 |
APRIL 28, 2004
Moment's Soundtrack: Don't Tell Me - Avril Lavigne
Emotional Status: Getting impatient
Brain Content: Naaadik yata ako masyado sa Internet.
|
When idiots ask for it, give it to them
Grabe na ang nadadala ng summer heat! Meron isang nagtag sa tagboard ko, tila nasobrahan ng init sa utak. Nagmukha tuloy idiot. Reply-an ko lang isa-isa, ha? Warning: Lagsh's harsh side on the loose again (yung first time ay noong kay Joebert Perez, na Kapamilya din na may hugis-pasas na utak).
Now, Mr. Kanguso/Low Logic (alam ko isang tao ka lang; kung hindi, pagsabayin ko na rin kayo.):
ang kapal ng mukha mo... lalaban laban ka sa peyups... kapal mo... columnist ka lang akala mo na kung sino ka sa peyups. pwe!
Ang cute-cute mo talaga. Not to mention, TANGA. Anyway, kolumnista man ako o hindi, wala akong pakialam. I'll express my opinions whenever I want to. Pero of course, yung akin, may basis at logic. Siyempre, kahit Peyups columnist ako, hindi naman ako exempted sa Posting Guidelines. Yung sayo, purong kasusuan ng pag-iisip.
obvious ba!? kaya hindi pinagbayad yung ale dahil walang barya!? alangan namang kunin yung 50 ng walang sukli ano!? tanga!
Eh tsiboboinks to the second power ka pala eh. Una, sinabi ko na na hindi ako seryoso dun. At hindi ko isinulat yun out of katangahan. Sinulat ko yun out of THINKING (which is something you least likely do). Na-discriminate ako in a way na kung P50 na buo din ang ibinayad ko kay Manong, malamang nakalibre din ako. Ang cute-cute mo rin.
kapal mo eh GMA7 advocate ka, nonood nood ka ng SCQ! kung pamukhaan mo kaming mga nsa peyups para kang hindi nanonood ng shows ng ABS!
NYAHAHAHA! Kahit GMA advocate ako (in one word, Kapuso), hindi ako GMA madman. Atsaka wala akong sinabing nanonood ako ng Star Circle Quest ng todo. Sabi ko lang, sinusuportahan ko si Hero at si Sandara. I have glimpses of the show pero hindi ko tinututukan. And to add, hindi talaga ako nanonood ng ABS, except kung may type akong segment na panoorin. Ang madalas kong panoorin ay MYX, MTV, NGC, Animal Planet, Cartoon Network, at Discovery. Ikaw talaga. Ang tanga-tanga mo talaga kahit kailan!
Atsaka kung ganyan din lang ang paniniwala mo, bakit hindi mo kinakastigo ang mga IBA (in other words, SOME) mong fellow Kapamilya sa Peyups na kung makaasta ay ABS advocate, eh sumusulyap-sulyap din naman sa GMA. :p To fill up your brain with some information, I am not anti-ABS-CBN. Against lang ako sa mga anti-Kapuso na walang basehan ang mga pinagpuputak.
magsalita ka! lumaban ka!? ngayon mo ipakita ang chatting power mo!
WAHAHAHAHA! Chatting powers daw o. Ano kaya yun? May superhero bang may ganung power. Anyway, hindi po chatroom yun. Tagboard. Tanga-tanga mo talaga. Siguro nung bata ka ay wala ka ng ginawa kundi magtambling kaya nagka-criss-cross-criss-cross yang mga ugat mo sa utak. Or kung may utak ka man.
eh gusto ko eh... magagawa mo?
Nung tinanong siya kung bakit siya nagwawala sa site ko, ito ang sinagot niya. Eh kung puwede mo palang gawin ang gusto mo, so bakit hindi mo ako hayaan sa mga ginagawa ko? ANG TANGA-TANGA mo talaga. Kung may prutas o gulay na ang pangalan ay TANGA, siguro pinaglihi ka sa prutas na iyon. Kung lahat ng tao may equivalent na word sa dictionary, siguro IDIOT ang ka-equivalent mo. NYAHAHAHAHA! :p
...
Reflection time!
Ito po ay blog ko. Ang mga taong welcome dito ay mga taong 1) mahal ako, 2) no comment lang sa akin, at 3) kunwari mahal ako. Kung wala ka sa isa sa mga ito, ganito ang aabutin mo. Pangalawa ka na. Ang una ay si Joebert Perez.
And may I say it for the last time: ANG TANGA-TANGA mo. At kung puwede magpakilala ka, hindi yung patago-tago kang parang duwag. Ang tanga-tanga, ang tanga-tanga, ang tanga-tanga ng Bulaklaaak... NYAHAHA!
...
Iyan, tapos na. Balik na ako sa sarili ko. =)
Presenting...
Visionary [tag-ulan] Coming soon... May 1.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN NATURAL SCIENCE ::::::...
Ang mga nakikita nating bituin sa langit kapag gabi ay thousands or millions of years ago pa. In short, we see the past in the night sky. Maaaring ang mga bituin na nakikita natin sa gabi ay depleted na sa present. Ang dahilan: it takes many light years bago makarating ang light ng star sa mundo natin, so mega-delayed ang nakikita natin sa night sky. Additional info: ang nakikita nating sun ay 8 minutes na late. "We can see the past after all."
|
 |
APRIL 25, 2004
Moment's Soundtrack: Harana - The Akafellas
Emotional Status: Tsk!
Brain Content: GMA7-ABSCBN netforum warfreaks should try suicide.
|
Star-studded Entry
Alam ninyong lahat na si Lagsh ay isang taong ma-showbiz. Ang dahilan ay hindi pa natin alam. Matagal na rin akong nanahimik tungkol sa showbiz, kaya ang entry na ito ay magiging ma-showbiz.
Star Circle Teen Quest. Hindi ako nanonood nung Kid Quest eh. So anyway, ang bisyonaryong inyong lingkod ay sumusuporta sa dalawang Questors na ito:
Si Hero Angeles po ay isang Iskolar Ng Bayan (siyempre, suportahan ang kaeskuwela!) na kumukuha ng Advertising sa College of Fine Arts. Bago pa siya sumabak sa showbiz ay ka-close na niya si xeean na nakaklase niya sa PE.
Si Sandara Park naman ay isang Koreana. Nakakatuwa siya. Nakikita ko sa kanya ang character ni 2003 MTV VJ Hunt Finalist na si Alia. Parang innocently wacky. (Or parang innocent lang dahil hindi expressive ang eyes ng mga chinito't chinita kapag hindi malapitan.)
Wala akong ma-okray dito sa SCQ na gaya ng panlalait ko kay Rainier, ngunit heto lang: si Errol ay naliligaw ng Quest na sinalihan. Parang dapat sa Kid Quest siya. O kaya sa isa pang segment na siya na ang ultimate winner: Star Circle Transition-Between-Childhood-And-Adolescence Quest. Ni wala pa yatang buhok sa kili-kili ito eh. Pero may K siya sa drama.
 Mula diyan, mag-move on naman tayo sa Starstruck Kids. Sa mga boys, hati ang suporta ko kay Uno (to ding your memory, siya yung bata doon sa Bibbo hotdog advertisement) at kay Kurt. Parang yung suporta ko kay Mark Herras at kay Christian Esteban ng Starstruck noon. Siguro kung ipoposiyento, 60% na bet ko si Uno at yung tirang 40% ay para kay Kurt.
Ito si Sam. Kahit, err... hindi siya artistahin sa pagmumukha, smart kid. Si Sam ay isa mga taong hindi biniyayaan ng pisikal na kagandahan, ngunit na-compensate sa hindi pisikal. Next Aiza Seguerra daw. Magiging lalaki din kaya si Sam paglaki katulad ni Aiza?
Sakaling hindi siya manalo as Starstruck Kids Ultimate Female Survivor dahil sa pagmumukha, wala pa akong napupusuan, pero I find Shamel pretty. Maobserbahan nga one time kapag nanood ako ulit kung may potensiyal siya.
Tungkol naman sa mga Starstruckers, ibabalita ko lang na lalabas na ang album ni Jennylyn next month. Hindi ako tiyak kung maganda, pangit, o jologs ang album, (may track daw na duet sila ni Janno Gibbs) ngunit dalawa lang ang sigurado ko: 1) aabangan ko ang album niya at 2) mas magiging maganda ang album niya kung ako ang executive producer.
Hindi ko rin alam kung si Mark o si Jennylyn o silang dalawa, pero hinihintay ko ang binabalitang commercial na ginawa nila. McDo yata.
Si Rainier, hayun. Panira sa SOP Barangay Front Acts. Si Nadine, jusko po. Bakit si Oyo Boy??? Si Christian ay nasa every-Saturday good news program ni Love Anover na 'Lovely Day,' ngunit hindi pa ako nakakapanood ni isang episode nito dahil may pinupuntahan ako sa morning every Sabado.
The Calling. May album na silang bago at ang carrier single nila ay 'These Are The Days.' Si Alex Band, ang bokalista, ay kinaiinggitan ko dahil sa kanyang boses.
Si Alex ay nasa list ko ng male-singing-voices-na-gusto-kong-maging-akin-din. Ang iba: Josh Groban, Jay-R, Mahlik, Karl Villuga (Akafellas), "Pretty Boy" (Akafellas), the tall semikalbo Jay-R look-alike Akafellas member, the two newest members of South Border, at Usher. May iba siguro akong nakaligtaan.
So iyan muna ang mga kashowbizan na ilalathala ko.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN TV ::::::...
c/o Partners with Mel T. (GMA7). Kung kinakarir mo ang pagwo-workout ng iyong mga muscles, kumain ng maraming protein. Suggestion ni Jordan Herrera, yung puti ng itlog ang papakin dahil purong protina daw iyon. Huwag ang pula (na kulay dilaw).
|
 |
APRIL 24, 2004
Moment's Soundtrack: Sound Illusion - Akafellas
Emotional Status: Longing
Brain Content: I officially remove my hats off for The Akafellas.
|
I Was Discriminated
Noong isang araw, nakaranas ako ng Discrimination. Isang matandang driver ng public utility vehicle AKA dyip ang nag-commit ng naturang diskriminasyon.
Sumakay ako sa dyip niya. Ako lang mag-isa ang pasahero. Nakaraan ang mga seven minutes ng paghihintay niya ng iba pang pasahero, ngunit wala pa rin. Kaya naman umarangkada na ang drayber patungo sa rutang kailangan tahakin ng kanyang behikulo.
"Psst," bulong ko sa drayber na amoy matanda, "...bayad po." Apat na baryang piso ang binayad ko.
Noong nandoon na kami sa bandang may 7 Eleven Store, may sumakay na may edad na babae. Buntis. May dalang payong. Kung may putok siya o wala ay hindi ko na alam. Mas lalo ko nang hindi alam kung siya ay tibo o hindi. At pinakalalo ko nang hindi alam kung pro-Ja-Ja-Ja-Jamby Madrigal siya o hindi. Ngunit isa lang ang tiyak ko: hindi na siya virgin, dahil buntis na siya.
Anyway, nagbayad ang babaeng impregnated. P50.00 ang binayad niya. Kinuha ko. Inabot ko sa drayber. "Pssssssssst..." bulong ko ulit sa tainga ng nagmamaneho, "bayad daw."
Nag-pause for a while ang drayber para mag-emote. Naalala siguro ang kanyang kabataan. "Misis, wala ho ba kayong barya?"
"Wala po eh," tugon ni babae.
Speechless ang drayber. Hanggang nakarating kami sa may Jollibee, kung saan bababa ang babae, "Diyan na lang po, manong," sabi ng buntis, "Yung sukli ko po?"
Binalik na lang ni manong ang P50.00 ng buo. "Wala po akong panukli eh."
"Ganun po ba? Thank you na lang po."
Ako ay na-discriminate. Por que ba barya ang meron ako, kailangan kong magbayad? Bakit yung sa babae, libre? Unfair. Hindi ba dapat ang may barya ang hindi na papag-bayarin kasi barya na lang? Kaya naman hindi umaasenso ang Pilipinas eh.
Mga Isyu Tungkol Sa Akin
Kaklaruhin ko lang sa mga tao: Hindi totoo na nasa States na'ko. False alarm. Kaya tama na iyang mga sabi-sabi tungkol sa akin. Daddy ko lang ang pumunta doon. Caregiver siya sa parang home for the aged.
Noong mahaba pa ang buhok ko, hindi rin totoo na nagte-take on ako kay Rainier. Ngayong medyo pinaliit na ang buhok ko, hindi rin totoo na nagpapaka-Dion ako tuwing diyini-gel ko. Tuwing hindi naman naka-gel ang buhok ko at may bangs-bangs effect, hindi totoo na ginagaya ko si Star Circle Quest Magic Circle Of 10 Member na si Hero Angeles.
Sa mga nakakaalam ng tunay kong pangalan, hanapin ninyo ang pangalan ko dito sa website na ito. Pero sabihin ko na rin tunay kong pangalan: Jason Laxamana.
Kapag bored ako, habit kong mag-search ng kung anu-ano sa Google tungkol sa akin. Praning ako eh. Ang mga natagpuan ko na significant, ang website na ito kung saan naisambit ng may-ari na type niya ang Childhood Sweetheart Trilogy ko. Sayang hindi niya kilala ang nagsulat, hehe.
Nais ko rin pasalamatan si Camille, dahil kinumpleto niya ang araw ko noong Miyerkules sa kanyang nakakatabang-pusong papuri sa akin sa kanyang blog. Iyong April 20 entry niya. Maraming salamat talaga. =)
Sa mga YM people naman na nakita ang status ko na tempest_jaz is a member of The Akafellas, pinag-uusapan pa ng mga manager namin ang pinakamainam na puwedeng gawin.
At ang mother of all issues tungkol sa akin-ang MFAQ (Most Frequently Asked Question)-ang edad ko ay hindi 18, hindi 30, at mas lalong hindi 40. Sweet 16 pa lang talaga ako. Sa Martial Law anniversary this year ako magse-17.
Nakaranas ako ng First Time (For Adults Only ulit)
So ganun pala iyon. First time ko eh. Hmm...
Noong Miyerkules, maluwalhati akong nakikipag-chat sa Yahoo! Messnger sa mga nightshift na employees na sina Maricel at Abel, nang may nag-BUZZ sa akin. Hindi familiar ang kayang username. So iyon, ASL. Tubong America siyang babae.
"So how are you doing?" tanong niya.
"I'm getting bored with this summer vacation."
"Good. I was getting kinda horny. :)"
TRIVIA: Ang salitang 'horny' ay may interesting na source. Noong mid-18th century, ang isang erection ay tinatawag na sungay (horn), dahil nagre-resemble siya ng horn. Dahil doon, kahit sinong lalaking nagkakaroon ng erection ay tinatawag na horny, at unang na-record ito noong 1889. And the rest was histology. Kung paano nag-a-apply ang salitang horny sa mga babae ay hindi ko alam.
AAAHH... Cyber-sex na 'to, inisip ko. Isa pong babala sa mga masugid kong taga-basa: wala pa akong experience sa cybersex at hindi pa ako nakakakita. Kaya out of curiosity, "mapatulan nga kung ano ba ang ginagawa sa cybersex," sambit ko sa aking sarili.
"So why don't you take off your pants slowly while I get out of these red panties?"
The moment na sinabi niya ito, iniwan ko na siya nun ng basta-basta ng walang paalam. CORNY! Corny eh. Walang originality. Walang pinag-iba sa mga porn films tulad ng Legally Blonde.
Na-sense ko na na iyon ang tipo ng porn flick na puro "whoa," "aaahh," "oh yeah," "[moan]," at iba pang kaplastikan na feeling ng orgasm.
Porn films are boring. Nakakasawa na. For fifteen minutes, nakatutok lang sa isang shot. Taas-baba-taas-baba... Forever na ganun. Para akong nanonood ng Animal Planet. Tapos, sa next fifteen minutes, palit posisyon na naman. Taas-baba-taas-baba-[moan]-[oh yeah]-taas... Fifteen minutes na naman na ganun lang. Titigil lang kapag-
Ops, tama na. Mga bata pa kayo.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN TV ::::::...
c/o Moments (Discovery Channel). Noong unang panahon, isang meteorite ang sumalpok sa daigdig nating mga taga-lupa, na kumitil sa buhay ng mga dinosaurs (except ang Crocodile and the like). Posibleng mangyari ulit ang pangyayaring iyon, kaya naman itinayo ng USA sa isang bundok sa Hawaii ang NEAT (Near-Earth Asteroid Telescope) na siyang nag-iinspect ng heaven for meteors na puwedeng mangahas na mag-trespass sa ating mundo. Titirahin ng missile ang trespasser na ito. Hindi pa tiyak ang side effects ng radiation, atbp. na dudulutin ng pagsabog.
|
 |
APRIL 20, 2004
Moment's Soundtrack: The Reason - Hoobastank
Emotional Status: Hmmm...
Brain Content: May dimples pala ako, haha!
|
Usapang S: For Adults Only (ngunit ang awtor ay minor pa)
Marami ang mga adjective na ang form ay rootword + suffix 'y'. Tulad na lamang ng wealthy. Ibig sabihin ng wealth ay kayamanan. So ang mayaman, wealthy. Ang star, kapag dinagdagan ng suffix na 'y', ay magiging starry, na ang ibig sabihin ay ma-bituin.
Kung mapapansin ninyo, laging may kinalaman ang root word sa adjective na nafo-form kapag dinadagdagan ng 'y' suffix. (Related ang wealth sa wealthy o ang star sa starry.)
Ngunit may word na medyo nagi-istir ng kontrobersiya. Tulungan ninyo akong i-resolba ang suliraning ito, para bayan ang maging bida.
Sexy .
Kapag binanggit na ikaw ay sexy, ibig sabihin ay maganda ang hubog ng iyong katawan. Ang body mo ay pang-beach o pang-model. Ang body mo ay gustong makuha ng mga ambisyosong kabataan. Ang body mo ay gustong tikman ng mga matrona't bading. Kung naman specific ang pagkasabi, tulad ng "sexy lips," ibig sabihin, there's something in your lips na nakahuhumaling.
Pero ano ba ang rootword ng sexy? Tumpak. Omit lang ang suffix: Sex.
...Hep hep hep hep! Kontrobersiya, hindi ba?
Dalawa ang puwedeng depinisyon ng sex. Pansinin ang dalawang tanong na aking handog. Ano ang sex mo? Ang sagot sa tanong na ito ay either male o female. Nakikipag-sex ka ba? Ang sagot sa tanong na ito kung si John Osmena ang tatanungin, ang sagot niya ay always, with callboys.
So paano natin ire-relate ang sex sa sexy? Pumili ka:
[1] Sexy, as in umaalingasaw ang sex mo (pagkalalaki/pagkababae) sa hubog ng iyong katawan (ito ba yung tinatawag na sex appeal?). [2] Sexy, as in enjoy kang maging sexmate ng mga tao dahil sa ganda ng katawan mong taglay. Sana i-share niyo ang inyong pananaw.
As an extroduction, let me relay this final message to you.
Um... Nakakita na ba kayo ng airsex? Tama, airsex. Sex done in the air. Airborne intercourse. Kant*tan sa ere. Madalas, sa may garahe namin, nakaka-witness ako nito. Dalawang insektong lumilipad na magkapatong (dog-style, male on top). Okey sa awright, hindi ba? Kapag naglalakad din ako sa subdivision, minsan nakakakita ako ng mga lalaking ibon na "sasakay" sa likod ng mga babaeng ibon na lumilipad, para siguro indiyeksiyunin ng semilya.
Someday siguro, makaka-imbento ang human race ng something para maranasan ang airsex.
FPJ at Ping Lacson, Txtm8s na
Mas mainam na ang komunikasyon nina FPJ at Sen. Ping Lacson dahil simula noong nakaraang linggo, silang dalawa ay ganap na textmates na.
Tayo ay nag-imbestiga. Pumunta ang research team sa telecommunication company kung saan naka-subscribe ang cellphones ng dalawang Pangulo-wannabes upang maka-scoop sa napag-usapan nilang dalawa. Heto ang naturang pinagti-text nila sa isa't-isa:
Ping to FPJ:
i MISS the laughs
i used to get from YOU,
i MISS the talks
WE used to have
i MISS the way
that YOU make me SMILE
& above all this..
i juz Simply MISS u!
FPJ to Ping:
kHit wLa ka, sumSiKat and aRaw
tumtiBok ang puSo, uMiiKot ang munDo
kht wla k, pTuLoy p rn ang buHay
peRo nDi aKo kumpLeTo
...
Kung waLa ka
Ping to FPJ:
Mind ng mga Presidentiables:
GMA - economic mind
Bro. Eddie - Godly mind
Eddie Gil - crazy mind
Roco - educational mind
Ping - master mind
FPJ - never mind
FPJ to Ping:
Mga Presidentiables
GMA - walang isang salita
Roco - puro salita
FPJ - hindi nagsasalita
Bro. Eddie - pag nagsalita, may himala!
Ping - pag nagsalita ka, patay ka!
Ping to FPJ:
Pakyu (,")
FPJ to Ping:
Pakyu ka rin =P
Ping to FPJ:
Tambangin niyo na si Bro. Eddie.
FPJ to Ping:
Huh???
Ping to FPJ:
Oops, wrong send, ahihi
FPJ to Ping:
Haha! Kala ko pra sakn. Cge, 2log na me. Nyt nyt. Mwah ;)
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN TV ::::::...
c/o Predators (Animal Planet). Nakakadikit ang butiki sa salamin dahil meron itong something sa paa na nagpo-produce ng natural static electricity. May certain something sa salamin na nagre-react sa static electricity, kaya in result, nakadidikit ang butiki sa dingding na made up of glass. Mataray, hindi ba?
|
 |
APRIL 19, 2004
Moment's Soundtrack: Naughty Girl - Beyoncé
Emotional Status: Self-hating
Brain Content: Mahal is a freakin' lustful freak of nature!!!
|
Pipol
Hanapin ang similarities ng mga taong ito (L-R: Madonna, Mar Roxas AKA Mr. Palengke, Gareth Gates):
Nahulaan niyo ba? Alam natin na pare-parehong may mga pangalan (as in pangalan!) ang mga ito. Mga celebrity. Ngunit ang tunay na similarity ng tatlong ito ay ito:
Ito ay isang sakit na ang tawag ay Diastema. Ayon sa Your Perfect Smile, "A diastema is a distinct space between the two front teeth seen on many people including such famous personalities as Madonna and David Letterman. It is a personal decision to either close the space completely, or simply improve the shape and position of the teeth while retaining that special aspect of the smile that most distinguishes you."
So far sa aking buhay, wala pa akong nae-encounter na mga taong ganito. Ngunit naka-encounter na ako ng mga taong may Dwarfism (sakit ni Mahal, Mura, at Dagul-mga taong "once a freak of nature, always a freak of nature").
Share ko lang:
Alam ko it's not my business, pero lately nababanas ako kay Mahal. Parang lumaki ang ulo. Naging vain. Naging feeling. Palagay ko, si Mahal ay nasa Stage of Denial pa. Hindi pa niya tanggap na-masaklap mang tanggapin, pero totoong-totoo-isa siyang distorted freak of nature.
Pero buhay niya iyon. Mas may pera siya kaysa sa akin. Hindi ko siya puwedeng gawing object of downright comparison (ito ang tendency nating ikumpara ang sarili natin sa mga taong may worse case gaya ni Mahal para makaramdam ng self-enhancement) kasi mas mapera siya. Sikat pa.
Pero come to think of it, mas satisfied na ako sa sarili ko (ngunit hindi pa rin ako contented, take note!) kaysa matulad kay Mahal na mapera nga at maluho, freak of nature pa rin. So I take it back: puwedeng gawing object of downright comparison si Bb. "Mahal" Teorero.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN TV ::::::...
c/o Kay Susan Tayo, GMA 7. Hindi totoo ang pasma. Puwedeng-puwedeng basain ang sarili kahit physically pagod. Ang pamamawis ng palad ay isang sakit na ang tawag ay Hyperhidrosis. May malfunction sa sweat glands. Ang gamot dito ay pagpahid ng Aluminum Chloride every night. O kaya naman ay paopera ka sa utak at pagamot ang parte na responsible dito.
|
 |
APRIL 17, 2004
Moment's Soundtrack: Run - Kitchie Nadal
Emotional Status: Empty
Brain Content: What if kaya kung hindi ako naging ako???
|
Ngayon lang ako magda-drama, pagbiyan niyo na
Nag-rant na ako dati tungkol dito, pero reiterate ko lang: my life is so not interesting.
I am an abnormal kid. An abnormal boy. Hindi ako ang lalaking makikita mong nagba-basketball sa b-ball court malapit sa amin. Hindi ako ang lalaking may maraming pakialam sa WWF, sa mga kotse, o sa mga rubber shoes.
I have friends, both male and female, but none I can call very close friends. Hindi naman sila ang problema. Hindi rin ng kurakot na gobyerno. Ako ang problema, ngunit ang mali ko ay akin pang tinutuklas. Ang teorya ko sa ngayon ay ang aking mega-introvert personality-wala akong gustong sabihan ng kahit anong impormasyon tungkol sa akin (in real life, kasi online, madaldal ako).
Obvious ba na ang mga kuwento ko dito (except yung about dun sa WOW Hilaga atsaka yung Tambayers, once in a blue moon lang iyon) sa blog ko ay puros tungkol sa akin at sa aking mga pananaw?
Kasi nga boring ang buhay ko. Walang bahid ng social activities. Eksplanasyon ito kung bakit mahilig akong magsulat ng fiction. Madalas, ang mga karakter ko sa aking mga kuwento (except si Yubs) ay mga taong gusto kong sana naging ako. Yung personality nila. Halimbawa, si Mickey. Madalas siyang sabihan ng mga problems ng mga tao, especially ng mga babae. Everybody's chum. Tunay nga, siya ay normal.
Siyempre, palalampasin ba natin si Jason ng Childhood Sweetheart III? Hehe, malayong maging ako ang karakter ko sa kuwento kong iyon. Although hindi tayo nagsasalita ng tapos, sa ngayon, hinding-hindi ako ganun.
May symptoms din ako ng Paranoid personality disorder. Na nagre-result na rin sa pagkakaroon ko ng tinges of Avoidant personality disorder. Paranoid, kasi ayokong magsabi ng kahit ano, kasi baka akalaing corny, weird, walang sense, o ano pa mang kapangitan. Dahil dito, Avoidant ako. Gustung-gusto kong makipag-socialize, pero hindi ko magawa, dahil sa pagka-praning ko.
Ngunit may mga times na kaya kong maging "iba" sa tunay kong sarili. Kaso mahirap. Para bang anytime, puwedeng mag-run out ang baterya ko.
Although kumpirmado ng ibang mga tao na okey ang mga hirit ko (sabi ng Atenista kong friend na si Pyuree, I never fail to be funny and make him laugh), meron nga akong psychological disorder: half-hearted lang ang pagtanggap ko na okay nga ang mga hirit ko. Weird, di ba? Abnormal kasi eh.
Currently, shut up lang ang cell phone ko. Walang nagti-text or kahit ano. Marahil alam niyo na ang explanation. Kaya naman nabigla ako nung isang gabi: tumawag ang elementary best friend kong si Darvie (noong high school medyo nag-drift apart kami ng circle of friends kasi naging abnormal ako, pero magkatoto pa rin naman kami). Nangamusta. Nakipagkuwentuhan. Nakibalita sa buhay ko.
Haha! I'm making a big fuss about it. Siguro sa inyo, normal lang iyon; hindi ko dapat pagtuunan ng ganito karaming pansin. Pero ang pagtawag ng isang tao sa akin para mangumusta lang at makipagkuwentuhan ay exotic sa buhay ko.
Ang normal sa akin regarding telephone calls, iyong mga tumatawag para magtanong tungkol sa school, etc. Yung may bahid lagi ng pangangailangan sa mga hindi personal na bagay.
Pero kasalanan ko rin siguro. Never din naman akong tumawag sa mga tao para mangumusta o makibalita sa buhay-buhay, o mag-share ng personal na problem. Bakit ayokong mag-share ng problem? Teorya ko, pride and independence. Ayokong mag-consult kahit kanino, kasi feeling ko kaya ko. Dapat kaya ko, kung hindi, weak ako.
Uy alam mo, nagtampo sa akin si [name]. Pagbatiin mo naman kami.
Isa itong linya na never kong sinabi sa buhay ko.
O, kumusta na yung [pangyayari involving person]?
Nagawa ko na ito one time, pero hindi natural. Gusto ko, natural. Yung tipong reflex na dapat sa katawan ko. Automatic. Hindi yung pilit. Kung bakit madalang kung ginagawa ito ay may sira sa utak ko na laging nagsasabi, "Huwag mo ng pakialaman. Wala ka naman magagawa."
Hindi niyo rin ako makikitang nagdadrama ng ganito sa totoong buhay. Pero ito nga ang silbi ng blog, di ba? Outlet of hidden emotions.
Many have said that to be happy, you should BE YOURSELF. Paano kung hindi ka masaya as yourself? Should you change, or should you wait for people to understand you and accept you as you are?
(Si Lagsh po ay nabigyan ng pag-asa sa sarili nang malaman niya na sa edad niya ngayon na 16, normal lang na magkaroon ng krisis sa personality. Later on in his life, may chances of change pa. Yay.)
Grades ko, Finally!
Kinain ko ang sinabi ko about dun sa Comm II prof ko na nagbibigay ng highest na 2. Additional pa kung lalaki kang may hitsura. May nakalimutan akong sabihin. Nagbibigay ng 1.75 ang prof na iyon if and only if magaling ka sa paningin niya.
Nakuha ko na ang mga grades ko lahat. I-tally natin, first sem and second sem.
1st Semester:
PE 2 (Theoretical) - 1.0
Communication 1 - 1.5 (highest ako dito sa lahat ng freshies!)
Social Science 2 - 1.25
Mathematics 11 - 2.0 (waterloo eh)
History I - 1.25
Average: 1.4 (University Scholar)
2nd Semester:
PE 2 (Running) - 1.0
Social Science 1 - 1.25
Mathematics 1 - 2.0 (waterloo ulit eh)
History II - 1.75
Psychology 101 - 1.5
Communication 2 - 1.75 (ibig sabihin, either magaling ako sa kanya, or guwapo ako, hahaha!)
Average: 1.65 (College Scholar)
Nyehehe. So far, so good. Ang kailangan ko sa paglipat sa Diliman na average ng 1st at 2nd sem ay 1.75 (for Broadcast Communication). Ang akin, 1.525! So pasok na pasok!
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN NATURAL SCIENCE ::::::...
Hindi tulad ng Earth, ang surface ng Jupiter ay walang distinct transition ng gas at solid particles. Ibig sabihin, kapag may pina-landing kang shuttle sa surface ng Jupiter, tatagos lang ito pababa. Sa earth kasi, kitang-kita ang distinction ng lupang ating tinatapakan sa empty air. Sa Jupiter, hinding-hindi. Parang from air, super unti-unting nagiging solid as you go deeper the surface.
|
 |
APRIL 15, 2004
Moment's Soundtrack: My Neck My Back - Khia
Emotional Status: Cussing
Brain Content: Must... transfer... to... UP... Diliman...
|
Nakuha ko na ang grades ko
Nakuha ko na lahat ang grades ko, except yung sa Comm II, para sa 2nd sem. Mabababa ang grades ko kumpara noong unang semestre. Kaya sigurado nang hindi na ako University Scholar.
Ang naturang pagbaba ng mga marka ay marahil dulot ng pagkawala ng aking gana sa pag-aaral. Paano naman kasi, nababato ako sa UP Pampanga. Hindi dahil wala akong kaibigan, kundi dahil nakakasawa ang lugar. Promize. Kaya nga ako lumilipat ng Diliman para mas may malisya ang buhay.
Ang ganda ng pattern ng grades ko. May 0.25 intervals. Simulan natin sa pinakamababa (although Comm II ang sure akong pinakamababa, kaso ayaw pang ibigay nung teacher kong mabagal pa sa hustisya sa Pilipinas kung mag-compute ng marka).
PE 2 - Running. Chicken! Bawat meeting, brisk walk/jogging ka lang ng 2 rounds, yari na ang iyong misyon. Kaya naman ang aking grade: Uno.
Social Science 1. Religious yung teacher namin dito, kaya kailangan ng GMRC. Meron naman ako nun. Nagpapa-participate pa ako madalas sa mga discussions. Nope, hindi ako umeepal sa klase. Sadyang kapag may questions siya (na madalas ay mind-boggling, tulad ng 'Hanggang saan ang dapat mong pagpantasyahan sa iyong ka-date?'), isa ako sa mga taong madalas niyang gustuhing mag-recite. Kaso yung mga exam grades ko sa kanya hindi ganun kataas, kasi nga tinatamad ako. Kaya ang grade ko, 1.25.
Psych 101. Okey lang. Nagpa-particpate naman ako. Wala naman akong bagsak na exam. Kumbaga, I did not do excellently, neither did I treat this subject irresponsibly. Kaya ang grade ko, 1.5.
History II. Putcha! Feeling ko yung prof ko dito naglalaro siya ng dart kapag nagbibigay ng grades. Halimbawa, ikaw na ang bibigyan niya ng grade. Titira siya ng dart sa dartboard. Kapag nag-landing sa 2.0, yun na ang grade mo. Ako? Nakuha ko 1.75. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT. Yung midterms, 53/70 ako. Isang beses lang akong na-absent. Maayos naman akong nag-report. Nag-submit ako ng take home exam (na hindi niya tsinek, dahil marahil TAMAD siya). Oh well, ang grade ko: 1.75.
Math 1. Kahit maka-tres ako sa subject na ito, solved na ako. Nakuha ko, 2.0.
Ganyan din lamang ang pattern ng grades ko (0.25 intervals), baka 2.25 ang Comm II ko. Sana. Bali-balita na 2 ang highest na binibigay nun eh. Kung lalaki ka at guwapo ka, puwede niyang taasan. Eh hindi naman tayo guwapo, so expect less.
Sumpong
Lately, sumusumpong na naman ang pagiging ambisyoso ko. Noong Martes, galing kami sa WOW Hilaga ng mga high school kong kaklase. Biglaan lang ang desisyon na pumunta doon. Eh libre, siyempre dukha lang ako't isang jologs, kaya go ako. May free transpo pa! Van. Ang nagda-drive ay yung bf nung manlilibre.
Simple lang naman ang ginawa namin doon. Naglakad-lakad at nanood ng live band, habang tsumitsibog. Nestea lang ininom ko. Hindi ako nag-beer, although nung huli. Hindi kasi talaga ako umiinom (so far; puwede pang magbago in the near future). Pero ang sarap ng Nestea na iniinom ko, kasi hinahaluan ko ng SanMig light. Lasang Cali tuloy ang labas.
Yun, may live band. Everytime na nakakakita ako ng small-time na banda, nag-aambisyon ako na sana ganun ang raket ko habang bata pa.
May audience participation pa man din. May nag-participate na lalaki na humirit ng walang-kamatayang I'll Be. Magpa-participate sana ako, pero mahirap nang makapanira ng career ng iba. Magaling sila, magaling. Basta. Puwede na.
Kanina naman, hindi talaga ako nanood ng noontime variety, pero simula ngayon, aabangan ko na ang Street Boys sa Eat Bulaga. Astig. As usual, umambisyon na naman ako.
Haaay. Hanggang kailan ako mangangarap?
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN EVERYDAY LIFE ::::::...
Hindi lang pagpupuyat ang nakakpag-induce ng pimples. Pati irregular schedule of sleep, nakaka-tagihawat din.
|
 |
APRIL 11, 2004
Moment's Soundtrack: Balisong - Rivermaya
Emotional Status: Disappointed with this new thing I discovered
Brain Content: May pinagkakaabalahan na ako for summer. Buti na lang.
|
Moral Lesson sa Friendster
Ni-tsek ko yung Friendster ko dati at may isa akong mensahe na natanggap mula sa isang babaeng hindi ako familiar. Ganito ang laman ng kanyang message:
[her email address here]. Paki-add naman po ako! Tnx!
Eh sabi ng talent manager ko huwag daw ako basta-basta nag-a-approve ng mga "friendly" invitations mula sa mga tao sa Friendster kasi puwede daw makasira ng career. Bali ito yung ni-reply ko:
Pakipaliwanag po natin kung sino kayo sa buhay ko o kung sino ako sa buhay ninyo, para pare-pareho tayong masaya.
Tapos nag-reply siya:
Grabe nman u. Kung yaw mo, di wag! Tnx na lang!
At ako pa ang grabe! Ang norm na talaga siguro sa Friendster ay kung sinong gustong mag-add sa iyo, walang hinde, dapat i-approve. Kaya ni-reply ko na lang:
You're welcome!
So ano ang moral lesson dito? Bago ang lahat, nais ko munang i-bring up ang argument ko sa sinasabi ng mga English professors and grammarians na ang term daw na moral lesson ay redundant. Redundant nga ba? Ating i-analyze.
Sabi ng teacher ko noon, redundant daw, kasi, ang moral daw, synonym niya ay lesson. Either use moral OR lesson daw, but never moral lesson. Pero may pagka-incompetent ang teacher na yun. Nakalimutan niya yata na ang moral sa moral lesson ay ginamit as adjective, na nagmo-modify ng lesson. Pero hindi ito ang malaking isyu. Pampainit lang, kumbaga.
Heto ang kontrobersiya. Sabi ng isang Comm II professor sa UP Pampanga, never use din daw ang moral lesson dahil-you guessed it-may sala daw itong redundancy. Kasi daw, wala daw bad lessons. Lagi daw good, so redundant na daw ang moral lesson. Parang close proximity daw, kasi ang close, ibig sabihin malapit. Ang proximity naman, pagka-near. So redundant na daw (although hindi rin ako agree na redundant ang close proximity).
Heto ang nais kong ipunto.
Wala nga bang bad lesson? Sabihin na nating wala, ngunit iba ang moral sa good. Look at it this way. Halimbawa snatcher tayong dalawa. Tapos, ikaw, nang minsang sinubukan mong isnatchan ang isang matabang ale, may nakahuli sa iyong pulis na malaki ang tiyan. So kinailangan mong magpahabol sa pulis.
Nang makarating ka sa hideout natin, sinabi ko sayo, "Hinabol ka? Anak ka pala ng baboy. Ang lesson diyan, bago subukang mang-snatch, tignan muna ang paligid kung may awtoridad na present." [end of story]
Tunghayan natin ang salitang lesson doon. Marahil good ang lesson na iyon para sayo, ngunit masasabi ba nating moral ang lesson na iyon? Moral ba iyon? Hindi, hindi ba? Kahit saang simbahan mo pa itanong, imoral ang tingin nila sa pang-i-isnatch.
Kasi, nag-refer muna ako sa Dictionary. Ang depinisyon ng lesson ay "anything that a pupil learns at a certain time." So hindi necessarily moral ang mga lessons. Ang iba, neutral.
So ano? Redundant nga ba talaga ang moral lesson? Sa tingin ko, hindi.
Back to our question: ano ang moral lesson doon sa pangyayari na inilahad ko ukol sa Friendster? Wala, actually. Gusto ko lang i-bring up yung redundancy ek-ek.
Balisong by Rivermaya
Your face
Lights up the sky on the
Highway
Someday
You'll share your world with me
Someday
You mesmerize me
With diamond eyes
I try to fool myself to think I’ll be alright
But I am losin’ all control
My mind, my heart, my body, and my soul
Never in my life have I been more sure
So come on up to me and close the door
Nobody’s made me feel this way before
You're everything I wanted and more
To speak or not to
Where to begin
The great dilemmas I'm finding myself in
For all I know you only see me as a friend
I try to tell myself, “Wake up fool,
This fairy tale’s got to end”
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN PSYCHOLOGY ::::::...
Hindi ba't sa Pilipinas, kapag nanaginip ka na natanggal ang ngipin, ibig sabihin ay kamatayan? Iba naman ang interpretasyon ni Sigmund Freud. For instance, kapag napanaginipan ng isang bakla ang isang lalaki na nagtanggal ng sarili niyang ngipin ng dalawang beses, sa totoong buhay daw, dalawang beses nang nag-masturbate ang baklang iyon na ang laman sa isip ay yung lalaking napanaginipan niya.
|
 |
APRIL 8, 2004
Moment's Soundtrack: Stacey's Mom - Fountains Of Wayne
Emotional Status: Insecure
Brain Content: Oh boy... Holy Week... Boring...
|
Nang mangalkal ako ng drawer
Hindi na ako kuntento sa kuwarto ko. Gusto kong mag-general cleaning. Ang kaso, may malaking problema: tinatamad ako.
Pero meron tayong good beginnings! Yung personal drawer ko sa kuwarto, kinalkal ko na. Ang saya-saya. Una, nakalkal ko yung memoirs ko sa Munting Tahanan Ng Culture Crash. Yung comics na ni-drawing ni Kristine Dizon, isang co-member din na nasa Amerika na ngayon, kung saan kami-kaming mga members ang characters. Ginawa niya yun as Christmas treat. Andun din yung dinrowing kong spoof ng Sorcerer Hunters para sa mga ka-members ko. Wala lang.
Marami din akong nakitang mga readings ko sa Natsci 1 na balde-balde sa kapal. If my memory serves me right, ninais kong itago yung mga iyon kasi interested ako sa content nila: Flux Theory Of Gravitation, Columbia Space Shuttle controversy, earthly turbulences, genesis of the universe, the primordial matter, etc. Eh hindi na ako interested. Tama na na may nalalaman ako tungkol sa mga iyon. Ayoko nang magbalik sa pagiging isang total nerd.
Tapos, nakalkal ko rin ang aking mga... witching items! Trip-trip lang. Dehins naman mangkukulam ang inyong lingkod. Basta nagtago lang ako ng mga gamit na nagri-represent sa 5 points ng Pentagram (yung symbol na star na naka-encircle): earth (crackers), fire (posporo), water (maliit na bote ng tubig), wind (hanky), at soul (picture kung saan andun si Jaime Licauco, ang aking psychic research idol). Freaky!!! Pero di ko tinapon ang mga ito.
And then, nandun ang 3rd year high school pictures ko ng Juniors-Seniors Promenade! In short, my first JS Prom! Nakakatuwa kasi noong 3rd year high, yun yung point ng life ko na pinaka-obese ako: a whopping 210-pound human being!
Yung picture diyan sa kaliwa ninyo, hindi iyan yung Prom pic, pero ganyan ang aking hugis nang mga panahong iyon.
Eh simula noong pumasok ako ng Cadet-Officer Candidacy Corps (COCC), isang military stuff kapag third year high school ka, nagshrink na ako ng nagshrink. Atsaka nagbago na noon ang pananaw ko sa buhay kaya ako pumayat nang pumayat. Ngayon, may taba-taba pa rin naman ako pero mauubos din iyan.
So yun, nakapag-general cleaning na ako ng drawer. Naalis ko na rin yung mga iba pang mga bagay na hindi importante, tulad ng mga blue books ko noong first sem, etc.
Ano lang niyan, yung computer table, yung desk, yung bookshelf, yung ibaba ng desk, yung isa pang table sa bandang left ng kuwarto, at lastly, ang aking closet-like thing na lalagyan ko ng pabango, powder, deodorant, necklaces, at iba pang mga ornamentong pang-katawan.
Opium
Within the urban murk
An unbounded prison
I see no smile
I smell no fragrance
And among the darkness
I become part.
And from nowhere
An angel sails across
Bringing fantasy
To reality
Reality
To fantasy.
Then cold alleys shine
Smog turns into perfume
And trash becomes crystal.
I follow the trail
Of the white-winged virgin
Spraying scent of flowers
Known only to fairies.
I feel naked and free
Lost in a paradise
Not wanting to be found
Nor fetched
Nor dressed.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN PSYCHOLOGY ::::::...
Ang taong may irrational na takot (phobia) sa mga mahahabang words ay binabansagang may hippopotomonstrosesquipedaliophobia.
|
 |
APRIL 6, 2004
Moment's Soundtrack: Balisong - Rivermaya
Emotional Status: Muscularly challenged
Brain Content: I want to go to Mt. Banahaw!!!
|
How evil am I?
I am 27% evil.
I try to stay away from evil deeds but succumb to temptation every once in a while. I'm not quite on my way to hell but I certainly have some explaining to do.
Are you evil? find out at Hilowitz.com
Easy-Lover asks Hard-Lover asks Easy-Lover asks Hard-Lover...
Yesterday, long-lost big bro Makoy asked me how to NOT fall in love. I should know, for I am Lagsh, he who finds falling in love as hard as hiking the Everest with a backpack of bowling balls.
I told Mark that to not fall in love, one should have high standards for people-very high ones such that no one will seem to ever fit except your soulmate, if ever one exists. And to achieve this thinking system, one should be cerebral. One should see the flaw of every person and think that these flaws deserve but friendship only. Think that these people are really not 'the one' for you.
The conversation would have been better if we were drinking beer or something like it, but I don't drink and Mark and I are provinces apart.
I threw him a question: how to fall in love. He should know, for he is Soulfly, a lover for no reason, he who finds falling in love as easy as winning elections when one is a TV star.
He told me that I should have a longing. I have a longing. I even have plans for my future girl, but these plans will remain illusions/fantasies until Lady X is revealed. But why is it so hard for me to find one? Maybe it's because of the extreme cerebrality. Or maybe because I'm vain (with this comes self-centeredness, I think). But spare me, I haven't been vain for the past 14 years of my existence. No, wait. Maybe it's my lack of expression in real-life. Whatever.
Wouldn't it be cool if my writings about love had an object, i.e., were inspired by someone? It would be, but I honestly don't like mush too much. Maybe because of my extreme cerebrality. But some sources have told me: Everything will change when you find the one.
That, I am craving to experience.
About My Religion and My Beliefs
Ni-promise ko kay compaq na ang next entry ko ay tungkol sa opinion ko tungkol sa eksistensiya ng Panginoon. Ngunit, sori, compaq, hindi ko na itutuloy. It scares people, you know.
Basta heto lang ang mga kailangan (not really kailangan) na malaman tungkol sa relihiyon ko at sa aking mga paniniwala.
*Religion: Roman Catholicism
*Non-practicing Catholic
*Believes in evolution and that man is classified with animals
*Believes that a Creator created the universe (thus, not an atheist)
*Believes in extraterrestrial life
*Doesn't care whatever religion you want to have (and that includes atheism)
*Doesn't believe in the Creation as told by the Bible
*Doesn't believe in a Judgment Day
*Believes that the end of the world/human race will be due to a destructive phenomenon that is scientific, such as the death of the sun, a comet, depletion of natural resources, etc.
*Believes in the existence of God because simply the universe and natural laws that cominate it SHOULD have a Creator/Programmer; something cannot just come out from no one
*If asked where God came from, answer would be "That's not my problem anymore; point is, we have a Creator"
*Basic principle: Do good and believe in the existence of God
*Believes that religion was created by man and its practices are more of a tradition
*Belief in afterlife and paranormal: 90%
Iyan po. Sana po'y naliwanagan kayo. HINDO AKO ATEISTA. Modified lang ang mga paniniwala ko dahil pinag-iisipan ko talaga ng mabuti. Malaya ko rin pong tinatanggap ang side ng relihiyon at ng mga siyentipiko, kaya puwedeng-puwede pang magbago ang aking mga paniniwala base sa level of convincing-ness ng mga iyon.
Sabi ko nga rin po kay compaq base dun sa mga Fashion of the Christ na sinulat ko, those were satires. I was ridiculing Catholic practices during Lent na kuno ay nakakabawas ng kasalanan.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN PSYCHOLOGY ::::::...
Hindi totoo na kailangan natin ng walong oras ng tulog para maging mentally healthy. Hindi rin tunay na pinagpapahinga ng tulog ang utak, sapagkat ang utak ay hindi nagpapahinga, dahil hindi ito muscle.
|
 |
APRIL 3, 2004
Moment's Soundtrack: Sorry 2004 - Rubben Studdard
Emotional Status: Damn bored
Brain Content: Yes! Naka-enroll na'ko sa ano! P300 a month lang.
|
Fashion of the Christ II
Atin nang natalakay ang wastong paraphernalia kung nais mong mag-penitensiya. Ngayon naman, anu-ano ang mga dapat bilhin para sa barangay upang matinag ang ating mga konsiyensiya?
1) Ano ang saya ng isang okasyon kung walang sayawan? Kaya dapat, bumili ng sumasayaw na Sto. Nino. Mas mainam kung de-bateryang Triple A ang bilhin kaysa sa rine-recharge. Basahin ng maigi ang manual bago ito paganahin dahil minsan, napupunta sa malayo ang sumasayaw na santo. Nakakarating ito sa iba't-ibang barangay kaya tuloy naiistorbo ang mga tambay. Hindi rin maganda na pati sa Eye To Eye, naba-blind item ang santo.
2) Mag-recruit ng mga marunong mag-chant ng Pasyon. Hindi rin kumpleto ang okasyon kung walang background music. Sikat na tono ngayon ng mga pabasa ay 'Bakit Pa Ba' ni Jay R, 'Forever's Not Enough' ni Sarah Geronimo, 'Foolish Heart' ni Nina, at 'Can't Help Falling' ni Carlos Josh Santana. Ngunit wala pa ring kupas ang 'My Heart Will Go On' ni Celine Dion.
3) Ice cream at popcorn, para sa mga batang malilikot na naghahabulan habang nagdarasal ang mga tao.
4) Hindi kumpleto ang Mahal Na Araw kung walang nagmimilagro. Kaya kailangan, meron ang barangay ng Hesus na lumalaki ang kanang paa. Ipuwesto ito sa simbahan para mahalikan ito ng mga tao isa-isa. Sabi ng mga eksperto, mas advisable na maglagay na lang ng dropbox ng mga personal na petition kaysa sa binubulong sa estatuwa ang hiling. Minsan kasi masyadong maiingay ang mga batang naghahabulan at mga matatandang nagtsitsismisan; baka hindi marinig. Sa tabi rin ay puwedeng ipuwesto ang tindahan ng ice-cream para lumaki ang kita at mabawasan ang kasalanan.
5) Milagro pa rin. Rose petal na babad sa Papa Banana Ketchup. Kontratahin ang isang batang may gulang 8 hanggang 13 na iluwa ito sa harapan ng maraming tao. Puwede siyang suwelduhan ng ice cream, o kaya libreng tiket sa pinakamalapit na karnabal para mabawasan ang kanyang mga kasalanan.
6) Birheng Marya na umiiyak ng ketchup. Masyadong confidential ang configurations, kaya hindi puwedeng ipagkalat. Basta bumili nito at patuliin ang ketchup tuwing may misa para magbago ang mga tao. Huwag nang mag-abalang linisin ito dahil gagawin na iyon ng mga debotong may mga panyo.
7) Hindi nabibili sa grocery ang mga taong sinasapian ng kung sinong santo at dinadala at tinu-tour ang kaluluwa sa langit ng panandalian; sila ay mga taong nasobrahan ng ice cream.
Fil-American Idol
Suportahan po natin si Bb. Camille Velasco na half-Filipino na sa kasalukuyan ay pinapahanga ang mga judges ng American Idol. Kung itatanong niyo kung paano siya susuportahan, aba'y hindi ko alam.
Meron namang pure Pinoy na bata sa Star Search, isa na namang singing contest sa America. Ang problema, hindi ko alam ang pangalan niya at kung ano ang hitsura niya.
Ahahay Vaklaaaaaaaaaah!
Ay ay ay, mga baklabelles! Muzta na kayeech? Na-miss Universe niyo ba akeech? Nandito na naman akeech para ihatid sa inyo ang latest sa ating Fulitika ngayon. Kaya sit vack and hold tight, ever!!!
Na-hear na ba ninyo ang latest na chika tungkol kay Senadora Mudra Joan Osmena? Yung mudrang gusto tayong magpasalamat dahil binili niya tayeech ng selepono? Nyahahay! Sinampahan siya ng isang callboy sa Thagaythay ng kasong rape. Dahil daw iteech noong inarkila siya ni Senadora. Wala daw sa usapan nila ang jugjugan sa puwet. Eh itong si Senadora Mudra, hindi mapigilan ang kabadafan, pinasok niya ang finger-licking good niyang fingers sa "maseselang bahagi ng katawan" ni Mr. Callboy.
Pero kakapagtakeech din itong Callboy na ditrez! May lalaking futa pa pala ang aware sa rights niyang walang pasukan sa fuwetan. I mean, da ba? Chorva-chorva. May puta bang magrereklamo na lang basta na linabag ang machuvang kasunduan nilang dalawa ni Madam Osmena na kinalkal ang kanyang eynus?
Ito namang chakang Senadora, deny to death pa na may vyuti siyang tinatago behind her vyutiful eyes! Ay, tsk tsk tsk tsk, hindi ka wagi niyan, sister. Sige, labas! Ikaw ay lumabas sa iyong cocoon, at magpakalaya sa mundong iteech na farang faru-faro! Ifakita mo ang tunay mong vyuti sa mga fifol of the world!
At never ever cheber cheber mong ide-deny na hindi na active ang vaklush mong sex life!
Ngunit bahala na ang dalawang ito, chenes! Basta tandaan, pashalamat na lang tayo kay Senadora Joana Osmena-vellush. Naku, itong badaf na 'to, siya yata ang sugar-matrona ng ating mga cellphone!
Sa susunod muli, mga bakla! Always remember, ang taong ma-vyuti, hindi natsutsugi!
[Seriously, don't vote for this (wo)man, along with Mr. Maceda. They're sisters in crime.]
Kahirapan sa Mundo
Ang Erpats ko ay nasa Amerika na at doon na magtatrabaho para lumaki ang kita namin pambayad ng maraming utang dito sa Pilipinas. Mahirap ang walang ama, tulad na lang kagabi. Na-emergency room ang Ermats ko ng panandalian.
Ang maganda dun, hindi masyadong grabe, at nakauwi din kami ng gabing iyon. Ang masaklap na isipin, paano kung naospital siya? Sino ang magpapatuloy temporarily ng aming mga tindahan? Ako, hindi ako puwede. Wala akong alam sa papel-papel, A1, A3, etc. at sa mga Xerox machines, 10 reams, atbp.
Tsk. Bakit kaya may paghihirap sa mundo? Tulad ng mga ito:
Bakit kailangan may ganyan???
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN NATURAL SCIENCE ::::::...
Sa Pilipinas, clockwise ang direction ng pag-ikot ng na-flush na tubig sa inidoro. Sa America, counter-clockwise.
|
 |
APRIL 1, 2004
Moment's Soundtrack: Yeah - Usher f/ Lil John & Ludacris
Emotional Status: Flattered
Brain Content: I like my new hairstyle! Wahaha >:)
|
Fashion of the Christ
Pansinin niyo naman that thing beside my custom-made calendar! Iyan lang ang maisip kong pwedeng gawin. So every month, pinapalitan ko yan. 3 images lang na parang dine-depict ang month.
This month, Mahal Na Araw atsaka Summer. Panoorin niyo din pala ang Passion Of The Christ. Magkakaroon kayo ng sudden craving for dinuguan and spaghetti.
Kung balak ninyong magpenitensiya sa darating na Holy Week, heto ang hinandog kong checklist para sa inyo. Pinamagatan ko itong Fashion of the Christ.
1) Ang unang dapat ipabili kay Mommy ay isang gigantic na krus. Pinakamainam ang gawa sa kahoy, ngunit huwag kalimutang ipa-barnes sa pinakamalapit na pawnshop. Mahirap na ang masuksok ng maliliit na kahoy sa balikat. Pero on second thought, huwag ipa-barnes, para mas lalo kang masugatan. Mas mababawasan ang mga kasalanan mo nun. Siguro mga 5 points bawat sugat. Huwag magpapagawa ng yari sa bakal dahil hindi ito pwedeng tubuan ng orchids.
2) Maraming mga magga-graduate ang nagpapatahi ng mga grad outfit, kaya para maka-acquire ng damit a la Hesukristo, bumili ng bathrobe na puti. Pumunta sa pinakamalapit na bukirin. Suutin ang robe at gumapang-gapang sa lupa (doon sa may mga carabao, preferrably), para ma-achieve ang 'gusgusin effect.' Para sa bloddy effect, refer to numero 3.
3) Kasalanan ang self-mutilation, kaya ang "in" ngayon sa mga kabataan ay pekeng dugo. Bumili ng diyobos na kulay pula at sangkapin ito para makagawa ng dugu-duguan. Wisik-wisikin ang bathrobe upang ma-achieve ang bloody effect. Makiusap din sa mga batang tambay sa inyong barangay na wisikin kayo ng "dugo" after every five minutes.
4) Para hindi kaagad maluma at ma-overheat ang higanteng krus, i-alternate ang way of penitensiya. Kaya huwag kalimutang magpabili ng palaspas kay Mommy. Partner din ng palaspas ang "dugo" at kailangan ding kontratahin ang mga batang tambay na wisikin ang iyong likod para tuloy-tuloy ang pagkabawas ng kasalanan.
5) Kailangan din ng headgear para may proteksiyon sa harsh environment. Dito pumapasok ang pangangailangan natin ng crown of thorns na yari sa rattan. Maraming rattan wires ang nabibili sa mga general merchandise na tindahan. Bumili ng 3 feet at i-rolyo ito, sakto sa diameter ng iyong ulo. I-dip muna ito sa "dugo" bago isuot. Bawat suksok ay may katumbas na 0.25 na bawas sa iyong mga kasalanan. Pagkatapos ng Mahal Na Araw, puwedeng itago ang rinolyong rattan para gawing Advent Wreath as Disyembre.
To be continued... Sa susunod nating entry, anu-ano naman ang mga accessories and other necessities ang kailangan natin para matinag ang ating mga konsiyensiya at mabawasan ang mga sala natin sa Mahal Na Araw?
Mga Pasasalamat
Nais kong pasalamatan si Lord dahil nakarating ng safe ang Erpats ko sa California ng maayos. Bigla ko tuloy na-miss yung mga araw nung nasa America kami. Or masyado lang mainit dito sa Pilipinas.
Pasasalamat ding aking hinahandog kay xeaan dahil tinulungan niya ako noong Biyernes sa pasikut-sikot sa UP Diliman.
Pasalamat din ng bayan kay Sen. John Osmena, marami ang nagkaroon ng cellphone. Kaya tuloy nadagdagan ang mga gastusin ng mga Pilipinong mahihirap. Kaya nagkakanda-hirap-hirap ang ating buhay. Kung ako lang hindi naman ako mahilig sa quotes. Puro mga quotes naman ang sumisirkulo sa telecomm lines eh. Gaya nitong mga quotes na nare-receive ko at fino-forward:
The LORD did not want us
to d0ubt, to feAr, 0r t0 hAte.
HE wAnts us t0
DREAM, to BELIEVE, to SURVIVE
and to see us iN...
STARSTRUCK!
Corny, hindi ba? Pero ito astig:
SILIPIN ang GITNA
SALATIN ang HIWA
IBUKA ang HIWA
DILAAN ang GITNA
PAGLABAS ng PUTI
DILAAN mong muli!
Ganyan ang pagkain ng OREO COOKIES
sarap!!!
May mga mapapa-"ooowwsss?" ka:
there will be no good byes for us!
just a promise that
()*() ()o()
( 'o',)("('o',)
no matter what happen,
we will always be
"FRiEND$"
Ang dami-dami ko ng quotes na na-receive atsaka na-forward. Mga 4 years na rin. Pero alam niyo? Hindi naman talaga ako mahilig sa quotes eh.
Fiction-mania
Malugod na tinanggap ng mga katauhan sa Peyups ang aking cyberserye (ito ang bago kong pauso sa aking kolum; cyberserye - isang serye na ginaganap sa cyberspace) na may pilot episode na pinamagatang 'Male CR Cubicle #2.'
Ang saya-saya nga kasi madalas iniiwan kong hanging ang huli ng bawat episode gayung wala pa akong nakareserbang ideya o kasunod na mangyayari sa aking serye.
Fiction ang mga hilig kong gawin sa mga araw na ito. Kaya sa mga mambabasa ng aking column, expect niyo na tuloy-tuloy ang mga fiction na lalabas, unless siyempre, susumpungin tayo ng katamaran. Heto ang mga nasa isip ko na gusto kong gawan ng writeup:
1) Isang story kung saan ang mga karakter ay mga alagang aso at mga askal sa isang subdivision.
2) Isang horror love story.
3) Isang outerspace science fiction.
4) Isang story ng isang mapanlait na babae na nais magbago.
5) Isang horror/urban legend na story.
Ngunit ako ay isang taong madalas mapagplano at hindi naa-achieve ang materialization ng aking mga ideya. Kaya good luck na lang sa akin at kay Sen. John Osmena. Tignan natin kung iboboto siya ng mga may cellphone.
Check this out! Funny.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN PSYCHOLOGY ::::::...
Kung may language sa mundo na parang kamukha ng Filipino (mostly, Tagalog), ito ay ang langauge ng Indonesia at Malaysia. For instance, ang "gatas" sa Indo ay "susu." Napansin niyo ba ang link? Ang "milk chocolate" ay "susu choklat/choklat susu."
|
--> March 04 <--
|