 |
JULY 27, 2004
Soundtrack: If I Ain't Got You [remix] - Alicia Keys f/ Usher
Emotional Status: So-so.
Brain Content: I'm loving CMC. *wink wink*
|
Mga Tibak Na Mahilig Mag-Assume
May mali sa mga aktibista. Minsan masyado silang assuming na nakikiisa ka sa kanila nang hindi man lang kino-konsulta o inaalam kung kaisa ka nga nila sa kanilang ipinaglalaban.
Katulad dati, may nagsasagawa ng rally sa left wing ng AS. Nasa silid-aralan (para sa mga tangek: classroom) noon kami. Nung dinaanan kami nung mga nagra-rally, halos sabi nilang lahat:
O, ano pang hinihintay niyo? Tara na!
With matching Gloria-inspired na hand movement na "tara na" (kay Gloria, sa RORO project, "biyahe na!") yun. Hindi ko na lang alam kung ano ang nilalaman ng pag-iisip ng mga taong sasama na lang basta sa rally na yun ng basta-basta.
Tapos, nasa Philcoa ako dati, pauwi na sa boarding house. Bumili ako ng hilaw na mangga sa tabi kasi naglilihi ako nun (nyehehe joke). May prayer vigil sa baba ng overpass-may kumakanta ng may guitar accompaniment, may mga humahawak nung malaking banner, may mga nagdarasal, at may mga nagsisindi ng mga kandila.
Tungkol kay Angelo Dela Cruz (na isang jologs dahil isang Kapampangan) ang rally. Noong mga panahong iyon, hindi pa ako fully educated sa Angelo issue na iyan, kaya humingi ako ng leaflet. Eh masyadong mahaba, hindi ko na binasa; tinago ko na lang.
Medyo lumapit ako sa mga kasapi ng vigil. Babasahin ko sana yung nakasulat sa kanilang banner para malaman kung ano ang pinapanindigan nila... nang biglang inabutan ako ng blue na kandila.
Hindi pa man ako nakaka-inhale ng hangin para sumagot, kaagad ng sinindihan ang kandila ko.
Para maka-eskapo, itinirik ko na lang yung kandila at sinabi dun sa hindot na tibak na babalik ako-magbibihis lang ako sa bahay.
At siyempre, hindi na ako nagbalik. Sarap kaya ng manggang hilaw.
PS: dahil sa kandila scene na yun hindi ko na tuluyang nabasa sa malaking streamer kung ano nga ba talaga ang ipinaglalaban ng mga mokong.
Tanginang Taxi
Sumakay ako kahapon sa isang taxi sa Quezon Avenue kung saan ang tsuper ay kundi bangag, nanggu-good time. Sabi ko, dalhin niya ako sa UP Village, daan kami sa may National Housing Authority.
Alam niyo kung saan ako dinadala? Sa loob ng UPD! Susko. Sabi ko, "Manong, sabi ko UP Village. Daan tayo ng Housing sabi ko. Nagtataka ako kung saan niyo ko dinadala."
"Ah, UP Village!"
Tuloy-tuloy pa rin siya sa pagmamaneho hanggang nakarating na kami ng Palma Hall. Inulit ko, "Manong, lumampas na po tayo ng UP Village!" Sa katunayan nanggagalaiti na ako sa aking kaloob-looban pero naaawa ako sa matanda. Baka mamatay siya ng frustrated sa career niya as taxi driver.
"Saan ba yun?"
POOON-YEAH-MHASSS!
May taxi driver pala na hindi alam kung saan ang UP Village??? Gustuhin ko mang isipin na siya talaga si Michael V na nagpapanggap na taxi driver para sa show niyang Bitoy's Funniest Videos, hindi niya kamukha si Michael V kahit anong imaginative surgery ang gawin ko sa mukha niya. (I only invented the word imaginative surgery; huwag tutularan.)
Nagngingitngit na ang aking mga ngipin. Hindi isyu sa akin ang oras eh. Pumapatak ang metro, na supposed to be, kanina pa ako nasa boarding house at naglalaro ng Playstation (oops).
"Sa may Philcoa po yun!"
"Ah, dun pala. Oo, dun nga."
At dinala niya ako doon. Hindi ko na tinignan ang metro dahil ayokong ma-high blood ng hindi oras. Tinanong ko na lamang siya kung magkano ang ibabayad ko, para tignan kung makapal talaga ang mukha niya, dahil marahil (marahil lang naman) alam niya na sa kabobohan niya ay lumaki ang aking bill.
"71 pesos."
Hehe. Php71. Samantalang usually Php45 - Php50 lang ang binabayaran ko. Pero tulong ko na lang sa kanya yun. Baka nagkukulangan siya ng masustansiyang pagkain kaya siya nagkaka-ganun.
[edit/additional] Argument With A Fool
Sa mga dati pang bumibisita ng site ko, alam kong alam ninyo na hindi ko hinahayaang naiinsulto ako, lalo na sa blog ko mismo. Dahil kapag nag-iskandalo kayo dito, makikipag-debate ako sa inyo with matching humiliation.
Reply ito ni coolgrlinwhytsnkrs sa entry ko about Tibaks.
You want common sense and intelligence!? Then, blimey, let's get to it!
hey! watch your words! u're abusing our language by calling dm names.
Oh really? How? When I used the word "hindot"? Why? Were you that specific person in that prayer vigil? Why are you so affected? Remember that this is a BLOG. A diary. Name-calling is as casual as saying "tangina mo" to a close friend or calling Rainier "taong buhok".
na22wa ako syo dti nung nsa ibang mundo k p, i mean, nung wla k p s diliman pero mejo pnsin ko lng, pumnta ata sa ulo mo pagi2ng UPian mo na tga diliman.
And is this supposed to make me feel bad? Paano ka matutuwa nung nasa "ibang mundo" pa ako eh as far as I know you started visiting my site when I was already in UP Diliman. I'm not asking you to visit my blog, dear. Shoo if you can't bear my entries. I don't write for you.
well, bata k p n u don't really knw hw d world wrks bt i tl u wat, those ppl i believe r nt fighting 4 anything bt tryng 2 gain attention frm d gvrnmnt pra ky Mr. dela Cruz.
I advise you to take Philo courses so that you can fill you head with the information that age doesn't generaly matter in insight. Sagutin mo ang tanong ko: DO YOU KNOW HOW THE WORLD WORKS? HUH!? DO YOU? DID I MENTION SOMETHING LIKE ATTENTION GAIN? Read my entry again and apologize for committing A GREAT FALLACY, or else I'll lose my respect for you and your level of intellect entirely.
It's common sense kid! pakikiramay!
Well this world will be a better place if you start using your common sense: I know why people do rallies. I didn't say I was against their act. I was against their acts of inviting people to join them without even seeing to it if people really want to join. PLEASE, read properly. Sayang ang pagpapa-aral sayo!!!
why don't you imagine your dad in Angelo's place? it's not even impossible, you know, it can also be worse.
THIS IS IRRELEVANT, may I remind you. You're going out of your mind.
i bet, kahit isang taong magsindi ng kandila for your dad, (if ever ikaw nasa sitwasyon ng mga anak ni dela cruz), mamatay man sya, kahit pano matutuwa ka kasi maraming nakiramay.
Now you really lost your mind. I didn't know what in my entry pushed you to say this. You're in craze.
now, i don't wonder why your social life has been pathetic for a while.
Well, bad news for you, I hate it that the words are coming from me, but I'm starting to impress people in UPD, gaining friends, and even going out with a girl who has the slightest relation and acquaintance with me. And TANGINA mo, my social life is not pathetic. I'm proud of my preference of being alone most of the time. INGGIT KA LANG SIGURO, kasi kahit mabulaklak ang social life mo, WALA KANG SILBI.
wala kang pakikisama.
If you're a real UP student, you know that evidence is required in claiming such sensitive issues. On what logical grounds can you say that I have no kinship with people?
good luck kid! hope, you'll survive being a real Upian.
I will, don't worry. Thank you for your wish of good luck. But unlike you, I treat enemies as low forms of dirt, so I wish you all the JINXES in life.
dami ka pa pagdadaanan.
Kung magsalita ka, parang you know all. Eh fallacion naman lahat ng claims mo. Mag-aral ka nga ulit tangina mo.
tsk! tsk! poor fellow, sayang utak mo...gamitin mo, ok!
I'm not sure if my mind is really that great, but one thing is for sure: IT SURE IS BETTER THAN YOURS. Oh wait! It's not better than yours. Wala ka yatang brain eh.
HIRIT KA PA? GAME AKO.
To other people: Honestly, don't insult me when you have invalid grounds. I enjoy humiliating fools who do that kind of act.
...:::::: SOMETHING I LEARNED THROUGH THE INTERNET ::::::...
Tungkol sa sex stories, may diperensiya ang pornography at erotica. Ang former ay mga scenes lang na basta sex lang ng sex ng walang story. Walang katuturan at plot. Basta na lang nag-erect yung ano ng lalaki at nagtutubig yung ano ng babae tapos go na sila sa kama, sa office, sa banyo, sa kotse, etc. Ang erotica naman ay may story. Meron munang things that lead to the lovemaking scene. In fairness sa Pinoy bold films, erotica sila. Yung Barely Legal ay perfect example ng pornography. Bigla na lang nagkaroon ng anal at oral sex sa tabing-dagat!?? Ano kaya yun?
|
 |
JULY 24, 2004
Soundtrack: If I Ain't Got You [remix] - Alicia Keys f/ Usher
Emotional Status: Awed by the bulk of schoolwork I have for next week.
Brain Content: When will the academic armageddon end???
|
I'm Like So Ngarag Sa Pag-aaral
(Bago ang lahat, congrats sa tatlong bagong kolumnista sa Peyups! Sina Handyfemme ng The Ampersand, Apocalypse/Godkiller ng Coffee And Chaos, at Taas_kilay ng Ideosyncrazy. Hindi kasi sila feeling tulad ng iba diyan na nagpipilit maging kolumnista at nagde-demanda pa ng kung anu-ano sa Peyups ng admin.)
O Ave Maria! Kayrami ng kailangan gawin para sa susunod na kalingguhan! Ngaragan na 'to. Promise. Singka-ngarag tayo.
Tungkol naman sa nakaraang unang exam ko sa PolSci 14, okay naman. Hindi ko na-perfect, pero hindi rin sigurado akong babagsak. Nasagot ko naman yung essay, explain/define the following, at enumeration ng walang mintis, hahaha! Yung choose the best answer at modified true or false lang ang nagpahirap sa akin.
Yung exam na yun ay kahapon (Biyernes). Nung Huwebes, wala akong pasok (PE lang ang klase ko supposed to be pero pinipinturahan pa ang Weights Room kaya cancelled ang class; binigyan kami ng prof ko ng sets of exercises na gawin daw namin sa bahay-neknek niya).
Ide-dedicate ko dapat ang buong araw sa pag-aaral ng PolSci 14. Biruin mo, anim na medyo makapal na readings ukol sa State, Political System, Models, etc.! At hindi pa yun kumpleto. Tapos, yung notes ko, in general, isa lang ang request sa akin: "I-MEMORIZE MO NA KAMI, NYAHAHAHA!"
Kaso, alas otso na ako ng gabi nag-aral! Wahahaha! Oist, huwag tularan. Mag-isip kayo ng sarili niyong raket na makasisira ng inyong pag-aaral.
Dinala ko sa boarding house ang panira ng pag-aaral ko!
Una ay mga non-academic books na nais kong basahin kahit saan-sa classroom, sa AS steps, sa Sunken, sa CASAA, sa Katag, sa bus, o kahit saan pa man. Kabilang sa mga recent kong binasang mga libro ay ABNKKBSNPLKo!? at Harry Potter and the Order Of The Phoenix. Kasulukuyan ay tinatapos ko ang Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?. Nais kong isunod ang The Da Vinci Code.
Ito talaga ang panira: Playstation!!! One lang, hindi two. Wahahaha. Pinadala ko sa isa kong housemate para may libangan (in other words, panira sa pag-aaral) kami sa boarding house tuwing walang ginagawa (which seems so rare now). Ito mainly ang dahilan kung bakit 8 pm na ako nag-aral noong Thursday.
At inyong mantakin, wala akong binasa ni isa out of anim na reading sa PolSci 14 nang gabing iyon. Gumawa lang ako ng reviewer ng mga na-jot down kong notes sa notebook, tatlong yellow paper, back-to-back ang inabot. After kong ma-memorize at ma-comprehend ang nasa front page ng unang yellow paper, inantok na ako't natulog.
"Kaya ko 'tong tapusin bukas," sabi ko sa aking sarili na may halong pitik sa aking konsiyensiya. "Tatlong oras naman ang break ko."
To be resumed... after these messages.
The Mating Project (Revivification)
+ =
The Anglicization Project IV
[Dahil busy tayo, maikli munang 'kanta' ang aking i-a-anglicize.]
Coke Of Mine (Coke Beat)
Anglicized form of Coke Ko 'To (Coke Beat) by whoever chants it
Here is the beat
Together now
Here is the beat
Don't falter now
Notice the speed
It does increase
Don't ever miss
Don't ever miss
D'you get it now?
I too got now
The aaahh...
Coca-Cola!
Bewilderment
Bewilderment
About to faint
About to faint
Coke of mine
Coke of mine
Coke of mine
Coke of mine!
As Regards Examinations...
Alam ko dapat kong ikatuwa na 2nd highest ako sa Quiz 2 namin sa Comm 100, pero ako, half lang akong masaya tungkol sa resulta.
Paano ba naman kasi, yung highest 3, pino-post ng prof namin ang pictures na kinuha niya sa first day class. As in kinuha-siya ang nag-photograph sa amin sa klase.
Kung bakit ayaw kong napo-post ang pics ko dun ay mukha akong taong binuo ng nagkadikit-dikit na lupa na in-ornament-an ng facial features at buhok. Sa isang salita: PANGEEEEEET! Hindi kaaya-ayang tignan. Kung sanang medyo hindi kapangitan ang kinalabasan ko sa pic, katulad ng mga pics ko dito (hehe) okay. Pero hindi nga eh.
Hindi kasi ako makapag-project ng maayos noong first day of class. Paano ba naman kaya, pini-piktyuran kami sa harap ng aming mga kaklase! Timid pa ako noon kasi baguhan pa lamang ako sa UPD at dala ko pa rin sa aking bisig ang aftershock ng hindi ko pagdala ng aking Form 5.
Haaay. Medyo nakakasawa ang pag-aaral. Parang mga balita tungkol kay Angela Dela Cruz at lovelife ni Kris Aquino. Kailangan ko ng sideline. Something na makasisira ng routine na daloy ng aking buhay. Ang one million dollar question: ANO!?
Hindi naman puwedeng lovelife-saka na yun. Career muna. PUwede ring org, kaso next sem pa ako makakasali (Broadcasters' Association), tapos medyo kinakabahan pa ako kasi nakikita ko ang mga applicants ngayon na nagtitinda ng Potchi sa CMC habang may suot na iba't-ibang costume tulad ng pakpak ng fairy at korona. Anyway:
Tungkol ulit doon sa POLSCI 14 Exam:
Nag-lunch ako ng 10 pm at lumipad patungong Main Libe at doon nag-aral. Pero sadyang ayaw akong lubayan ni Tukso. Sa aarw na yun ko lang nalaman ng may internet pala sa Electronic Resource ng Main Libe, kaya nag-Internet ako, hahaha! Oks lang, 30 minutes lang naman. Ni-tsek ko lamang ang Visionary (salamt kay the_Paradox sa kanyang papuri; nabuhayan ako ng loob sa pag-aaral noong mabasa ko ang entry niya tungkol sa akin), Peyups, at Friendster.
Pagkatapos noon, tinodo ko na ang pag-aaral. Nag-memorize ako to death ng paulit-ulit. Time is runnong out! Anim na readings pa! Pero hindi kaya, kaya ang binasa ko na lang ay dalawang readings. At take note, yung pangalawang reading, scan na lang ang ginawa ko.
Mag-a-ala una na. To Room PH 124!!! Harharhar. Hindi ko sinabing "bahala na" dahil nag-aral naman ako kahit papaano. Sarili ko lamang ang aking masasandalan. 30 minutes akong napaaga, kaya nag-aral ako withmy classmates.
Siyempre, hindi puwedeng hindi ko itanong, "Memorize mo na ba lahat? As in lahat?" IBa na kasi ang nadadalang boost ng self-confidence kapag ang sagot ng kaklase mo ay, "Hindi pa nga eh!" Kung false humility man iyon ay hindi ko alam, pero still, nakaka-pacify ng pakiramdam.
Tapos, hangga't may nakikita kang nagre-review, magre-review ka na rin, kahit kaunti na lang ay mental hospital na ang bagsakan mo. Ewan ko ba.
Yun, exam na. Usually, una akong nagsa-submit ng test papers (noong Hayskul pa) kasi hindi ako mahilig magpaligoy-ligoy at wala rin akong balak mangopya. Pero sa test na yun, hinayaan ko munang may mag-pass na lima, kasi kapag nag-pass na ako ng paper, babasahin ng teacher ang sagot ko. Pag mali-mali baka matatak sa isipan niya na hindi ako nagpe-pay attention.
Baka maka-affect sa grades ko, hahaha. Gamitan daw ng Psychology.
Share Ko Lang The Pic
Kung kamukha ko si Rexona Boy, ang mga friend kong si Jonah (left) ay kamukha daw nung Oreo guy sa Berks, si Arirang (center) ay kamukha si Diana Zubiri, si Noi (back) ay kamukha si John Lapuz, at si Terence ay... um, isip muna ako. :P
Maka-visit nga sa UP Pampanga sa Quezon Day. Kung nagtataka kayo kung ano ang puti-puti sa mga mukha namin, powder yan, kasi naglaro kami ng baraha. Iyan ang parusa ng natatalo.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 3 ::::::...
Sa isang survey ng US Bureau of Census: karamihan ng mga taong masasaya ay single, kasunod ng mga married, tapos widow, tapos, hindi masyadong masaya ang mga separated. Mas marami ring masasayang taong naniniwala na may Diyos. Ratio ng lalaki at babae sa Pilipinas ay 100:97, which means, mas maraming lalaki.
|
 |
JULY 20, 2004
Soundtrack: She Will Be Loved - Maroon 5
Emotional Status: Scared of PolSci 14 exam on Friday
Brain Content: M-Must... s-study.. l-lessons...
|
Picture Message
Shet... andaming exams... :(
Yet hooked pa rin ako sa pagne-net! Naka-chat ko ng panandalian si Siege (aka Altarboy). Speaking of him, nagbalik na nga pala siya sa pagba-blog, although uber huli na ako sa balita, hehe. I was caught unawares.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 100 ::::::...
May kinalaman ang dating ng pangalan ng mga tao sa atin sa pakikitungo natin sa kanila. Wala lang, haha.
|
 |
JULY 17, 2004
Soundtrack: Angels Brought Me Here - Guy Sebastian
Emotional Status: In _ _ _ _
Brain Content: From now on, the Sunken Garden is my reading area.
|
The Anglicization Project III
The Spaghetti Song
Anglicized form of The Spaghetti Song by the Sexbomb
Joey:
Now, now, now, my darlings, are you ready?
Okay, we’ll start it now, won’t we?
Right, 5, 6, 7, 8!
Give me ten
Head aches all of a sudden
Waist aches all of a sudden
Sexbomb Sexbomb Sexbomb
(Just make it continuous now, okay?)
Give me ten
Chest aches all of a sudden
Knees ache all of a sudden
Sexbomb Sexbomb Sexbomb
(All together now)
Spaghetti that goes down, going down and going down
Spaghetti that goes up, going up and going up
Spaghetti that goes down, going down and going down
Spaghetti that goes up
Spaghetti that goes down and that goes up!
Aw, you listen now
Joey:
I don’t wanna lose weight
I don’t wanna gain weight
I don’t wanna identify with some gigantic beast
The ones that I despise
Are those who’re skin and bones
I also don’t wanna be called skinny or called obese
What Uncle Pot desires
Is sexy, sexy, sexy
So work your body out
That’s what my comment is
Give me ten
Head aches all of a sudden
Waist aches all of a sudden
Sexbomb Sexbomb Sexbomb
(Just make it continuous now, okay?)
Give me ten
Chest aches all of a sudden
Knees ache all of a sudden
Sexbomb Sexbomb Sexbomb
(All together now)
Spaghetti that goes down, going down and going down
Spaghetti that goes up, going up and going up
Spaghetti that goes down, going down and going down
Spaghetti that goes up
Spaghetti that goes down and that goes up!
Aw, you listen now
Joey:
Grind it going down
Grind it going up
Do burn the calories so that they oughtta come out now
To those undernourished
Whether you’re young or old
Engage body in movement, laziness must not exist
If you wish to be sexy
Have an awesome body
Let’s all engage in some dancing
That’s what my advice is
Give me ten....
Rexona Boy Resemblance
Oo na. Naniniwala na ako. Kamukha ko na si Rexona Boy-ng kaunti.
Nakalimutan ko kasing ikuwento. Noong debut kasi, after ng party, tambay muna kami sa may pool ng mga high school batchmates ko. Eh medyo humirit ako (honestly, hindi na ako yung laging tahimik na bata na walang imik tuwing may okasyon; ito na siguro ang dulot kung hindi ng ang aking pag-aaral sa UP, ng pagsabak ko sa MassComm), sabi ko, "Tol, may kamukha daw akong commercial model."
Tumaas ang kilay ni Ron. "Sino na naman?"
Ginaya ko ang kilay at nguso ni Rexona Boy. "'Who's our teacher nga?'"
Tumawa naman daw sila. Oo nga naman daw, lalo na sa mata. Kaya from now on, sige naniniwala na ako, ALTHOUGH, ayoko pa ring tanggapin (ano kaya yun? wehehe).
Ito pang isa kong batch mate na si Nikki, ginago namin. Sabi namin sa kanya, ako yung nandun sa Rexona talaga. Nanlaki naman daw ang mata ni Nikki! "Ows???? Totoo? Walang gaguhan?"
Umoo kami. Awestruck siya talaga! Pero sinabi namin ang totoo siyempre nung bandang huli.
Drained
Wala muna akong ikukuwentong matino sa inyo sa entry na ito. Ngarag na ngarag ako this whole week. In fact, I forgot that it was Mum's birthday last July 14!!! Pero last week, pinaplano ko talagang ibili siya ng regalo sa SM North! Tsk tsk.
Tapos, na-preoccupy pa ang isip ko ng ano... basta... basahin niyo na lang ang Emotional Status ko sa taas. ;) Ciao!
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN PSYCH 101 ::::::...
Gusto niyo bang paligayahin ang crush niyo? Ganito: Minsan tinititigan natin sila, hindi ba? Kapag nahuli ka niyang tumingin, alisin mo ang tingin mo sa kanya pero dapat mapapansin niya na tinitignan mo siya. Gustong-gusto daw nila yun.
|
 |
JULY 13, 2004
Soundtrack: [don't know title; latest single of Sandwich]
Emotional Status: Like my life suddenly became fast-pace
Brain Content: Oh no! I started a rumor yesterday in class! Tsk tsk.
|
Psychic In A Debut
Nung Sabado ay debut ng high school classmate kong si Charmaine at pumunta ako despite of the fact na nagsugal ako ng four absences sa PE sa hindi pag-attend nung sinumpang UAAP opening na yun.
Siyempre may bitbit akong kuwento at mga kuro-kuro para sa mga talipandas na bumibisita ng blog ko. Puwede ba namang wala??? Actually, puwede, pero this time around, meron! In short, puwedeng meron, puwedeng wala.
Semi-formal attire. Naka-long-sleeves akong polo na indigo at cream na long pants. Magpapaka-semi-eccentric sana ako by wearing a long-sleeved polo na white, untucked, my high school black pants, my favorite white cap, and a loose business tie. Di ba? Celebrity ang dating! Pero baka hindi ma-justify ng pagmumukha at self-esteem ko, kaya cancel-cancel.
Peste ang mga ka-table ko.
Bakit ba ganyan ang mga tao? Iyan ba ang masamang nadudulot ng etiquette crap na iyan? Ambabagal kumain! Dahil psychic ako, nababasa ako ang nasa kanilang mga isipan:
Shet, kailangan bagalan ko. Dapat hindi ako ang unang matapos kumain para hindi ako magmukhang garapal. Pero in fairness, masarap itong dila ng baka. Gusto ko nang pakyawin, kaso dapat magpakahinhin ako.
Awright, aaminin ko rin! Ganyan ang nasa isipan ko, pero nahimasmasan ako nang pinag-isipan ko ng mahusay. Inalala ko ang mga teachings ni Aristotle, ni Machiavelli, at ng iba pang mga hindot.
"Punyeta," sabi ko sa isipan ko. "Ba't kailangan kong magpakabagal?" Kaya iyon, naging normal na ang bilis ng pagkain ko at una akong natapos.
At ano pa itong pinapauso ng mga taong nagtitira sila ng pagkain sa kani-kanilang mga plato? Heto ang readings ko:
Shet, kailangan magtira ako ng pagkain sa plato para hindi magmukhang gusto ko pa. Ang awkward naman kung simot na simot ang tsibog.
Ops! Hindi ako guilty nito. Nabasa ko dati sa isang God-forsaken na etiquette handbook na kailangan daw nagtitira ng kaunting pagkain sa plato. "Don't finish it all."
Hindi ko naman sinundan dahil bad shot sa akin ang etiquette. Ang definition ng etiquette sa Lagsh's Dictionary: "Etiquette - n. that crappy thing that overly conscious people take into account whenever in a social gathering to feign that they are highly learned, prim, and that they belong not to a so-so social class."
Meron pa nun akong nabasang your 'pinky should be erected whenever holding a cup of coffee.' Atsaka 'do not let the food in your teaspoon touch your lips whenever about to eat cake.'
Crapbag!
[May katuloy pa, pero patalastas muna tayo. Babalikan natin ang mga iba pang nangyari sa debut.]
Galaw-galaw
#1: SM Entertainment Plaza, Food Court, SM North EDSA
May Band Breakout. Battle of the bands of some sort. Nakipagsiksikan ako sa mga taong nanonood mula sa first floor para makapanood nung mga bandang tumutugtog. Bago kasi ako mapadpad banda dun, may gumugulo sa aking isipan. Nag-dedelusyon kasi ako nun eh, kung paano ba sumikat. :p
Eh yun, tapos, biglang intermission number. Hindi ko expect na sila pala magpeperform: si Bamboo and company!
Elesi ang unang tinugtog. Yung katabi kong babae headbang ng headbang while raising her hand doing the 'rock on' sign. Bilang isang psychic, nababasa ko ang nasa isipan niya:
YEAH! Pay attention, all you uncool, naive people! Look at me! I can headbang endlessly and painlessly while singing Elesi simultaneously with Bamboo! And then look at my hand! I'm doing the devil sign! How cooler can I get???
Ayun, astig naman yung banda. Tinugtog din ang Mr. Clay, Awit ng Kabataan, mga ibang kantang una ko pa lamang nadinig, at siyempre, Noypi.
Siyempre, puwede bang hindi gawin ni Bamboo ang signature dance motion niya? Yung parang zombie na sumasayaw na movement.
#2: Conference Hall, Faculty Center, UPD
May book launching ng kung sinong taong hindi ko kilala. Pinapunta kami ng prof ko sa Malikhaing Pagsulat eh.
Naka-situate ako sa balcony, so kita ko ang mga tao from above. Hindi ako nakikinig sa mga pinagsasabi-sabi ng mga taonn nagko-conference. Basta nag-oobserba lang ako (habit ko ito eh).
Maraming numbers ang UP Singing Ambassadors. Nag-entrance sila, lahat obvious na peke ang smile. At kagaya ng iba pang mga chorus groups, may maestro. Ewan ko kung bakit kailangan ng maestro ng mga chorus groups tuwing nagpe-perform. Hayun yung maestro, sine-sway-sway ang mga kamay niya habang kumakanta ang mga singers. Parang sinasapian ng baklang duwende.
Kitang-kita rin sa mukha niya na feel na feel niya ang voices ng mga singers. May papikit-pikit effect pa siya na para bang may endless supply siya ng orgasm. Kung mag-moan siya siguro, mas effective ang emosyon.
Nabaling ang atensiyon ko sa mga oldies na nanonood habang Ang Bayan Ko yung grupo. Aba! Sumasabay sila sa pagkanta, na para bang ginagawa ng mga kabataan tuwing pinapatugtog ang Rainbow sa radyo.
Ang tanong ngayon, ano ang gusto kong palabasin???
Wala, actually.
Katuloy Nung Debut Thingy (Warning: "Things")
Mabalik tayo dun sa debut.
Ang rinegalo ko kay Charmaine ay dalawang aklat. Ang Paboritong Libro Ni Hudas (Bob Ong) at Discover And Keep True Love by some author I didn't bother to give a damn about.
Si Charmaine din ang first ever na taong nakatanggap at nagkaroon ng Titig Sa Kawalan bookmark! Pina-laminate ko ang isang back-to-back print out ng Issue 12 at 16 ng Titig Sa Kawalan, and it was nothing but cool! Na-tempt nga akong wag ng ibigay sa kanya at akin na lang eh, kasi ang ganda, wehehe.
May nilakip din akong personal letter sa loob, saying the usual greetings, why I chose the books I gave her, and some advises na binawi ko rin sa huli. Ano ba to! Don't heed my advices. Non-conformist (a more classy term for weirdo) pala ako, hehe. Not always here but frequent enough to be there for you, Jason (a name of mine no one used to call me during high school, kaya Lagsh na lang).
Ang significant pa dito, first time kong bigyan ang isang non-relative ng regalong specially packed (except school Xmas parties; required dun e).
Later that night, she texted me. tnx fwend! u made this nyt soooo complete! tnx 4 d gift ha, i lykd it so much. and d bookmark was nyc! ill never forget this nyt, tnx 4 d tym u wasted on me.. hehe, ingatz!
Ganito pala ang feeling when you make people happy... I've never felt this way in my years of existence.
May second message pa kinabukasan... something with: ui tnx sa gift, huhu bkt nag-abala kpa... pero ang ganda, n ung bookmark! n ung lettr, kakat0uch.. dont tell urself ur a weirdo coz ur more of a contemporary philosopher. sbi nga nila the unexamined lyf isnt worth living... ur better off than most guys. tnx 4 dat touching sacrifice u made... tnx lagsh! :)
Feels good.
At least, finally commented something NOT on what can I do but on what I am as a person. It's something I've been craving for for the past years, which nobody seemed to care to supply until that night.
Ang Aking Espasyo
May naliligaw akong PolSci 14 classmate sa blog ko, at komento niya (na nalaman ko kay Glaeza) para daw akong ibang tao sa Internet! Hindi daw niya akalain na ako.
O ayan, may clue na kayo on what I'm like in the real world. ;)
May naka-chat din ako dati, biglang tanong niya, Commercial model ka ba talaga? Nyahahaha!
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 100 ::::::...
People who delve to much in the Internet world (me as a great example!) have the highest chances of acquiring individualistic behavior, and usually have interpersonal afflictions. O, self-assessment time to all you Internet geeks!
|
 |
JULY 10, 2004
Soundtrack: The Show - South Border
Emotional Status: Enraged with the power failure
Brain Content: Harry Potter V Harry Potter V Harry Potter V...
|
UAAP Season na!
At mamayang ala una na ang opening sa Araneta Coliseum.
Kami sa PE, required kaming mag-attend nung opening. For the past two meetings nga, wala kaming ginagawa kundi ang mag-practice nung cheering na itinuturo sa amin nung mga Pep Squad people. "U-nibersidad... Ng Pilipinas, U-nibersidad..."
After naming manood, kailangan naming maghanap ng isang pep squad member. Ipapa-sign namin sa kanya ang ticket namin. Sa Lunes, dadalhin namin iyon at ipapakita sa teacher naming dakila. Iyon nun ang magiging proweba na nandoon nga kami sa Araneta nung Opening.
Heto ang suabe. Ang hindi daw makapagpa-sign ng ticket (hence, hindi nanood ng Opening) ay mamamarkahan ng hindi lang isa, hindi lang dalawa, hindi lang tatlo, at hindi rin lima-kundi APAT na absences! Four. 4. Cuatro. A-P-A-T. Five minus one. Square root of sixteen. Two times two. Two plus two. 359595956 divided by 89898989.
Astig, hindi ba?
Para sa inyong kabatiran, nasa Angeles na ako ngayong araw na ito. Pasaway na ba akong bata? Marahil maitatanong niyo, bakit ako pumayag na magkaroon ng APAT na absences?
Una, ayoko nang manood eh. General Admission lamang ang nakuha kong ticket. Pangalawa, magdedebut mamayang gabi ang high school classmate kong si Charmaine. A-attend ako, gusto ko na ring makita yung mga dati kong kaklase. Atsaka Candle ako. Kung a-attend ako nung Opening na yun na matatapos ng mga 6 pm, at ang debut ay 6:30-7 magsisimula, ano na lang ang gagawin ko??? Apparate!*
Attendace Fraud.
Ito ang magiging susi sa aking salbasyon. Kinuntsabahan ng kuya ko ang isang kaibigan niyang Pep Squad at pinag-sign sa ticket ko, nyahaha. So in short, kahit hindi ako nag-attend, may pirma pa rin ang ticket ko. Diskarte lang, mga tsong.
Paano ba naman kasi, APAT na absences pa eh. Makatarungan ba iyon? Hindi. Kaya hindi ko na rin ni-take into account kung hindi makatarungan ang gagawin ko. Kung ni-equate lamang ng teacher ko ang hindi pagsulpot sa Araneta sa ISANG absence lamang, hindi na ako mag-aabala pang i-fake ang aking attendance.
Sa aking mga mambabasang wala pa sa ligal na edad, huwag akong tutularan. Slight lang. Good luck na lang sa Maroons at sa UP Pep Squad. Paka-headstand niyo, aight? ;)
* Apparate - sa Harry Potter, ito ang term for teleporting.
The Anglicization Project II
I Wish, Mother
Anglicized form of Sana Mama by the Maskulados
When I see you cry, I'm hurting inside
It's as if my cold heart is choking
I also don't know why it's like this
I'm envious when you're with someone else
I wish, I wish, I resemble Aga
I wish, I wish, I have lots of money
I wish, I wish, I knew how to convince
I wish, Mother, that I am now your Father
I wish, Mother (hoo)
That you will have yours truly as your Father (I wish, I wish)
For you to be able to not be under
Your womanizing Father, Father
Replace him now!
I wish, Mother (hoo)
That you will have yours truly as your Father (I wish, I wish)
For you to be able to not be under
Your womanizing Father, Father
Replace him now!
My love for you is as big as my muscle
Including your name, stamped on this chest of mine
I won't leave you once you select me
Unlike your Father who deceives very well
I wish, I wish, you'll answer me already
I wish, I wish, you love me like I do
I wish, I wish, you'll give me another chance
I wish, Mother, that I am now your Father
I wish, Mother (hoo)
That you will have yours truly as your Father (I wish, I wish)
For you to be able to not be under
Your womanizing Father, Father
Replace him now!
I wish, Mother (hoo)
That you will have yours truly as your Father (I wish, I wish)
For you to be able to not be under
Your womanizing Father, Father
Replace him now!
Sometimes, I no longer know what to do
And if I get rejected, I'll go crazy
Up to my bedtime and to my awakening
I dream that it's you whom I am with
I wish, I wish, we are now together
I wish, I wish, I'm allowed to kiss you
I wish, I wish, I am always hugging you
I wish, Mother, that I am now your Father
Wow Mali
May bitbit akong kuwento. Huwag kayo, loko, galing SM North pa lang ang kuwento ko.
Nakatayo ako sa labas ng National Book Store (bibilhin ko sana yung The Da Vinci Code pero sabi ko, saka na lang kasi binabasa ko pa ang Order Of The Phoenix), hinihintay ang kasama ko. Pumunta kasi siya somewhere else.
Mahilig akong mag-obserba ng mga tao. Ang nakaagaw ng aking pansin ay isang babaeng red ang buhok, naka-sleeveless, at naka-skirt na may cut, so litaw ang kanyang kayumangging legs. No offense, pero in kanto terms, mukha siyang pokpok.
Umupo siya sa tabi ng isang guy. Yung lalaki, mukhang anak-mayaman atsaka, hindi tulad ko, guwapo. Biglang ni-offer ni babae ang kamay niya. Hindi ko naman sila maririnig, pero sa context, parang "Hi! I'm [name here]." yung sinabi ng babae. Itong si lalaki, nawirduhan, pero nakipag-handshake na rin.
Tapos, kinakausap nung babae si lalaki. Si lalaki naman, obvious na hindi interesado, lalo pa't hindi naman niya kilala yung babae. Tumatango na lamang siya basta. Tapos, tinignan ko si babae. Tinataas niya slowly ang kanyang skirt, apparent na ine-expose ang legs. Pero si lalaki, dinukot ang cellphone, at nag-excuse sa babae. Umalis si lalaki na may kausap sa phone.
Pero nung nasa malayo na si lalaki, tinignan ko siya-wala siyang kausap! Fake lang para matakasan si babae.
Si babae, mukhang frustrated. Akala ko katapusan na ng career niya, nang ni-offer naman niya ang kamay niya sa isa pa niyang katabing lalaki. At kinakausap din niya yung lalaki, pero after a while, umalis din si babae.
Pero hindi pa iyon ang katapusan. Lumapit pa siya sa isang lalaki pa. Tapos sa isa pa. Tapos sa isa pa (na kaagad nandedma at umalis). Take note, yung legs, madalas i-expose.
Hindi ko mapigilan. Kinailangan kong malaman kung ano ang raket nung babae. After all, future broadcaster ako. Dapat marunong ako nito. So nilapitan ko yung pangalawang lalaking nilapitan nung babae. Mukha kasi siyang student eh.
Nagpanggap daw ako. Sabi ko, ako si Jeremy at estudyante ako sa UP, Psychology. Gumagawa daw akong research. Sabi ko, napansin ko yung gawain nung babae. Tinanong ko sa kanya kung ano yung sinasabi nung babae.
"Parang may topak eh. Kinukuwento niya yung buhay niya sa akin, na mahirap lang daw sila, wala siyang pera. Yung ganun."
Muntik ko na sanang sabihin, "Tanga ka ba??? Walang topak yun! Nang-aakit yun!"
Muntik ko na rin sana siyang gaguhin. Tuturo ako sa malayo tapos sabihin ko, tsong na-Wow Mali ka lang. Tingin ka sa hidden camera namin. Wahaha.
...:::::: SOMETHING I LEARNED THROUGH THE INTERNET ::::::...
May isang singer-songwriter sa may Middle East na nagngangalang Sana Mama. Promise. Atsaka wrong grammar ang "I was caught unaware." Ang tama, "I was caught unawares." Believe it or not.
|
 |
JULY 6, 2004
Soundtrack: Accidentally In Love - Counting Crows
Emotional Status: None
Brain Content: It's so humid! Argh!
|
Remind me: I'm in MassComm
Tama ang teacher ko.
Nasa Kolehiyo ako ng Mass Communication. Dapat daw marunong akong magsagawa ng explanation.
Ang tanong kasi niya (BC 100 class), bakit binigay ang Very Low Frequency para sa maritime operations? Walang nagtataas ng kamay. Eh ako, nagtaas ng kamay dahil tingin ko tama ang sagot ko.
"Sir, because there are no obstacles in the water."
Eh akala ko puwede na. Biglang may sunog na tanong na, "So?"
"So transmitted signals are not hindered in their path."
"Because?"
"Because there are no obstacles!"
"Mr. Laxamana, we're going in circles here! Your answer is correct, but you have to be able to explain it. You're in the College of Mass Communication, therefore you should know how to explain things! The answer is that there are no geophysical obstructions in the oceans that would give trouble to the signals among ships."
Wehehe, ako na nga lang ang sumagot (tapos tama naman ang sagot ko) ako pa ang nasabihan. Pero, oo, tama siya. Nasa CMC ako, dapat marunong akong mag-communicate ng ideas.
Pero may objection ako.
Ano ba talaga dapat? Sumabak ako sa CMC na kaagad ng marunong mag-explain, o matututunan ko ang pag-eexplain sa CMC?
Oo nga pala, may joke siya. Natawa ako, though medyo hindi ganun ka-ethical. Share ko sa inyo (no offense to Ateneans; my prof said it, so direct your complaints to him.).
Why don't you want to study in Ateneo?"
*no one answers* *some think that it's because of the expensive fees*
"Because you'll be having an Ateneo diploma!"
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN BROADCOMM 100 ::::::...
Malalaman mo na magaling ang isang DJ sa radyo kung under sa pamamahala niya ay walang dead air na nangyayari. Dead air, yung walang sound o music o voice na pinapatugtog ang radyo.
|
 |
JULY 4, 2004
Soundtrack: Could Not Ask For More - Edwin McCaine
Emotional Status: Near to enlightenment
Brain Content: Bumilis yata ang pagdaan ng mga araw since nag-QC ako.
|
Launching: "Titig Sa Kawalan"
Ops! Bago ka magsalita, alam ko ang nasa isipan mo. Alam ko na unang naka-seduce ng atensiyon mo ay yung comic strip sa taas. Buweno, hindi ka nagkakamali! Comic strip nga iyan.
Hindi ko alam kung ano ang eksaktong tawag diyan pero ang personal kong bansag diyan ay "Photographic Comic Strip". Matagal ko nang gustong gumawa ng ganyan pero dahil pobreng nilalang lang ako't walang digital camera (hanggang webcam lang ako sa mga i-caf), hindi nagkakatotoo.
Kaya naman naisipan kong makipag-collaborate sa mga taong hindi lang may mga digicam sa kani-kanilang pag-aari, kundi may artistic mindset din sa pagkuha ng mga letrato. Isa na dito ay si Sedricke. Siya ang unang pumasok sa aking isipan.
Tapos, nandiyan din si Xeean. Salitan sila ng photos siguro ni Sed.
Bali ang trabaho ko ay ang pangangalikot ng Adobe Photoshop at paggawa ng mga walang sense/merong sense na verse per comic strip. Joining our forces, ang resulta: Titig Sa Kawalan.
Pero hindi ko ito orihinal na ideya. Ang orihinal na superstar ay ang mga artist ng A Softer World. Kung mapapansin niyo, ni-pattern ko ang style ko sa style nila. Galing-galing kasi nila eh. In short, gaya-gaya puto-maya ako. Huwag nang isangkot sa gayahan issue sina Sedricke at Xeean. Ako lang, bwahaha!
Merong isang lurker sa site ko na "ginaya" ang isang feature ng Visionary sa blog niya. Pero para daw hindi masamang pakinggan, homage na lang daw niya yun sa akin. Kaya this time, homage ko na rin ito para sa "A Softer World," hehehe.
So siguro, weekly ay may bagong photographic comic strip dito sa Visionary.
Sa Aking Pag-iisa
Nung Miyerkules, pagkatapos ng Hum 2 class ko, kahit bumabagyo (actually ang ganda-ganda nung weather kasi makulimlim na parang katapusan na ng daigdig!) ay sumugod ako sa SM North para mapanood ang Spider-man 2.
Mag-isa.
Wala akong mahagilap na kasama eh. Hindi naman ako mahilig mag-inarte na kapag wala akong kasama ay hindi na ako manonood pa. Hindi uso sa akin iyon. Looking back, ngayon ko lang na-realize na sa past four films na napanood ko sa sine-The Last Samurai, Harry Potter 3, Singles, at Spider-man 2-wala akong kasama kundi ang wallet ko.
Pakshet kasing mga kasamang iyan eh.
Anyway, mahaba ang pila sa sinehan; premiere showing kasi. Pero hindi rin ako mahilig mag-inarte na kapag mahaba ang pila ay hindi na ako manonood pa. Pila kung pila. Kung wala ng seats, edi tayo! Sanay yata ako sa matagalang tayuan-sa bus pa lang mula Pampanga hanggang Quezon nakakayanan ko, sa sinehan pa?
Nung Miyerkules ay integration rin ng baguhang mga miyembro ng org na iniwan ko sa UP Pampanga. Sayang hindi ako nakapunta, may klase kasi ako. Marami pa naman akong ideya kung paano hiyain sila, hahaha! siyempre hiniya din ako last year. Pasahan lang iyan. Astig din codenames nila:
Jennylyn Mekantot (Mekantot - kapampangan ng 'nakantot')
Joross Gambuto (Buto - kapampangan ng 'titi')
Rainier Buratillo
Pukina (from Marina)
Pukinara (from Marinara)
Drew Fuckmemore
At marami pang iba. 30 yata ang bagong members. Marami. Last year 21 lang kami sa batch namin. Ako nga pala si Harry Fucker.
Spider-man 2 nga pala usapan. Kinabukasan, nagyaya ang ilan sa mga tiga-UST kong kaibigan. Manood daw ng Spider-man 2-sa Greenhills!!! Okey lang na panoorin ko ulit just for the sake na parang magka-get together kami pero sa Greenhills pa eh. Maligaw pa ako sa Maynila.
Suggest ko, SM North na lang. Eh kesyo may surot daw sa upuan ng sinehan, blah blah blah.
Haaay. Sa showing ng X-Men 3 siguro mag-isa rin akong manonood. Unless may mga tao diyan na gusto akong samahan. *hint hint* O kaya huwag na, ma-e-expose ang face ko. =P
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 100 ::::::...
Sa bandang Micronesia, ang mga tinataguriang sexy ay ang mga taong obese.
|
 |
JULY 3, 2004
Soundtrack: Roses - Outkast
Emotional Status: Near to enlightenment
Brain Content: I watched Spider-man 2 alone; what does that imply?
|
The Anglicization Project
Flower
Anglicized form of Bulaklak by the Viva Hot Babes
It smells very good, it smells very good
It smells very good, the flower
When you smell it, when you smell it
When you smell it, oh what great joy
It smells very good
It brings so much joy
When you smell the flower
It is very big, it is very big
It is very big, the flower
It is very red, it is very red
It is very red, the flower
It is very big
It is very red
The color of the flower
Will open, the flower
Then the queen will enter
She will dance the cha-cha
Oh what joy, haha
Explode your nanny, explode your nanny
Explode yeah yeah
Explode your nanny, explode your nanny
Explode yeah yeah
It is very thick, it is very thick
It is very thick, the flower
Some are tiny ones, some are bigger ones
There are also stinking flowers
There're those that are thick
There're those that are thin
Classifications of flowers
Will open, the flower
Then the queen will enter
She will dance the cha-cha
Oh what joy, haha
Explode your nanny, explode your nanny
Explode yeah yeah
Explode your nanny, explode your nanny
Explode yeah yeah
Flower (flower, flower)
In life they are needed
So that the world will be colored
Flower (flower, flower)
In life they are needed
So that the world will be colored
[Nasa pinakababa ang comment box. Dun na mag-comment.]
Another Coniotic Theory
Isa siyang habit
Na pangit.
Sa Hum 2 class ko, tinanong ng prof ko yung isang estudyante sa back row. "Tell us something about this piece of art that we have here," sabi nung teacher.
"Ma'am, um, parang... parang it's an adult lady na parang nasa outdoors. Parang, she's oriental. Parang... parang Japanese, dahil po sa facial features niya, lalo na sa eyes. Yung parang ganun? Tapos, chubby po siya. Then, her eyes are looking down, yung parang may tinitignan siya sa baba. Parang may child siya sa side niya... parang... parang ganun."
Ang hubad na katotohanan, hindi ko kaaad na-grasp ang ibig niyang sabihin. Initially, ganito talaga ang narinig ko:
"Ma'am, um, parang... parang shishishubushushi sha parang nasa shasho. Parang, she's shoshesha. Parang... parang shabashi, shashi shoshi jusheshi voshisha, jasho coo shashays. Yung parang ganun? Tapos, shashashosha. Then, sheshebushashosha, yung parang may shinosho sho shasha. Parang may shoshoshi shasha shiha... parang... parang ganun."
Hindi ko mapigilang isigaw sa aking isipan, "Bakit ba parang ng parang ang mga tao kapag nagre-recite? Ito tuloy ang nagtulak sa aking i-conclude kung bakit fad sa mga dakilang conyo ang paggamit ng salitang like.
Like it's so mainit here in the Philippines!!! Anyway, hey, bye na, I like have to go na. I have to like shop with my Mum sa Greenbelt pa eh. My grandparents will be like making uwi from their meditation tour in Sri Lanka. Bye!
Theory ko, sa mannerisms natin ng paggamit ng parang nakuha ng mga konyo ang paggamit ng OA ng salitang like. O kaya naman it's the other way around. Ibang theory naman, idol nila si Shaggy ng Scooby Doo.
Yung paggamit kasi ng conyo ng salitang make, may theory na sa origin nun eh. Kasi daw yung mga yayas ng mga conyo, ganoon sila mag-English. "O, Georgette, you, ano, you make ubos na your... your brikpast. Your peyrents will get mad!" Haha, will get mad daw. Sa Tagalog, mababaliw daw parents niya, hahaha.
Kung conyo yung nag-recite sa Hum 2 namin, ganito malamang ang kalalabasan:
"Ma'am, um, like... like it's an adult lady na parang nasa outdoors. She's like oriental. She's like... like Japanese, because of her facial features, lalo na sa eyes. You know, like that? Tapos, she's chubby. Then, her eyes are like looking down, like she's making tingin sa baba. Like there's a child on her tabi... like... like that."
The Hidden UP Manual
When you're an Iskolar Ng Bayan:
You do not say brownout; you say power failure.
You do not say jeepney strike; you say public transport paralysis.
You do not say that light is scattered in prism; you say that light is refracted.
You do not say that a rainbow is seen in the prism; you say color spectrum.
You do not say 'characteristics' as 'chaRACte-ristics; you pronounce it CHAracter-ristics.
You do not say that manholes are stolen; you say that manhole covers are stolen.
You do not say open the lights; you say turn on the lights.
You do not say that the rain is strong; you say that the rain heavy.
You do not say colored TV; you say color TV.
You do not say that you have a TV; you say that you have a TV set.
You do not say products; you say commodities.
You do not say July One; you say July First.
You do not say that there was massive cheating in the elections; you say massive electoral fraud.
You do not say go here; you say come here.
Attack Op Di Ants
Andaming langgam!!!! Waaaaaah. Tag-ulan kasi eh. Dahil walang ref sa boaridng house, ang hirap magtira ng pagkain. Hindi dahil mapapanis ang mga ito kundi dahil laging on the lookout ang mga masisipag na langgam.
Hindi yung mga naka-steroid na itim na langgam-mga makukupad na pulang langgam ngunit mahapdi kung mangagat!
Agad tuloy naubos yung Bench kong pabango. Kasi, nagtira ako ng dalawang bun na kinain ko nung gabing bago yung araw na yun. May stock kasi ako ng 555 Lechong Paksiw (ito + tinapay = ngasab), at balak kong mag-agahan nun kasama yung tinapay. Pagbukas ko ng drawer ko (kung nasan din yung mga damit ko), mga langgam ang nagpipiyesta. Para silang mga taong bagong salta sa isang lupain.
Naiyak daw akong konti kasi gutom na gutom ako. Pero pinangunahan ako ng inis. Hinablot ko yung Bench kong pabango at inisprayan sila, hahaha! Wala na akong pakialam sa tinapay basta gusto ko masawi sila. Hahaha! Effective naman pala ang pabango. Walang nakaligtas. Lahat ay nagsi-tigil at parang nag-freeze. At least medyo sosyal ang kamatayan nila.
Pero hindi pa tapos ang laban. Mahaba pa ang tag-ulan...
PS: I drink faucet water in QC.
...:::::: SOMETHING I LEARNED IN COMM 3 ::::::...
Gumagamit ng Psychology ang McDonald's. Akala niyo ba wala lang na choice ng McDo ang colors na red at yellow? Hindi ah. Ang mga kulay na nabanggit ay umaakit ng mga taong gutom, kaya ang tendensiya ay papasok tayo ng McDo para kumain. Kapag naman hindi gutom ang tao, ang mga kulay na iyon ay pinupuwersa ang mga taong nasa loob ng McDo na umalis na.
|
--> June 04 <--
|