VISIONARY
June 2004

JUNE 2004

Back to Home

VIOLENT REACTIONS
Powered by TagBoard Message Board
And you are?

URL / Email

Messages (smilies)

HE WHO MUST BE KNOWN

Lagsh: The One and Only

LAGSH

16 years old | Sep 21, 1987 | Virgo
3/4 Kapampangan | 1/4 Olongapoan
Angeles City | Philippines
bunso sa 2 magkapatid

College Sophie | UP Diliman | CMC
BA Broadcast Communication

College Freshie | UPEP Pampanga
BA Psychology | Ass. of Econ Students


Peyups.com columnist | street dance
singing | paranormal | drawing | writing
webdesigning | insecure | ambitious
weird | rain/storm lover | introvert
fame-seeker | modified theist | net addict
non-practicing Catholic | scared of dark
liberal | loves unconventional | hates elite
nearsighted | low esteem | identity crisis

VIRGIN (UNUSED) AREA

See
Hands off! JUNE 27, 2004                                                              

Soundtrack: I Don't Wanna Know - Mario [forgot-his-surname]
Emotional Status: Anticipating
Brain Content: Monday isn't just an ordinary day. It is the day. The day.

320/320 Vision: Why I Will Not Be Successful In Life

That is officially it.

Now I'm convinced that I will not be successful in my career in the future. I've seen too much Magpakailanman and Maalaala Mo Kaya episodes to make me finally arrive at my conclusion.

I finally gave in when I watched the life story of Joseph Bitangcul (one of the Star Circle Quest losers)-a fellow Kapampangan. The cliché of super-down people rising above the clouds after passing life's tests, quizzes, exams, and other requirements has been so constant such that I'm beginning to think of making my life curse-worthy and dipped in poverty.

How can I be successful? I have not experienced selling sampaguita or other rubbish on the street to survive. I have not experienced anything like taking salt, veggie oil, and bagoong as viand to rice.

My parents are not employed to bosses spawned by hell's asshole. We do not reside in a small house that is flooded when raining and can be brought down to rubbles when farted hard at by a horse.

My family is whole. There are petty fights, but not that grave to break the union. How come bastards in broken families succeed most of the time? Now I wish I were a bastard who has been sexually abused by some teacher or principal during adolescence.

Why do suffering people mostly become extremely successful in life anyway? Maybe because they have a powerful strength of will, as intensified by their extreme poorness in life. That is why I'm beginning to plan to burn our house down one silent night or to break our family. With those done, I can ride the wheels of the pitiful-then-successful theory.

Because we will have no home to live in, I will then take my studies very seriously so that I can build us a mansion with a swimming pool at the backyard and start lots of business establishments.

I will then be in the same level where people such as Vicky Belo, Manny Villar, Love Añover, Bayani Agbayani, Hero Angeles, Ethel Booba, Juan Flavier, Ricky Reyes, Sarah Geronimo, Ate Glow, Mark Bautista (roni_bats!), Mahal, Mura, Diego, and many other abominations of nature and celebrities stand.

Because my family is fractured, of course, I will then have to be the breadwinner. I will study very well (be the total glasses-wearing nerd that I used to be during high school), sell rags on the street, and employ myself in a car wash to trigger a surefire mercy from God.

The Almight Father will then take my status to a higher level, and voila! I'm the most successful man! Bow to me! Envy me! Feature me on broadsheet! Tell my story on electronic media! Let me be your utmost inspiration in traversing the pathways of life.

Or maybe, I can piss the hell out of my ugly boss to the point of him inflicting physical damage to me. A black eye on the right, a bleeding nose, a wounded lip, a bruised limb, hurricane-ridden hair, a charred arm, a flat-ironed skin, etc.

Yes! That ought to be effective. I will then go home crying and weep in front of my mother while my brother curses life because of our damned life. I guess that'll add up a point to my factors of success. Let's put a little windstorm that will wreck our residence and induce some influenza-that which will force us to work harder to earn some money to buy medicine.

After perseverance, opportunity will be attracted to me. Little by little, my fate will get better and then, I'm already filthy rich.

GMA and ABS-CBN then will war. Mel Tiangco's crew will as early as possible search for me and interview me. My story then will be featured in Magpakailanman while Maalaala Mo Kaya will be disappointed because of the tardiness of their researchers.

My tale will inspire many hopeless people, again teaching them that poor and lashed people have the greatest chance of becoming successful.

Talk of insanity.

But I'm still sane and not that desperate to bring down our house or our family. I guess, if I can't be successful in my ambitions, then that's it. After all, we're all going to die in the end.

Or perhaps, when one becomes a succesfful celebrity, his/her life before stardom is automatically sensationalized and turned pitiful. Heh, who cares. They're all going to die in the end.

So, forget all that I've said. You're all going to die in the end after all.


###############
The author failed to see the Lunar Eclipse and the Transit Of Venus that is why he is bitter. But he doesn't mind it now; he's going to die in the end anyway.

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 3 ::::::...
Kung nababahuan tayo sa mga Bombay, sila naman, ang tingin nila, amoy-patis tayong mga Pilipino. Pero sabi naman ng ibang mga bansa, neutral daw ang amoy natin.

See
Hands off! JUNE 26, 2004                                                              

Soundtrack: Angels Sent Me Here - Guy Sebastian
Emotional Status: Frustrated
Brain Content: Lotsa things to do this weekend.

Isang Epic

May na-realize ako kahapon: Sa UP pala ako nag-aaral.

Nung Friday medyo nagkanda-letse-letse ang araw ko. Nag-fall into place naman lahat ng bagay pero parang na-exhaust ako nang husto. Pero kasalanan ko rin kasi nag-cram ako.

Thursday. Mega-frustrated ako nitong araw na ito. Hindi ko pa puwedeng ipamalita kung ano ang nangyari. Abangan na lang ninyo next week. Sasabihin ko rin. Basta heto lang ang theme song ko para sa nangyaring yun:

ALL I HEAR IS RAINDROPS
FALLING ON THE ROOFTOP
OH BABY TELL ME WHY'D YOU HAVE TO GO
COZ THIS PAIN, THE FEELING WON'T GO AWAY

Waaaaah. Laging tumutugtog yan sa isip ko (remix). Hindi ko maalis.

Anyway, as a result, pagkauwing-pagkauwi ko nang bahay, nagbihis na ako't humiga sa kama at naglayag sa katahimikan. PolSci report (on High School Bridge Program) lang naman ang kailangan kong gawin, kako. 10:00 - 1:00 naman ang lunch break ko. Yakang-yaka yun.

Buti na lang out-of-country ang prof ko sa Comm III, dahil kung nandiyan na siya, tiyak na magra-rush ako. June 25 pa naman ang balik niya.

Paggising ko ng umaga, bigla akong naliwanagan: JUNE 25 pala nung araw na yun!!! Gumo-home-in-the-Pilipins na pala si Ma'am! Kailangan kong magsubmit nung index card profile thingy along with two ID pics (buti na lang meron akong reserba sa wallet ko), mag-submit ng mga topic para sa speech (to entertain, to inform, atsaka to persuade), at basahin ang chapters 1-2 ng Comm III book.

Kaya pa rin yun, kako. So relaxed pa rin ako. On my way to UP (naglalakad pa ako sa UP Village), biglang bumuhos ang malakas na ulan! Okey lang yun, favorite ko ang mga ulan, kahit pa nabasa ako (good thing I brought my jacket). Pero nang tignan ko ang oras sa cell ko, 8:20 na! 8:30 ang pasok ko!

Siyempre dapat kalmahin ko sarili ko using logic. Naisip ko, noong Huwebes, kahit five minutes na lang ang nalalabi ko, hindi pa rin ako na-late sa PE class ko. How much more kung ten minutes pa, di ba? Atsaka mas malapit naman ang CMC building kesa sa College Of Human Kinetics.

Pero pagdating ko sa terminal ng dyip...

Anaknamputangbinabadsabagoongnanilalangaw! Ang habaaaaaaa ng pila. Parang enrollment. Kaya yun. I knew it. My first TARDY sa Comm 100 ko. Habang nakaupo sa Comm 100 class ko, na-realize ko rin pala na next week Tuesday ay Quiz 1 na namin. :(

At nung lunchbrak, sinimulan kong gawin ang aking mga gawain. Sa puntong dun ko rin nalaman na 63 pages ang dapat kong basahin sa Comm III. Nag-browse over na lang ako.

Tapos, binasa ko nang maigi ang high school bridge program ko at nagmemorize ng iilang puntos. Tapos, nagpa-photocopy ng readings sa Comm 100. Pages 75-105. (Tangina ang mga nagpo-photocopy. Laging hindi puwede ang long bond.)

Tapos, pumunta ako ng CAL para kunin ang readings sa Malikhaing Pagsulat 174 ko. Akala ko kokonti lang pero nang singilin ako nung Aling Photocopy, P93.00 daw! Oh my gaseous behavior of molecules!

Pagsapit ng Comm III, mali pala ang readings na binasa ko! Pero buti na lang hindi faithful sa dapat basahin ang ni-discuss ni Teacher. Marami naman akong na-recite. Whew. Whattalife.

Kaya ang conclusion ko: Nasa UP pala ako.

|

Miscella-news

<) Andaming pusakal sa UP!!! Eh gustong-gusto ko sa mga pusa. Nawiwirduhan siguro ang mga ilang tao sa akin sa CSSP kasi tinatawag ko ang mga pusang dinededma lang ako.

<) First time kong makatikim ng shawarma. Masarap pala. Pero mahal ng medyo.

<) Sa CMC male restroom, may nakapaskil dun na note. "Water not safe for drinking. -CMC Admin." Tapos nagreply ang mga tao, sabi, "As if naman may water dito!" Ahahaha. Binuksan ko ang gripo. Wala nga namang tubig. Eh inisip ko na hindi naman ilalagay ng Admin yun nang walang dahilan. Pumasok ako sa isang cubicle at tinignan ang mga inidoro. May tubig! Naninilaw. Kaya naman pala not safe eh.

<) Nag-i-Internet ako one time sa Philcoa. Rotten.com ang bina-browse ko. Ang aastig ng mga pics dun. Kaya tuloy pati yung mga employees dun nakikinood sa monitor ko. Dapat pati sila nagbayad sa ibinayad ko.

<) Ba't kaya walang banyo sa McDo sa Philcoa??? Kaya tuloy pumapasok pa akong Jollibee para lang dyuminggel.

<) Conyo alert. Yung isang ka-group ko sa PolSci 14, pangalan niya Carla (hindi yung Carla na childhood sweetheart ko ah). Pero nanigurado muna ako. Sabi ko, "You're Carla, right?" Syet. Nakokonyo na ako.

<) Ngayon ko lang napansin, yung Philippine Flag ko sa tabi ng calendar ko dito sa Visionary, mali pala ang pagkakalagay ng red at blue. Hehe. Labag yun sa batas actually.

<) Ba't ganyan yung mga bagong lipat sa boarding house na tinutuluyan ko? Ino-opo nila ako, gayong kasing-edad ko lang sila. Ahead lang ako ng one year sa pag-aaral. Freshie sila, ako Sophie. Pero mas matanda sila sa akin!!!

<) Mga sobrang gasgas na kanta: Rainbow ng South Border, I'll Be ni Edward McCaine, at Because Of You ni Keith Martin. Gasgas na gasgas na, kaya kumokorni na. Ayoko na sa kanila. Sa TV, ano ang favorite song mo? Rainbow. Ano ang song na ide-dedicate mo sa kanya? Rainbow. My number one favorite video is (Star MYX) Rainbow. Because Of You. I'll Be. Because Of You. I'll Be. Rainbow. PWEH!

<) Ba't nandito pa sa Pilipinas si Keith Martin??? Siya na kaya ang boyfriend ni Jolina? O yung nakabuntis kay Valerie Concepcion? (By the way, I admire this girl for not resorting to abortion.)

<) Balang araw (o balang gabi), mapapabilang ako sa Reporter's Notebook ng GMA 7. Mark my words.

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 3 ::::::...
Recent studies show na maraming nare-rape na Pilipina sa Middle East. Pinag-aralan ng mga tao kung bakit. Ang sagot: laging naliligo ang mga Pilipina sa Middle East. Hindi siguro nila alam na sa mga Arabo, kapag naligo ang isang babae, ibig sabihin nun ay handa na siyang makipagtalik.

See
Hands off! JUNE 21, 2004                                                              

Soundtrack: Muling Tanggapin - Erik Santos
Emotional Status: Satisfied and dissatisfied
Brain Content: 15-paged autobio to be passed on next Monday.

fhasfohisdifjs

Wala ako sa tamang katinuan magsulat ng something witty or intellectually masturbating sa araw na ito.

Napuruhan ako masyado sa report ko sa BC 100. Ready na ready na ako, pero nilito ako ng adviser kaya tuloy nag-screw up ang flow ng report ko. Tapos, dahil sa habit kong hinihila ko ang shirt ko pababa dahil naiinitan ako, na-minus 130 points pa ang grupo namin sa klase!

Pero okay lang. I still am satisfied, in the sense na nakayanan kong mag-speak in front of a lot of people! Promise, first time kong nagawa yun IN STRAIGHT ENGLISH. Hindi ako nagkaroon ng stage fright. More of professor fright ang nangibabaw sa akin.

So Mr. Laxamana, are you done [reporting] or are you done for?

Haaay. I don't know what to feel. Kapag ganitong sitwasyon na hindi ko alam kung ano ang kakaririn kong pakiramdam, I prefer to not think of it.

On the spot self-evaluation-ito ang bagay na nahihirapan akong gawin.

Kaya naman minsan nasasabihan ko ang mga taong nagtatanong ng "kumusta ka" na hindi ko alam sagutin yun at ayokong tinatanong ng ganung question.

Nakokornihan naman ako sa tradisyonal na "ok lang." Parang lagi na lang ganun yung sagot. Kahit pa pagod ako, "ok lang." Blah blah blah. Suplado ba ako? Hindi naman ah. Slight lang.

Ok lang ok lang ok lang ok lang... oa na!

Oo nga pala, aaminin ko, because of the College of Masscomm people, although hindi ako nakikihalubilo sa mga tao, medyo naiimpluwensiyahan ako. Nakakahiligan ko na ring mag-English casually paminsan-minsa.

Nagsimula yan nung nananahimik ako sa CMC libe eh. May lumapit sa akin. Is this yours? tanong niya habang may hawak na cell.

Aba aba aba. Inggles! Kaya naman ngayon, pasulpot-sulpot ang English ko.

Friend: Natapos mo na yung reading natin sa Polsci?
Lagsh: Not yet. Almost.

Last na tanong ko na lang sa inyo: Is this the way to the libe?

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN BROADCOMM ::::::...
Scientifically, ang isang red shirt ay hindi kulay red. Ang kulay nito ay anything but red. Kaya red ang nakikita natin ay dahil hindi ina-absorb nung material ang kulay na red, kaya rine-reflect lang ito. Basta.

See
Hands off! JUNE 19, 2004                                                              

Soundtrack: A Moment Like This - Kelly Clarkson (sorry, nagsesenti)
Emotional Status: Torn between happy and sad
Brain Content: Dumarami mga di ko kilala na nagpapa-add sa Friendster.

Ang Diskuwentong Hinde

Maglilingkod muna ako sa aking mga mambabasa.

As you all know, tumaas na naman ang pamasahe sa dyip. Dito sa Angeles, ang dating P4.00 na pamasahe ay dumagdag ng P1.50, hence, P5.50 na ang kabayaran.

Sa UPD, ang dating P3.50 na pamasahe sa mga Ikot at Toki ay nag-advance into P5.00. Tatlong tusok ng fishball (yung tigpi-fifty cents lang na fishball) ang dumagdag.

Kagaya ng mga pangahas na barker ng mga jeepney, gahaman din ang karamihan sa mga tsuper. Actually, silang lahat gahaman. Why? This is why.

Kung tsismoso kayo sa balita, ang mga estudyante at mga senior citizen ng bansang Pilipinas ay may 20 porsiyentong diskuwento sa pamasahe sa jeep. Kung di kayo marunong kumuha ng discount-discount ek-ek na iyan, you're the luckiest animal on earth dahil ituturo ko sa inyo:

UPD campus regular jeepney fare: P5.00
Supposed to be discount for students and oldies: 20%
20% of P5.00: P1.00
20% discount of regular jeepney fare: P5.00 - 5(.20) = P4.00

That's right. P4.00 ang dapat nating bayaran dahil estudyante tayo (sa mga jeep na may P5.00 na pasahe). Ano kaya ang pinakamainam gawin? Magpa-presscon? Ibulgar ang mga drayber? Ipakita ang ID bago magbayad? Isumbong kay Ka Mike Enriquez? Putangina nila. Dapat maremedyuhan ito. Sayang ang discount.

Kung magbabayad ako ng may 20% discount, sila pa ang magkakaroon ng ganang magalit. Mga hindot. Pare-parehas lang tayong naghihirap. Walang gahaman. Sundin lang ang batas.

|

Review: You Got Served & Singles

Kanina bago ako namili sa grocery, binalak ko munang manood ng You Got Served. Yun yung pelikula na pinangungunahan ng B2K. Sabi nila crap ang plot. I don't care. After all, yung street dance naman ang inaabangan ko dahil marahil hindi niyo naitatanong, mahilig ako dun. :)

Pero letse ang mga sinehan dito sa Angeles. Hindi pa showing, kaya naman Singles na lang ang pinanood ko, na pinagbibidahan ni Aubrey Miles, Ara Mina, at Angel Locsin. Okey na rin.

Kapag nagdidikit ang mga shoulders natin, do you think of sex?
Kung hindi lang talaga masarap ang mga lalaki noon ko pa sila iniwan.
Igapang mo sa kamay ko yung labi mo.... O dito naman sa kaliwa [na dibdib]... O, sa kanan.

Oh yeah. The more open women. May tanong sa huli: bakit dumarami ang mga lalaking pumapatol sa mga bading?

But anyway, dahil You Got Served talaga ang gusto ko, I resorted to pirated CDs. Kaya heto ako ngayon, may mga screen caps. Astig talaga ng mga choreography! USA is really the melting pot of street and break dance.

  

Super-predictable ang story. Wala akong wrong guesses habang pinapanood ang pelikula. Obvious na kahit nag-fall apart ang unity ng group, magdyo-join forces pa rin sila sa huli at mananalo sa contest na yung prize ay $50,000.00 and chance to appear sa latest music video ni Lil' Kim (sa story lang).

Though kakabighani talaga ang mga steps. I'm beginning to see street dance as a very cool art. Noon kasi, cool lang ang tingin ko. Ngayon, very cool na. ;)

    

Of course, hindi mawawala yang mga pa-trumpo-trumpo at pa-twist-twist epek na break dance. Walang-walang kuwenta si Jay-R kung ikukumpara mo.

Pero akala ko break dance na ang pinaka-extreme. Meron pa pala na hanggang ngayon ay hindi ko ma-solve sa isipan kung pa'no nila nagawa.

  

Tignan niyo itong dalawang screen caps na ito. Naka-levitate diyan yung nasa gitna! Mga six seconds! AMAZING! Paano nagawa iyon??? Imposible namang gagamitan nila yan ng camera effects kasi realistic naman ang story.

Pero-mas trip ko pa ring pinapanood ang "clean" street dance. Yung dito kasi, kahit pa nakakabighani ang mga dance moves, medyo marumi sa paningin. Basta. Pero ganun yata kasi talaga kapag street dance na talagang street. Mas maganda pa rin para sa akin ang panoorin yung mga choreographed na sayaw nina Britney, Janet Jackson, at Justin Timberlake.

Grabe na ito. Nagkaka-career crisis na naman ako.

You just feel bad coz this time, you got SERVED!

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED FROM EVERYDAY LIFE ::::::...
Diet Coke or Coca-Cola Light offers no more than 1 calorie per serving. Ang saya-saya.

See
Hands off! JUNE 17, 2004                                                              

Soundtrack: All Nite (Don't Stop) - Janet Jackson
Emotional Status: Nervous
Brain Content: I'm joining an org here in UPD!

Is Lagsh A Snob?

Andami ko namang na-stir sa recent pic na ni-post ko kamakailan. Sabi ko nga, huwag kayong papaloko. Hindi ganun ang hitsura ko sa personal. Hindi rin ako ngumingiti tulad ng projection ko dun.

Sa mga nakaka-interact ko naman sa UPD, huwag niyo naman akong tawaging snob behind my back. Hindi ako snob. Sadyang hindi lang ako masalita dahil ako ay isang mahiyain at wirdong nilalang.

No Smiles

Walang ngitian...

(Kung nagtataka kayo kung bakit dumarami yata pics ko, may webcam kasi dun sa cafe dun sa may Philcoa. Eh medyo napagtitripan ko lagi. Is this the way to the libe?

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED FROM READING ::::::...
Ang pagligo ng matagal at two times a day ay mapanganib sa balat ayon samga Australian dermatologists dahil nasti-strip ang balat natin ng natural oils na pangontra ng katawan sa mga microorganisms from the outside.

See
Hands off! JUNE 15, 2004                                                              

Soundtrack: You Are The Only One - Maria Mena
Emotional Status: Incomplete (di kasi ako nakapagrecite sa Comm 100)
Brain Content: My oil removal films have run out!!!

Hero Angeles

---Inalis ko na ang pic---

I don't look like Hero Angeles, do I?

---Inalis ko na ang pic---

I wish.

[edit: this is not how i look in person, really; kaya wag papaloko.]

|

F*cking Jeepney Barkers

Bago ako mag-elaborate tungkol sa title ng segment na ito, nais ko munang malaman ninyo na ito ang pinakaunang blog entry ko na ginawa HINDI sa comforts ng aking sariling pamamahay sa ma-pokpok na siyudad ng Angeles City (oo, maraming pokpok sa Angeles; I have nothing against them, btw). Nasa isang cafe ako sa Shopping Center ng UPD.

Game.

Nung Biyernes ng gabi, umuwi ako mula QC hanggang Pampanga. Muntik na akong gumawa ng eksena dun sa may terminal ng dyip sa San Fernando. Pano kasi, yung barker, naninigaw!

Puno na ang dyip. May pinapasakay pa yung hindot na barker na isang matabang babae. "USOG NA PO KAYO O, NANG MAKAALIS NA!" Eh kahit anong imagination ang gawin ko, hindi ko ma-solve sa isip ko kung paano kakasya yung matabang ale dun sa kakarampot na space na tinuturo ng barker.

Eh kahit puwit pa ni Paolo Santos ang ilagay mo dun, hindi kakasya!

Nanigaw talaga. Eh mainit ang ulo ko ng kaunti kasi dun sa bus terminal sa Cubao, ang haba ng pila. May mga uneducated assholes (mga pito sila) na nag-overtake. Tapos kine-claim nila, kanina pa sila dun.

Ang sarap itali sa riles ng MRT.

Sabihin ko sana dun sa barker, "HOY PUNYETA KA. Huwag kang manigaw. Hindi na nga kasya eh, pinapausog mo pa! Tataas-taas kayo ng pamasahe, sana naman convenient ang serbisyo ng mga dyip niyong sira-sira na't kinakalawang, laging lumalabag sa batas, pinagsisiksikan niyo pa mga pasahero! Sisigaw-sigaw ka diyan, pakagat ko sa aso yang titi mo eh."

Talagang nagtimpi lang ako, kasi kinakabog niya yung dyip ng malakas habang sumisigaw ng, "USOG NA NAMAN PO KAYO O!!!"

Pero siyempre, nagtimpi ako. Baka ma-discover pa ako sa showbiz kung magiskandalo ako. =p

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN PSYCHOLOGY ::::::...
Ang mga taong madalas magsabi ng "Sabi ko na nga ba ganun yung mangyayari eh" and mean it ay dina-diagnose na may tendencies ng Schizotypal Personality Disorder.

See
Hands off! JUNE 12, 2004                                                              

Soundtrack: Burn - Usher
Emotional Status: Challenged to learn speaking in public
Brain Content: Magrereport ako sa Mondaysa BC 100! Argh.

Is dis da wey tu da layb?

Oist, may ituturo ako sa inyo. Maaari ninyo itong gamitin against sa mga Speech Comm majors o kung sinumang mga taong mahilig mangorek ng pronunciation ng mga English words.

Hindi ganun kadaling mag-American English, unlike Pinoy English. Kung inyong ikukumpara ang mga pangungusap na ito, may makikita kayo:

1. I learned subtraction when I was in fifth grade.
2. Ay lernd sab-trac-shon wen ay was in feeft greyd.
3. Ay lrrnd seb-chrec-shan wen-ay was en fift greyd.

Ang #1 ay ang sentence as how it should be spelled. Ang #2 ay ang kung paano ito ipo-pronounce using Pinoy English. Ang #3 ay ang American English way. Ang journalism ay dapat i-pronounce as diur-na-li-zm para mas magandang pakinggan.

Well, at least, sabi ng mga English-speaking majors.

Pero consider my point. >:)

Kung hindi rin lang naman kayo mag-i-straight English, huwag ng magpaka-American English effect. Kung ikokorek kayo ng mga tao, ilathala ninyo sa kanila itong itinuturo ko sa inyo.

Alam mo ba yung definition ng sovereignty?

Be free to say that sentence in Pinoy English. Alam mo ba yung deh-fee-nee-shon ng soh-veh-reyn-tee? Mas corny kung ganito ninyo sasabihin: Alam mo ba yung deh-fe-ni-shan ng sah-vren-tee?

Ang average ng mga grades ko ay 1.25.
Ang ah-veh-reyj ng mga grades ko ay wan-poynt-tuwen-tee-fayv.
Ang eh-vrej ng mga grades ko ay wun-poynt-twen-nee-fayv.

Maging consistent. Kung mas prevalent ang Tagalog sa inyong sentence, mag-Pinoy English pronunciation. Kung straight English, better do it the American English (or any genuine English such as British) way.

Kaya naman iga-grab ko ang oh-pur-too-nuh-tee na ito upang i-expose ang mga nagdaan kong teachers. Nung elementary ako, pinagpipilitan ng aking maestra na ang lettuce daw ay pronounced as le-tis. Siyempre tutularan ng mga bata. Eh siyempre, kapag bata, Pinoy English halos iyang mga iyan. Kaya kapag nagbabasa sila ng textbook, Ma-der bot tree kee-loss ohf le-tis.

Ramdam ko na napulot ng teacher kong iyon ang pronunciation galing sa American English. Kung papakinggan mo nga naman sila, le-tis ang litaw ng pronunciation.

Isa pa yung World Lit teacher ko na ang Italy daw ay It-lee. Duh! Ee-tah-lee yun. Kung mag-a-American English ka-Ayv ben too It-lee last yeer-dun siya It-lee (Actually hindi naman talaga It-lee; Itl-lee). Pero kung Pinoy-Pintor siya sa It-lee-obvious na trying hard at jologs pakinggan.

Nakatikim ka na ba ng shak-let (chocolate)?

|

First Day Of Classes

Everything was supposed to be perfect.

My blue shirt was recently-purchased a week before from SM. I put on one of my favorite jeans and wore my new underwear. Well, I forgot to bring my belt, but I could survive without it.

And then the weather. It was the loveliest weather in the country. In fact, my favorite. The sky was dark, the color of the environment was reduced a little, the wind was a bit chilling, and water sprayed from above. Yes, when the weather is depressing and everyone hates it, I'm overjoyed. Thanks to Bagyong Frank.

I was looking forward to a memorable day, but then, something seemed to be a miss. A very huge miss.

I realized I forgot one-half of my UPD life-my FORM 5, aka Registration Form. I didn't only leave it somewhere in the boarding house. I left it here in Angeles inside my scanner (I scanned it for my previous entry). So I had to take a bus back to Pampanga right after my last class (luckily, my 5 pm - 8 pm teacher was absent) just to fetch that damn piece of paper. And my belt, too.

[To non-UPians, the Form 5 is a very important thing in UP. Sometimes, much more important than one's ID.]

|

My Look-A-Likes Daw

Dumarami yata ang mga kamukha ko ah (as claimed by visitors).

Jimmy Bondoc  Michael V  Ely Buendia of Eraserheads/The Mongols

Tatlong "bee." Jimmy Bee, Michael Bee, and Ely Bee..

Jimmy Bondoc. Hindi ko alam kung paano ko naging kamukha ito. Hindi naman ako singkit. At hindi rin ako marunong mag-moan ng sobra tulad niya.

Michael V. Wahaha. Inaamin ko, noong bata ako may tumatawag din sa aking Michael V. Dahil obese ako nung bata pang-asar ng kuya ko sakin na ang Michael B. daw stands for Michael Baboy.

Ely Buendia. Vocalist ng Eraserheads/The Mongols. Looking at the picture, medyo proportional ang nose namin at lips. Yun siguro. Pero personally, tingin ko malayo kami.

Heto naman yung iba pa.

SoulflyYung vocalist ng 6Cycle Mind kamukha ko daw. Sa tingin ko, mas kamukha nun ay si long lost brother Soulfly. Ngunit sabi naman ni Soulfly, magkamuka daw kami (at some angles, I agree).

Sa Peyups naman, may nagsabi sa Peyups Award Thread sa Member's Area na kahwig ko daw si pinaka-latest na Rexona Boy. Si Mr. "Is this the way to the libe?"

Opinyon ko, mas kamukha nun ay si Soulfly, na sinasabing kamukha ko daw. So under sa law ng transitivity which states that if a = b and b = c then a = c, maaaring kamukha ko siya ng kaunti.

Pero ito lang, wala talaga akong kamukha sa kanila. Pinakamalapit na yung kay Soulfly.

|

Plagiarism, etc.

A Happy, Marvelous, Transcendental, and Superfluous Independence Day to all of you.

Kamakailan pala ay na-plagiarize ang Sana Guwapo Ako article ko, as committed by Monching. Kung hindi pa nakita ni Camille ay hindi ko malalaman. As in inangkin niya na siya ang may-ari (along with Chinito's articles).

So buong puwersang nilusob siya ng mga Peyups people at pinagsabihan. Good thing ay dinesisyon niyang itigil na ang pangongopya ng mga gawa. Naiinggit daw kasi siya eh at gusto niya ring masabihan na magaling siya.

Oo, nakaka-flatter, pero one of the worst things to do to hurt a writer is to plagiarize his work. Tandaan iyan.

PS: nakasalubong ko si Ate Glow sa left wing ng CSSP. :P

Sulat para sa akin ng teacher ko nung hayskul na nakakabasa ng aura. (see letter) [my name is JASON only not JAYSON]

Prediction niya na writing talaga ang magiging career ko. Magkatotoo kaya? Nasa BroadComm ako eh. BInasa niya dati ang aura ko. Tamang-tama ang description niya:

analytic, loner, unopen, not transparent, mysterious, identity crisis

|

...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMMUNICATION ::::::...
People who have deep interpersonal relationships live longer than loners. Meaning, agad akong mamamatay at prone ako sa coronary heart disease.

See
Hands off! JUNE 6, 2004                                                              

S-track: Standing At The Edge Of The Earth - Blessid Union Of Souls
Emotional Status: Hypnotized by the weather
Brain Content: Classes na tomorrow. Sana umulan para masaya.

Simpleng Hiling

Kung magde-descend si Lord at iga-grant niya ang three wishes ko ngayong gabi, ito ang mga wishes ko right now. Disclaimer lang, ang mga wishes na ito ay hindi magara. More on issues tungkol sa self dahil alam niyo naman, ang word na IDENTITY sa akin ay nawawala.

  • Unang kahilingan. Lord, gusto kong identity yung medyo antisocial na snobbish na loner na angsty na may pagka-punk ng kaunti.

    Sa kasalukuyan, ito talaga ang gusto kong maging personality. Naku-cool-an ako sa mga taong ganun sa totoo lang. Mas gusto kong bad ang impression ng mga tao sa akin para hindi ako masyadong lapitan. Tapos, kapag may mga by chance makakasalamuha ako, they will know the real me. Pero hindi puwede, sapagkat may isa akong paniniwala. Refer to my next kahilingan.

    Mas gusto kong maging medyo problemado (socializing issues). Mas may adventure ang buhay. Kaysa naman sa kasulukuyan na sing-boring ng Spongebob Squarepants ang buhay ko. (Sorry, I'm not entertained by Spongebob.)

  • Pangalawang hiling. Lord, sana guwapo ako.

    Mahirap maging medyo antisocial na snobbish na loner na angsty na may pagka-punk ng kaunti nang pangit. Mas magiging interesado ang mga tao sa akin kung guwapo ako in spite of my intimidating behavior.

    Maiilustra natin ito sa Meteor Garden. Kahit masungit at wirdo itong si Hua Ze Lei , sinusubaybayan siya ni Shan Cai dahil lamang sa pisikal na aspeto. Kung pangit ka pa't medyo hindi approachable ang personality mo, sa kangkungan ang aabutin mo sa lipunan.

    Yung kaguwapuhan na gusto ko ay iyong kahit nakasimangot ay guwapo pa rin. Yung hindi ko na kailangan pang mag-smile. Natural na, kumbaga. Kasi kung medyo angsty ka, ang tendensiya ay hindi ka nakangiti.

  • Pangatlong hiling. Lord, wala pa akong naiisip. Dalawa na lang muna. Reserba na lang itong pangatlo sa susunod.

    |

    320/320 Vision: QC Newbie

    Noong unang panahon, isinilang ako sa Pampanga at lumaki sa Angeles City kagaya ni Apl De Ap ng Black Eyed Peas. Mga labinlimang taon din akong nanirahan dito, at dito na rin nakapagtapos ng Pre-School, Elementary, at High School.

    Kolehiyo, nakapasa ako sa UPCAT, ngunit sa second choice ko lamang na campus-UP Pampanga. Pinangako ko sa sarili ko na kapag Second Year ko na, lilipat ako ng Diliman.

    At sa kasalukuyan, matagumpay kong naisagawa ang pangakong iyon. Five reasons why I want to transfer:

    5. Nandoon ang mga kursong nais kong kunin.
    4. Gusto kong mamuhay na hindi muna sa aking hometown.
    3. Maraming tao galing sa iba't-ibang parte ng Pilipinas.
    2. Malapit sa SM North Edsa.
    1. Maraming punong matatayog.

    Ibang kultura na ang aking makakagisnan. Lumaki ako sa siyudad, ngunit iba pa rin ang siyudad ng Quezon. Mas siyempre, may pagkakaiba pa rin ang isitlo ng pamumuhay sa UP Diliman at UPEP Pampanga.

    Isa na dito ay ang pagiging dependente ng UPEPP sa UPD. Sa UPD nakatago ang transcript of records namin at doon din kami kumukuha ng ID dahil kami ay extension program ng UPD. Wala rin kaming clinic sa UP Pampanga, kaya kapag may nahimatay sa corridor, ibabiyeha muna namin siya ng dalawang oras papunta sa Infirmary ng UPD para matignan ng nars.

    Mahal ko rin naman ang UPEPP sa ibang aspeto. Pero ngayon, flagship school na ako.

    Sa UPEPP, ang mga freshies, laging tinatanong ng mga upperclassmen kung meron silang balak lumipat sa "higher campus" (yun ang term na gamit). Kapag umoo ka, madalas, ang sagot nila, "Iyan din ang plano namin dati." Iyon talaga ang madalas na gawain ng mga freshies ng UPEPP-ang gawin itong stepping stone. Guilty ako dito. Isa na ako sa mga kino-congratulate ng mga tao sa UPEPP dahil nakalipat ako sa CMC.

    Masaklap mang pakinggan, ganito talaga ang pag-iisip ng karamihan sa UPEPP. Kahit anong pangungumbinse ng directress namin (na minsan ay dine-delay ang release ng class cards sa Comm II para hindi makalipat ang iba), ito pa rin ang aming mentalidad.

    Ngayon, sa Quezon City na ako mamamalagi.

    Pagdating ng panahon, matututunan ko ring masikmura ang mga pinapatugtog ng paboritong radio station ng mga bus na sinasakyan ko mula Angeles hanggang Quezon Avenue-Love Radio, kailangan pa bang i-memorize iyan? Kakayanin din ng mga tainga ko ang marathon ng Otso-Otso, Sasakyan Kita, Pito-Pito, Peluka Kong Itim, Pamela Wan, at Otso-Otso Pamela-mela Wan Radio Edit Mix.

    Sa ngayon, medyo nabibighani pa ako, pero balang araw, matututunan ko ring isnabin ang mga billboards ni Jennylyn Mercado (at ng iba pang Bambini ladies), ni Bea Alonzo, ni Britney Spears, ni Beyoncé, ng Starstruck Kids, ni Kris at Korina, ni Avril Lavigne, atbp.

    Hindi na rin ako mapapraning sa hinaharap habang nakasakay ng dyip. Mamememoryado ko rin kung saan dapat bumaba o kung lumampas na ako ng CSSP. Matatatak din sa aking isipan na ang mga Philcoa jeepneys ay magyu-U-turn pa kaya hindi ko na kailangan pang bumaba dun sa may overpass.

    Magiging natural na rin sa akin ang kaalaman kung saan ang tamang terminal ng bus sa may Cubao pauwi ng Pampanga. Hindi na ako matataranta habang nakasakay ng Cubao Ibabaw na bus sa kahahanap ng Seven Eleven at Zagu na silang mga palatandaan ko na kailangan ko ng bumaba. Mafi-feel ko na lang basta na dapat na akong pumara.

    Hindi na rin ako mafi-freak out ng mga batang pulubi na bigla-biglang papasok sa dyip at kukuskusin ang mga sapatos ng mga pasahero ng pahapyaw, na noong una ay akala ko ay mga asong nakapasok ng dyip.

    Hindi ko na rin pang muling hahanapin ang PH 213 sa Faculty Center at hindi na ako magbabayad ng P5.50 sa mga Ikot at Toki.

    Marami pa akong matututunan, pero last na lang: AS na rin ang itatawag ko sa Palma Hall. Hindi na Palma Hall.

    Sanayan lang iyan.

    Welcome sa mga freshies at transferees na bagong salta sa kalakhang Quezon. Mga QC newbies.

    ###############
    The author has transferred from BA Psych (1st year) in UPEP Pampanga to BA Broadcast Communication (2nd year) in UPD. Maybe in there he'll learn how to talk.

    |

    ...:::::: SOMETHING I LEARNED FROM THE INTERNET ::::::...
    Hindi black ang madalas na color ng mga witches. Green at purple ang mga paborito ng mga ito. Notice niyo sa Harry Potter. Ang simbolo ng mga witch ay yung star na naka-encircle. Ang tawag dito ay Pentagram. Bawat points ng star ay nagrerepresenta ng element (fire, water, air, earth, soul). Yung soul ay yung point sa pinakataas. Kapag ni-invert mo ang Pentagram, napupunta sa baba ang soul at napupunta sa taas ang earth at fire kaya nagiging itong simbolo ng Diablo.

    See
    Hands off! JUNE 5, 2004                                                              

    Soundtrack: Goodbye Yellow Brick Road - Camile Velasco
    Emotional Status: Relieved
    Brain Content: I hate home. There's lotsa food and I can't stop eating.

    Pasalubong From QC Unang Yugto

    Where were we? Ah, yes. Yung intriga kung may kapaan ng ari at puwetan sa UP Health Service. Ang kasagutan: MERON... Pero yung doktor na naka-assign ako, WALA. Which means, virgin pa rin ako, hahaha!

    Sa tingin ko, inatake ng katamaran yung doktor (which is to my advantage). Tinanong-tanong lamang niya ako kung meron akong asthma, altapresyon, kung maayos daw ba ang balat ko sa singit o sa puwet o kung may hadhad daw ba ako, etc. Siyempre wala. At kung meron man, sabihin ko na ring wala para mapabilis ang pagkuha ko ng medical certificate.

    The Red CapJune 3 pa ang enlistment, pero naki-usyoso na rin ako sa UPD noong June 2 (Wednesday). Sinuot ko ang aking "Tatak Visionary." Ito ay yung aking red na cap na nakikita niyong ginagamit ko dito.

    Tama ang prediction ko. Merong kahit isang tao ang makakakilala sa akin dahil sa suot kong cap. At iyon ay walang iba kundi si

    BabyPink na nakabelong itim na nakasalubong ko sa CAL. Eye contact muna kami habang nagkakasalubong, tapos, "You're Lagsh, right?" sabi niya. Theory ka, nalaman niyang ako yun dahil sa aking suot na cap na red. Bali ngayon, wala na akong mukhang ihaharap pa sa publiko. Exposed na.

    June 3, advising and enlistment. Sabi sa akin ng aking Program Adviser sa CMC (Mr. Austria) nung ina-advise na niya ako: "Aba, nakapasa ka pala!? Sino kaya ang nagpasa sa iyo?" Pero joke joke joke lang yun siguro kasi ganun din daw ang intro niya sa ibang mga nagpapa-advise.

    My subjectsNagpa-enlist ako, at laking tuwa ko na sa lahat ng mga transferees na manual ang pag-eenlist (hindi pa kami permitted mag-CRS), nakuha ko ang desired subjects ko in two days! Hindi na ako nag-sign pa sa kung anong petition para maopen ang isang class, at hindi ko na rin kailangan pang mag-makaawa (prerog) sa pasukan.

    PE 2: Weight Training For Men
    Broadcast Communication 100 (under the feared Mr. Avecilla)
    Communication 100
    Political Science 14
    Communication 3: Oral Communication Skills
    Malikhaing Pagsulat 174: Pagsulat Ng Drama
    Humanities 2

    Meron akong medyo hindi type na schedule. Yung MP 174 ko ay every Mondays, 5 pm to 8 pm. 8 pm. Haller!? Tapos na nun yung Flame Of Recca atsaka Endless Love 3. Atsaka pano na yung Marinara every Monday? Mami-miss ko.

    All in all, 18 units. Meron din akong Wednesday class. Hum 2. No choice kasi eh. Instead of Monday-Thursday 8:30 am - 10 am, yung Wednesday na lang. Kasi kung 8:30 ang pasok ko every Monday at manggagaling akong Angeles City (na hometown din ni Apl De Ap of Black Eyed Peas), kailangan kong gumising ng 4 am.

    June 7 ang pasukan. Excited ako. Dahil sa enlistment medyo memorize ko na ang daan-daan ng UP, kahit first kong natunton ang College of Human Kinetics atsaka yung Math building na mukhang parking building ng SM North Edsa.

    To be continued after these messages

    |

    Bakit may mga punyeta sa sinehan?

    Napanood niyo na ang Harry Potter 3: Prisoner Of Azkaban? Ako, oo. Kani-kanina lang. Suot ang aking sleeveless shirt, jacket, at jeans, mag-isa kong pinanood. Hindi maipon ang mga puwedeng isama manood eh, kaya ako na lang, para walang hirap.

    Dahil dinumog siya ng mga mortals, puno na lahat ng seats... maliban yung iilan sa harapan. Kaya no choice ako, imbes na tumayo ng ilang oras at magka-varicous (tama ba spelling?) veins. Parang biyaheng bus yun mula sa sakayan sa San Fernando ah.

    Maganda yung movie. I'm not hard to please... well, at least, sometimes. I'll give HP3 five stars out of five. Magandang-maganda ang cinematography, lalo na dun sa time turning part. Nabasa ko na yung book, kaso two years ago pa yata yun, kaya nakaka-refreshen na din ng memorya.

    Nakaka-"ah, kaya pala; yun pala yun" yung time turning part. Kudos.

    Enjoy na sana pero napupunyeta ako sa katabi kong bata. Ang galaw-galaw! Hindi naman nanonood. Nasipa niya ako unintentionall ng mga limang beses. May binubulong-bulong pa na hindi ko maintindihan. Patakbo-takbo pa sa harapan ko. Punyeta niya. Gusto ko siyang isako at itapon sa impiyerno.

    Isa pang punyeta ay isang bata rin na hindi na masyadong bata. Manaba-naba at naka-glasses. And he's one hell of a dork. Take note na dalawang klase ang mga dork. Una, yung mga hindi nakakairita. Yung pangakawa ay yung mga paepal na, hence, nakakairita. Sa latter type napapabilang yung isa pang punyeta.

    Yes, the whole world already knows! You read the book and can remember every little detail that's in it! You don't need to reiterate loudly that the movie wasn't that faithful to the printed material. And may I repeat, we all already know that you have mastered the book! Just shut up and let us watch! Yes, you know that Scabbers is a friggin' Animagus who's also Pettigrew, you don't need to shout it out.

    It's also good that you remember what Expecto Patronus can do to that friggin' creature Prof Lupin was using in his Defense Against The Dark Arts class, but please, shut up. Or better yet, go to hell and tell Lucifer and his shitty minions that Lupin turns into a Werewolf whenever moonstruck or that the Dementors strangle out your happiness. Fffffff... Pffft... Fu--fu... F-f-fffuc... Ah, whatever.

    Sana talaga may fourth installment ang Harry Potter movie. Gusto kong makita ang Triwizard Tournament.

    Kumakalat ang balita na si Heart Evangelista ay kasama sa choices for Cho Chang in the next movie. I found it a relief from Angela na hindi siya nasama, I don't know why.

    Heto, pabuenas. Kayo na ang mag-interpret, pero hindi ito kissing scene ni Cho Chang at Cedric sa 4th movie. Sa club ito nakuha. Naku, Heart, lagot ka kay Luis M.

    Naku, lagot ka kay Luis Manzano!

    |

    Pasalubong From QC Ikalawang Yugto

    Back on air...

    Ang aking tirahan. Isang boarding house sa UP Village na maganda.

    May dala akong TV! At hulaan niyo kung paano ko ito napapagana kahit walang antenna. Sinasaksakan ko ng tinidor yung antenna plug sa likod ng TV at klarong-klaro ang local channels! Super-relief dahil may MTV Pilipinas sa Channel 41.

    Pagkauwi ko kagabi dito sa haybol namin sa Angeles, pumayat daw ako sabi ni ermatz. Agree ako, maski ako napansin ko yun. Paano ba naman, abnormal ang mga kinakain ko. Usually, walang breakfast. Tapos nung enrolment, halos fishball at buko juice angh lunch ko. Tapos yung dinner ko ay mga tinapay na nabibili dun sa Gal's Bakery sa may Philcoa. Ang mura kasi eh. Favorite ko yung pineapple breads na tigdadalawang piso bawat isa.

    Okey yun. Pumapayat ako.

    Kaya ayokong umuuwi dito sa amin. Maraming pagkain! May pagka-anorexic pa man din ako-feeling guilty after eating. Pero nami-miss ko sa bahay ang aking mga MP3s sa PC at siyempre, ang pagba-blog.

    Pasingit: na-realize ko lang sa boarding house na MAS MAGALING SI CAMILE VELASCO KAY JASMINE TRIAS at hindi ganun kagaling si Jasmine. Crush ko si Camile. Ang pangit din pala ni Jennifer Hudson. Kamukha niya ang dambuhalang si Bituin Escalante na sa tingin ko ay magbo-boldstar soon.

    |

    ...:::::: SOMETHING I LEARNED FROM WATCHING TV ::::::...
    Ka-family ng octopus ang snail at may glowing abilities ang mga squid. (Ang tipid, no? Wala pa kasing pasok eh...) Iba pang information, si Miss Australia ang Miss Universe 2004. Natsugi si Ms. Philippines nung una pa lang.

    See
    Hands off! JUNE 1, 2004                                                              

    S-track: Standing At The Edge Of The Earth - Blessid Union Of Souls
    Emotional Status: Self-hating [Level 4]
    Brain Content: God I'm excited to go to school!!! *wiggle*

    Pre- and Post-UPD Blahs

    BroadComm na ang in-applyan ko. Na-shock ako (oo, na-schock!!!) nang halos nagcomment dun sa previous entry ko ay pinipilit akong mag-Psych na lang dahil introvert + vocal course = haller!?

    Yun nga po ang dahilan kung bakit gusto kong i-try ang career sa BC. Tama, si Lagsh ay isang introvert na madalang pa kay FPJ kung magsalita. Yun na nga eh. Dapat mabago yun. Pero sa totoo lang, wala akong balak maging madaldal. Basta.

    Atsaka mas may opportunity of national fame ang BC. Gusto kong makapasok sa GMA News And Public Affairs (na halos mga tiga-UP, pati mga heads, kaya magkakasundo-sundo ang mga tao, di tulad sa Dos, as claimed by a CMC prof). Siyempre National TV ang GMA 7, kaya may chance tayo ng national fame.

    From there, puwedeng mag-career move ako from broadcasting/field reporting to recording and staging concerts. Meron na nun tayong chance matalo ang ating karibal na si Jay-R, na diumano'y nakikipag-usap na sa manager ng Backstreet Boys sa kalakhang Amerika.

    O kaya naman ay tumakbo tayo sa Senado o sa Konggreso dahil libre ang aircon sa session hall. Lamig-lamig kaya dun! Para kang nasa loob ng Universal Studios sa Amerika. Tapos ang taas-taas ng bubong! Nakaka-amaze.

    Medyo mangungurakot tayo ng kaunti para makapagpa-release ako ng libro a la Bob Ong, o kaya para pa-derma kay Dr. Calayan o Dra. Vicky Belo para once and for all madedo itong mga pimples na 'to. Bibili rin ako ng pagka-mahal-mahal na I Scream Bench/ na shirt, maliban na lang kung matutuloy na si Rainier ang magiging next image model ng Bench/.

    Makakabili na rin ako nun ng Digital Cam, Web Cam, atsaka yung cell phone model na puwede kang kumuha ng picture.

    Tapos from there puwede nating ligawan natin si Kyla o kaya si Alessandra De Rossi, o kaya pa-assassinate si Kris Aquino, Tito Sotto, at Eddie Gil.

    [EXTRA INFO RATED PG: Bukas ay pupunta tayo ng UP Health Service upang pa-certify correct information ang aking kinuhang medical certificate, x-ray, at dental certificate and record dito sa Angeles. Ang masaklap, I have to be a temporary porn star and show my friggin' dick to the doctor there. Kakapain kaya? Tignan na lang natin.]

    |

    I'm So Wasted

    OA na. Promise.

    Sa katunayan, matagal na itong nangyari, pero ngayon ko lang talaga na-realize: Ka-OA-yan na 'to! Sabi nga ni Marinara (Marie, Dolphina, Aira) dun sa mga porpoise, todo na daw to the highest level.

    Si David Whitmire. Isa siya sa mga bestfriend ko noong 5th at 6th Grade. Tatlo kami sa grupo mainly: ako, si David, at si Darvie. Sabay kami kung mag-recess at madalas kaming mag-Mortal Kombat sa bahay nina David. Maraming beses na rin akong nag-stay sa bahay nila para makilaro dun sa Sega niya.

    Kaso nung 6th Grade, hindi siya naka-graduate dahil sa kababaan ng grades. Simula nung high school hanggang ngayon, hindi na kami close.

    HETO ANG ABERYA.

    Kamakailan, nakuha ko kay Darvie (na to my surprise ay tumawag sa akin after many, many years para lang mangumusta, which I find extraordinary because of a reason you might have probably guessed) ang cell number ni David. Ni-text ko yung tao, nangumusta via text, at ni-remind siya na ako si Jason. So yun, surprised siya. Puno ng exclamation points ang reply niya.

    Oyyy! Jason, kamusta ka na tol!!?? Tagal na nating hindi nakakapag-usap. May landline ka ba?

    May landline ba kami? Oo, meron. Pero hindi ko alam ang irereply ko. Bakit niya hinihingi ang landline ko? Posible bang tatawag siya para makipag-usap at makipagkuwentuhan sa buhay-buhay? Naku, alam niyo na siguro ako. TAKOT AKO SA PAKIKIPAG-USAP at PAKIKIPAGKUWENTUHAN. Especially yung kumustahan blues.

    Kung magrereply ako na wala akong landline, baka sooner or later malaman niya kay Darvie na may landline kami. Ayokong naiipit sa mga sitwasyon na dulot lang ng mga kasinungalingan.

    Sa kakaisip, hindi na ako nakareply. Hanggang ngayon. Dammit. Sana makidlatan ako because I'm so wasted.

    |

    #$@*?$%!

    Masamang pangitain.

    I've been sick of myself lately. I long very very much to be someone else. Aaaargh. Lumalala ang thought na ito bawat araw. Looking back, napansin ko na ito na lang lagi ang nasa isipan ko. Sa banyo, sa bus, sa UPD, kahit saan! Bago matulog, paggising sa umaga, habang nanonood ng TV. Whenever. Sana this will pass.

    Kung bakit ay isang komplikadong bagay na maski ako ay hindi pa lubusang naiintindihan.

    Ang epekto ay madaling maubos ang fuse ng temper ko lately. Namumura ko ang trash can kapag hindi nasiyu-shoot ang basurang tinatapon ko. Hindi ko na rin nun itatapon pa ng maayos yung basurang hindi na-shoot, na para bang sinasabihan ko ng "mangisay ka diyan!" Kapag may nakakabangga ako sa daan, naba-badmouth ko sa isipan ko ang taong nakabangga ko.

    Lagi na ring nakakunot ang eyebrows ko. Nagbalik na rin ang dati kong behavior na laging nakatingin sa kawalan habang nakayuko't naka-tiger look. Umaangas. Nagiging kung-ayaw-mo-huwag-mo-hindi-ako-magmamakaawa rin ang attitude ko. Ganun naman talaga ako dati pero mas malala itong ngayon. O kaya let's-just-get-this-friggin'-thing-done manner.

    Kumbaga sa babae, para akong rineregla. Nawawalan rin ako ng gana sa maraming bagay. Mag-Clusivol kaya ako?

    Kung magla-last pa ito, sigurado na ako sa maaaring magkaroon ako: isang long-term Personality Disorder.

    Naaalala ko yung movie na pinanood namin sa Psych 101 dati. Title niya ay Antoine Fisher, isang taong may personality disorder-hirap siyang makipag-mingle sa mga tao, ayaw niyang makipag-intimate o friendly relationships, at madaling matumbok ang kanyang temper-na dulot ng mga pangyayari sa kanyang nakaraan.

    Matulad kaya ako sa kanya?

    |

    Pagwalay

    Alam na nating sa Diliman na tayo at umuuwi tayo every weekends. Closest possibility ay mas madalang na maaupdate ang blog na ito. Mga once to thrice a week na lang.

    Pero pangako ko, mas marami tayong stories at insights na ilalathala. Siyempre bagong environment sa QC. Maraming mga kapuna-puna at kaokray-okray na naman. Tipong "Modern Promdi In The Big City" ang ratsada natin.

    Kaya mga kids, huwag kayong mawawala! Paalam! *

    * Line of Son Gokou every preview of next episode

    |

    ...:::::: SOMETHING I LEARNED FROM THE INTERNET ::::::...
    According sa mga scientists, ang planetang Venus ay maaaring maka-sustain ng life (i.e., microorganisms). Totoo na mainit pa sa oven ang surface ng Venus, ngunit yung mga Venusian microorganisms ay maaaring nabubuhay sa mga sulfuric clouds sa langit ng planetang iyon. May binabalak nang expedition papunta doon para kumuha ng cloud samples at dalhin sa Earth.


    --> May 04 <--


  •      VISIONARY v3.0 - Everything Copyright © 2004 Jason Laxamana
         Best View: 800x600 Resolution / 16 or 32 bit color
         All Rights Reserved. All Wrongs Reserved. All Lefts Reserved.
         Ang mag-plagiarize ng kahit ano dito kakagatin ko sa singit!
         no girls were raped in the making of this website.