 |
MAY 26, 2004
Soundtrack: Mr. Clay - Bamboo
Emotional Status: Loaded with must-do's
Brain Content: Siyet! Kailangan ko ng TV sa boarding house.
|
BA Psych VS Broadcast Communication
Nabanggit ko na dati na ang mga inaplayan kong mga kurso sa UPD ay 1) BroadComm, 2) BA Psych, at 3) Creative Writing. Pasado na rin ako sa BA Psych (CSSP), so wala na akong paki kung pasado ako sa CW o hindi. Tutal na-turn off ako sa course na yun dahil sa essay exam nila, haha!
Kasi naman hindi ko alam what the hell critical approaches/perspectives are, kaya may iniwan akong blank dun sa essay exam ng CW.
Hindi ko pa alam kung pasado ako sa BroadComm, pero feeling ko papasa ako. Yun ang tinatawag na "vibes." Kaya naman gumawa ako ng survey sa mga ibang tao sa cell ko. Tinanong ko sila kung alin ang mas magandang course na kunin ko: Psych o BroadComm?
PERSON | PREFERENCE | REASON |
  Afril | Psych | reason not stated |
  Alex | Mahirap pumili | Parehong maganda ang dalawang course na yun. |
  Chained2fate | Psych | Mas interesting pag-aralan. |
  Ederic | BroadComm | Para lagi akong updated sa current events. |
  Ermatz | Psych | Mas may trabaho sa States. |
  Gara | BroadComm | Magaling ako sa writing/speaking. |
  Glaeza | BroadComm | reason not stated |
  Issaw | BroadComm | reason not stated |
  Jeannie | BroadComm | Ang galing-galing ko sa Comm II. |
  Johanna | Psych | reason not stated |
  Soulfly | Psych | reason not stated |
  Mheyn | BroadComm | Bagay ako dito dahil sa aking English. |
  Noi | Psych | Mas in-advise ng isang teacher sa UP Pampanga. |
  Roni_bats | BroadComm | reason not stated |
  Sir Puks | Psych | I'm a deep thinker, a loner; analytic, serious. |
  Tinga | BroadComm | reason not stated |
  Vian | BroadComm | reason not stated |
Iyan ang resulta. 7 votes for Psych. 9 votes for BroadComm. Kaya sa BroadComm na ako. Tutal mas may publicity dun. ;)
Ukol dun sa sinabi ni Sir Puks (see table), mas bagay daw ako sa Psych kasi isa daw akong deep thinker, LONER, at analytic and serious person. Kailangan kong konsultahin itong Sir Puks na 'to kasi magaling itong mag-analyze ng bagay-bagay at kung anong bagay sayo, etc.
Kaso hindi ko muna siya pakikinggan this time.
Adventures ni Introvert Boy sa Gym: The End
One week pa ako dapat nagdyi-gym para makumpleto yung isang buwang P300 na binayad ko, pero hindi ko na tinapos. Simula nung pumunta ako ng Diliman last week, tinamad na ako. Atsaka one week na lang, titira na ako sa UP Village. Kaya lalasapin ko na ang mga huling araw ko sa aking sariling bahay.
Ganito pala kapag nagdyi-gym ka at itinigil mo. Hinahanap-hanap ng katawan ko ang weightlifting. Parang nararamdaman kong nagsyi-shrink ang katawan ko or tumataba ako kapag hindi nagwe-weights.
Hindi na rin ako nagpaalam kay Kuya Dave at sigurado hinahanap na ako nun. Pero hindi rin siguro. Nakapagbayad naman ako ng P300, so hindi siya nagbibigay ng damn. Ako yung nalugi eh.
Kaya ang entry na ito, lalasapin ko na ang mga ala-ala sa Power Gym.
Mami-miss ko yung mag-inang pusa doon. Ang cute-cute nilang tignan lalo na kapag naglalaro sila. Para bang gusto kong hablutin silang dalawa at i-cuddle ng malakas na malakas na malakas na malakas! Ngeeoow.
Naalala ko tuloy si Sha, ang pusa naming Persian na sumunod lang sa amin one day, kaya napasa-amin siya. Kaso one night, sumakay siya sa isang sasakyan sa tapat ng gate namin. Nung umalis yung sasakyan, natangay ang pusa namin. Tsk.
Si Scarface. Tang-ina ito. Nagpa-assist pa kasi siya noon eh. Kaya tuloy obliged pa akong i-greet siya tuwing darating siya at magpaalam tuwing aalis na ako. Kung hindi niya ako kinausap dati, edi sana hindi na ako obligado pang magpaalam sa taong yun. It takes a lot of energy from me to greet or say goodbye to people, and I don't know why. Ay oo pala. INTROVERT pala ako.
Si Chris. Wala na. Nag-uunahan pa man din kaming mag-bodybuild kahit hindi kami nag-uusap at kahit pareho kaming baguhan. Oo na, panalo ka na. Tang-ina mo. May gym din sa QC pero ang nakita ko ay P800/month! Hindi kaya ng wallet kong itim. Poor lang ako.
Campus Radio LS FM! Ito ang radio station na madalas naka-air sa gym. Good thing dahil yun ang paborito kong istasyon. Mga kantang nagpapaala-ala sa akin sa gym: The Reason ng Hoobastank, Trick Me ni Kelis, Learn Chinese ni Jin, Balisong ng Rivermaya, Biglaan (acoustic) ng 6Cycle Mind, Slow Jamz nina Twista, Silverfox, at Kanye West, Noypi ng Bamboo, Human Nature ni Kyla, With You ni Jessica Simpson, atbp.
Yung mga yun kasi ang mga kantang madalas kong datnan sa gym. Dahil 12 noon ako pumupunta, Top 20 @ 12 ang programa sa radyo, kaya yun ang mga naririnig ko halos.
Siyempre pati yung mga equipments, atsaka yung tubig na malamig plus plastic cup na tig-iisang piso bawat isa.
Pati na yung mga posters ng mga freakazoid na extreme bodybuilders na parang batong pinagdikit-dikit na nagmukhang tao, posters ni Bodybuilder of the Century Arnold Schwarz-whatever (di ko alam spelling), posters ng nakahubad na Katya Santos, Assunta De Rossi, Belinda Bright, at Aubrey Miles.
Paborito ko yung Katya Santos na natatakpan yung mga maseselang bahagi ng bula-bula. Pinakapangit yung Assunta na natatakpan ang nipples ng suspenders. I hate suspenders.
Atsaka yung CR, yung mga notes na nakadikit sa dingding. REMINDER DUDE: Return plates and dumbells arter use. No towel, no workout. Bawal ang may amoy. Flush the toilet after use. Pay your monthly dues on time. No pain no gain. Do not lean on the mirror; "Fragile."
Basta, yun na. Tang-ina nilang lahat, hahaha!
...:::::: SOMETHING I LEARNED FROM WATCHING TV ::::::...
Sa Japan at Germany, meron nang mga tren na gumagana out of levitation-wala silang gulong dahil nagle-levitate ang tren ng kaunting centimeters mula sa railroad track nito. Experimental train lang naman, pero gumagana siya. Half the speed of sound ang bilis nito kasi walang friction ang ibaba ng tren sa railroad, kasi nga nagle-levitate. Technology nga naman.
|
 |
MAY 25, 2004
Soundtrack: Learn Chinese - Jin
Emotional Status: Disciplined
Brain Content: June 1 na ako pupunta at titira sa UP Village.
|
BroadComm Essay Exam
Grammar at writing test yung essay exam ko sa BroadComm. Chicken lang yung grammar part kahit pa may mga hindi ako nasagot.
What is the gerund form of drink? Sa totoo lang, nakalimutan ko na kung ano ang gerund-gerund na iyan, hehe. Number one pa man ding question yun. Meron namang mga trivia questions gaya ng: What is the official name of the ambassador of the Vatican? Malay ko. What is the plural form of computer mouse? Err... computer mouses?
What do you call a person who operates a train. Pinagana ko na lang ang pagkapilosopo ko, sinulat ko na lang train operator.
Subalit meron din naman akong nasagot na trivia. What is the city known as Big Apple? Edi New York City. What do you call a group of lions? Edi pride. Does pregnant have a comparative degree? None.
Pero sure naman akong pasado ako sa part na yun. Yung part 2 ng essay exam ang masaya. Critical/Creative Writing. Heto yung questions:
1) Was the media successful in clarifying the function of the survey in the election? Why or why not? (Not more than 200 words)
Hindi ko na sasabihin ang sinagot ko dito basta sabi ko na-clarify nila. Pamatay ang number 2.
2) Use the word verisimilitude in a dialogue. (Not more than 100 words)
Nung nakita ito ng mga co-testtakers ko, nangagsi-whine sila. Inisip ko naman, feeling ko intended na hindi namin alam ang definition ng word. Dun siguro papasok yung Creative Writing part. After all, na-confirm ko ito nung pumasok si Mr. Avecilla nung tapos na kaming magtest. Tinanong sa kanya yung definition ng word.
Sabi niya, "You don't know what that word means!? ... I don't know it too."
Verisimilitude daw (BC Essay Exam Part II #2)
BOY: That essay exam was odd.
GIRL: Yeah, you're right. Especially the second part, asking us to use the word 'verisimilitude' in a dialogue. Honestly, I left that part blank. As in no answer. How about you?
BOY: Me? Well, I just became consistent that I don't know what that blasted 'verisimilitude' means.
GIRL: Verisimilitude... I was trying to decipher it by studying its etymology, but to no avail. All I could figure out was the "veri-" part. You know, something about truth or clarity. "Verify." "Radyo Veritas."
BOY: So instead of taking the risk, you just left that part unanswered.
GIRL: Exactly. I might fail if I use it the wrong way. How about telling me more about your work?
BOY: Well, It's just a boy and a girl who took an essay test asking them to write a dialogue using the word 'verisimilitude.' The girl left it unanswered because she had the slightest idea of the word's definition. On the other hand, the boy just maintained the consistency of the fact that he didn't know the meaning of 'verisimilitude.'
GIRL: Hmm... Sounds familiar. What did the boy in your story write about?
---THE END---
Iyan lang talaga ang naisip kong gawin. Ayoko namang magpaka-trying hard na pigain ang utak ko sa meaning ng verisimilitude, kaya yun.
Atsaka pala, ako yung naunang nag-submit ng Part I at Part II nung essay exam, pero hindi ko sinasadya. Hindi ako nakikipag-race sa mga co-testtakers ko. Ayoko lang talaga ng matagal na nagte-test.
 Heart of Crystal
What is Your Heart REALLY Made of? brought to you by Quizilla
...:::::: SOMETHING I LEARNED FROM WATCHING TV ::::::...
Sina Jesus Christ at Mickey Mouse ang two most recognized faces sa balat ng lupa.
|
 |
MAY 24, 2004
Soundtrack: Trick Me - Kelis
Emotional Status: Temporarily not thinking of my insecurities, etc.
Brain Content: More rains and storms, please. *wink*
|
Nagpa-makeover ako. Notice the changes.
Sasakyan kita... sa lahat ng gusto mo
Sasakyan kita... basta sasakyan mo rin ako...
Kung gusto mo ng juice (ititimpla kita)...
Basta sasakyan... sasakyan kita...
My BroadComm Interview
Gaya ng inilathala ko sa naunang entry, nagpa-interview ako at nag-essay exam sa CMC sa UPD. Sabi ng Peyupser na si Jerwin, manginig daw ako to the bones kung ang mag-iinterview sa akin ay isang propesor na nagngangalang Mr. Avecilla. Ni-second warning din ako ng kuya ko about Avecilla.
Bago tayo mapunta sa interview proper, siyempre magbabiyahe muna ako from Angeles.
Hindi na ako muli pang sasakay ng bus sa San Fernando. Siksikan ang mga tao! Walang terminal, walang sistema. Basta kapag may bus na Pasay na dumaan (na usually puno na ang seats kaya ang last option mo ay tumayo to death), tatakbo lahat ng tao. Unahan.
Eh siyempre ganun din ang ginawa ko. Never mind yung mga naiipit, naaapakan, nahihipuan, etc. Basta makasakay. Kaso standing ovation ako sa bus mula San Fernando hanggang Quezon Ave. Mga dalawang oras lang naman yun.
So nakarating ako sa UPD. Na-empower ako kasi dumilim at bumuhos ang ulan! As in madilim. Nasa airway pa man din ako ng CMC kasama ng ibang maiinterview.
Of course, ako lang yata ang hindi nakikipag-socialize. Nakaupo lang ako dun sa isang tabi looking at the rain outside. The clouds. The sky. Pero yung group of girls near me + isang bading, nagkokomedihan, at natawa ako ng patago (tawa sa puwet, as they say) sa isang iskit na ginawa nila.
Caller: DJ, puwede po bang mag-request?
DJ: Ano'ng kanta?
Caller: 'Take Me' by Sarah Geronimo.
DJ: 'Take Me'? Pa'no yun?
Caller: [sings] Take me... back into the arms I love...
Haha! Wala lang. Natawa lang ako. Pero marunong akong magpigil ng tawa kaya hindi ako napansin. Kung di niyo gets, To Love You More kasi ang title nun, hindi Take Me.
Interview ko na! Ako na! Guess kung sino mag-iinterview. Si Mr. Avecilla! Along with a certain Mr. Austria. Pero hindi ako kinabahan. Prepared yata ito at hindi madaling maintimidate.
Hindi naman pala ganun kataray si Mr. Avecilla. Mabait pa nga siya sa tingin ko eh. Mapambara lang. Tipong hinuhuli ka. Although satisfied na ako sa interview ko (and so are they), sana ganito yung sinagot ko sa ibang portions (yung mga naka { } ay yung mga sana nasabi ko):
Them: If you want to be a broadcaster or a radio announcer, SpeechComm has the better training. Why don't you apply there instead?
Lagsh: [speechless]
Them: Mr. Laxamana, we're asking you!
Lagsh: Sir, I have no idea what's being offered in SpeechComm! Until you discussed it today. And the application period is over. {I can always shift next year if I don't meet my expectations in this course. It's BROADCAST communication, so I expect to learn about broadcasting.}
Avecilla: Also, if you want to survive in UP, you have to be either a gay, a communist, or an atheist.
Austria: Better if you're all three!
Avecilla: Right. So are you any of those three that I mentioned?
Lagsh: Sir, why do I have to be at least one of those to survive?
Avecilla: Because it's the tradition!
Lagsh: No, sir. I'm not any of the three.
Avecilla: Then how will you survive here? You might as well stay in Pampanga for good.
Lagsh: I guess some traditions are meant to be broken at one point in time. {And I am a non-practicing Catholic and I believe in the existence of a Creator by reason, not by faith.}
Them: [laugh laugh laugh for an unfunny reason that I do not know]
Avecilla: O siya. Huwag mong tutularan yun ah [points at someone outside the cubicle]. Nagdarasal sa may banko. Any other questions?
Lagsh: None, sir. Good afternoon. [pumunta sa maling door]
Avecilla: O, san ka pumupunta?
Lagsh: Sori po, hihihi. [exits cubicle using the correct door]
[Abangan bukas: my essay exam.]
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN PHILIPPINE UNDERWORLD ::::::...
Ayon sa kuwento ng mga gurang, kapag umuulan na may araw, may nagjujugjugan daw na tikbalang.
|
 |
MAY 23, 2004
Soundtrack: She Will Be Loved - Maroon 5
Emotional Status: On a high
Brain Content: O God, thank you for the wonderful weather ever.
|
Umuulan! Waaaaaaaaaaaaaaaaaah!
Ako ay nagbabalik! Ano na ba ang latest?
Ah oo. O di ba? Oks lang na Visionary Tag-ulan na ang edition ng blogsite ko. Usually kasi talaga, 3rd week of May, humaharurot na ang mga bagyo't ulan.
I am the child of the rain
The heir of gloom
Siyang tunay. Kaya masigla ako dahil "malungkot" ang panahon. Gets? Weird daw ako, pero basta. Alive ang kaluluwa ko tuwing ganito ang panahon-madilim-dilim, malamig, walang bakas ng yellow sunlight, malamig ang simoy ng hangin, mamasa-masa ang pavement, atsaka paulan-ulan from time to time, na nagko-cause ng kaunting ingay na pipitik-pitik sa bubong na mas lalong nagpapatuwa sa akin.
Bakit? Kasi
I am the child of the rain
The heir of gloom
Noon nga palang Thursday at Friday, galing akong UP Diliman kasi nakipag-interview at exam ako respectively sa College of Mass Communication (CMC), sa BroadComm.
Kaya naman nasiyahan ako lalo ay dahil may "gothic" o "mythical" o whatever na dating sa akin ang physical setup ng UPD (isang factor kung bakit nais ko talagang makapasok ng UPD), tapos, bigla pang nagdilim a la Judgment Day yung panahon. Ang saya-saya! Kasi
I am the child of the rain
The heir of gloom
Hindi ko actually matarok yung tunay na dahilan, pero talagang may dating sa akin ang ganitong klaseng weather. Hindi LANG dahil malamig, pero yung kulay at mood, sadyang nakahuhumaling. Yung medyo hindi matingkad yung colors ng environment, ganun. Parang of gray.
Bagay talaga sa dominant personality ko-cold, lonely, mysterious, dark, etc.
Bwahahahaha! Bwahahahaha! Bwahahahaha! Haaaaauuuuuum...
Oo, alam kong medyo pangit magsaya dahil may mga nagsisimatayan sa may Kabikulan, pero hindi uso sa akin ang ganun. Kanya-kanyang buhay lang. Tuwing tag-ulan na nga lang ako pinakamasaya eh. Kasi nga
I am the child of the rain
The heir of gloom
Krisis Ng Buhay/Miscella-News
 My life is rated G. What is your life rated?
Alam niyo ba na habang naghahanap ako ng bag para next sem dito sa isang mall dito sa Angeles, may nagtanong sa akin kung gusto ko daw i-try mag-audition para sa isang commercial ng clothing line na Up Next? Haha! Joke lang. In my dreams.
Hindi, kasi kanina galing akong mall para maghanap ng backpack para sa pasukan. Nagkanda-sira-sira na kasi yung bag ko noong freshie ako eh. Siyempre patingin-tingin na rin ako sa mga damit na andun.
PUCHA!
Mahal na ang mga damit ngayon. Mga tee lang naman ang tinitignan ko eh, pero mahal. Hindi ko alam kung mahal din sa inyo ang mga P280-P350 na tee pero sa akin mahal na iyon. Well, sa akin, mahal na nga iyon, kasi poor lang ako. At manghihinayang pa ako nang lubusan kung meron akong shirt na above P200. Kung mapera ako, why not??? Pero hindi eh.
Anytime next week papadala ng pera ang erpatz ko from States. Yun na ang gagamitin sa enrolment naming dalawang magkapatid sa UPD, pambili ng radyo (para sa akin ito kasi mamamatay ako kung walang musika sa boarding house ko sa UP Village), atsaka... pambili ng damit! Maraming damit! Yehey.
Hiraman kasi kami ng damit ng kuya ko eh. Ang damit niya, parang damit ko na rin. Pati cap, pati belt, pati necklace, pati pantalon, pati brief (joke!). Pero noon yun, kasi I am the child of the rain; The heir of gloom... Kidding. Kasi nga, noon, UP Pampanga ako, siya Diliman. Sa pasukan, pareho na kami ng tinutuluyang paaralan, so mas mainam na may sarili na talaga kaming damit.
Medyo pangit yung makita ako ng mga orgmates niya sa UJP tapos sabihin nila, "Uy, di ba yun ang suot ni Julius last week?" Yun.
Mga ibang balita (Miscella-news)
Nabasa ng ermatz ko ang article kong Ambisyoso (Ground Level), at hindi ko alam kung paano. Unless marunong na yung mangalkal ng folders-folders dito sa PC (kasi ang alam ko hindi siya eh).
Nabanas ako ulit sa balita na nakipag-meeting si Jay-R sa manager ng Backstreet Boys. Oh my gas! I'm being left behind by my rival.
Nagbago na ang tingin ko kay Osang. Mas tumaas na ang respeto ko sa babaeng ito.
Si Eddie Gil, artista na! Pareho sila ni William Hung at ni Mahal: mga freaks of nature na pumalad sa entertainment industry (evil noh?). Tapos, nali-link pa si Eddie Gil kay Madam Auring! Oh my goodness! Sobrang adult na yata nito ah.
Pero ito ang malufeeeet na balita: Rainier Castillo, recording artist na ang amfutz! Smile mo, kita ko... At Sandara Park ng Star Circle Quest, parang katumbas ni Rainier sa hatak ng votes despite the talent factor.
FPJ, idineklarang panalo ang sarili sa Mindanao! Whattaloser!
Visionary, pasado sa screening ng Philippine Blog Awards! Ang paghahatol ay sa DISYEMBRE pa, at ang premyo? Exposure daw at limang-daang piso. Pambili lang ng dalawang tee na pagkamahal-mahal.
[Abangan sa next entry: ang detalye ng aking interview at essay exam sa CMC. I am insincerely sorry kung hindi insightful ang blog entry na ito, kasi medyo nanghihina pa ako dahil ngarag pa ako at dahil na rin sa weather na tila aphrodisiac sa aking kaluluwang masusunog sa impiyerno someday.]
Lagsh's Mating Project
Username: lagshmatingproject
Password: ********
Initializing... Loading... Almost... Patience, please... Ayan na!
Epektib! Epektib ang ating formula. Dinadagsa na ito ng mga ito, pati na ang mga celebrities. This time, pati si Dingdong Dantes pumatol dito sa proyekto kong ito! Satanas nga naman, o.
+ =
...:::::: SOMETHING I LEARNED FROM WATCHING TV ::::::...
Direct descendants ng mga dinosaur such as t-rex or raptor ay ang mga ibon natin ngayon. Pansinin ang similarities ng anatomy ng isang ostrich at ng isang raptor.
|
 |
MAY 17, 2004
Soundtrack: The Way You Look At Me - Christian Bautista
Emotional Status: Whatever
Brain Content: Two weeks na lang, June na! Pasukan na! Yes!
|
My Online Writing Career: Semi-Exposed!
Hindi habang buhay ay puwede nating itago ang mga nililihim nating raket sa mga tao. Nakarating na kay ermatz na sumusulat ako sa Peyups, na may column ako dun, and that some people find my writings entertaining.
Sa halos one year kong pagsusulat sa Peyups, hindi ko sinabi kay ermatz ang sideline kong yun. Bakit? Kasi may mga censored na bagay na baka maka-shock sa kanya. Open-minded naman yung babaeng yun, kaso medyo naiilang pa ako sa ganun. Yumbang alam niyang hindi ako inosente sa ganung mga bagay-bagay. >:)
Lately nga lagi niya akong bina-blackmail eh. Kesyo daw hindi na niya ibibili ng ink yung printer, papaputol na daw niya ang Internet namin, babawasan niya daw allowance ko, etc. kapag hindi ko pinabasa sa kanya mga gawa ko.
Neknek niya. =P
Siya naman madalas mag-print ng imbentaryo sa PC eh. Tsaka hindi puwedeng ipaputol ang Internet, kasi pag pinaputol yun, wala na kaming long distance. At marami siyang katsika sa business sa Maynila. Sabi ko sa kanya sasaksakin ko na lang siya isang gabi kapag binawasan niya ang allowance ko.
Nakarating din sa kanya na may article akong may title na Sana Guwapo Ako. Sabi niya, ba't daw ako sumulat ng ganun? Baka daw akalain ng mga tao pangit ako. Eh yun naman talaga ang saloobin ko habang sinusulat yun eh. At siyempre, gusto niyang mabasa. Ayoko.
Iyon bang tipong lady at bading killer? Iyong maraming nagnanasa sa iyo? Iyong kulang na lang eh gusto kang i-corner sa may CR para molestiyahan? Iyong nakakauno ka sa mga subject kung saan ang teacher ay bading?
Itong part lang naman ang ayaw kong makita niya eh, kasi related sa sex. Oo, ganyan ako ka-conservative... sa harap ni ermatz (at kay erpatz na din), hahaha! Speaking of erpatz, mantakin niyo, sinumbong pa niya ako kay erpatz na nagke-caregiving sa US ngayon!
At siyempre, ang talagang NEVER kong ipapabasa ay ang Mom, Dad, This Is How I Learned About Sex. Sa mga nakabasa na nun, self-explanatory na siguro. Sa mga hindi pa nakakabasa, kung interesado kayo, basahin niyo at malalaman ninyo kung bakit. Siyempre nakasaad lahat dun ng mga 'ilegal' na bagay na nagawa ko with respect to sex, such as having watched porn, ganun. Walang pre-marital sex ah.
Hindi rin puwede ang Male CR Cubicle #2 dahil masyadong lantaran ang mga sekswal na vandalisms doon sa istorya. Haller! May nasambit ako dun na "Singkalaki na lang ng titi" atsaka "Magtsupaan na lang kayo." Hindi ko alam sa inyo pero ayokong mabasa ni ermatz ang ganun, lalo pa't ako ang nagsulat.
Kaya kapag nangungulit siya, sinasabi ko, mangisay siya. Ito lang ang mga cases na puwede kong ipabasa sa kanya: 1) Bago SIYA mamatay. 2) Bago AKO mamatay. =)
Pero sa totoo lang, kapag "old enough" na ako, dun ko lang ipapabasa sa kanya mga yun. At least, hindi ba? Wala na siyang magagawa nun.
[Again, huwag akalain na pasaway akong anak sa aking ermatz. Kasuwal lang talaga ang turingan namin sa isa't-isa. Kinagat ko nga yung kamay niya kagabi eh. Napasigaw siya ng malakas na malakas. Punyeta daw ako. Sabi ko mas siya. Hahaha!]
Naku, si Jay-R
Nababanas ako kay Jay-R.
Kapag nakikita ko ang mga performance niya sa TV, pinapatay ko ang TV, kasi ayokong makita. Nasasaktan ang kalooban ko, kaya mas mabuting huwag na lang panoorin.
INSECURE ako sa kakayahan niya sa pagkanta.
Ang galing-galing kasi ng boses pang-awit niya eh. Pang-RnB talaga. Pero naiinis pa rin ako sa kanya, kasi obvious ang panggagaya niya kay Usher. Vocal curls, stage presence, stage movements, hand movements, atbp. Atsaka ba't hindi niya ayusin ang pagsasayaw niya? Para siyang dancing monkey dun sa Design For Luv music video.
Feeling ko nabigo si Jay-R sa pagma-market ng Gameface album niya sa States.
Hindi siguro niya alam, mediocre ang RnB na pinapauso niya sa Pinas. Yung iba naman, pop na eh. Yung hindi mamatay-matay na Bakit Pa Ba atsaka yung Kung Mahal Mo Siya, hindi mga RnB ang mga yun. Para silang pop ballad sa akin, na kahilera ng Forever's Not Enough ni Sarah Geronimo.
Yung Design For Luv naman, asus! Akala ko ba ginagaya niya si Usher? Eh ba't ganun siya nagsasayaw? Poor choreo and poor dance steps! Ihalo mo pa sa poor dancer that is Jay-R!
Dapat pag may talent kang ganyan, lubos-lubusin mo na: composing, producing, singing, dancing. Naku, pasalamat si Jay-R hindi pa ako marunong kumanta at hindi ako guwapo, kundi agaw ang aabutin ng korona niya ng RnB. >:P Kung sayawan lang, sus.
Siguro bitter lang ako dahil insecure ako. Pero, tsk, basta.
...:::::: SOMETHING I LEARNED FROM WATCHING TV ::::::...
Ang giant squid ang may pinakamalaking eyeball sa balat ng mundo. Sinlaki ng basketball.
|
 |
MAY 15, 2004
Soundtrack: My Band - D-12
Emotional Status: Lethargic
Brain Content: Ping and GMA join forces... coolness... =)
|
Adventures ni Introvert Boy sa Gym III
Hindi niyo naitatanong, may mga napagbubulay-bulayan din ako sa gym. (Pasensiya na kung puro gym ang putak ko lately. Wala kasi akong ibang ginagawa ngayong bakasyon na ka-share-share kundi ito.)
Ang gym ay isang pagawaan ng mga bodybuilt na tao (at hindi ako kabilang dun). Lahat ng mga taong nag-e-enroll sa gym ay nagsisimula bilang mga taong insecure sa sarili, na nangangailangan ng konting boost ng self-esteem (hindi rin ako kabilang dito). Mga nangangailangan ng self-enhancement.
Sabi sa isang philosophical/inspirational essay na pinamagatang Desiderata, sa buhay, laging may nakakaangat sayo, at lagi ring may mga taong mas nakakaangat ka.
Kapansin-pansin ito sa gym. Kapag bagong worker-out ka, manliliit ka sa hubog ng mga katawan ng mga nakakasalamuha mo. Kakainin ka ng insecurity nang unti-unti. Ngunit kapag nagtagal, may mga bagong applicants na naman ang mag-e-enroll. Malay mo, ikaw na ang kina-iinsecure-an nila (I'm not referring to myself or anyone in specific).
Na-classify ko na ang mga tao sa gym. Tayo ay magkaroon ng rundown.
The Winkoes.
Ito yung mga batang maeepal. Pupunta sila ng gym, ipapa-play yung tanginang Linkin Park nilang CD, at roronda sa gym. Magmamagaling sila sa mga equipment, pero obvious na hindi alam gamitin. Tapos, after ng mga ten minutes ng kaeepal, tatambay sila dun sa may mga kalapati hanggang magsawa.
The Sophomores.
Ito yung mga nag-enroll noong nakaraang buwan, at ngayon, patuloy pa rin. Sophomore, kasi tapos na sila ng unang month. Dalawa lang kami dito. Ako at si Chris. Madalas kong makasabay si Chris tuwing afternoon, pero siya, mas marami pa ang pahinga at pagfi-feeling ramp model kaysa sa pag-e-ehersisyo. Pasimple nga lang. Weird siya, kasi nakakausap niya ang mga tao, at kinakausap naman siya in return. Weird silang lahat, actually. Magsama-sama ang mga weird!
The Martians.
Apat na bugoy na bigla na lang sumulpot out from nowhere. Silang apat ang dahilan kung bakit from 10 am - 12 nn, ni-move ko ang pagpunta ko ng gym ng 12 nn - 2 pm. They always come in four. Sama-sama lagi. Eh ayoko ng maraming tao kapag nagdyi-gym. Kaya ako na ang nag-abalang mag-adjust ng schedule. Hindi pa man din nililigpit ang mga plates at dumbells na ginagamit nila.
The Seniors.
Ga-graduate na siguro sila anytime. Sila ang magpapa-insecure sayo hangga't nakakasabay mo sila. Sila yung mga tig-wa-100 lbs. ang kinakarir. Sila yung magpapababa ng tingin mo sa sarili mo. Hindi rin puwedeng hindi nila titignan for five minutes ang mga six packs nila sa salamin bawat araw.
The Alumni.
Ito yung mga taong nadatnan ko nung Abril ngunit wala na ngayon. Siguro kuntento na sila sa na-achieve nilang pangangatawan. Sila naman siguro ang nagpapa-insecure sa mga Seniors.
The Female Species.
Lima sila, pero hindi sabay-sabay kung mag-attend. Una, si Sandara Park (not her real name) na sasabak yata sa isang pageant base sa mga nasasagap-sagap kong impormasyon. Tapos, si Maskulada, na ang purpose sa pagdyi-gym ay para daw makapagsuot ng bikini (base sa mga nasasagap kong impormasyon). Tapos, yung dalawang babae na, wala lang! Last, si Amasona, yung matabang babae.
The Yuppies.
Mga adults na employees mula sa kung saang opisina. Marami sa kanila ay kaibigan ni Kuya Dave.
The Uncategorized.
Ito yung iba pa na hindi ko ma-categorize. Sila yung mga, wala lang! Kabilang dito si Scarface. Special mention na rin si Mr. Sumo Wrestler na wala ng ginawa kundi mag-treadmill to death habang nakikipagtsismisan sa ibang mga tao.
Lagsh's Mating Project
Username: lagshmatingproject
Password: ********
Initializing... Loading... Almost... Patience, please... Ayan na!
Heto muli ang inyong lingkod, pinapakita ang makabagong teknolohiya na magsasalba sa buong sangkatauhan mula sa mga kasalanan na dulot ng bulong si Satanas.
+ =
[Note: Parehong Atenista iyan.]
The Reason - Hoobastank
I'm not a perfect person
There's many things I wish I didn't do
But I continue learning
I never meant to do those things to you
And so I have to say before I go
That I just want you to know
I've found a reason for me
To change who I used to be
A reason to start over new
And the reason is you
I'm sorry that I hurt you
It's something I must live with everyday
And all the pain I put you through
I wish that I could take it all away
And be the one who catches all your tears
Thats why i need you to hear
I've found a reason for me
To change who I used to be
A reason to start over new
And the reason is You [x4]
I'm not a perfect person
I never meant to do those things to you
And so I have to say before I go
That I just want you to know
I've found a reason for me
To change who I used to be
A reason to start over new
and the reason is you
I've found a reason to show
A side of me you didn't know
A reason for all that I do
And the reason is you
[I like this song very much right now. Though I couldn't relate, I wonder when I will find my "reason." Hmm. Naku! Mahirap yun. "A reason for me to change who I used to be." Mahirap, pero challenging siguro para kay Kupido. Oh no! I shouldn't be talking about this stuff!]
Additional
Ang tanga-tanga talaga ni VJ Heart. Sa My Myx, may tiga-Angeles na nag-request ng With A Smile by Eheads via snail mail. Sa end ng message, nag-greet ng Kapampangan yung sender ("Mayap a aldo keka"/"Magandang araw sayo").
Kung di ba naman kogkog itong si Heart, bigla ba namang nag-greet back ng Cebuano. Yung may daghan atsaka tanan.
Haller!? Angeles City, Pampanga, tapos babatiin mo ng Cebuano? Haller!! Tapos tatanong pa niya kung tiga-Visayas daw ba yung sender. Haller!? Angeles City, Pampanga nga eh. Isang malaking haller! Tanga-tanga talaga ni VJ Heart.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN PSYCHOLOGY ::::::...
Ayon sa obserbasyon, marami sa mga sobrang galing sa Mathematics ay may Schizoid Personality Disorder. Ito ay yung disorder kung saan ayaw mong nakikipag-close sa mga tao at mas prefer mong mag-isa. Mahina din ang sense of humor mo kung meron ka nito.
|
 |
MAY 13, 2004
Soundtrack: Human Nature - Kyla
Emotional Status: Not guilty
Brain Content: Indeed, it's a battle between GMA and FPJ. I knew it.
|
Lagsh the [Feeling] RPG Maker
Nasabi ko na ba sa inyo na last year nahumaling ako sa paggawa ng RPGs (Role Playing Games, a la Final Fantasy, Diablo, at Pokemon) gamit ang RPG Maker 95? Hindi pa, di ba? Well, ngayon, sinasabi ko na. Therefore, nasabihan ko na kayo.
As usual, self-study ang ginawa ko sa program na yun. Mahirap! Kailangang nakatodo to the extreme ang lohika mo, kasi programming din naman yun. Pero enjoy pag natapos mo na.
Nung ginagawa ko ang RPG ko, on-the-spot kong ginagawa yung storyline! Kahit ano na lang pumasok sa isip ko na mangyayari, sinusulat ko. HAHAHA! Atsaka ang mga dayalogo ay Filipino! At hindi rin censored ang script.
Sa Stage 1, kailangan mong tugisin ang Taong-Paniki. Too bad, yung Stage 2, maganda sana ang plot, kaso kalahati lang ang natapos ko.
Download Lagsh's RPG here. [2.0+ MB. Requires WinZip. Guarantee of satisfaction is subjective. :p]
Adventures ni Introvert Boy sa Gym II
May extraordinary na nangyari sa akin noong Biyernes sa Power Gym-may nakausap ako.
Tuwing mga 2 pm, dumarating si Scarface. Of course, hindi iyon ang tunay niyang pangalan. Label ko lang yun sa kanya kasi marami siyang pimple scars sa mukha. At, oo, siya ang kumausap sa akin. Strange, hindi ba?
Mga anim na years older than me, si Scarface ay pasaway din. 50 lbs. kaagad! Wow! Kaya parang ginagarote siya sa puwetan tuwing nagbubuhat ng barbell. Nag-e-earthquake pa ang mukha. Namumula. Naninimawis. Parang bulkan na anytime, puputok.
Eh nung Biyernes, kami lang dalawa. Kinausap ako! Naku, bawal akong kausapin.
Pero anyway, sabi niya sakin, "Pogi, puwedeng pa-shot." (Hindi ko alam kung ano ang shot, pero base sa context, tingin ko gusto niyang alalayan ko siya sa pagbuhat ng barbell na may 50 lbs. na plate sa magkabilang dulo. Kasi kundi ko siya aalalayan, baka hindi niya kayanin ang binubuhat niya at maibagsak niya ang barbell sa mukha niya. Basag!)
Alangan namang tumanggi ako. "Ah, sige," tugon ko.
"Sa pampitong repetition, i-shot mo na," paalala niya.
So yun. Ginarote ulit ang puwetan niya at nagmistulang bulkan ang mukha. Inalalayan ko sa pampito. At natapos siya. Nagpasalamat.
Tapos na ako nun sa mga ehersisyo ko, kaya nagbihis ako at naglakad na paalis ng gym. Noong dinaanan ko siya, "O, tapos ka na?" tanong niya.
"Oo. Sige, una na ako."
Ang weird din nitong Scarface na ito. Kita na ngang paalis yung tao, itatanong pa kung aalis na. Pero ang mas weird ay nangahas siyang kausapin ako. Weird, no?
...:::::: SOMETHING I LEARNED FROM WATCHING TV ::::::...
Ang hayop na may pinakamataas na lebel ng speed ay hindi si FPJ, kundi ang cheetah, ngunit kung agility ang pag-uusapan, master dito ang gazelle. May difference ang speed at agility. Ang speed ay ang ability ng isang bagay na magtravel in a straight line in a short period of time. Ang agility ay ang ability na magpapalit-palit ng direction ng pagtakbo in a short period of time.
|
 |
MAY 11, 2004
Soundtrack: The Reason - Hoobastank
Emotional Status: Insecure and I don't care, whatever
Brain Content: PEOPLE, I HAVE WRITER's BLOCK RIGHT NOW.
|
Ang Kapalit Ng Paggaling Ng Aking Asthma
Ano'ng pipiliin ninyo? Asthma o acne/skin-oiling?
Ako, asthma.
Naririndi na ang ermatz ko sa kaka-complain ko. Kung bakit naman kasi kailangang isa ako sa mga taong prone to acne. Bwisit! Bakit yung iba??? May pimples man, hindi naman nag-o-oil ang balat. Tsk. Unfair.
Ano'ng kinalaman ng asthma? Dear, Ate Charo. Asthmatic ako nung bata ako. May isang bwisit na doktor na ang ni-prescribe sa akin nun ay isang kind of steroid. At uminom ako. At gumaling ako. Wala sa aking muwang na ang magiging epekto noon ay ang pagiging "active" ng balat ko sa aking teenage years.
Kumpirmado na ito ng aking derma (na free lagi ang consultation, mwehehe!). "Oo, nakaka-induce ng tagihawat ang steroids." Yun ang sinabi ng derma ko. Ang derma ko, yung ang sinabi. Yun ang sinabi ng derma ko. Ang derma ko, yun ang sinabi.
Nuninuninuninuni...
Iba akong ma-insecure. Nagiging depressed ako. Hindi ako mahilig sa sour-graping. Kahit pa laging sinasabi ng ermatz ko na ang oily skin ay nakakapag-prevent ng kulubot at wrinkles pagtanda, AYOKO.
Nasabi ko na rin dati na hindi ako mahilig sa downright comparison. Yun yung tendensiya nating ikumpara ang sarili natin sa mga taong may worse cases (gaya ng pinsan ko na malala talaga ang acne!). Hindi uso sa akin yun. Deception yun. Although self-satisfaction ang kapalit, AYOKO.
Kapag naman hinihiritan ako ni ermatz na, "Tignan mo ako, nagkakatagihawat pa din ako paminsan-minsan," ang sinasagot ko sa kanya, "Eh matanda ka na eh. May asawa ka na na pumatol sayo." Minsan din sinasabi ko, "Wala akong pakialam sayo. Ang inaalala ko, ang akin."
(Huwag pong akalain na pasaway akong anak sa aking inay; talagang casual lang kami sa isa't-isa. Huwag din pong akalain na masyado akong conscious o vain. Ayoko lang talaga. Ayokong nasa-satisfy sa isang pangit na bagay.)
320/320 Vision: McDo Value Meal #5
[May kaunting koneksiyon sa Lobby Locker #32-A]
Si Milo ang pangunahing tauhan ng kuwentong ito. Siya ay tao. Meron siyang dalawang mata, dalawang tainga, dalawang butas ng ilong, isang bibig, at mga buhok na hindi mabilang. Junior siya sa UP Pampanga at ang kurso niya ay hindi Nursing, kundi Psych.
Madalas sabihin ng mga nakakakilala sa kanya na siya ay may topak sa ulo. No offense naman daw iyon. Sadyang mahilig lang siyang mangulit at painosenteng napapatawa ang sinuman sa kanyang mga kuwento’t kuro-kuro. Sa isang salita daw, siya ay nakakaaliw, parang mga Bonsai Kittens.
Ang paborito niyang ikuwento sa mga tao ay kung paano siya napatae sa salawal sa classroom habang nagre-recite ng tula nung siya ay nasa Grade 1 pa.
“Haha! Sobrang kabado ko siguro noon. Teacher ko pa ang naghugas ng puwit ko, wahaha! Kung paano naalis yung tae sa classroom ay hindi ko alam. Kinamay siguro nung janitor.”
May girlfriend itong binatang ito, ngunit hindi niyo alam ang pangalan, kaya sasabihin ko. Si Ana Evangeline ang kanyang kasintahan. May mga similarities sila ni Milo. Pareho silang tao. Meron din siyang dalawang mata, dalawang tainga, dalawang butas ng ilong, isang bibig, at mga buhok na hindi mabilang. Ang palayaw niya ay hindi pa puwedeng sabihin sa ngayon. Ituloy na lang ang pagbabasa para malaman.
Lunch break. Katulad ng nakagawian, sabay silang pumunta sa pinakamalapit na McDo sa Clark upang lumamon. Pareho silang nag-order ng Cheese Burger Meal. Hindi sila nag-Go Large kasi hindi Jollibee yun. Pero hindi rin sila nag-Go Big Time kasi krisis. O kaya naman siguro on diet. Huwag na lang nating pakialaman.
Matindi ang sikat ng araw. Lingid sa kaalaman nila na ang ilaw ng araw ay kailangan munang maglakbay ng walong minuto bago masinagan ang daigdig na ating ginagalawan.
Kuwento habang kain-ganito lagi ang ginagawa ni Milo kapag kasabay kumakain ang kanyang kasintahaa. Tila parang mas excited pa si Milo sa mga taong nakatutok sa laban ni Marquez at Pacquiao kapag may papasok sa isip niya na nais niyang ilathala.
“Si Temtem nung Friday, nakita si Harbs na may suot na pang-Starstruck na polo atsaka yung jeans na black. Nagka-crush siya nun kay Harbs, yung walk-in, kasi daw okey siyang pumorma. Hindi niya alam simula Tuesday yun na ang suot ni Harvey! Apat na araw nang inuulit, hahaha!”
Taimtim na kinakain ni Ana ang kanyang burger. Hindi niya kinalimutang alisin ang slice ng pickle. Dumukot siya ng isang piraso ng fries, ngunit nahulog ito sa sahig na medyo maalikabok.
Dali-daling sinabi ni Milo, “Dali! Kunin mo. Puwede pa iyan. Wala pang five minutes! Hehe.” Hindi kumibo ang nobya niya.
Nagpatuloy itong magkuwento.
“Nasabi ko na ba sayo kung paano ko nakuha itong cellphone ko? Nabili ko lang ito na hindi lumagpas ng isang daang piso! Nung second year tayo, papasok akong McDo. May parang nanlilimos ng pera. Dededmahin ko sana nang bigla siyang may iniaabot na cellphone. Kung gusto ko daw nun, ibili ko daw siya ng Apple Pie. Siyempre pumatol ako! Pero cellphone yun, kaya ang binili ko na sa kanya ay Number 6 Value Meal, Go Big Time! Haha. ‘Stig, di ba?”
Sumipsip ng Coke si Ana, at hindi pa rin nagsalita ni isang salita.
“Anay, sabi nila hindi daw patatas itong Fries. Kamote lang daw. Totoo kaya?”
“Puwede ba? Hindi Anay ang pangalan ko. Ana,” pasungit na kinomento ni Ana.
Katulad ni Rasul at Anson-Roa nang pinapababa ang Pangulo mula sa Malacañang, si Milo ay napahiya. Nahiwagaan siya sa ikinikilos ng girlfriend niya. Iyon naman talaga ang tawag niya sa kanyang nobya simula pa noong hindi pa sila-Anay (na galing sa Ana). Minsan din ay pinapalayawan niya itong Ebak (na galing sa Evangeline). Okey lang naman din. Natatawa pa nga eh. Naku-kyutan. Pero this time, hindi umuubra.
Napansin ni Milo na parang wala sa mood ang kanyang kaharap, kaya maging siya ay tila sinapian na ng kaluluwa ni FPJ. Taimtim na din siyang kumain, tumigil na sa pagsasalita, at patuloy nang tumila ang kasiyahan na obvious na nakasabit sa kanyang pagmumukha.
Habang pinapakyaw ang kanyang cheese burger (ipinapalaman niya ang fries sa kanyang burger, saka lalagyan ng Barbeque Sauce), naglalaro sa isip ni Milo kung bakit ganun umasal ang babaeng kasintahan niya. Marami ang mga tanong: Bakit siya badtrip? Ano ang kanyang nagawa? May nangyari kayang masama sa pamilya niya? Naipit ba ang kuko nito sa pintuan? Nag-away ba sila ng kanyang inay? Si FPJ na nga ba ang magiging Pangulo? Maka-FPJ kaya yung mga tao dun sa Top Ten Things I Like About FPJ na campaign ad?
Ubos na ang burger. Yung fries naman. Tahimik pa rin. Hindi sila nag-uusap.
Nakatingin na lamang sa labas ang binata habang isa-isang sinusubo ang fries. Sinusundan na lamang niya ng tingin ang bawat dyip na dumadaan sa kalsada. Tuluyan nang nawala ang tuwa sa mukha nito.
Ubos na ang fries. Inumin na lang. Tahimik pa rin. Nakatitig pa rin sa labas. Hindi makatingin si Milo sa mukha ng kanyang nobya. Walang pinag-iba ang nararamdaman niya sa nararamdaman ni Erap-guilty! Feeling kasi ni Milo, siya ang dahilan.
Nakalabas na sina Boyds at ang kanyang orgmates, pero silang dalawa, nandun pa rin. Ubos na ang Coke. Ubos na ang pagkain. Tapos na silang kumain.
Habang nakatitig pa rin sa labas ng McDo, hindi na natiis ni Milo kaya siya ay nagtanong. Seryoso ang kanyang tinig, habang medyo nakakunot ang noo.
“Ba’t ang sungit mo ngayon.”
Tahimik pa rin. Limang dyip muna ang nakadaan bago sumagot si Ana. Ngunit sumagot na nga, tipid pa.
“Ewan.”
30 segundo muna ng silensiya. Tradisyon na ng magkasintahan na ito ang bumili ng sundae cone matapos kumain. Si Milo ang laging nanlilibre, pero hindi labag sa kanyang kalooban. Kahit medyo malabnaw ang relasyon nila sa araw na iyon, hindi niya ito nakalimutan.
“Bili lang akong sundae,” sambit ni Milo gamit ang isang walang kabuhay-buhay na boses.
“Huwag na, huwag na,” pasupladang pigil naman ng dilag.
Tumayo na si Ana mula sa kanyang pagkakaupo at dire-diretsong naglakad palabas ng McDo. Dali-dali namang bumuntot itong si Milo. “Thank you, ma’am, sir. Come again!” hirit nung waiter na nagma-mop. Ang waiter na yun ay hindi importante sa kuwento. Pero nung sigurong kabataan nung waiter na iyon, miyembro siya ng McDo Summer Kiddie Crew.
Sumakay sila ng dyip. Naunang nagbayad si Ana at hindi na inantay ang bayad ni Milo. Hindi pa rin matanto ng binata kung bakit ganyan si Ana. Siguro rineregla ito, pero malabo pa rin. Kasi kaya nitong maging malambing kahit pa meron itong red alert.
Pagbaba sa UP Pampanga, pansing binibilisan ni Ana ang kanyang pagtatahak para hindi makasabay ang kanyang nobyo. Sinusubukang mag-catch up ni Milo, pero sumuko na rin ito nang makarating na sila sa lobby. Hanggang naglaho na sa paningin nito ang kanyang kasamang kasintahan. Nakita ito ng kanyang mga kaibigang ka-frat din niya.
“O Brod, kanina ka pa naman hinahanap ni Mickey. A-Ano ang nangyari sa inyo ni Ana? Parang nag-away kayo ah,” usisa ng kanyang kaibigan.
“Brod, hindi ko alam eh. Badtrip si Anay. Hindi ko alam kung bakit.”
“Hindi mo ba tinanong kung bakit?”
“Ewan ko ba. Ayaw sabihin kung bakit.”
Biglang nag-vibrate ang cellphone nito sa kanyang bulsa. Dinukot niya ang cellphone niyang may logong Milo & Anay. Naka-save din sa cellphone niya ang kanyang student number na 2001-F4F4F para daw in case makalimutan niya, meron siyang reference. Binuksan ang inbox at ang mensaheng natanggap. Galing kay Ana.
Naintriga ang ka-frat niya. “O, sino yan? Baka siya iyan.”
“Siya nga.”
“Ano daw ang sabi?”
Natigilan na lang si Milo. Paulit-ulit niyang pinipindot ang down button sa kanyang phone habang nakatingin naman sa kawalan.
###############
Fiction. Kung itatanong ninyo kung ano na ang nangyari kina Yubs at Mickey, walang nakakaalam. It was planned beforehand that each story in the three-part series be left hanging in the end.
...:::::: SOMETHING I LEARNED FROM WATCHING TV ::::::...
Mga less than 20 feet ang dila ng giraffe.
|
 |
MAY 6, 2004
Soundtrack: A Little While - Janet Jackson
Emotional Status: Blank
Brain Content: Mushrooms: yummy.
|
Introvert na bata, sumabak sa gym
Napuyat ako nung isang araw sa kahihintay ng lunar eclipse na hindi naman nagpakita [sa akin]. Gumising ako nun ng 10 am at pumunta na ng gym para mag-gym.
Kung bakit ako nagdyi-gym ay isang bagay na hindi niyo alam, kaya sasabihin ko sa inyo. Ang mga summer vacation ay mga panahon kung saan mas boring pa sa plataporma ni FPJ ang bawat araw na nagdaraan. Bali kaya ako nagdyi-gym ay para merong "something new" akong ginagawa, na may good cause naman para sa aking kalusugan.
Kung kasing hindi, wala akong gagawin sa bahay kundi magpalabo ng mata sa harap ng PC o TV, matulog at lumamon. Gustuhin ko mang mag-summer job, puro 18+ y/o naman ang gusto. Ayoko namang mag-summer classes kasi andaming kailangang asikasuhin (ayokong mag-summer sa UP Pampanga; gusto ko sa Diliman, kagaya ng sandamakmak na iba pang UP Pamp students).
Apat na beses sa isang week ako nagdyi-gym. Iba-ibang focus bawat araw. First day, chest. Second day, back. Third day, arms. Fourth day, legs.
Second month ko na 'to sa pagdyi-gym. Fifth week na. Sa totoo lang, tinatamad na ako. Noong umpisa lang medyo masaya kasi nga it's "something new." Pero hindi naglaon, parang ordinaryo na sa akin.
Ito ang malupet. Limang linggo na akong nagdyi-gym doon, medyo paulit-ulit ang nakakasabay kong mga nagdyi-gym rin, pero wala pa akong nakakausap ng matino, haha! How non-social can that get?
Actually sort of meron naman. Si Kuya Dave (na kung tutuusin dapat tito na ang itawag ko, mukhang 30 na eh).
Of course kakausapin ko. Siya yung trainor, nagtuturo sa akin kung paano gamitin yung ibang mga equipments. Kaso, nakakausap ko lang siya tuwing first week ng bawat month. Madali ko naman kasing nakakabisado ang pagka-sunod-sunod ng exercises na kailangang gawin.
Kahapon ko lang napansin na meron siyang speech defect. Sabi niya sa akin, "Babaguhin na natin frogram mo. Bali unahin mo muna Bench Fress atsaka Inclined Fress. Four sets bawat isa. Huwag ka munang lalagpas ng tuweynti founds. 15-15-12-12 refetitions."
Anyway, if there's one thing na hindi ako masyadong magaling, ito ay keeping up or starting conversations. Sumpa ko na yata ito.
Dati sabi ko, "Kuya Dave, sa Thursday na ako babalik. Pupunta kasi akong Maynila, mag-e-enroll ako." (Hindi naman ako mag-e-enroll. Magsa-submit lang akong requirements for transfer sa CMC at CSSP sa UP Diliman, pero ayoko ng i-explain pa sa kanya. Like he'd give a damn.)
"Ah, sige. Saan ka nga pala nag-aaral, Jay?" (Sa totoo lang ayokong tinatawag ng Jay for some unknown reasons.)
"Last year sa UP Clark, pero lumilipat akong UP Diliman. Oo nga pala, kayo ba ang may-ari ng gym na 'to?" (Siyempre proud ako. Ako lang ang tiga-UP na tumutungtong sa lupain ng kanyang gym.)
"Ako. Ano'ng course ang kinukuha mo?"
"Last year Psychology, pero sa Diliman baka Broadcast Communication."
"Parang MassComm din ba yun?"
"Oo... Um, sige, bihis na ako."
Hahaha. Umiwas daw ba sa conversation. Sa totoo lang ayoko ng long conversations (kahit short siguro yun sa inyo, sa akin, mahaba na yun) lalo na kapag ganitong style. Palitan ng tanong na pam-biodata. Question? Answer. Question? Answer. Question? Answer. Question? Answer. Question? Answer.
Bakit kaya? Maybe I should try conversing more with people.... nah! Maybe not. =P
...:::::: SOMETHING I LEARNED FROM WATCHING TV ::::::...
Kapag tayo ay naghahatsing (sneeze), lahat ng bodily functions natin ay tumitigil, pati ang ang pagtibok ng ating puso. Hindi ka tao kung kaya mong maghatsing nang nakadilat ang mata.
|
 |
MAY 5, 2004
Soundtrack: The Reason - Hoobastank
Emotional Status: A little pissed (not pertaining to my entry)
Brain Content: I have to fix my sleeping schedule.
|
Damn The Moon
Noong Martes ng gabi, wala akong balak magpuyat (kapag sinabi kong magpuyat, matulog ng past 2 am) kasi kailangan kong ayusin ang sleeping habits ko para mabawas-bawasan ang pangahas na mga pimples at para hindi ako lelemya-lemya sa gym.
Kaso, habang nakikipagchat ako sa mga bampira kong chatmates sa YM kahapon ng madaling araw, hayun at nabalitaan kong may Lunar Eclipse na mangyayari from 1 am to 6 am, ngunit ang talagang total na eclipse ay magaganap ng 3:52 am, ayon sa report ng PAGASA.
Mababaw lang akong tao at geeky ako sa mga astronomical phenomena, kaya siyempre inabangan ko (parang nung yung Mars dati!). Saka ko na aayusin ang sleeping habits ko, kako. So Internet-Internet ako, chat-chat, hinihintay ang oras. May tsismis pa nga na may meteor shower ng May 5 ng madaling araw, pero parang wala man.
Habang hinihintay ang 3:52 am, iniinggit na ako ni SilentWater na kita na niya through her window ang pakonti-konting pag-eclipse ng shadow ng earth sa surface ng moon.
Eh ako, hinintay ko ang 3:52 am. Limang beses akong labas-masok ng bahay pero maldita ang buwan! Hindi ko siya makita sa kalangitan ko. Puno ang langit ng bituin, at kaylamig pa ng hangin. Sa kakatingin ako'y nababaliw, giliw. Pero wala ang tang-inang satellite ng ating daigdig.
1st attempt
Lumabas ako ng bahay, medyo napapraning dahil baka may black lady akong makita sa labas. Pumunta ako sa gitna ng garden namin at patingin-tingin sa langit. Pero maldita yung malditang eclipse na yun. Di ko makita-kita ang maldita. So pumasok ako ulit sa loob ng bahay at ni-lock yung front door ng house namin. Tinanong ko kay SilentWater kung saan yung buwan. Sa bandang Silangan daw.
2nd attempt
Lumabas ako ng bahay muli, wala na akong pakialam sa mga black lady. Kinalkal ko pa ang memory ko kung saan sumisikat ang araw. Noong naalala ko na, pumunta ako ulit sa garden at tumingin sa East, naghahanap ng something unusual sa kalawakan.
Nakaharang yung tang-inang puno namin ng langka, kaya minabuti kong sumampa sa railings ng terrace namin. Pero tang-ina pa rin yung puno ng langka. Kaya pumasok ako ng bahay at kinuha ang susi ng gate at lumabas ng bahay. Wala pa rin yung buwan! Sonofagoddammit!
3rd attempt
Yung mga bampirang kachat ko, lalabas palang upang tignan. Sabi, hanap daw ako ng film negative o x-ray film para makita. So napagbulay-bulay ko na kaya baka hindi ko makita ay dahil wala akong tanang ganung mga gamit. Kaya mabilisan kong kinalkal ang drawer ko at hinanap ang film negatives na nakatago doon.
Lumabas ako ng bahay, ng gate at pumalaot mula sa bahay namin. Linalagay ko ang film negative sa tapat ng mata ko, para akong sira. Pero maldita pa rin ang kogkog na eclipse na yun. Pasok ulit sa loob ng bahay.
4th attempt
Sabi ng mga bampirang chatmates ko, pang-solar eclipse daw ang negative. Mas maganda daw ang x-ray film. Hinanap ko sa kuwarto ang x-ray ng tuhod ng kuya ko nang minsang na-dislocate ang knee cap niya, pero di ko makita. Kaya ginising ko pa si ermatz at tinanong kung meron siyang x-ray film. Salamat at meron.
Lumabas ako ulit ng gate na may dala-dalang pagkalapad-lapad na x-ray ng baga ng ermatz ko at tinapat-tapat sa mata ko habang naghahanap sa Silangan. Para ulit akong baliw. Tang-ina din pala ang x-ray films. I can't see a darn thing through 'em! Retreat.
Last attempt
Sabi ng mga bampirang chatmates ko, sa North daw. Huwaaat? Sa Hilaga? Eh sa Silangan ako naghahanap eh. Lumabas ako ulit ng bahay na wala nang dalang gamit kasi can-be-seen naman daw with the naked eye.
Eh sa likuran ng bahay ang North kaya umakyat na ako ng antenna namin at pumunta sa bubong. May nagpapatrolya pa man ding sekyu, akala siguro akyat-bahay ganger ako. Mga 3 minutes akong nagwawari-wari sa bubong, pero tang-ina talaga ang lunar eclipse na yun. Wala talaga.
Pakshet. Maldita talaga ang buwan. Bagay niya at lagi siyang tinatamaan ng meteorite. 5 am na ako nakatulog at walang bunga ang effort ko. Kailangan ko pa nung gumising ng 10 am kasi pupunta ako ng gym. Upgraded na pa man din ang weight-training program ko kasi pangalawang month ko na sa pagdyi-gym. Tsk tsk.
[Ang next entry ko na lilitaw sa ika-6 ng Mayo 2004 year of our Lord ay katuloy ng kuwento ko dito at iba pang gunam-gunam.]
Lagsh's Mating Project (The Resurrection)
Username: lagshmatingproject
Password: ********
Initializing... Loading... Almost... Patience, please... Ayan na!
Sa mga dati pang bumibisita ng Visionary (noong 2003), alam niyo na itong mating project kong ito. Bubuhayin ko lang muli.
+ =
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN HISTORY ::::::...
Ang mga Mongol warriors noong kapanahunan nina Genghis Khan ay sumisipsip ng dugo ng kabayo kapag nagugutom tuwing walang pagkain. Kaya rin nilang ma-sense from outside kung ang isang bahay ay may laman na tao o wala. Mega-farsighted din ang mga mokong na ito dahil kaya nilang mag-idetify ng mga bagay-bagay kahit kilometers away.
|
 |
MAY 4, 2004
Soundtrack: Yo Gloria - Salbakuta f/ Rachelle Ann Go
Emotional Status: Low-esteemed
Brain Content: This blog entry will be far from being entertaining.
|
Afternoon Delight
Hindi ko kasalanan kung may bahid Kastila ang istilo ng pamumuhay ko. Tao lang din naman ako, kaya hindi ako nakatakas sa impluwensiya ng mga Kastila sa atin noong under tayo ng kanilang rule.
Ngayong bakasyon, dahil boring ang buhay ko, Siesta ang uso sa akin tuwing mga alas tres hanggang alas singko (kailangan kong gumising ng 5 pm kasi manonood yata ako ng Flame Of Recca).
Kung bakit from 3 to 5 ay dahil yun ang oras na TOTALLY WALANG MAGAWA, kaya dinadalaw akong ng antok. Ngunit may wirdo akong kaartehan kapag nagsi-siesta. Heto ang requirements:
Huwag gamitin ang aircon. Hindi ko alam kung bakit ngunit mas trip ko ang electric fan tuwing magsi-siesta. Yung nakatutok lang sa akin.
Off ang TV o PC o radyo. Hindi niyo naitatanong, tuwing matutulog ako kapag gabi, dapat may musika o kahit anong sound (ako madalas TV, na nasa MYX, MTV, o Channel V). Pero tuwing Siesta, wala kahit anuman nito. As in wala. Katahimikan!
Ang sleeping position: dapat nakahiga ako on my back, facing the ceiling. Walang side view o kahit ano. Wala ring akap-akap na pillow sa kamay. Hands on sides lang. Wala ring nakaipit na pillow dapat sa legs.
May pillow sa baba ng right arm at right leg. Alam niyo kung bakit? Wala akong research tungkol dito pero mas nananaginip ako tuwing ganoong condition ng pag-Siesta (kasama na yung nakahiga lang ako on my back facing the ceiling). Eh enjoy ako sa pananaginip eh. Para kang nanonood ng TV.
Okey naman ang lighting sa kuwarto ko tuwing 3-5 pm. Kaya masarap mag-Siesta! Orgasmic.
Pero alam ko wala kayong pakialam dito kaya awat na.
Presidential Entry
There are two types of people who will be voting the incumbent President for President. The first type is those who are really pro-Gloria. The second type is those who "prefer GMA over the other Presidentiable who possesses great possibilities of winning." This electoral times, that is FPJ.
In the Peyups Current Events forum, someone mentioned something like this: "Maka-Lacson ako, pero medyo malabo na siya, kaya I'd rather vote for GMA kaysa naman magkaroon tayo ng Presidenteng bobo."
This I would term in my blog (in my blog only! baka may term talaga dito) as Voting Based From Observation of Chances. You can blame the survey results for this, but personally, I smell some truth in surveys. Hey, that's statistics.
I already mentioned it in the previous entry that should I be a voter, I would vote GMA for President. So where am I classified between the two types na binanggit ko? I am in both. I want GMA to win initially (kahit pa noong hindi pa nagde-declare si Da King) and I don't want FPJ to win.
Nag-conference kami dati nina SilentWater at LimpBwiZiT sa Yahoo Messenger. Limp prefers GMA or Ping to win. I don't remember exactly if SilentWater gave out her bet (basta ang common namin - wag FPJ! please!). We discussed a number of things about politics and the elections for hours (and other stuff too like law, morality, crime, sin, and cybersex). I got many reasonable insights. :)
I also realized that I am not alone in rooting for Miriam Santiago.
I guess I'll just re-state again the Presidentiables in priority according to me.
1) GMA because among the wannabes, she for me can run our country best in the next six years given the current conditions of our land (and after I had SocSci 2 and NatSci 1 in 1st year college, I didn't care about Americanization anymore).
2) Lacson because of his impressive platform and his kamay na bakal concept. 3) Roco is the median in this list of Presidentiables because I have mixtures of good and bad impressions about him. 4) Bro. Eddie is second to the last, because, let's just say that I have something against moralists and religious leaders. 5) FPJ because he sucks big time.
[The reasons I gave may be vague, but I have no plans of turning this blog into a current issues discussion board. You can all have your opinions and bets and I won't care. As for me, I am a modified theist, a non-practicing Catholic, an evolutionist, a psychology student, and have been under a SocSci professor who is an activist-turned-anti-activism (na may very reasonable insights) and all these affect my reasons of choice of whom I want to be President.
We humans are all deciding based from our personal reasons anyway. No matter how absurd (like FPJ voters who say that FPJ is their favorite action star), they should be respected.]
But it's okay whoever wins, as long as it's not FPJ. If FPJ wins, I think I'll just have to see how he runs this country. Malay nga naman natin, di ba?
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN NATURAL SCIENCE ::::::...
Meron nang mga species ng gorilya na paminsan-minsan ay naglalakad ng upright, i.e., ginagamit lang ang dalawang hindlegs tuwing maglalakad habang straight body ang posture. Ginagawa nila ito tuwing may binubuhat. Suggestive ito sa teorya ng ebolusyon na nagsasabing kamag-anak natin ang mga primates. [si Lagsh po ay sumusuporta sa konsepto ng ebolusyon.]
|
 |
MAY 1, 2004
Soundtrack: Officially Missing You (Remix) - Tamia f/ Talib Kweli
Emotional Status: A bit excited
Brain Content: Pimples are just a test of faith from God. They are.
|
Lahat ng bagay ay may masama at mabuting naidudulot
Balance of nature. Yin Yang.
Kung merong puti, may itim. Kung may pisikal, may non-pisikal. Kung may babae, may lalaki. Kung may matalino, may bobo. Kung may mayaman, may dukha. Kung may guwapo, may pangit. Kung may init, may lamig. Kung may suwerte, may malas. Kung may normal, may abnormal.
Kung may taas, may baba. Kung may malibog, merong hindi. Kung may white lady, may black lady. Kung may puting duwende, may itim na duwende. Kung may Viva Hot Babes, may Viva Hot Men. Kung may Albert Einstein, meron ding FPJ. Kung may mabangong bulaklak, meron ding mabahong bulaklak.
Siyempre, ang mother of all with-extremes: kung may mabuti, may masama. Which brings us to my point for this entry: lahat ng bagay ay may naidudulot na mabuti at meron ding naidudulot na masama.
Fire to cook, fire to burn. Water to drink, water to drown.
Ang mga padlock at keys, naimbento para ma-secure natin ang ating mga bahay mula sa mga nais mangahas. Ngunit puwede ring gamitin ang mga padlock para magkulong ng mga tao.
Ang gamot, naimbento para makagamot. Ngunit meron ding mga na-o-overdose, kaya mainam ding pang-suicide ang mga tabletas.
Ang kompyuter, ang sinaunang gamit nito ay para sa digmaan talaga. Basahin niyo man ang history ng computers. Pero ngayon, heto't gumiginhawa ang mga talipandas ninyong buhay dahil binabasa ninyo ang blog ko, na gawa ng kompyuter.
Ang mga pimples, nakakapangit ng mukha. Ngunit on the brighter side, dahil sa pimples, lumalakas ang ekonomiya dahil sa pagbili natin ng mga gamot mula sa mga botika.
Ang buhay natin ay regalo mula sa Diyos. Ngunit ito rin ay isang sumpa. A gift, a curse. Gift, dahil nararanasan natin ang mga kasarapan sa buhay tulad ng pagpunta sa spa at panonood ng bold. Curse, dahil nararanasan natin ang mga pasakit, tulad ng kawalan ng prepaid sa cellphone at pagpanaw ng ating mga kuko.
Ang baril, para masupil ang mga tarantado sa ating mundo. Pero pang-muder din ito. Ang needle, nagagamit panahi, pero nagagamit ding panusok ng mata. Ang utot, para lumuwag ang tiyan, para pabahuin ang kuwarto. Ang lubid, panali ng bagay-bagay at pambigti. Ang upuan, para meron tayong pansalo ng puwet, pero puwede ring ipukpok sa ulo ng makukulit na bata. Ang eroplano, for easier transpo, at pampa-bring down ng Twin Towers.
KAYA SANA LANG, ma-realize ng baklang si Sen. John Osmena na ang cellphone na dapat nating ipagpasalamat umano sa kanya ay meron ding masasamang naidudulot.
Kahit na-o-overcome ang distances when it comes to communication, napapadali din ang operasyon ng mga kriminal at terorista dahil sa mga selepono. Kahit puwedeng gamitin ang mga ito bilang mga alarm clock at bilang vibrator sa ibang mga babae, nagagamit din ang mga itong pampukpok ng ulo ng mga makukulit na bata.
Things I Pondered In High School
Siguro karamihan sa atin ay mas gusto ang hayskul. Ngunit ako, mas nasisiyahan ako sa kolehiyo. Hindi sa ayaw ko sa hayskul, ngunit mas nasisiyahan nga ako sa kolehiyo, ano ba. Kulit ninyo.
Ulanin ng pansin ang mga letratong ito na galing noong panahon ng aking hayskul:
Naku! Huli kayo! Naghihipuan ng puwet habang nagba-basketbol! Tsk tsk. Gagawin pa man din habang nakatalikod ang referee.
Naalala ko dati, tinanong ko sa sarili ko kung ano ang sense ng basketbol. Nag-aagawan ng bola para i-shoot sa net. Pero noon iyon. Hindi ko na ito pinag-iisipan ngayon. Kaya nga sports eh.
Naku! Huli din kayo! Public display of lampungan. Ginagawa pa man din habang nagpapa-class picture. Sayang, di natin nakuha ang actual na lampungan.
Class pictures. Kumpleto ko pa simula first year hayskul. Pero ang mamahal. Singkwenta bawat isang picture. Tsk tsk. Paimbestiga ko kaya kay Mike Enriquez.
Girl 1: "Pasilip ng boobs mo... Wow, ang laki. Tignan mo ang akin, panis na."
Girl 2: "Pakipot ka pa. Tignan mo nga ang boobs ko, parang siopao na walang karne."
Lesbiyanismo. Alin ang mas mahirap maamoy: ang lalaking bading ng patago o ang babaeng tibo ng patago?
Love triangles. Marami nito noong hayskul. Tignan niyo naman itong nahuli namin. Habang napapa-class picture.
[Sa mga taong nasa pictures, peace tayo. Alam niyo namang for fun lang, di ba? Atsaka ayaw niyo nito, sikat na kayo! At sa mga taong nagbabasa, huwag maniwala sa mga sinasabi ko. Ako ay incredible, i.e., hindi credible.]
Sabog na entry about Politics
Kanya-kanya lang, ha? If I were to vote (hindi pa puwede kasi minor pa lang ako), I would vote Gloria Macapagal-Arroyo for President. But should Ping Lacson or Raul Roco win, okey lang din sa akin.
If I were to send a Presidentiable to the asteroid belt, it would be Fernando Poe, Jr. Recently, naglatag siya ng plataporma. 1) Pangmatagalang kapayapaan. 2) Permanenteng hanap-buhay. 3) Mas mababang presyo ng gamot. Ang vague, hindi ba? Sana sinabi niya kung paano.
Kung Vice-President naman ang usapan, no comment.
Kung Senators naman, sure akong kasama ang mga ito sa mga iboboto ko: Miriam Santiago at Mar Roxas. Kung may Senatoriable na puwedeng ipalamon sa mga Great White Shark sa Pasipiko, siguro si Jinggoy Estrada (na nakikipag-telepathic communication kay Erap doon sa ad niyang mangiyak-ngyak siya) at si Lito Lapid.
Share ko lang. Iyan si Ping:
Aangat aangat bayan natin gaganda gaganda kabuhayan din kung si Ping kung si Ping ang pangulo natin buo ang loob walang takot Ping Lacson Ping Lacson tulad ng Singapore Malaysia Thailand aangat aangat bayan natin kung si Ping kung si Ping ang Pangulo natin buo ang loob walang takot iyan si Ping iyan si Ping.
(Si Lagsh ay nagbabalak na mag-Law balang araw, pero subject to change pa iyon, dahil lumalaban pa ang ambisyon niyang maging kalaban ni Jay-R sa Pinoy RnB. Aminado si Lagsh na mas magaling siyang sumayaw kaysa kay Jay-R.)
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN FLUX THEORY OF GRAVITATION ::::::...
Lahat ng bagay sa mundo ay may fractal structure. Halimbawa, sa universe: Ang moon/satellite, iniikutan ang planeta; ang planeta, iniikutan ang araw/bituin; ang bituin, iniikutan ang sentro ng galaxy; ang galaxy, iniikutan ang sentro ng mother galaxy; and so on. Isa pang halimbawa: ang puno ay may trunk, na tinutubuan ng branches, na tinutubuan ng stems, na tinutubuan ng twigs, na tinutubuan ng maliliit na veins, na nagfo-form ng leaves. Pati mismo ang anatomy ng tao ay may fractal structure.
|
--> April 04 <--
|