VISIONARY
CONSECRATED AREA

FEBRUARY 2005
Go HOME

the lips that don't open
Hands off! FEBRUARY 28, 2005                                                

Earfood: Can't Stop - Red Hot Chili Peppers
Ramdam: Okay-okay lang
Gunam: Academic mode tayo.

b4 n ftr

sa wakas! natapos din ang event ng org ko! ang cool kasi official thespian na ako, wahaha. kahit minor roles lang ginanapan ko, okay na rin. gusto ko yung character na ginampanan ko doon sa murder mystery segment.

sabi ng mga nakapanood sa akin, ang freaky daw ng acting ko. hahaha.

nasabi na rin lamang ito, i-discuss natin ang isang (dominant) side ko. ayon sa nakararami, ang freaky ko raw. weird. let's make an analysis.

1) nakakatakot daw ang mga titig ko. parang may sa-demonyo.
2) ang freaky daw ng interes ko sa paranormal, apocalyptic, cryptic, gothic, and death-related stuff.
3) madalas may sariling world.
4) hindi nagsasalita at nakatitig sa kawalan madalas.
5) kapag sumusulat ng story o nagko-conceptualize, ang weird ng mga topics ko. for example, last sem sa playwriting class ko, mga wacky divine people ang characters ko na nagdi-discuss about cosmology at evolution of man.
6) gusto kong look ay yung kakatakutan ako at yung iiwasan ng mga tao (rockish).
7) WEIRD akong kumilos.

freaky ba talaga ako?


mini-hiatus 3

magre-reformat na ako ng blog. march 1 na ngayon pero pinalitaw ko na feb 28 para makapasok pa sa realm ng february. ill be back probably on saturday. ciao! abangan ang new look ng website. :)

sa nagtatanong kung paano ang buhay sa up pampanga, pangit ang campus. pinakapangit na nakita ko, pero what makes it a good campus ay yung pagiging maliit. magkakakilala ang mga tao.

|

the lips that don't open
Hands off! FEBRUARY 15, 2005                                                

Earfood: Boulevard Of Broken Dreams - Green Day
Ramdam: Tired
Gunam: So many things to do, so little time.

b4 n ftr

dahil busy tayo at walang masulat, i-compare na lang natin ang dati kong look sa bago kong look.

Before

Now

what can you say? :)

|

the lips that don't open
Hands off! FEBRUARY 9, 2005                                                

Earfood: True - Ryan Cabrera
Ramdam: Stressed
Gunam: I really have to be a DJ!!!

campus

isang oras lang ang tulog ko kagabi. 1:30 AM - 2:30 am lang. at hulaan niyo kung saan.

sa paanan ng gma7 building. sa labas mismo ng hindi main entrance. sa gma7 ako nag-overnight kahapon kasi sinamahan ko ang friend kong si gina sa training niya. student-dj kasi siya doon, campus airchecker (batch 3).

nasa conspiracy kasi kami sa visayas av kagabi; may writer's night doon at ni-require kami ng prof namin sa mp 115 na mag-attend. eh hindi kami maka-relate sa pinagsasabi ng mga speakers kasi pangasinense ang lengguwahe, kaya nagkuwentuhan na lang kami. nabanggit ko na last year mag-o-audition dapat ako sa campus aircheck bacth 3 sa 97.1 kaso 16 years old pa lang ako nang mga panahong iyon. 17-23 ang requirement.

nakuwento ko rin na naghahanap ako ng contact sa wlsfm kasi naghahanap ako ng campus org dot net form para i-subscribe ang org ko (for free plugging of events). tapos sabi niya, "sige ikuha kita!"

tapos, ayun, nalaman ko na airchecker siya doon. on-the-spot niyaya niya ako na samahan niyang mag-overnight sa gma7. 3 am - 6 am kasi ang training niya along with other trainees (sina vice, daniel, at ang first-timer na si wap).

so pumunta kami sa gma7 after ng writer's night. first time kong makapasok sa building ng favorite tv station ko kaya na-excite ako. andun yung mga tarpaulin ng let the love begin (na showing today) at stairway to heaven.

dahil mga 12 mn pa lang iyon, nagpa-tour kami around gma7 sa isang airchecker din. nakita ko si arnold clavio sa may canteen. ang liit pala niya. hindi siya mataba, promise. sadyang malaki lang ang mukha niya sa tv. hahanapin ko sana si starstruck 2 avenger chris martin, baka sakali andun siya. high school batchmate ko kasi yun e. naks! of all places to meet, di ba? pero di kami nag-meet. in the first place, nawawala ko ang num niya sa phone ko.

nang mga panahong iyon nagte-taping din ang bahay mo ba 'to, pero hindi namin nakita. nasulyapan ko rin ang mga tao behind dzbb.

to kill time tumambay kami sa paanan ng hindi main lobby. napagdesisyunan kong matulog muna, pero 1 hour lang kasi nilamok ako ng todo kaya pumasok kami sa lobby.

pagsapit ng 3 am, pumunta na kami sa temporary booth ng wlsfm. nire-renovate kasi yung talagang booth eh at after holy week pa maaayos.


radio

pumasok na kami sa wlsfm booth. astig! si joe spinner ang dj, pero bago siya, si danny r muna. dati naririnig ko lang sila sa radyo, pero kasa-kasama ko na kagabi! dati sa radyo ko lamang naririnig ang mga bino-broadcast at nipe-play na music sa wlsfm pero at that time, live and raw! nakita ko kung paano ang sistema at yung console stuff.

"yeah that was the muuuuzic of bamboo with a little something called 'masaya.' only here on metro manila's number 1 pop music station, campus radio 97.1 wlsfm."

siyempre hindi ako trainee kaya wallpaper lang ako dun, although two times na-acknowledge ako ni joe spinner bilang "friend of the sweet gina," so i grabbed the chance and gave out a loud "HI!" which means, may radio appearance na rin ako! (pagpilitan daw ba.)

habang pinapanood silang mag-dj, nainggit ako. gusto kong gawin ang ginagawa nila, as in. last year pa talaga ako dapat nag-audition kaso dahil sa pesteng edad ko hindi ko na muna itinuloy. basta, sa september, ako naman.

noong tinuturo kung paano gamitin yung console at yung computers, natutunan ko na rin kahit sa likod lang ako. naki-usyoso, in other words. madali lang. lalo na't interesado ako.

nalaman ko na dapat sa last beat ng mga stinger (as in yung mga voice na "rocking your world"), pindutin na ang button to play the next track para smooth ang segue. nalaman ko rin na ang mga floater ay yung mga stinger na walang background music kaya puwedeng "ipatong" sa mga kantang pinapatugtog.

bago umuwi, tinanong ko si sir joe kung saan makakakuha ng campus org dot net na form. tinanong niya ako kung ano ang org ko. sabi ko "broad ass." aba, at pati siya kilala ang org ko! hehe, iba na talaga pag asser. si chico garcia kasi ng rx asser din.

after nun, umuwi na kami. tumindi lalo ang drive ko na mag-audition sa september. :) sayang lang at low-bat ang digicam ko kaya wala akong baon na pics para maipakita sa inyo.

teka, looking back at my previous entries, hindi niyo ba napapansin? broadcast media industry na broadcast media industry ang buhay ko lately... abc5, imbestigador, gma7. i wonder what's next. ;)


forty k

happy 40,000 hits, visionary! it's a wonder kung bakit kahit nilalangaw ang mga comment box ko lately, marami pa ring bumibisita. paramdam naman kayo. thanks!

reformat tayo sa march. i'd like to make the look of my site broadcast-media-industry-ish.

|

the lips that don't open
Hands off! FEBRUARY 7, 2005                                                

Earfood: Scream - Wyrd
Ramdam: Less uglier, haha
Gunam: I'm dropping Speech Com 115.

serbisyo

salamat sa imbestigador ni ka mike, natugunan ang aking reklamo.

sa bahay kasi namin sa angeles, nabubuwisit ako sa cable service provider namin. paano ba naman nilalagyan nila ng sarili nilang chatroom ang mtv at channel [v]. tuloy, 1/4 na lang ng tv screen ang nakalaan para sa mtv at [v] talaga. kaya ang liit. sobra.

yung 1/2 ng screen ay nakalaan para sa mismong area ng chatroom, at yung natitirang 1/4 pa ay naglalaman ng instructions para sumali at kung ano ang mga available na avatars.

isa pa, walang censorship system. obvious na computer lang ang nagsi-screen, kasi kapag ni-send mo "fuck," ang lalabas ay "@#$!." pero kung ang ni-send mo ay "f-u-c-k," pasok iyon. andami ring nagpi-pick-up-an. tapos yung ibang mga avatars, ang lalaswa. meron pang mga clan-clan. meron pang, "sinong gustong makipag-s.e.b.?"

kaya naman minarapat kong magsumbong sa imbestigador para matapos na ang ka-ilegal-an nila. in the first place, nagbabayad ako ng cable para sa fullscreen mtv at [v], hindi 1/4 lang.

last year pa ako nagsumbong pero two weeks ago lang natugunan. hindi ko napanood yung feature ko sa tv, pero nagtaka ako kasi nawala na yung mga chatrooms kamakailan. tapos nagtext sa akin ang isang kaibigan at sinabi sa akin na sabi sa kanya ng kapatid niya, na-feature daw ang reklamo ko sa imbestigador.

sa totoo lang, wala akong pakialam doon sa kawalan ng censorship at sa mga cyber-callboys at callgirls. gusto ko lang talaga, fullscreen ang aking mtv at [v].

ang hindi ko lang alam ay kung ano ang gagawin sa perang kinita nila sa mga chat messages. fourth year high school pa ako ay meron na silang nilagay na chatroom sa mtv. 2nd year college na ako ngayon. potah nila. mga gahaman.


play

puspusan na ang rehearsals namin para sa play at concert na hinahanda namin. ako, dalawa ang role ko sa play (ang play namin ay divided into three: musical, murder mystery, at comedy). sa murder mystery, ako ang "author." hindi author ng script, kundi ako yung author sa loob ng kuwento. library/books kasi ang theme. sa musical, ako rin ang "author," bwahaha.

memorize ko na nga mga lines ko e. kasi, puro one-liners.

sa murder, "for my next book!" lang ang line ko, at sa huli yun.

sa musical, hindi ako kakanta. sasabihin ko lang sa librarian, "yes, ma'am, i shall exchange my book." sa huli din yun, bwahaha.

medyo cameo lang ang mga roles ko kasi asst. director na ako sa murder.

natutuwa ako. sana manood kayo. :) more information here.


huli kayo!!!

mga nahuli ng digicam ko sa lagoon.




sige, okay lang iyan. malapit na naman ang araw ng mga puso.

|

the lips that don't open
Hands off! FEBRUARY 2, 2005                                                

Earfood: My Dear - Kjwan
Ramdam: Pissed
Gunam: I hate defective diskettes, grrr.

struck

kahapon sasama ako dapat sa abs-cbn para ma-interview si nina corpuz ng showbiz no. 1 at star patrol, kaso may klase ako. tsk. may dala pa naman akong digicam. pipicture-an ko sana para may malagay dito sa blog ko.

di bale. si direk maryo delos reyes na lang ang pi-picture-an ko sa biyernes. nawa'y sa oras na wala akong klase gaganapin ang pakikipagpanayam sa kanya.

noong biyernes may concert sa ateneo. maraming banda at mang-aawit. nandun ang rivermaya. tsk. sayang. may digicam pa naman ako nung biyernes. kundi sana may pic ako ng isa sa mga paborito kong opm band.

may pictures ako kasama sina antoinette taus, tom taus, noli de castro, at isang babaeng laos na artista na nakalimutan ko na ang pangalan. ayun, shirley fuentes. wala na akong pakialam sa mga ito. wait, yung ka noli may pakialam ako. bise-presidente yun, haha.

what's with these picture-picture with famous people ba?

why does it make us feel proud when we have photos of us with cebrities, politicians, and newscasters?

ano pa ba ang difference ng nakikita mo sa tv at nakita mo in their tangible forms?

ewan ko. kaya ko nga gustong sumikat via tv e, hahaha! gusto ko ang mga batang makakakita sakin magpapa-picture sila with me tapos magiging proud din sila.

tapos gusto ko ipo-post nila sa blog nila.

nuninuninuni...


begin

manonood ako ng let the love begin.

oooopppppps!!! huwag munang makornihan sakin. pakinggan muna ang dahilan ko.

historical background muna. nilunsad ang gma films a few years ago. ang debut picture nito ay rizal na umani ng maraming parangal sa loob at labas ng bansa. sumunod naman ang muro ami, isang sineng may kakaibang tema na may social relevance. sumunod naman ang naging discovery pad ni cogie domingo, ang death row.

ngunit dahil sa iilang dahilan, nagsara ang gma films. ngayon, dahil kumikita na ng limpak ang gma, binuksan niya muli ang gma films at ang comeback movie nito ay medyo out of place kung ihahanay kasama ang mga dating pelikulang nilalabas nito.

let the love begin - isang pelikulang pinagbibidahan ng mulawin couple kasama ang ultimate starstruck 1 survivors. ang tema ay pag-ibig (dahil pebrero). base sa trailer, hindi bago ang sitwasyon: mayaman si angel, janitor si richard. pero nagmamahalan sila.

iyon ang bird's eye view.

malay natin, baka ang worm's eye view nito, may kaibahan din. kaya ako manonood ay dahil gusto kong makita kung kayang ilapat ng gma films ang excellence nila na nakita ko sa mga nakaraan pelikula sa let the love begin.

hindi ako manonood dahil fan ako nina angel at richard o nina mark at jen. itse-check ko lang kung magaling pa rin ang gma films kagaya ng dati.


remember

hindi ko alam kung bakit ko pinagtitiisan itong diskette kong ito. apat na beses na akong nabigo sa mga dapat kong gawin dito sa internet cafe kasi yung mga files na nise-save ko sa pc sa boarding house, kapag bubuksan ko na dito, bangag daw yung diskette.

ni-scandisk ko na to noon at sabi ng pc, naayos yung iilang problema pero yung ibang area ng disk surface, hindi naayos pero hindi na raw hahayaang makapag-save pa doon to avoid information loss.

e bakit ganito?

makabili nga ng bago.

|


--> January 05 <--


     VISIONARY v3.0 - Everything Copyright © 2004 Jason Laxamana
     Best View: 800x600 Resolution / 16 or 32 bit color
     All Rights Reserved. He who shall plagiarize will transform into watery shit.
     no babies were aborted in the making of this website.