VISIONARY
CONSECRATED AREA

DECEMBER 2004
Go HOME

the lips that don't open
Hands off! DECEMBER 27, 2004                                                

Earfood: Lose My Breath - Destiny's Child
Ramdam: Drowsy
Gunam: Ayoko na ng fruit salad, please.

return of the anglicization project

don't you ever, ever tell me
anglicized form of wag na wag mong sasabihin
popularized by kitchie nadal

Do you want to tell me something?
[May gusto ka bang sabihin?]
Why can't I be at ease
[Ba't di mapakali]
Can't even look ahead
[Ni hindi makatingin]
I just wish that you won't let this thing pass
[Sana'y huwag mo na 'tong palipasin]
And just try to solve it through
[At subukan lutasin]
Those things you said to me, that
[Sa mga sinabi mo na]

They're more deserving to have me
[Ibang nararapat sa akin]
Whom I will love eternally
[Na tunay kong mamahalin]

Oh oh oh oh oh oh
[Oh oh oh oh oh oh]
Don't you ever, ever tell me
[Huwag na huwag mong sasabihin]
That you didn't feel this love that
[Na hindi mo nadama itong]
I have only for you
{Pag-ibig kong handang]
I am even so willing to set you free
[Ibigay kahit pa'ng kalayaan mo]

Whatever it is that you thought
[Anuman ang naakala]
That I am a star indeed
[Na ako'y isang bituin]
Who'll be praising nobody
[Na walang sasambahin]
I may not appear to show it
[Di ko man ito ipakita]
Oh, my cries, they reach the sky
[Abot-langit ang daing]
Due to what you said to me, that
[Sa mga sinabi mo na]

They're more deserving to have me
[Ibang nararapat sa akin]
Whom I will love eternally
[Na tunay kong mamahalin]

Oh oh oh oh oh oh
[Oh oh oh oh oh oh]
Don't you ever, ever tell me
[Huwag na huwag mong sasabihin]
That you didn't feel this love that
[Na hindi mo nadama itong]
I have only for you
{Pag-ibig kong handang]
I am even so willing to set you free
[Ibigay kahit pa'ng kalayaan mo]

And comes the night
[At sa gabi]
Tell me who will cradle you?
[Sinong duduyan sayo?]
And in the morning
[At sa umaga]
The gentle breeze that will caress you?
[Ang hangin na hahaplos sayo?]

Oh oh oh oh oh oh
[Oh oh oh oh oh oh]
Don't you ever, ever tell me
[Huwag na huwag mong sasabihin]
That you didn't feel this love that
[Na hindi mo nadama itong]
I have only for you
{Pag-ibig kong handang]
I am even so willing to set you free
[Ibigay kahit pa'ng kalayaan mo]


musmos

share ko lang ang kuwento ng kaibigan kong si cathy. ito ay isang real-life na pangyayari. tungkol ito sa kanyang kapatid na maliit pa lamang.

sa hindi malamang dahilan, marunong nang mang-dirty finger sign ang naturang kapatid ni cathy.

sa kawalang-censorship na salita, marunong na itong mamakyu.

dahil inosente ang bata at hindi alam kung ano ang tingin ng madla sa pamamakyu, lantaran niya itong isinasagawa sa kanyang tirahan. sa kasamaang palad, ito'y nakita ng kanyang ina.

siyempre laking gulat ng magulang sapagkat kaybata-bata ng kanyang supling ay marunong na itong man-dirty finger. para matigil ang pamamakyu ng kanyang anak, tinakot niya ito.

"anak, huwag mong gagawin iyan. sige ka, hahabulin ka ng tite."


qna

question: why are men naturally polygamous?

answer: it's mother nature's way of making the reproduction of the human species quicker.

it's my honest theory. i'm a scientific natural-law geeko.

|

the lips that don't open
Hands off! DECEMBER 26, 2004                                                

Earfood: Westside - TQ
Ramdam: Bored
Gunam: Malapit na ang pasukan.

kumukulo

myx vj geoff. "hello you are with me, vj geoff, and you are watching myx firsts." sino ang vj na sasabihin ang line na ito ng pagkabagal-bagal with matching stupid eyebrow twitchings and facial expressions, partneran pa natin ng tono ng pagsasalita na nakakapagpakulo ng dugo? tapos at the end of every spiel ay magwa-whattamouth smile na parang askal na inutusang ngumiti?

westlife. hindi ako against sa mga boybands pero this one has got to go! aaargh! mato-tolerate ko pa siguro ang mga bwakanang ballad nila tulad ng my love atsaka ng mga pa-upbeat nilang mga kanta gaya ng world of our own pero iyong mga kanta nila lately, pucha. sa lahat ng ayaw ko ay ang old music. tama na kasi eh, nalagasan na kayo ng isang miyembro. disband na! sabi nga ng ex-member ninyo, when i see my babies run, when all the madness has been and gone. i'll raise my family and live in peace. now that's what's real to me. (aba, memorize ko?)

erik santos. sinong nagsabi na ikaw ang prince of pop!? ni wala ka pa ngang solo major concert. puro ka sabay sa mga "champions" atsaka kay ai ai. at least kapag tinanong ko ang ermatz ko kung ano ang debut single ni sarah geronimo, alam niya ang forever's not enough. eh ang pagbigyan muli? hanggang ballad ka pa lang na hindi naman masyadong pop (kasi hindi ganoon kasikat), tapos prince of pop?

teka, ba't ba ang init ng dugo ko?


living with ermatz

mga bagay na dapat mong matutunan kapag kasama mo ang aking ina:

kapag sinabi iyang body works, ang ibig niyang sabihin ay work out. kapag sinabi niya south border, ibig sabihin niya south beach diet. kapag sinabi niyang lanucha, ibig niyang sabihin lani misalucha. yun lang. bow.


sinehan

alam ko na kung bakit mainit ang ulo ko.

kahapon kasi, pasko. bukod pa roon, december 25 din ang showing ng mga mmff entry. ako, morbid ako't pasaway, kaya pinili kong patulan ang sigaw starring richard gutierrez, angel locsin, iza calzado, jomari yllana, james blanco, at starstruck kid avenger alla guevara.

sigaw, as in SCREAM!

hindi ko alam kung nakakatakot siya o hindi, pero ang mga tao sa aking kapaligiran sa sinehan ay sumisigaw tuwing may mangyayaring horror.

istilong asian ang presentation ng movie. obvious na adapted from the ring and the like and istilo. the hell, asian din naman tayo. ako, dahil medyo master ko na ang istilong asian horror, medyo naging predictable na sa akin ang ibang mga panakot.

kagaya nung natutulog si marvin (richard gutierrez), tapos may pumasok sa kuwarto niya. nagsisigawan na yung mga tao sa likod ko. eh ayoko ng masyadong maingay, gusto ko sanang sigawan ng, "hoy magtigil kayo!!! si angel locsin lang iyan!!!"

however, hindi ko gets ang story. hindi dahil mahina ang comprehension rate ko, kundi dahil sa isang pangyayaring nakapagpakulo ng dugo ko.

in the middle of the movie, biglang natigil ang palabas. naging impatient ako, kaya tumayo ako sa aking kinauupuan at pinuntahan ang babae sa may entrance ng cinema. tinaong ko siya kung bakit tinigil. sabi niya, wala pa raw yung rest of the film. hindi pa raw naide-deliver.

pasensiyoso naman akong nilalang, so okey lang sa akin. minabuti ko ng bumili ng tsibog para papakin sa sinehan. opportunity, habang hindi pa nagre-resume ang pelikula. doon sa bilihan ng pagkain, hindi ako pinapansin ng mga tao doon, kaya medyo natagalan ako. kung hindi pa ako nag-"BIBILI PO AKO NG ISANG ROOTBEER, LARGE!" hindi ako papansinin.

bumili rin ako ng isang hello panda na maliit. naknampating, rootbeer lang atsaka hello panda na maliit, p53.00? ang biyaheng bus mula cubao hanggang pampanga, p54.00, tapos rootbeer atsaka maliit na hello panda, p53.00? anyway.

pagbalik ko sa sinehan, nag-resume na pala ang pelikula! at ang na-miss kong part ay ang part kung saan pinaliwanag noong caretaker ng apartment ni marvin kung bakit nagpaparamdam ang pamilya nina jomari, iza, at ella. ang naabutan ko lang, nagpakamatay daw si iza. binaril daw ang sarili sa bunganga.

kaya ngayon, hindi ko gets ang bwakanang story. ang pinag-iinitan ko tuloy, sina vj geoff, ang westlife, at si erik santos.

[oo, nanood ako ng sine mag-isa. loner eh.]


guhit

jeannie

this is jeannie, up pampanga's rock chick. wala lang, i drew her. i used ballpen, tapos ini-scan ko, kinulayan ko sa photoshop. :) she's busy composing songs with her bandmates.

|

the lips that don't open
Hands off! DECEMBER 25, 2004                                                

Earfood: Deliverance - Kitchie Nadal
Ramdam: Anything but the Xmas feeling
Gunam: May assignment ako sa MP115 at di ko alam ang gagawin.

merry



merry christmas sa inyong lahat! tayo na sa mga sineha't patulan ang mga entry sa mmff 04! ako nga pala ito in a genie lamp costume dancing to the tune of arabian nights from the aladdin soundtrack.


may regalo ang poong mahabagin sa akin ngayong pasko. HINDI NA AKO LACTOSE INTOLERANT! kasi sa crema de fruta at fruit salad na kinain ko (na maraming dairy stuff), inaasahan kong magkaka-diarrhea ako, pero hinde!

ibig sabihin, tanggap na at last ng aking digestive system ang gatas!

kaya maligayang pasko sa inyong lahat, mapa-lactose intolerant man o hindi!

|

the lips that don't open
Hands off! DECEMBER 22, 2004                                                

Earfood: At Your Side - The Corrs
Ramdam: Ecstatic! And my body's still aching.
Gunam: I. LOVE. BROAD. ASS. (3x)

prutas

Broad Assladies and gentlemen; angels and demons; aliens and goons: meet UP-CMC Broadcasting Association, my beloved organization at UPD!

ito ang dahilan kung bakit ako'y naglaho ng pansamantala dito sa aking blog. tatlong linggo ang aplikasyon. binuhos ko ang oras ko sa aplikasyon kaya naisip kong iwan muna ang pagba-blog. para buong-puso akong makapag-pokus sa aplikasyon.

kaya simula ngayon, ako ay isa nang ASSER, isang [baby na] miyembro ng Broad Ass. orgmate ko na sina loren legarda, ogie (herminio) alcasid, tessie tomas, raffy barreiro, maryo delos reyes, carlo lorenzo, mariz umali, at marami pang iba! hehe.

ano ang meron ako na wala sina tuesday vargas, pia guanio, at karen davila? iyon ay ang hindi ko pagki-quit sa application ng broad ass. ;)

first and foremost, nais kong ipakilala sa inyo ang aking mga batchmates. hindi, sige, sama niyo na ako. ipapakilala ko ang Broad Ass Batch 2k4.5.

Javie
jan vincent tabjan ibesate
aka "javie," "i-be-sa-te!"
batch representative, taga-laguna

ang aming male singer. biglaang nakakatulog, kaya pati panaginip niya nasusulat niya sa kanyang journal. pinakamatanda sa amin. nali-link kay delfin, batch 2k.
Val
valine krystle fenoy evangelista
aka "val," "bangge," "ebang"
asst. batch representative, taga-qc

ang ultimate diva! pang-star in a million ang packaging. mahirap gisingin kapag nakatulog. malakas kumain. ang may-ari ng batch house na amin ginamit.
Jomie
maria teresa salao casas
aka "jomie," "hello dolly"
member, taga-batangas

ang babaeng broadway. ang tanging pop song na alam ay "endless love." pinasikat ang kantang "hello dolly" with sayaw. panikera at ingglesera. madalas masigawan ng co-applicants kapag natataranta.
Laxie
jason paul calma laxamana
aka "laxie," "jason," "lagsh"
member, taga-pampanga

malabo ang mata. pasaway. mahilig mag-analyze ng mga pangyayari sa aplikasyon. mahirap papaniwalain. clown ng grupo (daw). pinakamaagang natutulog pero unang gumigising. pawisin.
Basti
ronald martin perez sebastian
aka "basti"
member, taga-bulacan

boytoy ng batch. may business: globe autoload. laging umuuwi ng kalayaan ave. tuwing umaga. allergic sa mainit. pinakamaraming beses na pinilit na huwag mag-quit. mukhang 12 years old.


at ito naman ang aking mga masters. sila ang nag-alaga sa akin noong application.

      


master #1: master pauline. ang aking memcom master. sa aking mga master siya ang pinakamaraming namura sa akin. :p
master #2: master al. mahilig mang-guilt trip at mahilig magdala ng pagkain sa veranda, hehehe. pinakamaalaga.
master #3: master sandara... joke lang. master michico. madalas akong sabihan ng "i want you to be an asser," kaya ayan tuloy, naging asser ako, haha.
master #4: master ronnie. hunghang daw ako. ;P siya ang pinaka-alumnus sa aking mga masters (alumnus din si master al).

at ito naman ang aming big momma: si momma lara.



saka ko na ipapakilala yung iba pa. at oo nga pala, ito ang batch song namin:

at your side
by the corrs
batch song, batch 2k4.5

When the daylight's gone
And you're on your own
And you need a friend
Just to be around
I will comfort you
I will take your hand
And I'll pull you through
I will understand

And you know that
I'll be at your side
There's no need to worry
Together, we'll survive
Through the haste & hurry
I'll be at your side
If you feel like you're alone
And you've nowhere to turn
I'll be at your side

If life's standing still
And your soul's confused
And you cannot find what road to choose
If you make mistakes (make mistakes)
You can't let me down (let me down)
I will still believe (still believe)
I will turn around
And you know that

I'll be at your side
There's no need to worry
Together we'll survive
Through the haste and hurry
I'll be at your side
If you feel like you're alone
And you've nowhere to turn
I'll be at your side

|


--> November 04 <--


     VISIONARY v3.0 - Everything Copyright © 2004 Jason Laxamana
     Best View: 800x600 Resolution / 16 or 32 bit color
     All Rights Reserved. He who shall plagiarize will transform into watery shit.
     no babies were aborted in the making of this website.