in gma7 he will not use it.. ganyan siya ka loyal hindi nga niya kilala si heart before nakilala nalang niya when heart endorse products like close up. smart...

maninit ako mag tanong... baka matulala kapa sa mga tanong ko...

watch out ihav more questions about gma7

cge peace out.. il wait tuesday

Hindi ko alam exactly kung ano'ng ibig sabihin mo ng 'loyal.' I am a KAPUSO because of all the local channels, I feel at home in watching Kapuso shows. But I'm not that a fanatic to not drift to other channels (including ABS-CBN) once in a while. And about your friend, he's really acting pathetic. Hindi siya gagamit ng produkto na hindi advertised ng GMA? Lol, ano yun? Feeling ba niya GMA ang nagpo-produce nung mga products na yun?

Heto, analogy: Maraming Pinoy na namumuhay sa Canada ngunit sinasabi na "loyal" pa rin sila sa Pilipinas by maintaining Philippine customs.

What toothpaste am I using? SON OF A MOANING LIONESS! What relevance does this query hold??? Bago ko sagutin ito, nais kong malaman mo na NATATAWA NA AKO DITO PA LANG dahil super-irrelevant, lol. Anyway, ang ginagamit ko sa ngayon ay Dentrust at Colgate. At wala akong pakialam kung ano ang toothpaste na nasa banyo namin, basta kulay puti/green/blue/red na minty na bumubula kapag pinahid sa ngipin, gagamitin ko.

Bakit walang Pamolive and Colgate ad sa GMA 7? Aba'y punyeta, malay ko, at wala akong pakialam sa ads. Kapuso ako pero hindi ko hawak lahat ng impormasyon tungkol sa GMA 7. At ano na naman ang kinalaman ng Palmolive at Colgate sa Star Circle Quest???

So basically, all you talked of was plainly CRAP. I don't get your point, can't get what you are trying to imply. No one will ever will except the likes of you. And for the sake of all that's holy, don't forward your questions about GMA 7 to me. If you want to contact them, go to their official website.

And please, for the sake of the local intelligentsia, THINK. It would be most advisable for you to not reply anymore. Halt threatening me with your walang kuwenta questions, quit sending me emails and get out of my website. Mapapraning ako sayo.

PS: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN PSYCHOLOGY/SOCSCI ::::::...
Pagdating mo ng 35 years old, na-reach mo na ang Personality Plateau. Mahirap ng baguhin ang personalidad mo pag naabot mo na ang age na ito. Tanging mga dramatic at traumatic experiences at pukpok sa ulo na lang ang makakapagpabago sayo..

See
Hands off! MARCH 7, 2004                                                              

Moment's Soundtrack: Biglaan - 6Cycle Mind
Emotional Status: So damn pressured with acads

As a result of being preoccupied with too much acads

Practice muna ako ng English. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakagamit ng English sa aking website. Kung titignan ninyo ang mga nakaraang posts, puro sila hindi English. This time, medyo feel kong mag-English. Kaya hulaan ninyo kung ano ang gagawin ko sa entry na ito: isusulat ko siya in English!!! *beethoven*

...

Yo, dudes and dudettes, Zup, y'all!? Y'all gon' read tis post now, aight?

I'm here today to share what I'm learning in Psychology. Ever taken an IQ test? Personally, I think IQ tests are crap and they are the worst thing to determine your so-called intelligence score.

What I'm in love with is the Multiple Intelligence theory of Howard Gardner. In his theory, he states that there are nine types of intelligences that may be possessed by humans. The levels of intelligence of people may vary per category and some people can accelerate in more than one intelligence.

The first intelligence (no particular order actually) is Bodily-Kinesthetic Intelligence, in which a person in this bracket has the ability to use one's physical body well. Examples of people that are intelligent in this area are the dancers (Rainier Castillo, Greg Turvey, Marvin Agustin), athletes, and gymnasts. Do I belong here? By my ability in street dance and modern dance choreography, YES.

The second, Verbal-Linguistic Intelligence. When one has the ability to communicate well, perhaps both orally and written, and perhaps in several languages, he/she belongs to this category. The poets, writers, and rhetoricians such as the politicians accelerate in this field. Do I belong here? By my commended ability in writing (or so), YES.

Interpersonal Intelligence is the third. Having the ability to sense others' feelings and to be in tune with others, the sales people, teachers, religious leaders, and politicians (Fernando Poe Jr., Eddie Gil, Robert Jaworski, Joey Marquez, Arnel Ignacio, Vilma Santos) belong to this one. Do I belong here? By my semi-antisocial and introverted nature, NO.

If there is Interpersonal, there also is Intrapersonal Intelligence. The keyword here is self-awareness. Having the ability to know your own body and mind suggests that you are intrapersonally intelligent. There are no specific professions to illustrate this category; people who have a good insight into themselves and make effective use of their other intelligences excel in this one. Do I belong here? By my extreme self-consciousness, YES.

Mathematicians and logicians are under the umbrella of Logical-Mathematical Intelligence. When one belongs here, he/she possesses the ability to learn higher mathematics and to handle complex logical arguments. The big question is, do I belong here? By my oscillating levels of performance in arithmetics, YES/NO.

If you have the ability to learn, perform, and compose music, you got in your pocket some dose of Musical-Rhythmic Intelligence. Of course, our singers (Bayani Agbayani, Vhong Navarro, Angelica Jones, Mahal, Mura, Mark Logan, Richard Gutierrez) belong here, as well as our compsers. Special mention, Lito Camo, for his masterpieces: Otso-otso, Spaghetti Song, and Bulaklak. Do I belong here? By my current level of talent in singing, NOT YET.

Spatial Intelligence is having the ability to know where you are relative to a fixed position and to accomplish tasks requiring three-dimensional visualization and placement of your hands or other parts of your body. Surgeons, painters, sculptors, and low-tech navigators belong to this. Do I belong here? By my mediocrity in the visual arts, YES/NO.

The penultimate intelligence is Naturalistic Intelligence, in which a person has the ability to understand different species, recognize patterns in nature, and classify natural objects. The biologists and naturalists belong to this bracket. Also, the tribal people who can sense which mushrooms are intoxicating by mere touch belong here, too. Do I belong here? By my being a city-boy with no career in the natural sciences, NO.

Lastly, Mystical Intelligence. People who can tap the spiritual or supernatural plane belong to this type. Included under this category are the exorcists, genuine faith healers, spirit questors, witches (Bella Flores, Tessie Aquino-Oreta), psychics, spirit mediums, clairvoyants, prophets (Madam Auring), and the "litawin," or people with the so-called sixth sense. Do I belong here? By my inability to perform at will anything supernatural, NO.

There. There are some questions left in my mind, like, "Where do porn stars belong to?" Personally, I think they belong to Bodily-Kinesthetic Intelligence.

Should you wish to have all these intelligences, you then desire to be called, according to my references, a freak.

UP Diliman!!!!!!!!!!!!

Kahapon ay galing kami (Communication 2 class) sa UP Diliman upang manood nung play na pinamagatang The Iceman Cometh. Star-studded yung play, kaya nga lang, mga gurang na aktor na siguro maa-appreciate ng aking lola. Pero maganda yung play (medyo hindi nga lang kinaya ng utak ko ang pag-intindi ng istorya). Si Tony Mabesa pala ang nagdirek.

UP Diliman. As early as now nilalakad ko na ang mga papeles ko sa paglipat sa UP Diliman mula sa UP Pampanga. Ayoko ng mag-spend pa ng one year sa UP Pampanga. Baka mabaog ako ng di oras.

Sa Wednesday, pupunta kami ng mga friends kong magta-transfer din sa UP Diliman upang magtanong-tanong sa mga colleges about sa mga requirements at iba pang info. Ghad, nakaka-pressure! At nakaka-excite din. =)

May nag-PM sa akin sa Friendster na sa UPLB na lang daw ako lumipat. Bahala daw ako, marami daw mga adik at patayan sa Diliman. Hija, alam ko na iyon noon pa. Hindi ako natatakot, atsaka the way you said it, parang overrated naman. Ang sa iyo, "stereotyping" lang ang narinig mo. It's not as if everyday may putukan dun. Atsaka DILIMAN talaga ang nasa puso ko.

I'm considering these courses sa paglipat ko sa Diliman:

:: Psychology (BA)
:: Broadcast Communication (medyo may kalabuan kasi balita ko mamahalin ang budget para dito)
:: Creative Writing (medyo parang hindi rin, kasi parang impraktikal for our family)
:: Computer Science (puwede, puwede)
:: [available slot]

Ano'ng maganda?

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN PSYCHOLOGY ::::::...
Ayon sa Psychosexual Stages of Develoment ni Sigmund Freud (ulit), from 3-6 years old, tayo ay nasa Phallic Stage. Ang batang lalaki daw, mas malapit kay Mommy dahil crush niya ito, na tinatawag na Oedipus Complex. Gusto nitong agawin kay Daddy si Mommy. Hindi niya masyadong ka-close si Daddy dahil meron ang bata ng castration anxiety-takot itong baka putulan siya ng titi ng erpatz niya. Tawag sa pagka-crush ng batang babae sa kanyang Daddy ay Electra Complex. Kapag naadik ka sa Mommy mo o sa Daddy mo kapag bata, ang labas mo paglaki ay either bakla o lesbiyana.

See
Hands off! MARCH 3, 2004                                                              

Moment's Soundtrack: Beside You - Akafellas
Emotional Status: Pa-cute

My long lost bro: Makoy!!!

Lagsh  Mark

Lagsh  Mark

Lagsh  Mark

Noon pa sinasabi sa akin ni soulfly na magkamukha kami. Hindi ako naniwala until napagtripan ko ang webcam dun sa Internet Cafe na noong araw ko lang nadiskubre. Masuwerte ako kasi na-assign ako sa PC na may webcam na nakakabit.

Hindi siguro masyadong obvious na sobrang na-amaze ako dun sa webcam no? Naka-21 takes ako! Screen captures, at ang mga nagustuhan ko ay aking nilagay sa website ko at ni-phase out ko na rin ang mga ibang pics ko sa Friendster.

Mommy, gusto ko ng webcam sa bahay!

Nilabas ko na rin sa wakas ang mukha ko!!! Without special effects. Wala na akong maipapakita pa.

At mabalik tayo sa usapan, kamukha ko nga si Kuya Makoy. Tini-trace pa namin kung maaaring magkamag-anak kami, tutal parehong Region III naman ang mga angkan namin.

Coming soon...

FPJ is an idiot

Kakatuwa naman itong Pernando Foe na 'to. Lahat na lang ng ibinabato sa kanya, puro "Gawain lang iyan ng administrasyon para bumaba ang estado ko sa surveys. Pero malas nila, it doesn't seem to work."

Ewan ko ba. Sa mga panahon ngayon, hatest popular person ko ngayon ay si Da King. Pucha niya. Yun lang. Pucha niya.

At humirit pa itong manunulat na ito sa Youngblood. Kumulo ang dugo ko nang binasa ko ang mga argumento niyang kubit pa sa titi ni Tito Sotto ang rason. Sabi pa niya, "I don't want to sound irrational." Meron pang pang-Star Awards na tanong, "Am I an idiot?"

Guess what! Hindi mo na kailangang magwari-wari pa dahil hawak ko ang kasagutan sa iyong panaghoy.

OO! ISA KANG MALAKING IDIOT.

I have to say this (regarding Star Circle Quest)

AMERICAN IDOL RIPOFF! RIPOFF! RIPOFF!

In gratitude

Mataas po ang ratings ng ating site last month. Tsinek ko kung ano ang keyword na madalas i-search ng mga taong naliligaw sa site ko. Kung dati, "vhong pamela," ngayon naman, "jennylyn mercado."

Alam nating lahat na hindi ito website ni Jennylyn, pero yaman din lang ang inyong pakikisawsaw sa number of guests ko, heto (ang ganda niya di ba?):

Jen   Jen

Pansinin din po ninyo sana ang bagong-installed kong kalendaryo dun sa upper right corner. Wala lang. Para mukhang free blog talaga, di ba? Ito ang nagustuhan ko sa custom-made blog. Unique, dahil ako ang may kontrol. Kahit ano'ng gusto kong ilagay at iba-iba pang mga pakulo.

Cons lang natin, medyo matrabaho compared to free blogs. Tapos, 15 MB lang ang offer ng aking mahal na host, Geocities. Nakakalimang buwan na ako sa paggamit at so far, mga 1.2 MB pa lang ang aking nagagamit.

Ngayon, iniisip ko, saan na ako pupulutin kapag naabot ko na ang 15 MB? Magdedelete na ba ako ng pictures? Sayang naman. Bahala na, malayo pa naman yun.

By year 2007, dun siguro mangyayari yun.

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMMUNICATION ::::::...
Kapag narinig mo ang iyong ermatz or erpatz na nagtalak ng "Noong panahon namin, naka-tsinelas lang kami't naglalakad papuntang school. Kayo, hatid-sundo na. Ano pa ba ang gusto niyo?" ang tawag dito ay Fallacy of the Golden Past. Ibig sabihin po, isa siyang baling argumento na hindi katanggap-tanggap sa isang debate.

See
Hands off! MARCH 1, 2004                                                              

Moment's Soundtrack: 214 - Rivermaya
Emotional Status: Hopeful about transferring to UP Diliman

Kapunyemasan Ng Buhay

[Beforehand, nais kong malaman ninyo na may bagong section ang website ko, ang "Something I Learned In (subject)." Per entry ko, meron nito sa huli. Basically, mga bagay-bagay na natututunan ko sa Psychology. Paminsan siguro, magtatalak ako on other subjects. Pero Psych muna ang priority dahil Psych student tayo.]

Supposed to be noong nakaraang Friday, meron dapat kaming exam sa History II. Ang scope ay North Asia, South Asia, at kung anung Asia man nabibilang ang China, Japan, at Korea. Marami-rami, pero hindi yun ang pressuring. OBJECTIVE type ang exam! Which means apektado ang hippocampus sa brain-memorization.

Bago ako magpatuloy, naniniwala ako sa kakayahan ng adrenalin. Ito yung something na nagbibigay ng super powers kapag times of emergency. Halimbawa, nasusunog ang bahay. Dahil nagpapanic ka, di mo namalayan nabuhat mo ang ref sa kaliwa mong kamay at ang ermatz mo sa kanan. Iyon ay dulot ng adrenalin.

...Which brings us to the reason kung bakit gusto kong nagka-cram before ng exams. Siyempre, hayan na ang exam. Makakawawa ka na at mga 12 hours na lang before ng exam (pinanood ko pa kasi ang madadramang buhay ng Starstruck Final Four), kaya magpapanic ka. Okey lang yun. Gagana adrenalin mo sa pag-aaral.

So noong Thursday evening, bago mag-aral, nag-take muna ako ng precautionary procedures. Tumungga ako ng tatlong mugs ng kape dahil, siyempre, caffeine, di ba, at iniwang naka-on ang TV (Channel: MTV) para hindi masyadong antukin sa kapangyarihan ng silensiyo.

Ni-highlight ko muna yung mga important terms, names, at dates (yung bang mga feeling ko sila ang lalabas sa test; siyempre, gumana na ang intuition dahil sa adrenalin). Matapos kong ni-highlight, ni-take down ko sa yellow paper. Parang reviewer, for the sake of convenience. Para organized, kasi kung balde-baldeng handouts ang rereview-hin mo, hihimatayin ka sa kapal nila.

After kong sinulat, nag-memorize na ako. Lahat ng tehcniques in-apply ko na. Halimbawa, ang throne succession sa Mongol Empire:

Hulagu -> Abaqa -> Arghun -> Gaykhatu -> Ghazan -> Oljeitu -> Abu Said

After ni Hulagu, dalawang nagsisimula sa titik A, followed by dalawang titik G ang start, tapos, si Oljeitu, tapos isang miyembro ng Abu Sayyaff.

Tapos, ang largest swamp sa Western Siberia ay ang Vasyuganskoye.

Vasyuganskoye. "Vast," "Ikaw," "Mga Baril," "Coke ko yan." Ripley's bilibitornot, yan ang mnemonic (yung code para ma-recall mo ang isang memorization item) ko.

Si Alexander the Great ay dumako sa Mauryan empire noong 327 BC. Ang cable operator namin ay may local channel sa Channel 3. Ang dalawang magkaribal na TV station sa Pinas ay ang 2 at 7. Kaya 327 BC.

Si Chandragupta ay may minister na nagngangalang Chanakya. May sinulat si Chanakya about political theories na pinangalanan niyang Arthashastra. Art + Has (2x) + Tra (reverse ng Art) = Arthashastra.

Ang Golden Age ng Hindu Culture ay from 320 AD to 480 AD. 320 AD. Ang number after 3 ay 4. 4 x 2 = 8. Pwede ring 2 raised to 3 = 8. Tapos parehong may betlog sa huli ang dates. 320 - 480 AD.

Ang sinulat ni Kalidasa ay ang Shakuntala. No need to put an effort sa pagme-memorize nito. Simula 2nd year high school naririnig ko na ang dalawang ito. Pero si Shudraka, matindi ang title ng akda niya: Mrichchakatika. Always remember, we "should rock a" crib kapag nagpapatulog ng bata. Should + rock + a = Shudraka. Rich, dagdagan ng M sa una, Mrich. Chaka (gay lingo) + Tika (Bisaya ng 'wait') = Mrichchakatika.

Si Varahamihira ang nag-divide ng Astronomy into three branches: astrology, horoscopy, at astronomy and math. Varaha (cards) + Mihira (how a Tsinoy would pronounce 'bihira') = Varahamihira.

Caste System? Long-term memory na 'to. Wag na.

4 Literary Works of Vedic Lit: Vedas, Brahmanas, Arankayas, Upanishads. Alam ko lahat yan except yung Arankayas na isang libro na dedicated sa mga hermits ng India noon. Ang mga hermit, minsan, sa bundok naninirahan. Ang bundok ay inaakyat, parang isang hagdanan. Ang Kapampangan ng hagdanan ay 'eran.' Alalahanin mo itong word na 'eran' for 'aran.' Ang bundok, mahirap akyatin, pero "kaya" mo yan. Aran + kaya = Arankayas.

Ang sipag kong mag-memorize di ba? Kaya hindi na ako natulog, mabuti na lang epektib ang kape. Inabot ako ng 6 am sa kakamemorize (actually, inetsapuwera ko na ang Korea at Japan kasi sasabog na ang nervous system ko noon). 6 am, nagpa-palpitate ako, kaya from 6 am to 6:25 am, nagbisikleta muna ako sa may basketball court, paikut-ikot lang habang nilalanghap ang morning scent. Para ma-relax ang isip ng kaunti.

Pagpasok, nag-walkathon kami sa PE at ako'y nag-rereview pa rin.

Oras na ng exam... Sa Tuesday na lang daw ang test.

Ang tawag diyan, PUNYEMAS. Kailangan pa bang i-memorize yan?

Digitalized Doodle!

Kapag boring ang klase, kung hindi ako nagva-vandalize, ito ang pinagkakaabalahan ko sa desk.

Wala lang...

Pag-uwi... TSARAAAN!

Colored!

Random Crap

Utang na loob sa mga ka-skul ko/ HUWAG AKONG TAWAGING RAINIER/ >:( Nasisira ang apelyido ng Daddy ko/ Medyo kabuhok ko siya pero hindi ko siya ginagaya/ Alam ko model siya ng Bench/ pero hindi ako impressed sa kanya/

Sa mga naliligaw sa site ko dahil hinahanap ang lyrics ng Bulaklak by Viva Hotbabes, wala dito. Pero share ko ang chorus:

Ibubuka ang bulaklak, papasok ang reyna
Sasayaw ng chacha, ang saya-saya
Boom tiyaya boom tiyaya boom yeah yeah (2x)

Yung bridge alam ko rin, kaya heto pa ang pa-bonus:

Bulaklak
Sa buhay ay kailangan
Nang magkakulay ang mundo
(not sure with this part)

Hindi ko na alam yung mga 'Ang bango-bango' atsaka 'Meron ding mabahong bulaklak' na parts. Kung hahanapin niyo din ang dance step, umalis na lang kayo at i-request niyo na lang sa Number 1 (as in #1 sa Kajologsan) Music Video Request Show sa Pilipinas (ayon kay MYX VJ Sallie), My Myx, your choice, your music.

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN PSYCHOLOGY/SOCSCI ::::::...
Subukang mag-de quatro ng upo (yung feminine version). Obserbahan ang harap ng sapatos/tsinelas ng nakasampang paa. Ito ba ay naka-point up or point down? Kung pointing upwards, ayon kay Sigmund Freud, ikaw ay mahilig sa sex. Kung nakatutok sa baba, hindi ka malibog. Bali pagpunta ng simbahan, bilangin ang mga malilibog.


--> February 04 <--


VISIONARY v3.0 - Everything Copyright © Lagsh
View: 800x600 Resolution / 16 or 32 bit color
All Rights Reserved
no animal was hurt in the making of this website